Chapter 5

2017 Words
Chapter 5 Amanda’s POV “Oo Seyang. Ngayon palang ako pupunta doon sa apartment.” Kasalukyan kong kausap si Seyang sa telepono. Tumawag kasi ito sakto na katatapos ko lang magbihis. “Kumusta ka naman? Hindi ka pa ba magpapauwi kay Fafa Theon? Hindi ka naman natatakot— “Bakit akong matatakot? Kinakabahan lang ako, ano ka ba.” Natawa ako sa pagiging OA ni Seyang. “Sige na Amy, mag-iingat ka diyan ah. Balitaan mo ako ulit mamaya kung may oras ka, para naman mapanatag ako na ayos lang ang kalagayan mo.” “Sige Seyang, ikaw rin mag-iingat ka diyan.” Pagkatapos naming magpaalam sa isa’t-isa ay saka na ibinaba ni Seyang ang tawag. Ang aga pa pero nandoon na agad si Seyang sa ospital para dalawin si Nanay. Hindi ko maiwasang mapangiti. Makakabawi rin ako sakaniya baling araw. Bigla naman ulit na tumunog ang telepono ko at nakita kong si Theon iyon kaya’t mabilis koi tong sinagot. “Hello, Theon?” Bungad ko sa kabilang linya. “Are you done?” “Oo, tapos na ako.” Ang tinutukoy nito ay ang paghahanda ko. Tinawagan na kasi ako nito kanina saktong kakagising ko lang at sinabi kong maghahanda lang ako. Ngayon ay tapos na ako, nakasuot lang ako ng isang blusa at isang pencil skirt. May isang pulgadang takong ang mga sapatos na suot ko. “Alright, bababa na ako.” Pagkatapos sabihin iyon ni Theon ay namatay na ang tawag. Napahinga ako ng malalim at ramdam ko ang pagsikdo ng kaba sa dibdib ko nang mapatingin ako sa malaking salamin. Hindi na siguro ako mukhang kawawa nito. Disente naman ang suot ko at hapit naman sa katawan ko ito. Hindi naman siguro mapagpuna ng kasuotan ang mga tao rito sa Maynila. Hindi naman nagtagal nang makarinig ako ng parang tunog doorbell kaya’t kinuha ko na ang bag ko na ipinahiram ni Seyang saakin saka na nagtungo sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad naman saakin si Theon na naka-amerikana na at mukhang handa na rin para sa araw. Hinagod ng tingin nito ang kabuuan ko nang muling salubungin nito ang tingin ko. "We should get going." Ayaw nito saakin kaya tumango nalang ako at hindi naman nagtagal ay umalis na kami. Habang pababa ng gusali ay hindi ko maiwasang mapatanong. "Matatatanggap kaya ako sa trabaho?" Mahinang usal ko at napahigpit ang hawak ko sa folder na naglalaman ng resume ko. "Ofcourse you will. Even without me helping you, I know that you will surely get the job." Tuluyan na kaming nakababa ni Theon sa elevator. Napahinga lang ako ng malalim sa isinagot nito. Kinakabahan ako. Hindi naman nagtagal ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa passenger seat, lulan ng sasakyan ni Theon. Hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa paligid. Maraming mga sasakyan na nagsisilabasan sa ganitong oras, kahit na nasa probinsya ka pa, pero mas madami nga lang rito. Hindi ko pa dala ang maleta ko dahil ang sinabi ni Theon ay kailangan muna naming pumunta sa Law Firm at kapag naayos na ang lahat at tuluyan na akong tinanggap sa trabaho ay doon na ako maglilipat sa apartment. Sumulyap ako kay Theon na abala sa pagmamaneho. "Wala ka bang trabaho ngayon? Mukhang nakakaabal na ako. Puwedeng ihatid mo nalang ako doon sa Law Firm tapos ay ako na ang bahal-- "Ako ang may hawak sa oras ko Amanda. No one can tell me whether what I'm doing is a waste of time or not. Just let me help you until I'm rest assured that you'll be fine on your own." Seryosong salansan nito. Ako naman ay napatahimik lang sa sinabi nito. Wala na akong alam na sabihin pa dahil kilala ko ito at susupalpalin lang ulit nito ang kung ano mang sasabihin ko kaya nanatili nalang akong tahimik at muling nagmasid sa labas ng bintana. Hindi naman ganoon kalayo ang tinahak naming daan nang tumigil na ang sasakyan ni Theon pagkapark nito sa isang parking lot. Hindi na nagsalita pa si Theon nang bumaba na ito ng sasakyan. Akmang bubuksan ko na rin ang pintuan nang mabilis na umikot si Theon para pagbuksan ako. Hindi naman niya ito kailangang gawin pero hinayaan ko nalang. I always appreciate what he does for me, but I never saw myself looking at Theon in a different and romantic way. I'm already happy just being his friend. Bumaba na ako ng kotse saka sumulyap sa malaking building na nasa harapan namin. Salvatore Law Firm. Ito na ba ang tinutukoy ni Theon na pagtatrabauhin ko? Hindi ba mga bigating tao ang nagtatrabaho rito? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba pero kailangan kong palakasin ang loob ko. Hindi ko gustong mapahiya si Theon, kahit pinsan niya pa ang may-ari rito. "Let's get inside." Tumango ako kay Theon pagkatapos kong mapalunok. Tumalikod na ito at nauna nang naglakad papasok ng gusali. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa mga taong dumadaan at pumapasok rin sa gusali. Mahahalata ang pagka-propesyonal sa mga pananamit at mga simpleng galaw ng mga ito. Kinakabahan ako pero nakaramdam rin ako ng kaunting excitement. Knowing na maaari akong matuto mula sa mga taong ito kung sakali man na matanggap ako sa trabaho rito. Pagpasok namin ng gusali ay tila iba ang atmospera ng lugar. Parang napaka-abala ng mga tao. "Kaiden doesn't like escalators that much. He thinks that it's only a waste of space. There are only elevator and stairs." Napatingin ako sa likod ni Theon nang magsalita ito. "Ayos lang. Puwedeng mag elevator ka nalang Theon, tapos ako ay mag-hahagdan nalang." Sumulyap saakin si Theon na na nakakunot ang noo. Nginitian ko ito na parang ngiwi nang mapabuntong-hininga ito at mapailing-iling. Nakapamulsang tumuloy nalang ito sa paglalakad at kita kong hindi ito tumuloy sa elevator, kung hindi ay sa may hagdanan at sinamahan ako sa pag-akyat. "Sometimes, your suggestions just pisses me off, Amy." Rinig konng pagsasalita nito habang patuloy kami sa pag-akyat ng hagdanan. Para akong nahiya sa sinabi nito. Ayaw ko lang naman siyang mapagod sa pag-akyat ng hagdanan. Ano naman ang nakakainis roon? Hanggang sa tuluyan na kaming nakaakyat sa ikalawang palapag ay patulog lang ako sa pagsunod sa likod nito. Bumungad saakin ang isang palapag na puro salamin ang mga dingding sa bawat mga silid at makikita mo ang mga abalang tao sa loob ng bawat silid. Patuloy lang sa paglalakad si Theon hanggang sa tumigil ito sa harapan ng isang babasagin na pintuan. Ang babasagin na dingding nito ay may kung anong ginamit para hindi makita ang nasa loob. Kumatok lang si Theon roon at walang pasubaling binukan iyon kahit na wala pa man itong natatanggap na tugon mula sa loob. Susuwayin ko pa sana ito pero mukhang alam naman nito ang ginagawa. Parang nahihiyang sumunod nalang ako sa likod nito papasok sa loob. Ang akala ko ay madadatnan namin ni Theon ang sinasabing pinsan niya sa loob pero napatigil ako nang makita kong natigilan rin si Theon habang nakatingin sa gawi ng isang mesa. Wala tao ni isa. At hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid. Ang lawak naman ng opisinang ito at sobrang linis at kakaiiba rin ang amoy, ang bango-bango. Mahahalata rin na mamahalin ang bawat gamit na naka-display. Kakaunti lang ang mga iyon at karamihan ay mga libro na maayos rin ang pagkakalagay sa may shelf na mukhang mamahalin rin. "Where the hell is he? He told me to go straight here." Rinig ko ang tila pagkairita sa boses ni Theon nang kapain nito ang telepono sa bulsa at mukhang may idinial na number. Nang biglang marinig namin ang pagbukas ng pintuan kaya't ako ang mabilis na napalingon sa likod. "S-Sir Theon." Isa itong babaeng mukhang mas matanda saakin. Nang magtaka ang paningin namin ay bigla itong ngumiti saakin kaya't nginitian ko rin ito pabalik nang tuluyan na iting pumasok sa loob. "Kakaalis lang ni Sir Kaiden. May bigla kasing tumawag sakaniya na isang importanteng kliyente pero may inihabilin siya saakin." Parang may pag-aalangan pa sa boses ang babae habang nagsasalita hanggang sa tuluyan na itong lumapit saakin. Napasulyap naman ako kay Theon ay nakaharap na rin ito sa gawi ng babae. Kunot ang noo nito at kahit sino ay matatakot sa klase ng tinging ipinupukol nito. "What did he tell you?" Malalim ang boses na sambit ni Theon. Napatingin naman ako sa babaeng parang mas natakot sa paraan ng pagsasalita ni Theon, napasulyao muli saakin ang babae. "Ang sabi ni Sir Kaiden ay puwede nang magsimula ngayong araw iyong sinasabi niyong magiging assistant niya. Babalik rin daw siya mamayang hapon." Mabilis akong muling tumingin kay Theon. Mukhang wala ang pinsan nito. Pero anong ibig sabihin ng narinig ko? Tanggap na ako? Seryosong nakatingin lang saakin si Theon nang mapatango ito at bumuga ng marahas na hangin. Mukhang hindi na nito itinuloy ang tinangkang pagtawag sa pinsan nito. "If that's the case then. That's alright." Kausap ni Theon sa babae. "Anong ibig sabihin nito Theon? Wala iyong pinsan mo?" Paninigurado ko sa narinig. Tumango lang ito. "But you can start today. Looks like you're already good to go. Be familliar in this office, dito ka magtatrabaho araw-araw." Muli akong nilapitan ni Theon, habang ako ay natigilan sa sinabi nito habang tila hindi maiproseso ng utak ko ang nangyari. Tanggap na ako? Wala man lang interview? Puwede ba iyon? Napakurap-kurap ako at hindi alam ang mamumutawi sa bibig ko nang tingnan ni Theon ang babaeng halos nasa tabi ko. "Can you assist her for the day? Until Kaiden comes back." Malamig ang tono ng boses nito kahit halata naman na nanghihingi ito ng pabor. Nakita ko sa peripheral vision ko ang mabilis na pagtango ng babae, kaya't tumango nalang rin si Theon na bumaling muli saakin. "Maiiwan na kita rito. I'll pick you up at 5. I'll helo you move in to your apartment." Tumango nalang ako dahil mukhang walang ibang puwedeng itugon kung hindi ang pagsang-ayon lang rito sa kakaibang nangyari. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi naman nagtagal nang makaalis na si Theon. Habang ako ay tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Naiwan ako rito sa office kasama ang babaeng mukhang matagal nang nagtatrabaho rito sa Law Firm. "Nakakatakot talaga 'yon." Napadako ang tingin ko sa babae na mahinang bumulong habang nakatingin sa gawing may pintuan kung saan lumabas si Theon, nakahawak pa ito sa puso nang mabilis itong muling bumaling saakin na ikinatigil ko. Muli ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang sinasabing magiging assistant ni Sir?" Paninigurado nito. Alanganing napatango nalang ako. Tila mapanuring tiningnan lang ako ng babae at naningkit ang mga mata nito. "Ano ang koneksyon mo kay Sir Theon?" Usisa pa nito. Napahinga ako ng malalim. "Kaibigan ko siya." Puno ng katotohang sagot ko rito. Napataas naman ang kilay nito. "Kaibigan? Ikaw? So, mayaman ka rin?" Mabilis akong umiling. "Galing ako sa probinsya." Gulat itong tumingin saakin. "Galing ka sa probinsya? Hindi ka mayaman? Kaibigan ka ni Sir Theon? At ipinasok ka niya rito sa Firm para maging assistant ng may-ari. Aba..." Hindi na bago saakin na makita ang ganitong klaseng mapanuring tingin. Umiling nalang ako. "Huwag po sana kayong mag-isio ng kung ano-ano. Kaibigan ko lang po talaga ako ni Theon. May sakit ang Nanay ko kaya't tinulungan niya akong makahanap ng trabaho." Kita ko pa rin ang pagdududa sa mga nsta nito nang muli ako nitong suyuran ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi ka naman mukhang taga probinsya? Mukha kang mayaman. Baka jinojoke mo lang ako." Hindi ko naman alam kung matutuwa ako sa naging tono ng pagsasalita nito at sa ginamit na salita. Mukhang hindi siya ang klase ng taong kaagad na nanghuhusga, kahit na mapanuri ang tingin nito. Inilahad ko nalang ang kamay ko rito saka na ngumiti. "Ang pangalan ko po ay Amanda." Pagpapakilala ko rito. Mukhang nag-aalangan pa nitong tanggapin ang kamay ko, pero nang hawaka nito iyon ay kaagad rin itong ngumiti. "Ang pangalan ko ay Mikaela. Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa firm pero wala akong nakitang nagtagal bilang assistant ni Sir Kaiden. Hindi kita huhusgahan, sana man lang ay magawa mong magtagal rito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD