Chapter 6

2170 Words
Amanda's POV Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko at namutawi ang kaba sa puso ko sa sinabing iyon ni Mikaela. Binitawan na nito ang kamay ko at kita kong hindi ito nagbibiro sa sinabi. "Anong ibig mong sabihin? Masama bang tao si Sir?" Pawang kabadong tanong ko nang bigla lang tumawa si Mikaela. "Hindi naman. Huwag kang masyadong kabahan. Kagaya ni Sir Theon ay gwapo naman 'yon." Bigla itong bumungisngis pero hindi ko maiwasang isipan ang sinabi nito na sana ay magtagal ako rito na parang ito'y isa ring babala. Napahinga ako ng malalim. "Anyway. Huwag kang masyadong kabahan, ayaw kasi ni Sir Kaiden ang mga mukhang lampa-lampang empleyado." Tumango nalang ako sa pagsasalita nito at hindi maiwasang mapalunok. Tumuloy lang sa pagsasalita si Mikaela. Ipinakilala nito ang Law Firm saakin at ang buong pangalan ng may-ari at ang pinaka-boss o CEO ay si Sir Kaiden Salvatore na siyang pagsisilbihan ko ng direkta. So, pinsan talaga ito ni Theon. Parehong Salvatore. Hindi naman nagtagal nang ayain ako nitong lumabas ng opisina para ilibot akonsa buong gusali. Inilagay ko ang envelope sa ibabaw ng mesa ni Sir Kaiden kagaya ng sinabi saakin ni Mikaela. "Mukhang ang bata-bata mo pa. Ilang taon kana kasi ulit?" Pagsasalita pa nit Mikaela habang naglalakad kami. "23." Simpleng sagot ko. "Tapos ka nang mag-ara-- "Tumigil ako sa kursong medisina." Mabilis na sagot ko. Napatango-tango lang ito. "Itong mga opisina rito sanmay palapag kasama ang opisina ni Sir Kaiden, mas abala rito, mas maraming trabaho, may mga nagaganap ring counseling kadalasan." Pagsasalita ni Mikaela habang tinuturo ang mga opisina na babasagin ang mga dingding. Tumango-tango ako. "Ikaw? Nasaan ang opisina mo?" Tanong ko rito nang bigla nitong ituro ang direksyong pinaggalingan namin. "Sa opisinang katabi ng opisina ni Sir Kaiden." Napataas ang dalawang kilay ko at muling napatango. Nang matapos sa paglilibot ay muli akong pinabalik ni Mikaela sa opisina ni Sir Kaiden. Ngayon ay mag isa nalang ako at tila tahimik na inilibot ang paningin sa paligid. Ang linis linis, parang wala naman yatang dumi sa kahit na anong sulok ang opisina na ito. So ano oang tatrabauhin ko rito? Ang sabi pa naman ni Mikaela ay dito lang muna ako hanggang sa makabalik si Sir Kaiden. Siguro ay susubukan ko nang maging pamilyar sa buong opisinang ito. Lumapit ako sa may office table. Hinagod ng tingin ko ang bawat gamit rito. Tambak ito ng nga papeles at mga nakaayos na mga gamit. Kahit na puno ito ng gamit ay maayos pa rin ang mga ito. Sunod kong nilapitan ay ang mga book shelves na maging ito ay may magandang disenyong halatang pang moderno. Pinasadahan ko ng daliri ang mga libro at nababasa kong tungkol ang lahat ng mga ito sa pag aaral ng batas. Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang abogado? Hindi ko alam kung bakit tila malungkot akong napahinga ng malalim nang maalala ko ang tungkol sa pag aaral. Gustong-gusto ko kasing makatapos sa kursong medisina pero hindi ako ganoon pinagpala. Kinuha ko ang isang librong natipuhan ko. Kahit naman sa larangan ng medisina ay maraming mga librong babasahin kaya't gusto ko naman makita kung ano ang maaaring laman ng mga librong babasahin ng mga abogado. Kusa akong napaupo sa sofa nang mag-umpisa kong basahin ang hawak kong libro. Ito ay tungkol sa mga batas pang-kasal. Ang kapal nito, ang iba ay naiitindihan ko at ang iba naman ay hindi, halos mapakunot-noo ako habang nagbabasa. May mga numerong tingin ko ay kailangan isaulo kung mag-aabogado ka talaga. Mabilis na lumipas ang oras. Napatigil ako sa pagbabasa dahil halos sumakit ang ulo ko sa daming mga impormasyon halos ulit-ulit lang pero may kaunting pinagkakaiba sa bawat talata. Ibinalik ko na ang libro ang muling inilibot ang tingin sa paligid bago parang naiinip na bumuntong-hininga. Hindi ganito ang inasahan kong unang araw sa opisina rito sa Maynila. Hindi pa rin ako ganoon kasanay sa presensya ni Mikaela. Medyo naninibago pa rin ako sa kung gaano kagara ang mga kagamitan rito sa loob ng opisinang ito. Nilapitan ko na ang dalang bag saka kinalkal ang telepono ko. Nang buksan koi to ay nakita ko ang mensahe ni Seyang na nangungumusta saakin at dahil wala naman akong ginagawa ay muli akong umupo saka nagtipa ng isasagot kay Seyang. “Nandito na ako sa pagtatrabauhan ko.” Iyon lang ang sinabi ko saka na ito sinend. *door clicking* Mabilis akong napatayo at napalingon nang marinig ko ang mumunting kaluskos ng pintuan. Para akong nataranta at hindi alam ang gagawin nang bumungad sa paningin ko ang isang matangkad na lalaki na naka-amerikana at may dalang suitcase, at nang dahan-dahan na itong lumingon sa gawi ko ay para akong natigilan lalo na nang magtama ang paningin namin. Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba at parang nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang pares ng mga matatalim na mga mata at tila pirme nitong magkasalubong na kilay. Hindi ako kaagad na nakapagsalita at mukhang maging ito ay natigilan habang nakatingin saakin. Saglit kaming nagkatitigan sa isa’t-isa nang mapatitig ako sa mukha nitong tila napaka-perpekto, maging ang tindig ng katawan nito na hinapit ng magandang tela ng amerikanang suot. Nang makita kong gumalaw ang mga mata nito na tila hinagod ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa ay doon ako nagbalik sa reyalidad. Nang mapakunot-noo ako at nanliit ang mga matang nakatinign rito. Nang may sumaglit na memorya sa isipan ko. Bumuka ang bibig ko na tila sinubukang magsalita dahil sa gulat pero hindi ko tuluyang naisantinig ang gustong sabihin nang kusang tumaas ang kamay ko at maituro ang isang daliri rito. Ito… ang lalaking nakabunggo saakin kahapon! Gaano ba kaliit ang mundo? Paano nangyari ito? Siya iyong aroganteng lalaki kahapon! Siya ba si Sir Kaiden? Nanatili ang titig nito saakin nang umiwas na ito ng tingin na tila walang pakialam pero mas lalo lang lumalim ang gitla sa noo nito nang tuluyan na itong naglakad papasok at dumiretso sa may mesa. “You’re the one who was referred by Theon?” Muli kong narinig ang baritonong boses nito nang ilapag na nito ang suitcase sa ibabaw ng mesa at hubarin ang suot nitong blazer at nilagay sa may sabitan. Hindi na ito nakatingin saakin habang ako ay tahimik na nakamasid lang rito. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o ano, pero nakakaramdam ako ng kaunting dismaya. May unang impresyon na kasi ako rito, at iyon ay ang masungit at arogante ito. Pero mukhang mas mainam na ito dahil hindi ako nakaramdam ng intimidasyon. Umiwas nalang ako ng tingin at napatikhim. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko saka dahan-dahang lumapit sa harapan ng mesa nito. Ito naman ay prenteng umupo sa swivel chair. “Ang pangalan ko ay Amanda… Sir.” Halos humina ang boses ko sa dulo nang diretso ko itong tiningnan, hindi ko naman inasahan na muli itong mag-aangat ng tingin saakin dahilan upang muling magtama ang paningin namin. Muli nanamang humagod ang tingin nito saakin mula ulo hanggang paa saka na bumalik ang tingin nito sa mga mata ko. Nanatili ang pagkakakunot ng noo nito na tila ay galit sa mundo at ang matalim nitong tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaunting pagkailang pero ang sinabi saakin ni Seyang ay kapag kaharap mo ang boss ay huwag kang mauunang mag-iwas ng tingin kaya’t ginawa ko ang lahat upang manatili ang mga mata ko sakaniya. Hindi pa rin ito nagsalita, nanatili pa rin ang titig nito saakin. Nasa likod ko ang mga kamay ko at halos maikuyom ko ang mga ito. Amanda huwag kang mag-iiwas ng tingin. “What relationship do you have with my cousin?” Nanatili pa rin ang titig nito saakin nang bigla itong muling magtanong. Napahinga ako ng malalim. Hindi ako naiintimida sakaniya pero sa klase ng titig niya saakin ay hindi ko mawari kung bakit parang nauubusan ako ng hininga. “Kaibigan ko ho siya— “I just want to remind you that even if you have a close or whatever relationship with my cousin, it doesn’t mean that I’ll be so nice and be more considerate to you, so if you think it that way you may now leave.” Hindi na nga ako makangiti dahil sa klase ng titig nito pero sa biglang sinabi nito ay doon ako biglang napasimangot. Kumibot ang nook o at pinigilang mapakunot-noo. Nahimigan ko ang pagkalamig sa boses nito at ang tila pagkauyam na hindi ko nagustuhan pero wala ako sa lugar para manumbat ng kung ano ay ginawa ko ang lahat para manatiling kalmado. Muli akong huminga ng malalim at pinilit na ngumiti saka marahang umiling. “I know my place, Sir.” Base sa pagsasalita nitong diretsong ingles na may accent ay dito ko rin siguro magagamit ang kakayahan ko upang makapagsalita ng diretso sa gayong wika. Muling kumibot ang noo nito habang mataman pa rin ang titig saakin dahil sa isinagot ko. Ayaw kong ipahiya si Theon kaya’t titiisin ko ang mapagmatang tingin saakin nitong si Sir Kaiden na ngayon palang ay masasabi ko nang hinding-hindi kami magkakasundo nito. “Aren’t you from the province?” Marahan akong tumango sa muling isinantinig nito. Obviously. Nakabunggo mo nga ako roon. Gusto kong isagot ito ngunit pinagbuti kong huwag nalang at baka sa isang iglap ay mapalayas ako nito, nakakahiya na kay Theon kapag nagkataon. Sa wakas ay nag-iwas ng ito ng tingin at pawang nakahinga ako ng maluwag dahil roon nang bigla nitong iniabot ang nakakumpol na mukhang papeles sa ibabaw ng mesa nito. Dinampot nito iyo at tila muling pabagsak na inilapag sa harapan ko. “I’m no longer interested to hear anything about you. Just show me that you’re deserving to work for me. Read those documents and try to do the same thing. Try to write about divorces, real-estates, and prosecution. I’ll try to see what position I could give you depending on your work.” Namilog ang mata ko at napalunok sa mga kumpol ng papel na nasa harapan ko. Hindi ko alamang magiging reaksyon. Hindi ba’t… ang sinabi ni Theon ay magiging assistant lamang ako nito? Kagaya ng… taga-linis, utusan, o mga bagay na pagtitimpla ng kape, pag-aayos ng mga gamit— a-ano naman itong pinapagawa nito saakin? Muli akong napalunok. Ayo slang naman saakin, pero medyo nagulat lang ako at hindi ito ang inaasahan ko. Galing ako sa linya ng kursong medisina at hindi sa pag-aaral tungkol sa batas… Muli na akong nag-angat ng tingin rito na ngayon ay nakatitig nanaman saakin. Nginitian koi to na halos magmukha nang ngiwi saka alanganing tinanguan. “G-Gagawin ko po Sir, pero— “I don’t tolerate buts, do it or leave. You should finish doing it today.” Napipil ko ang dila ko nang magsalita ito sa isang malamig at seryosong boses. Seryoso ba ito? Hindi man lang nito titingnan ang resume ko? Nabuga ako ng marahas na hangin at kung puwede lang umirap at umirap na ako pero wala akong magagawa. Ayaw kong ipahiya si Theon at mas lalo na ang sarili ko. Kahit alam kong mahihirapan ako o sabihin na nating halos imposible ito para saakin ay susubukan ko pa ring gawin. Muli akong tumango at dahan-dahang inabot ang makapal na kumpol ng papel na inilapag nito sa harapan ko. “Sige po, Sir.” Mahinang tugon ko. Umiwas na ito ng tingin nang makita kong binuksan nito ang suitcase at nilabas ang isang laptop. “Do it right there. Get started, now.” Itminwestra ng mga mata nito ang direksyon ng mga sofa. Puro tango nalang ang nagawa ko nang tumalikod na ako habang hawak ang makapal na papel sa dalawang kamay ko. Parang alanganing naglakad na akong patungo roon. Napasulyap ako sa pambisig na orasan. Nangunot ang noo ko at madiing napapapikit pero ipinagsalawang bahala ko nalang ito. Alauna y medya na. Hindi ko namalayan ang oras at ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hindi naman ako makahirit na kailangan ko pang magtanghalian lalo na sa ipinakitang pakikitungo nitong boss ko—o magiging boss ko palang—na sana ay hindi ito ang naging boss ko kung magkataon man. Pinilig ko ang ulo ko. Sanay ka naman magpalipas ng gutom Amanda, hayaan mo na muna at hintaying lumipas ang oras. Inilapag ko na ang mga papel sa ibabaw ng maliit na mesa saka na umupo sa sofa. Hindi ko naman masasabing hindi ko kaya o kaya ko kung hindi ko naman susubukan. Hindi naman ako magiging iskolar ng unibersidad kung wala akong ibubuga pagdating sa akademya, hindi nga lang ako sigurado kung para saakin rin ba ang larangan ng abogasya. Muli kong sinubukang sumulyap sa gawi ni Sir Kaiden at natigilan ako nang makita kong nakatingin rin pala ito saakin pero mabilis rin itong nag-iwas ng tingin na wari ay hindi inasahang titingin ako sa gawi nito. Tinuon na nito ang atensyon sa laptop habang ako ay muli nang nag-iwas ng tingin at tinuon na ang atensyon sa mga papel na nasa harapan ko. Goodluck, Amanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD