Chapter 4

2034 Words
Chapter 4 Amanda's POV "Tumawag ka ah, pagdating mo roon." Kasalukuyan kaming nag-aayos ng gamit at kahit gabi na ay dumiretso rito sa bahay ko si Seyang para tulungan ako. Habang si Theon naman ay naghihintay sa may sala. Tumatango lang ako sa mga maraming habilin ni Seyang. May mga dala pa nga itong mga gamit pagdating nito. Pinamili pa ako ng mga shampoo at sabon at mga kakailanganin ko. Ito pa ang mga nagtutupi ng mga damit kong inilalabas ko mula sa kahoy na lumang cabinet habang patuloy lang sa paghahabilin. "Kapag gabi na huwag ka nang maglalabas-labas. Pareho lang naman ang working hours sa maynila. 8 hours at bago mag-takip silim ay makakauwi kana kaya hindi mo na rin kailangan pang lumabas ng bahay." Umupo ako sa tabi ni Seyang nang matapos na ito sa pagtutupi at isinarado na ang maletang ipinahiram nito saakin. "Naku Amy mag-iingat ka roon." Tinuro pa ako nito pero nakatingin lang ako ng mataman rito nang mapangiti ako. "Maraming salamat-- "Lagi ka nalang nagpapasalamat parang bago pa ako sa'yo nito Amy, alam mo tumatanggap lang ako ng pasasalamat kung ang ibibigay mo saakin ay si Papa Theon." Umakto pa ito na parang inilalagay ang buhok sa may tenga habang nagb-beautiful eyes kaya hindi ko maiwasang matawa at parang nangigigil na yumakap rito. "Makakabawi rin ako sa'yo balang araw." Tinugon rin nito ang yakap at hindi naman iyon nagtagal nang humiwalay na ito saka may dinukot na papel mula sa bulsa. "Ito na nga pala ang hinihingi mo saakin." Inabot ko ito saka binuksan, maliit lamang itong papel at may nakasulat na address. Nagpahanap kasi ako ng apartment na mauupahan kay Seyang at sakto alam nito ang lugar kung saan binabalak akong ipasok ng trabaho ni Theon. Ayaw kong pati ang matutuluyan ko ay iasa pa kay Theon kaya't kay Seyang na ako humingi ng tulong. Ngumiti ako kay Seyang saka isinuksok sa bulsa ko ang papel. "The best ka talaga! Hindi bale at ako na sng hahanap ng fafa para sa'yo sa maynila!" Tumigil pa ako at nag-apiran kami ni Seyang na tumili rin. Muli itong dumukot ng kung ano sa bulsa at nanlaki ang mata ko nang maglabas ito ng tatlong libo roon kaya't mabilis ko itong pinigilan. "Ay naku Seyang, huwag mo nang tangkain pa, kaya ko na 'to." Labis labis na ang naitulong nito saakin at kahapon lang nang huli ako nitong abutan ng tulong, sobra sibra na kung tatanggapin ko pa ito. "Tanggapin mo na 'to Amy. Para naman mapanatag ako na magiging maayos ang kalagayan mo roon." Pagpupumilit pa nito. Muli akong umiling. "Ako na ang bahala Seyang." Tinupi ko ang kamay nitong may hawak na pera saka tiningnan ito ng seryoso. Ilang saglit ang lumipas ay mabuti nalang at sumuko nalang ito at mapabuntong-hininga saka nalang tumango. "Basta lagi kang tumawag ah. Iyong address ng apartment na ibinigay ko sa'yo, sabihin mo sa landlady ikaw iyong pinsan ko at baka sakaling i discount ka niya sa upa. Sa pagkakaalam ko rin ay nandoon pa nakatira ang mga dati kong kasamahan nung nagtraining ako sa maynila tungkol sa hair and make-up. Mga beki din sila mababait ang mga 'yon." Nakinig lang ako sa mga habilin pa ni Seyang hanggang sa matapos na kami at lumabas na ng kwarto. Isa lang ang maletang dala ko dahil hindi naman ganoon karami ang mga gamit ko at malaki-laki rin itong maletang ipinahiram ni Seyang saakin. Napatayo si Theon na nadatnan naming naghihintay sa sala. "Tapos na ako." Napatango ito saka nito iniabot ang maletang hawak ko at parang wala lang rito ang bigat nang buhatin nito iyon at tupihin ang hilahan nito. "We should get going now." Tumango ako nang mag-aya na ito saka na ito naunang lumabas ng bahay kaya't maging ako ay lumabas na rin at kasunod ko naman ay si Seyang. Inilagay na ni Theon ang maleta ko sa likod ng kotse nito kaya't kinuha ko muna ang pagkakataong iyon para harapan si Seyang. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at ngayon ko naramdaman ang tila pagbigat ng dibdib ko. "Aalis na ako." Tumango naman ito nang ito na ang yumakap saakin kaya't tila nangilid ang luha ko sa isipang malalayo ako rito. "Mag-iingat ka roon. Huwag mong alalahanin si Dang Tina, ako na ang bahalang dumalaw dalae sakaniya para mapanatag ka." Humiwalay na ako sa yakap saka napasinghot, maging si Seyang ay mukhang naging emosyonal na rin at napatango-tango nalang ako. "Mag-ingat ka rin rito. Huwag ka nang magpapaabuso sa mga poging tambay diyan, ako na hahanap ng Fafa mo sa maynila. Naku Seyang, sinasabi ko sa'yo." Tumawa lang ito saka ako marahnsg hinampas sa braso. "Aasahan ko 'yan." "We should get going." Kapwa napalingon kami ni Seyang kay Theon nang marinig namin itong magsalita. Pumihit na ako paharap nang makita kong nasa likod ko lang ito saka na tumango. Nang makita kong nakatingin si Theon kay Seyang. "Don't worry, hindi ko pababayaan si Amanda." Biglang ngumiti si Theon na maging ako ay ikinagulat ko. Kahit noon pa man ay nagkita na sina Theon at Seyang ay hindi naman ito pinapansin ni Theon, lagi niya itong hindi pinapansin kahit na halata na ang pagpapapansin ni Seyang. Pero ngayon ay kitang-kita ko ang pagngiti ni Theon rito. Napasulyap ako kay Seyang na literal na napatulala kay Theon, mangislap ngislap pa ang mga mata nito na parang kumikibot pa ang mga labi na nakangiti. Napabuntong-hininga nalang ako saka napailing-iling saka na rin napangiti. "E-Eyew me be ekeng iseme? Hehe." Muling umakto si Seyang na inilalagay ang buhok sa may tenga habang malantod na nakatingin kay Theon. Mahinang ko itong kinurot sa tagiliran at natawa nang hindi man lang ito natinag. "Seyang, mauuna na kami." Natatawang hayag ko. "Puwede na akong sumama sa liwanag." Wala pa rin sa sariling sambit nito habang nakatitig sa direksyon ni Theon na kanina pa pala nakatalikod at umalis sa kinatatayuan. Napailing-iling ako. "Liwanag ba talaga?" Biro ko rito nang mabilis ako nitong samaan ng tingin. "Sige na sige na at umalis na kayo bago pa ako mawala sa katinuan at makisabit pa ako diyan sa gulong ng sasakyan para sundan si Fafa Theon." Muli ko itong niyakap nang tuluyan na kaming magpaalam sa isa't-isa. Hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis ni Theon. Gabing-gabi na rin sa daan, parang mabigat pa rin sa loob kong lumuwas ng maynila pero mukhang mas mabuti na rin ito. Tahimik lang akong nakaupo rito habang nakatingin sa bintana ng kotse. "You'll be working in my cousin's firm." Napasulyalp ako kay Theon nang magsalita ito. "Firm? Anong klaseng trabaho?" Diretso lang ang tingin ni Theon sa daan habang ako ay hinihintaya ng susunod nitong sasabihin. "Assistant." Napa-ahh ako sa isinagot nito. "Anong klaseng Firm ba iyon?" Muling tanong ko. "It's a Law Firm pero hindi mo kailangang isipin ang tungkol sa mismong trabaho na tungkol sa batas. You just need to be my cousin's assistant. Clean the office, make coffee, and maybe arranging his schedules." Napatango-tango ako. Bakit kung iisipin ay parang napakadali lang? "Anong klaseng tao ang pinsan mo? Masungit ba siya? Arogante? Para alam ko, huwag mo nalang sanang mamasamain." Biglang napailing si Theon habang seryoso ang mukha nito. "You just can't read him. Panigurado hindi ka naman kakausapin nu'n kaya huwag kang mag-alala. You can call him snob, but he's worst than that. Hindi ka papakialam nu'n, so that's why you can be rest assured and just do your job." Bahagya akong nawirduhan sa isinagot ni Theon. "Hindi naman siguro siya masamang tao?" Dugtong ko pa. Umiling ito. "He's a top-notch lawyer. He's the one who owns the firm. Hindi siya masamang tao, mabait siya huwag mo lang pakialaman, and one more thing, hindi naman kita ipagkakatiwala sa firm na 'yun kung masamang tao ang pinsan ko kaya't huwag ka nang masyadong mag-alala." Napatango nalang ako sa mga isinagot ni Theon at hindi na muling umimik pa. Muli na akong bumaling sa labas ng bintana. Mukhang mayamang arogante nga ang magiging boss ko pero inasahan ko na rin ito. Atleast, pinsan naman siya ni Theon kaya't medyo oanatag ako, saka linis-linis lang naman raw ang gagawin ko kaya't tingin ko ay hindi ko kailangang kabahan ng sobra. Ilang oras ang lumipas ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. sa kalagitnaan ng byahe, hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagtigil ng sasakyan kaya't mabilis na naiangat ko ang ulo kong nakahilig sa may bintana at sumulyap kay Theon. Nakita kong nag-aalis na ito ng seatbelt nang mapatingin ito saakin. Ako naman ay tila naguguluhang napasulyap sa madilim na labas nang bumungad saakin ang isang malaking gusali kaya't bahagya akong natigilan. "Nasaan tayo? Nasa maynila na ba tayo?" Naialis ko na rin ang seatbelt ko nang makita kong lumabas na ng kotse si Theon at makita kong umikot lang pala ito para pagbuksan ako ng pintuan. "Yes, we're here." Sagot nito kaya't parang alanganin pa akong bumaba ng kotse saka tumingala sa isang malaking gusali na puno ng mga ilaw. "Dito ba iyong apartment na sinasabi ni Seyang saakin?" Baling ko kay Theon nang umiling lang ito. "Malalim na ang gabi, panigurado tulog na iyong landlady. Dito ka nalang muna magpalipas ng gabi." Sagot nito saka na tumalikod at nagtungo sa likod ng kotse nito para kuhanin iyong maleta ko. Napalunok ako dahil sa pagtuyo ng lalamunan ko. Hindi naman bago saakin ang makakita ng ganitong gusali, pero parang naiiba nga lang ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon kay Theon. Ito na ang nagbitbit sa maleta ko hanggang sa makapasok kami sa malaking building na mukhang mamahalin ang bayad. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hotel ito na may kasamang condominium, medyo mas magarbo lamang ang dating nito kaysa sa mga nakikita kong gusali sa siyudad ng pinanggalingan kong probinsya. “I will book you in a room. Alam ko naman na hindi ka papayag na matulog sa kapareho kong suite.” Lumapit si Theon sa may desk pagkatapos nitong sabihin iyon. Hindi nalang ako umimik saka hinintay ito. Iniwasan ko nalang ilibot ang tingin ko sa paligid at nanatiling kalmado. Napakabait talaga ni Theon at naisip niya ang bagay na iyon. Lagi nitong sinisiguradong komportable ako sa kahit na ano mang bagay. Hindi naman nagtagal ay saka na itong muling lumapit saakin saka inilahad ang isang card kaya’t alanganing kinuha ko saka muling nag-angat ng tingin. “Your stay here will be indefinite, baka kasi hindi mo naman makausap bukas iyong landlady sa apartment na pupuntahan mo.” Napahinga ako ng malalim at napailing-iling. “Masyado ka nang nag-aabala para saakin. Hindi mo naman kailangang gawin ito, magpapalipas lang ako ng gabi rito— “Whatever you say Amanda, it’s already decided. Let’s go.” Tinalikuran na ako ni Theon pagkatapos nitong sumalansan sa pagsasalita ko. Napabuntong-hininga nalang ako saka na sumunod sa likod nito. Hindi ito tumuloy sa elevator na pinakamalapit saamin, kung hindi sa may escalator. Masyado na akong kilala ni Theon. Hindi ko kasi kayang sumakay ng elevator, lagi akong nahihilo at nasusuka. Patuloy lang ako sa pagsunod sa likod ni Theon hanggang sa makarating kami sa ikaapat ng palapag at ilang lakad pa sa mahahabang pasilyo ay tumigil na kami sa harapan ng kaparehong number ng key card na hawak ko. Lumingon saakin si Theon kaya’t ibinigay ko na rito ang key card. Ito na ang nagswipe saka na bumukas ang pintuan. Nauna nang pumasok si Theon sa loob kaya sumunod nalang ako rito. Kaagad na bumungad saakin ang isang magarang hotel room. Mabilis kong sinulyapan si Theon. “Paniguradong mahal ang pag-stay rito, Theon. Sana ay doon nalang sa mas mura.” Tiningnan ko ito ng may pag-aalala nang umiling lamang ito. “Money doesn’t matter. Your safety comes first. You should now get some rest. Just call me if something weird happens. I’ll stay in my condo for tonight. Goodnight Amy.” Binitawan na ni Theon ang dala kong mallet pagkatapos nitong mabilis na nagpaalam. Tumango nalang ako rito saka na ngumiti hanggang sa makaalis na ito ay napaubuntong-hininga nalang akong napaikot ang tingin sa paligid. Hindi pa rin lubos na maiproseso ng utak ko na nasa Maynila na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD