Chapter 8

2125 Words
Amanda's POV "Hello po, Ako po si Amanda. Ito po ba ang apartment na tinutukoy ni Seyang?" Bati ko sa Ale saka ito nginitian ng matamis. Kunot-noong tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa na tila ay nabadtrip sa pagsabat ko sa pagpapantasya nito kag Theon. Ilang segundo ang lumipas nang mawala ang pagkakakunot ng noo nito. "Ahh! Ikaw iyong tinutukoy ni Seyang na kaibigan niyang mang-uupuhan." Nasiyahan naman ako sa sinabi nito saka napatango-tango. "Opo, ako nga po." Sa wakas ay ngumiti na ito ay tuluyang binukaan ng may maluwang ang gate. "Sige pumasok kayo. Iisa lang ang natitirang paupahan rito, at iyon ay ang nasa itaas." Pagsasalita nito habang kami naman ni Theon ay pumasok na kami nang tumalikod ang Ale kaya't sumunod nalang kami sa likod nitong nag-umpisang maglakad. Tumingin-tingin ako sa paligid. "Hindi ako tumatanggap ng mang-uupahan na hindi kasal-- "Ale. Single ho ako at kaibigan ko lang po itong kasama ko. Huwag po sana kayong mag-isip ng kung ano-ano. Galing po ako sa probinsya at matalik kong kaibigan si Seyang, lumuwas ako ng Maynila para po magtrabaho." Mabilis na litanya ko nang umakyat na ng hagdan ang Ale na sinundan lang namin. Mapanuring tiningnan lang ako nito saka tumango-tango. "Alam ko. Halata namang hindi kayo magkasintahan. Masyadong gwapo ang kasama mo." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o ano. Kapwa nakasunod lang kami ni Theon sa likod ng Ale nang makaakyat kami sa ikalawang palapag. Malikot ang mga mata kong tumitingin sa unang nadaanan naming pintuan na nakasarado pero nakabukas ang ilaw at may mahinang musikang tumutugtog mula sa loob. Hanggang sa tumigil ang Ale sa gitnang pintuan. Naglabas ito ng susi at binuksan iyon. Nakatingin lang ako sa Ale nang sindihan nito ang ilaw sa loob at pumasok roon saka naman ito bumaling saamin at iminwestra ang kamay na pumasok kami sa loob. Nailibot ko ang paningin sa paligid. "Tingnan niyong mabuti. Halos kakalinis lang niyan kasi kakaalis lang ng huling nang-upahan dahil nakabili na ng bahay. Gumagana pa lahat ng ilaw, wala problema rito, kung kukunin niyo na ngayon din makakapagbigay ako ng discount tutal kilala kayo ni Seyang na dati ring nang-upahan rito." Mahabang litanya ng Ale. Ako naman ay napatango-tango habang inililibot ang tingin sa paligid. Isa lang itong maliit na espasyo na ang unang bubungad ay ang kusina dahil sa set ng mesa at may nakita akong isang pintuan na sa tingin ko ay ang kwarto. At dahil ako lang naman mag-isa ang titira rito ay masasabi kong sapat na ito. Muli kong tiningnan ang Ale na hindi saakin nakatingin kung hindi kay Theon na mukhang nagmamasid rin. Nang bumaling ang tingin saakin ni Theon, seryoso pa rin ang mukha nito. Parang may hindi rin ito nagugustuhan. “I think this is not spacious enough.” Mabilis akong umiling rito saka ngumiti at bumaling sa Ale na nakatingin lang saamin. “Sapat na po ito para saakin. Maraming salamat sa pagpapaunlak.” Tumaas ang dalawang-kilay ng Ale na pawang nang-uusisang nakatingin kay Theon saka tumuon ang tingin saakin. “Mukha naman mayaman ang kasama mo. Bakit sa ganitong upahan mo gustong tumira?” Ngiting-ngiwi lang ang iginawad ko rito nang makita ko ang tila pagtango ni Theon pero nakatuon naman ang atensyon saakin. Bumuntong-hininga nalang ako saka itong inilingan. Mas lalong nangunot ang noo nito pero bumaling na ako sa Ale. “Mag-uusap lang po kami ng kasama ko.” Paalam ko rito. Tumango lang ang Ale saka na ito naglakad papalabas ng pintuan. “Nakita niyo naman iyong puwesto ko hindi ba? Baba nalang kayo doon kapag tapos niyong magkalinawan.” Mabilis akong tumango saka ngumiti rito pagkatapos nitong maghabilin. Hindi naman nagtagal nang tuluyan na itong makaalis kaya’t kaming dalawa nalang ni Theon ang naiwan rito. Seryoso ko itong tiningnan. “It doesn’t feel so safe here, Amy. We should look to other places— “Theon, making ka saakin.” Seryosong litany ko at sinalubong ang tingin nito pagkatapos kong sumalansan sa pagsasalita nito. Kaagad naman itong natigilan. “Isinama mo ako rito sa Maynila, binigyan ng trabaho para makapagpursigi sa sarili kong paa. Huwag mo na akong alalahanin pa. Hindi ko na matatanggap ang kung ano pang tulong na maiaalok mo saakin. Nakikiusap ako sa’yo Theon. Maintindhan mo sana ako.” Seryoso at puno ng sinseridad na hayag ko. Nawala ang pagkaka-kunot ng noo nito habang nakatingin saakin, hindi ito kaagad na nakapagsalita nang umiwas ito ng tingin at bumuntong-hininga. “I just want to make sure that you’re safe— “Kaya ko na ang sarili ko, Theon. Labis-labis na ang naitulong mo saakin. Hayaan mo na akong magpursigi para sa sarili ko dahil kung hindi ay sa buong buhay ko iisipin ko nalang na hindi sapat ang kakayahan ko at lahat ng meron at narating ko ay dahil lang sa impluwensya at tulong mo.” Marahan itong umiling nang muli itong magbaling ng tingin saakin. “Hindi naman sa ganoon, Amy. Ang gusto ko lang ay masigurong nasa tamang kalagayan kana bago man kita hayaang makipagsapalaran rito sa Maynila ng mag-isa— “Kung ganoon ay hayaan mo akong magdesisyon para sarili ko. Magtiwala ka saakin Theon, kapag kailangan ko ng tulong ay ikaw agad ang lalapitan ko, pero sa ngayon gusto ko munang maniwala sa sarili kong kakayahan. Kaya simula bukas ay bumalik ka na sa sarili mong pamumuhay, huwag mo akong masyadong alalahin, puwede ba iyon?” Mahinahong pakiusap ko rito. Nakatingin ako rito ng may nangungusap na mga mata. Ilang saglit pa itong napatitig saakin bago malalim na napabuntong-hininga at tila labag sa kalooban na napatango-tango bago mapaiwas ng tingin saka muling inilibot ang tingin sa paligid ng silid. “Alright. I won’t meddle. Just let me know immediately if something weird happens. If you’re that determined, who am I to meddle? I believe in you, Amy.” Muling bumalik ang tingin nito saakin saka tipid na ngumiti. Ako naman ay tila nakahinga ng maluwag at napangiti rin at napatango. “Maraming salamat, Theon! You’re the best!” Nag-thumbs up pa ako rito. Ito naman ay nailing nalang habang tipid na nakangiti. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay muli na naming kinausap ang land-lady. “Ano pong pangalan niyo?” Kausap ko sa Ale pagkatapos kong iabot rito ang paunang bayad habang ito naman ay iniabot saakin ang dalawang susi. Habang si Theon naman ay inaakyat ang mga maleta ko sa tutuluyan ko. “Josefina pero ang tawag saakin rito ay Josie.” Nakangiting-tumango ako rito. “Nice to meet you, Aling Josie.” Tumango nalang ito saakin bilang tugon nang tumingala ito na tila tinitingnan ang pababang si Theon. “Anong pangalan ng kasama mo?” Tanong nito saka muling bumaling saakin at tila may kung anong kislap sa mga mata nito pagkatapos itanong iyon saakin. Nginiting-ngiwi ang iginawad ko rito saka napatingin rink ay Theon na muling nakakunot ang noo habang pababa ng hagdan. Hindi naman halatang interesado itong si Aling Josie kay Theon, mula kanina ay puro si Theon lang ang pinagtutuunan nito ng pansin. May katandaan na rin ito, wala ba itong asawa? “Theon po ang pangalan niya.” Hindi ko maiwasang mapasulyap sa loob ng tinitirhan ni Aling Josie para sipatin kung may kinakasama ba ito. Nakabukas pa ang telebisyon nito pero wala akong makitang ibang tao. “Oh anong tinitingin-tingin mo riyan? Iniisip mo siguro kung may asawa ako o wala ano? Tutal mula ngayon ay magkikita na tayo araw-araw sasabihin ko na sa’yo, wala- wala akong asawa. Pero puwede ko na rin asawahin iyang kasama mo.” Bigla itong kumurap-kurap na parang kinikilig habang ako ay hindi alam kung ngingiwi o maaasiwa sa sinabi nito. Lumikot ang mata ko saka nalang alanganing tumawa sa sinabi nito. “I should get going. It’s already dark, just stay inside.” Mabilis akong napalingon sa tabi kong nang tuluyan nang makalapit muli saakin si Theon. Tumango ako rito saka rin sinulyapan si Aling Josie na titig na titig kay Theon. “Ihahatid ko lang po palabas ang kasama ko. Aalis nap o si— “Oo narinig ko. Goodbye handsome, see you again.” Humalinghing si Aling Josie nang sumabat ito sa pagsasalita ko saka ito kumaway kay Theon na hindi man lang siyang pinansin. Napatikhim ako dahil sobrang nawiwirduhan ako rito sa landlady na ‘to. Ngumiting-ngiwi nalang ako rito saka na ako nilagpasan ni Theon kaya sumunod na ako sa likod nito hanggang sa makalabas na kami ng gate at makalapit na sa sasakyan nito ay muli ako nitong hinarap. “I’ll pick you up tomorrow— “Kakasabi ko lang kanina na huwag mo na akong alalahanin at bumalik kana sa normal mong buhay. Alam kong busy ka Theon kaya huwag ka nang mag-abala pa. Kaya ko naman.” Mabilis na salansan ko sa tinangka nitong sabihin kaya napatigil rin ito. Napatitig ito saakin. “You might get lost. You still don’t know the way to the Law Firm.” Kunot-noong sambit nito. “Makakapag-taxi naman ako at kapag nasanay ay Jeep, okaya sa LRT. Ako nang bahala, ang sabi ko pagkatiwalaan mo ako, ‘di ba?” Itinaas ko ang dalawang kilay ko rito. Parang nag-aalanga pa ito nang mapaiwas ito ng tingin saka tumango kaya napangiti na ako. “Sige na, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Salamat ulit, Theon.” Paalam ko rito. “Alright. Mag-iingat ka rin, goodluck to your new endeavor. Call me from time to time so I’ll be rest assured that you’re doing just fine.” Mabilis akong tumango sa inihabilin nito at doon na ito tumalikod pagkatapos ngumiti. Nakatingin lang ako sa likod nito nang may maalala ako. “Nga pala Theon…” Mahinang at tila nag-aalangang tawag ko sakaniya kaya’t napatingin ito sa paglalakad at muling napaharap saakin. Napahinga ako ng malalim. “Hindi naman sa nag-iinarte, curious lang ako.” Paalala ko rito saka ngumiting-ngiwi. Hindi nagsalita si Theon nang muling itong makaharap saakin. Hindi lingid sa kaalaman ko na may pinapatakbo itong sariling negosyo. Nakatingin lang si Theon saakin na tila naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Puwede naman akong makapag-hanap ng sarili kong trabaho kahit hindi sakop ng tulong mo. Pero hindi na ako tumanggi nang magkusa kang alukin mo ako ng trabaho. Medyo curious lang ako bakit… sa isang Law Firm mo ako ipinasok? Alam mo na ang pinag-aralan kong kurso ay sa medisina, hindi ba?” May pag-aalangan sa boses ko habang sinasabi iyon. Pero hindi ako umiwas ng tingin. Masyado lang kasing seryoso ang trabaho sa isang Law Firm kagaya ng nakita ko ngayon araw. Sa tingin ko ay hindi rin basta-bastang makakapasok sa Firm na iyon. Paano pa kaya ang isang katulad kong walang kaalam-alam tungkol sa pag-aabogasya. Kahit na sabihin pang pinsan ni Theon ang nagpapatakbo nito. Nakatingin lang ako kay Theon habang hinihintay ang isasagot nito. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin saakin. “The thing is, I can’t let you work on my brother, Leon. He’s a womanizer. Not with my other cousins, and I can’t entrust you to other companies. I can’t also make you work in my Winery as we are already full in manpower, and I trust Kaiden the most. He’s the most trusted one, righteous and matured one among us. He’s the first-born, and you will learn a lot from him.” Napatango-tango ako at napa ‘ahh’ sa isinagot nito. Alanganing ngumiti ako rito. Mas matanda si Sir Kaiden kay Theon? Natigilan ako nang muli kong maalala ang ipinakita niyang pakikitungo saakin na may kagaspangan at puno ng panghuhusga. Arogante at tila mayabang. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Kung hindi lang dahil kay Theon ay hindi na ako babalik roon sa Firm bukas at kusa na akong maghahanap ng sarili kong trabaho. “Gano’n pala ‘yon. Alteast nawala na ang curiousity ko. Salamat pala ulit. Sige na Theon at lumalalim na ang gabi.” Muli akong ngumiti kay Theon at tumang-tango. “Amy.” Natigilan ako nang sambitin nit Theon ang pangalan ko gamit ang seryosong boses kaya muli kong sinalubong ang tingin nito. “I also want to tell you this…” Hindi ako nagsalita dahil mukhang seryoso ang susunod na sasabihin ni Theon saakin. “It’s the most reason why I put you on Kaiden’s Law Firm.” Tila natigilan ako sa sinabi nito. “We’ve known each other for few years now and I wasn’t able to help you on finding your father, I tried but failed, and Kaiden’s the best person who can help you to find your father, if you would manage to get into his favor and do your job well. He will surely help you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD