Chapter 3

2052 Words
Chapter 3 Amanda's POV Patuloy lang ang paglalakad ko palabas ng hospital. Kakatapos ko lang dumaan sa parmasya at medyo natagalan pa ako, Nang matapos ay may pagmamadali akong naglakad papalabas. Hindi ko naman inasahan ang biglang pagsulpot ng isang lalaki sa isang likuan ng mahabang hallway kaya't hindi naiwasan ang pagbangga ko rito dahilan para mabitawan ko ang bag na hawak ko. "Pasensiya na, Sir." Hinging paumahin ko at nang dadamputin ko na sana ang bag ko ay mabilis itong nadampot ng lalaking nabunggo ko kaya't mabilis akong tumingala saka na tumayo. Bahagya akong natigilan nang mabungaran ko ang mukha at pigura nito kasabay nang pagsamyo ko sa amoy nito. Hindi ko maiwasang mapatitig rito, It's a man carrying a suitcase in his right hand. Naka-amerikana rin ito at ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang kilay nitong magkasalubong habang nakatuon ang mga mata nito saakin na nakakaintimida. "Tumingin ka sa dinadaanan," Malamig na litanya nito nang iabot na nito ang sling-bag ko. Doon ako natigilan kaya't parang wala sa sariling iniabot ko ang bag kong nakalahad sa harapan ko pero mas lalo akong natigilan nang pagpagin nito ang amerikana na parang nadumihan nito. Parang nalukot ang mukha ko sa ikinilos nito. Ang gwapo-gwapo pero mukhang arogante. Halata ang karangyaan sa itsura nito, ito... ito ang mga taong malamang ay kinamumuhian ni Nanay. Palihim akong umirap saka nalang yumukod ng bahagya, "Pasensya na ulit," Hinging paumanhin ko. Narinig ko lang ang pagbuntong-hininga nito saka na ito walang imik na nilagpasan ako. Ako naman ay napasunod ng tingin sa likuran nito habang magkasalubong ang kilay ko. Sumunod ang tingin ko sa likuran nitong papalayo. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kahawig siya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa naisip saka pinilig ang ulo ko. Tumalikod na ako at muli na ring itinuloy ang paglalakad ko palabas. Paglabas ko ng ospital ay saktong magtatawag palang ako ng tricycle nang biglang may tumigil na isang magarang sasakyan sa harapan ko. Saglit akong natigilan habang nakatingin ng mataman rito at napakunot-noo nang dahan-dahang bumaba ang bintana ng pintuan ng passenger na nasa harapan ko. Bumungad naman sa paningin ko ang mukha ni Theon na diretso at seryoso lang ang tingin sa may daan. Hindi ko inaasahang makikita ko pa ito rito, hindi ba't umalis na ito? Iba nanaman ang kotseng gamit nito kaya't hindi ako naging pamilyar rito. "Hop in," Nang biglang bumaling na ito saakin pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Ako naman ang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang matingnan ito sa mata. Lumunok ako. "Kaya ko nang umuwing mag-isa, Theon. Hindi mo na kailangang mag-abala pa-- "Just hop in, Amanda." Seryosong salansan nito sa pagitan ng pagsasalita ko. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong lulan ng kotse nito habang nakasakay sa passenger seat. Tahimik lang ako mula nang maksakay ako at nakabaling ang tingin ko sa labas ng bintana habang tinatahak ang direksyon patungo sa bahay namin. "I'm going back to Manila tonight. Come with me, I'll give you a better job." Natigilan ako at mabilis na napabaling rito nang marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi pa ako sigurado sa mga narinig kaya't mataman ko lang itong tiningnan nang bigla itong sumulyap saakin ng seryoso ang mukha. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang mapailing-iling ako. "Ang dami mo nang naitulong saakin, Theon. Hindi ako hihingi ng pasensiya sa nangyari at sa nalaman mo tungkol sa pagpapagamot kay Nanay, pero sana ay maintindihan mo na hindi ko aakuhin ang isang bagay na hindi ko naman kaya-- "Naiitindihan ko, Amanda. Kaya nga sinasabi kong isasama kita sa Maynila." Seryoso ang mukha nito nang muli nitong banggitin ang pagnamaynila. Tipid lang akong ngumiti rito saka na umiling at umiwas ng tingin. "Hindi ko iiwan si Nanay." Mahinahong sambit ko. "She'll be monitored 24/7, and I'll let someone to report you every 3 hours everyday. Sumama ka sa Maynila saakin, bibigyan kita ng isang mas maayos na trabaho na may mas malaking kita." Muli akong umiling. "Pasensiya na kung tatangg-- "Hindi ba't hinahanap mo ang Ama mo?" Awtomatiko akong natigilan sa narinig. Napatulala lang ako habang nakatingin sa dashboard ng kotse nito nang magproseso sa utak ko ang sinabi nito pero ilang saglit ang lumipas ay hindi ako nakaimik. Sa maynila, mas malaki ang tyansa na mahanap ko ang Ama ko. Mas makakapagtrabaho ako ng maayos pero kung gising si Nanay at mapapayuhan niya ako ay papayag kaya siya? Malamang hindi. Sa katotohanang hinahanap ko ang Ama ko ay maaaring galit na ito saakin, ano pa kaya at ang pagluwas ko ng Maynila? Pero masyado maganda ang naging alok ni Theon saakin. Hanggang sa maihatid ako ni Theon sa bahay ay hindi na ako umimik. Bumaba na ako ng sasakyan at bago ko pa maisarado ang pintuan ay muli na itong nagsalita. "Pag-isipan mo ng mabuti, Amanda. Mamayang gabi ay babalik ako sa ospital." Nagtama ang paningin namin nang sabihin niya iyon. Tipid nalang akong tumango, walang ekspresyon saaking mukha na tila nagugulumihanan pa rin sa magiging desisyon. Hanggang sa maisarado ko na ang pintuan at saka na sumibad paalis si Theon ay nakasunod lang ang tingin ko sa papaalis nitong sasakyan. Napabuntong-hininga ako saka na tumalikod at pumasok sa maliit at simpleng bahay namin ni Nanay. Hindi ko inasahan ang magiging alok na ito ni Theon. Magagawa ko kayang iwan si Nanay? Ngunit gustong-gusto ko kasi na matagpuan ang Tatay ko at mapagtagpo sila ni Nanay. Hayy, Amanda, kailangan mong pag-isipan ito ng mabuti. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay saka na ako umalis at nagtungo sa salon ni Seyang. "Amyy kumain kana ditey." Naabutan ko si Seyang na kumakain at nag-aagahan. Isinabit ko ang bag ko sa may sabitan saka na umupo sa harapan nito, hindi para kumain dahil kumain na ako kanina sa dala ni Theon. Pinakatitigan ko ito habang kumakain ito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Seyang. Patuloy lang ito sa pagkain at pagsubo nang biglang mapatigil ito sa kalagitnaan ng pagsubo habang nakatingin saakin. Naisarado nito ang bibig na nakaparadang nakabukas. "Sinetch itey, may mangyari ba?" Ibinaba nito ang pinggan na hawak saka ako hinarap habang salubong ang kilay na parang naghihintay sa sasabihin ko. Mabilis akong umiling saka na umiwas ng tingin. "Wala, wala. Kumain kana, ako nakapag-agahan na ako." Iwinasiwas ko pa ang palad ko sa harapan nito. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Seyang ang inalok saakin ni Theon. Bago pa ito makapagsalita ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Halatang gusto pang magsalita ni Seyang nang unahan ko ito. "Ihahanda ko lang ang mga gamit saka na rin mag-aayos. Ituloy mo na ang pag-aagahan mo." Tumuloy na ako sa paglabas ng pantry saka ba nag-umpisang ayusin ang mga gamit at ilabas ang mga ito mula sa cabinet. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na si Seyang sa pag-aagahan at ako naman ay natapos na rin sa paghahanda ng mga gamit namin para sa araw na ito. Magsasalita palang sana si Seyang nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang kostumer kaya't kaagad ko na itong dinaluhan. Wala nang nagawa si Seyang kung hindi manahimik nalang kahit halata naman rito na gusto pa nitong magtanong. Ako naman ay hindi kagaya ng mga nakasanayang araw na dinadaldalan ko ang mga kostumer at nakikipagchikahan kay Seyang ay napaghalataan ang pagiging tahimik ko. Iniisip ko pa rin ang sasabihin ko mamaya kay Theon. Handa ba akong sumama sa Maynila? Makakaya ko bang iwanan si Nanay rito? Mas malaki ang tyansa na mahanap ko ang Ama ko kapag lumuwas ako ng Maynila pero masyado naman yatang biglaan ito. Hanggang sa sumapit ang tanghali at nakasalang ang ibang kostumer ay siyang nagtanghalian na kami ni Seyang sa pantry. "Sa wakas! Huy! Anong problema mo?" Mabilis akong napatingin kay Seyang na impit ang pagsasalita saka ako nitkng kinurot sa tagiliran. Bumuntong-hininga lang ako nang magsalubong ang paningin at kita ko ang pagkakakunot ng noo nito ba parang hinihintay ang sasabihin ko. "Nakapunta kana ba sa Maynila?" Umpisa ko rito saka na ito nilagpasan at kumuha ng pinggan sa may lababo at dumiretso sa may mesa. "Maynila? Oo, noong nagt-training pa ako sa larangang ito. Bakit? Anong meron sa Maynila?" Umupo na si Seyang habang ako ay inilagay lang ang ulam at kanin na galing sa katabing karinderya sa mga pinggan saka na rin umupo at muling sinalubong ang tingin ni Seyang. Kailanman ay hindi ko naranasan na makaluwas ng Maynila at isa na rin siguro iyon sa mga pumipigil saakin upang mapagdesisyonan na sumama kay Theon. "Inalok ako ni Theon ng trabaho sa Maynila." Nakita ko ang pagkatigil ni Seyang at ang gulat sa mukha nito nang aminin ko na ang bumabagabag sa utak ko mula kanina pa. Nang mapatakip ito ng bibig. "Omg. For real?! Luluwas ka ng Maynila?!" Mabilis akong umiling. "Doon nga ako naguguluhan, hindi ko alam ang iisipin o gagawin. Hindi ko magawang iwan si Nanay rit-- "Ako na ang bahala sa Nanay mo! Jusko teh! Ito na ang iyong chance para umangat sa buhay! Lalo na at ang magbibigay pa ng trabaho sa'yo ay si Papa Theon!" Kinilig pa ito habang may sumusupil na ngiti sa mga labi. Hindi ko naman maiwasang mapatitig kay Seyang sa isinagot nito. Ni hindi man lang ito nagdalawang-isip na magkusang bantayan si Nanay habang wala ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Nalaman kasi ni Theon na ako ang nagbabayad sa mga medisina ni Nanay, ayon nagalit at alam niyang hindi niya mababali ang desisyon ko kaya't parang naiisip ko lang din na kaya niya ako biglang inalok ng trabaho ay para may mas makapagkakakitaan ako ng maayos. Ang dami-dami na ng naitulong ni Theon saakin." Lumamlam ang mga mata ko sa isipang nakapaligid ako sa mga taong kagaya nina Theon at Seyang. Nang biglang hawakan ni Seyang ang kamay ko habang may sinserong ngiti na ito sa mga labi. "Ito na siguro ang tyansa mo para makabawi sakaniya. Kapag nakapagluwag-luwag ka na sa Maynila, puwede mo nang akuin ang buong pags-stay sa ospital ni Dang Kristina. Magkakaroon kapa ng mas madaming oportunidad, malay mo makapag-aral ka ulit." Tumigil ito sa pagsasalita at ilang saglit kaming nagkatitigan. "Kung ang iniisip mo ay si Dang Tina, naku Amy, ako na ang bahala sakaniya, kaya ko siyang dalawin araw-araw. Alam mo namang bahay at parlor lang ang buhay ko at itinakwil na ako ng sariling pamilya." Tumawa pa ito ng pagak. Napahigpit ang hawak ko sa kamay nito. Napakalaking kawalan sa mga pamilya ni Seyang na itakwil ito. Napakabuting tao. "Salamat ng marami sa'yo Seyang, pero hindi pa rin ako sigurado sa magiging desisyon ko, sana ay mapag-isipan ko hanggang mamayang gabi." Tumango si Seyang at pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay kumain na kami. Mabilis na lumipas ang araw at hanggang sa mawala ang mga kostumer ay parang okupado pa rin ang utak ko. Nagpaalam ako kay Seyang na maaga akong uuwi. Lagi kasing gabi at hanggang alas nueve ang uwi ko, pero ngayon ay alasyete palang ng gabi ay umalis na ako ng Salon saka na sumakay ng Tricycle. Hindi ko na nga naabutan si Mang Tonyo na mukhang may inihatid. Inihabilan ko nalang sa mga kasamahn nito na umuwi na ako ng maaga para hindi na rin ako hintayin ni Mang Tonyo. Nang makarating ako sa ospital ay dumiretso na ako sa silid ni Nanay. Hindi ko naman inasahan na madadatnan ko na si Theon kaya't nang makapasok ako ay mabilis itong napadako ng tingin saakin. Ibinaba ko na ang bag ko sa may upuan saka lumapit sa gilid ng kama ni Nanay saka ito pinakatitigan. Napabuntong-hininga ako saka napasulyap kay Theon na nasa kabilang gilid ng kama ni Nanay. Hindi na seryoso ang mukha nito at parang kalmado na itong nakatingin saakin. Ilang saglit kaming nagkatitigan nang magsalita ito. "Have you decided?" Hindi ako kaagad na nakasagot sa isinantinig nito. Muli akong matamang tumitig kay Nanay saka hinawakan ang kamay nito at masuyong hinaplos iyon. Malaki ang tyansa kong mahanap ang Ama ko pag lumuwas ako ng Maynila. Magkakaroon ako ng mas magandang trabaho, mas makakapag-ipon ako hanggang makakaya ko nang tumayo sa sarili kong paa at hindi na kailangan ni Theon na alalahanin pa ako. Dahan-dahan akong tumango saka muling sumulyap kay Theon. "Gusto kong sumama... sa Maynila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD