Chapter 2

2329 Words
“Mamayang gabi, bibisita ulit ako rito,” Sambit ni Theon habang nakatayo sa gilid ng kama ni Nanay habang pinagmamasdan ito. “Sigurado ka ba? Kung pagod ka ay hindi mo na kailangang dumiretso pa rito.” Sagot ko pabalik kaya’t napalingon siya saakin. “We still have to talk about something, Amanda.” Rinig ko ang pagseryoso ng boses ni Theon na ikinatigil ko, sinalubong ko ang tingin niya at kita ko ang tila pagkadismaya at lungkot sa mga mata niya. “M-May nangyari ba?” Kinabahan ako sa klase ng tingin niya saakin. “Nagtaka ako kung bakit hindi ganoon katas ang bills ni Tita Kristina, and it turns out that you were the one paying for the medicine bills,” Dinig ko ang pagkadismaya sa boses ni Theon pero kaagad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. “Masyado ka nang maraming naitulong saamin ni Nanay, Theon. Kaya ‘pinagbuti ko nalang na ako na ang kumayod at magbayad sa mga gamot na itinutorok kay Nanay.” Mahina ang boses na sagot ko. Hindi niya kasi alam ang desisyon na ginawa ko, limot ko na rin ang bagay na iyon lalo na at noong huli siyang bumisita rito ay hindi siya nagtanong, siguro ay hindi pa niya alam noong mga panahong iyon. Ang tanging nababayaran lang gamit ang account ni Theon ay ang pag-sstay ni Nanay rito sa ospital mula noong ma-coma siya, at iyong mga gamot naman ay ako na ang nagbabayad. Mas malaki pa rin ang dulot ni Theon sa pagkaka-ospital ni Nanay kaysa saakin. “Seriously Amanda? Do you really think of me as your friend? I want to help you! Ang sabi ko ako ang magbabayad sa mga gastusin sa ospital ni Tita, why did you do that?” Hindi ko siya matingnan sa mata, bahagya kasi akong nakakaramdam ng konsensya lalo na at nahihihmigan ko ang lungkot sa boses ni Theon. Napahinga ako ng malalim. “Sapat na ang naitulong mo saamin.” Sagot ko saka lumapit sa mahabang upuan kung saan nakalagay ang sling bag ko at dinampot iyon. “You didn’t even tell me about this! All along, akala ko ay ako talaga ang nagbabayad sa hospital bills ni Tita, bakit hindi mo man lang sinabi saakin, Amanda?” He’s mad. Nasa harapan kona siya ngayon kaya tiningala ko na siya, “Kasi alam kong hindi ka papayag.” Diretsong sagot ko na ikinatigil niya. Salubong na rin ang kilay niya kaya’t nag-iwas na ako ng tingin saka siya nilagpasan at lumapit sa gilid ng kama ni Nanay. “Kayapala hindi ka na bumalik sa pag-eeskwela,” Sakto kong nahawakan ang kamay ni Nanay nang matulos ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi ni Theon. That part really pains me, whenever someone mentions about school, it triggers me. Hindi ako nakapagsalita habang nakatitig sa mukha ni Nanay, humigit ako ng malalim na hininga bago dumukwang para halikan sa noo si Nanay. “Uuwi lang ako ‘Nay, babalik ako mamayang gabi.” Bulong ko sa tenga niya saka na muling tumayo ng tuwid. “Kailangan ko nang umuwi at may pasok pa ako sa trabaho, Theon.” Muling pagsasalita ko pagkapihit ko patalikod pero hindi ko sinalubong ang tingin ni Theon. Wala ako sa posisyon para makipag-away sakaniya at alam ko rin na wala akong dapat na ihingi ng tawad sa ginawa ko kaya’t mananahimik nalang ako. “I can’t believe this!” Muling sambit niya bago tumalikod at lumabas. Napabuntong-hininga ako saka napatitig sa pintuan na nilabasan ni Theon. Theon treats me differently from other people, kaya naiitindihan ko rin siya ngayon. Maybe, he felt a bit betrayed, but sooner, alam kong maiitindihan rin niya ang ginawa ko. Naiiling na lumabas ako ng hospital room ni Nanay. Nagkakilala kami ni Theon apat na taon na ang nakalilipas, just looking back at the day when we first met, it brings back a lot of memories.   Flashback Kabado na ako habang naghihintay ng masasakyan rito sa baywalk, halos kakauwi kolang kasi galing eskwelahan at mag-aalas nuebe na. Pagkatapos kasi ng klase ko hanggang 7pm ay nag-oopisina pa ako bilang faculty student-assistant. Ilang oras na akong naghihintay ay wala pa ring nadaan na sasakyan, kapansin-pansin rin ang malamig na simoy ng hangin maging ang kalangitan na walang makikita ni isang bitwin. “Uulan pa yata,” Nanlulumong bulong ko saka napatayo sa bench na kinauupuan ko, napalingon naman ako sa likod at sa kabila ng railing ay ang ilog. Rinig ko ang pagragasa ng tubig, mukhang uulan nga. Napatingin ako sa pambisig na orasan saka na inilibot ang tingin sa paligid, ni wala na ring tao sa daan. “Hay naku.” Para na akong baliw na bumubulong sa sarili ko habang nagdadaalwang-isip kung lalakarin ko ba o maghihintay pa ng sasakyan na dadaan. Lowbat rin ang cellphone ko kaya wala talaga akong choice. Aalis palang sana ako sa may waiting shed nang mapalingon ako sa may hindi kalayuan, may nakita akong sasakyan na papalapit, ang akala ko ay jeep pero bumagsak ang balikat ko nang-maaninagan kong isa iyong kotse. Mas lalo akong nadismaya at nawalan ng pag-asa, lilingon na sana akong muli para umpisahan ang ang paglalakad ko nang matigilan ako at manlaki ang mata sa susunod na nangyari. Iyong kotse ay nagdire-diretso sa may railing ng baywalk. Napatakip ako ng bibig at napasigaw saka malakas na kumabog ang puso ko nang makita kong nahulog sa may ilog iyong kotse, hindi ko maipaliwanag ang takot at kaba na namayani sa dibdib ko. Isang aksidente lang naman ang nasaksihan ko! Kusang gumalaw ang mga paa ko at patakbong lumapit sa may railing ng baywalk na pinakamalapit saakin at dumungaw sa ibaba, sa may ilog. Doon nakita ko ang kotse kanina na tumama sa malaking bato sa gilid ng ilog. “T-Tulong! May naaksidente!” Kusang sumigaw ang bibig ko at hindi ako nagdalawang isip na tumakbo sa pinakadulo ng mahabang railing ng baywalk kung saan makakababa ka sa may ilog. “Tulong!!!” Sigaw ko at umaasang may makakarinig saakin, mabuti nalang at may mga ilaw pa rin sa mga poste na nakakakabit rito sa baywalk kaya nakikita ko pa rin kahit papaano ang dinadaanan ko. Bumaba ako sa may tabing ilog at patakbong lumapit sa kotseng naaksidente hanggang sa makarating ako sa pintuan ng driver’s seat at dumungaw sa loob, nabasag ang bawat salamin ng kotse at ang harapan nito ay nagkalasog-lasog. “Tulong!! May naaksidente!” Humahangos na sigaw ko habang binubuksan ang pintuan ng dirver’s seat, nang mabuksan ko iyon ay saka ko nakita ang isang lalaki na duguan ang ulo at mukhang walang malay. Napasinghap ako at kusa itong dinaluhan. Naging maingat ako sa paghawak sakaniya dahil hindi ko pa alam kung saan ang parte ng kaniyang katawan na napinsala bukod sa ulo niyang duguan. “L-Let go of me!” Natigalgal ako nang bigla itong gumalaw at palisin ang kamay kong humawak sa braso nito. Gising siya! Salamat naman sa diyos! “Kailangan mong maiugod sa ospital, kailangan kitang ilabas diyan.” Kausap ko rito saka muling hinawakan ang braso niya para itayo siya, nakahiga kasi ng pagilid ang katawan nito hangang sa passenger seat. “Fck….j-just let me d-die! Leave me alone!” Muli akong napasinghap nang sumigaw nanaman ito at palisin ang kamay ko. Doon ako natigil at saglit na napatitig rito. Amoy ko ang dugo na mula sa nabagok nitong ulo pero nangingibabaw pa rin ang amoy ng alak! Lasing siya! Jusko! Anong gagawin ko? Wala ito sa sariling katinuan, kaya siguro naaksidente ito at mukhang bayolente rin. Hindi ko alam ang gagawin, umayos ako ng tayo saka napameywang na inilibot ang tingin sa paligid. Wala pa rin bang tao ang nakarinig saakin? Kinapa ko ang selpon sa bag ko at pinilit iyong buksan kahit na drain na ito ay umasa pa rin ako, kahit sana ay makatawag man lang ako ng ambulansya. “Haist! Anong gagawin ko?” Puno nang frustrasyon na bulong ko nang hindi talaga mabuksan ang selpon ko. Muli akong napalingon sa loob ng nakabukas ng pintuan ng driver’s seat at napatitig sa taong sugatan roon. Hindi ko naman ito puwedeng hayaan, ikakabagabag pa ito ng konsensya ko sa buong buhay ko kapag tuluyan itong namatay! “Bwiset na ‘yan! Bakit ba kasi may mga taong pinipilit na magmaneho kahit na lasing?!” Inis na bulong ko saka na muling lumapit rito. Naglakas-loob akong hilahin ito pero ang bigat-bigat niya at lalo na ay ayaw talaga nitong magpahila dahil sa pagpupumiglas niya! Kahit sana ay mabigyan ko lang siya ng paunang lunas! Kahit na 2nd year-college palang ako sa kursong nursing ay determinado akong kaya ko na rin magbigay na maayos na paunang lunas! “Arggh! Bakit ba ayaw mong sumunod?! Konsensya ko pa kapag namatay ka rito! Parang awa mo na! Kahit tingnan ko lang ang mga sugat mo! Malapit na ring umulan at nasa may tabing ilog ka! Sure dead ka rito pag nagkataon!” Inis na sambit ko habang sinusubukan pa rin itong ilabas mula sa kotse. “T-That’s what I want! I---- want to die.” Muli akong natigilan sa narinig kong sinabi nito, mas lalo akong dumungaw sa loob at pinakatitigan ang mukha nito. Nakadilat ang mga mata niya at kahit na madilim at naaninagan ko naman ang mukha nito. Hindi pa ito mukhang matanda, kita ko ang matangos nitong ilong at mga matang puno ng lungkot? “So nagsu-suicide ka talaga?” Mahina ang boses na saad ko na pawang na-realize ang nangyayari. Doon ay nakita kong gumalaw ang mga mata nito at napatingin saakin. Umalis na ako sa pagkakadungaw sa loob ng kotse saka napabuntong-hininga, saglit akong napatitig sa lalaki na ni hindi man lang gumalaw. “Kung gusto mong magpakamatay marami pa naman na ibang oras, hindi ko naman hinangad na makita kita o matyempuhan ang pagpapakamatay mo kaya nakikiusap ako sa’yo na huwag nalang muna ngayon, hindi kasi makakaya ng konsensya ko.” I may sound as if begging for myself but atleast, if I could save his life for now, I will do the begging. Hindi pa rin siya gumalaw, ilang minuto akong naghintay, sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako dahil may sugat ito sa ulo at marami na rin ang dugong nawala sakaniya, ang kaso lang ay lasing siya at nagpapakamatay talaga siya sa hindi ko malamang kadahilanan kaya hindi ko siya basta-basta nalang na matutulungan. Panigurado at nag-aalala na rin si Nanay nito. Hindi pa rin ako nakarinig ng tugon mula rito, ni gumalaw ay hindi ko rin ito nakita. “Arrghh! Fine! Kung gusto mong mamatay rito sige! Sasamahan nalang kita kaysa sa mabuhay ako na dala-dala ang konsensya dahil sa pagkamatay mo!” Inis na sambit ko at kahit na puting-puti ang suot kong nursing student uniform ay umupo ako sa mamasa-masang buhangin at sumandal sa kotse nito. Hindi rin ako makauwi at nag-uumpisa na rin na umulan, malalim na rin ang gabi at kaysa sa ma-r**e sa daan habang naglalakad pauwi sa malayong bahay namin ay mas nanaisin ko pang rito mamatay. Kung minamalas ka nga naman. Tumingala ako sa kalangitan habang may pakonti-konting patak na ng ulan ay napapikit ako. Ang lungkot naman ng buhay ko tapos sa ganitong paraan pa ako mamamat---- “Never seen someone like you… d-damn, my head hurts like hell.” Mabilis akong napamulat at napalingon nang marinig ko ang boses ng lalaki, nakita kong pawang hirap na lumalabas ito sa kotse niya kaya mabilis akong napatayo. “D-Dahan-dahan!” Mabilis ko siyang dinaluhan at sa pagkakataong ito ay hindi na nito tinabig ang kamay ko, inalalayan ko siya at pinaupo sa lupa sa may pinakanasisinagan ng ilaw ng poste. Kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa gilid ng ulo nito kaya bahagya akong natigilan, panigurado akong nanghihina na siya at nalalabo na rin ang paningin dahil sa kakulangan sa dugo kaya’t hindi na siya puwedeng magtagal pa ng ganito. Hindi ako nagdalawang-isip na hubarin ang uniporme ko na pang-itaas dahil hindi naman ito tuluyang nadumihan at isa pa ay nakasando naman ako, mabilis ko itong pinunit. “Here.” Natigilan ako nang makita kong may iniaabot ito saakin at parang nagliwanag ang mga mata ko at napangiti nang makita kong selpon iyon, tiningnan ko ang lalaki sa mukha, nakapikit na ito pero may malay pa rin naman. “Call for s-someone’s help.” Mahinang sambit nito, mabilis kong kinuha ang selpon nito pero inuna ko na ang pagtali sa ulo nito para tumigil ang pagdurugo nito, ilang beses ko itong pinatungan dahil malaki-laki ang sugat niya. He didn’t move an inch, he let me do everything on my own at mukhang pinipigilan rin nitong mawalan ng malay, pagkatapos ay tumawag na ako ng ambulansya sa pamamagitan ng selpon nito. Ilang minuto lang ang nagtagal ay may dumating na saklolo saamin kaya’t naisugod rin siya sa ospital End of the Flashback.   Since that night, Theon and I became friends, he treats me as his life saver, ako rin kasi ang nagbantay sakaniya sa ospital noong gabing ‘yon at kalaunan ay naging malapit kami sa isa’t-isa, maging si Nanay ay nakilala rin niya, medyo kataka-taka lang na sa sobrang bait naman ni Nanay ay siyang pagkamasungit naman niya kay Theon pero kahit kalian ay hindi naman niya ito ipinagtabuyan. Ayaw na ayaw ni Nanay sa mga mayayaman, ang sabi niya kasi ay matataas ang tingin ng mga ito sa sarili kaya’t ayaw agad ni Nanay na napapalapit sa mga mayayaman pero naging mabait naman si Theon saamin. Dumaan muna ako sa parmasya at ibinigay ang preskripsyon ng mga gamot na itinuturok kay Nanay sa pharmacist para magbayad. Kinikita ko naman ang pang-isang lingo na gamot ni Nanay sa pagtatrabaho ko kay Seyang kaya ayos lang saakin na ako na lang rin ang magbayad. Maiitindihan naman siguro iyon ni Theon na hindi ko naman aakuin ang isang bagay na alam kong hindi ko kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD