Chapter 10

1402 Words
Amanda'sPOV Kita ko ang pagkatigil nito at tila gulat itong nakatingin saakin. Nawala ang pagkaka-kunot ng noo nito habang nakatingin saakin. Ni hindi ito nagsasalita. Mabilis ang sikdo ng dibdib ko at halo hiningal ako sa mahabang pagsasalita kong iyon. Bumuga ako ng marahas na hangin habang masamang-masama ang tingin ko rito. "Kaya kong umalis. Pwede mo akong paalisin at ipagtabuyan ng hindi pinagsasalitaan ng ganiyan." Galit na anas ko. Nang tila makahuma ito ay napakurap-kurap ito habang nakatingin saakin hanggang sa makita kong unti-unti nanaman ang pagkunot ng kilay nito. Ilang saglit ang lumipas nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay doon ko lang muling naramdaman ang kahihiyan. Mabilis akong napaiwas ng tingin nang makita ko ang nakakamatay nitong tingin saakin. "You got the nerv-- *bang* Muli kong pabagsak na inalapat ang palad ko sa mesa nito, sa ibabaw ng folder ko na siyang naglalaman ng resume ko, dahilan para matigil ito sa pagsasalita. Ayaw kong may marinig pang kung ano mang salita mula rito. Masama ang tingin ko rito nang damputin ko ang folder. "It's not so nice meeting you at all. Kaiden Salvatore." Malamig na litanya ko nang makuha ko na ang folder. Titig na titig ako sa mga mata nitong mataman lang ring nakatingin saakin. Mabilis na akong tumalikod at mabibigat ang hakbang na naglakad na ako papalabas ng opisina nito. Napahawak ako sa dibdib ko at muling napahinga ng malalim. Alam kong pagsisisihan ko rin ang lahat ng mga sinabi ko pero siya ang unang nambastos saakin. Aabutin ko palang sana ang pintuan nang bigla itong magsalita dahilan para mapatigil ako. "I will make sure that you will never get any job here, not after you got the nerve to say all those things to me, Amanda Pabustan." Parang nanindig ang balahibo ko sa tono ng pananalita nito. Saka ko naman unti-unting nararamdaman ang pagsisisi at panlulumo sa mga sinabi ko rito. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at madiing napapikit. "Kaiden's the best person who can help you to find your father." Halos singhap na napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Theon sa isipan ko. Mas lalong tumindi ang pagsisising nararamdaman ko nang mapakuyom ang kamao ko. Pasensiya ka na Theon. Hindi pa nakukumpleto ang ikalawang araw ay hindi na kami magkasundo ng pinsan mo, at mukhang hindi mangyayari 'yon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Wala nang urungan ito, nasabi ko na ang mga salitang iyon dahil sa bugso ng damdamin at ramdam na ramdam ko ang tila galit na bumabalot sa paligid ni Kaiden. Muli kong inabot ang pintuan para tumuloy na sa pag-alis nang muli nanaman itong magsalita. "I will never let Theon get away from this." Nangunot ang noo ko at muling natigilan habang nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig kong sinabi nito. Paano kung pagsimulan ito ng pag-aaway nilang magpinsan? Napailing-iling ako. Ano ba 'tong ginawa mo Amanda? Sa daming kabutihang ginawa para sa'yo ni Theon ay ito lang ang maisusukli mo sakaniya? Wala sa sariling mabilis akong napapapihit muli paharap kay Kaiden. Prente pa rin ang upo nito sa swivel chair habang nakatingin sa gawi ko. Madilim ang mukha nito at ramdam ko ang galit mula sa tinging iginagawad nito saakin. Umiwas ako ng tingin, tila nag-aalangan sa kung anong dapat kong gawin. Paniguradong sasabihin niya kay Theon ang lahat ng sinabi ko. Panigurado ay susubukan akong ipagtanggol ni Theon na pagsisimulan ng away nila. Hindi mahalaga kung sino ang nauna, o ang tama at mali saaming dalawa... ayaw kong mapaghugatin ito ng away sa pagitan nila. Ano ba kasing pumasok sa isip mo Amanda?! Bakit sinabi mo ang lahat ng iyon?! "Get... lost." Napahinga ako ng malalim at napatango-tango pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon. Masama pa rin ang tingin nito saakin nang magsimula akong maglakad papalapit muli rito. Madiing ang pagkakakuyom ng kamao ko. Iisipin ko nalang na ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Nanay, para mahanap ang Tatay ko, para kay Theon, at kay Seyang. Hindi ko kailangang isipin ang dignidad ko. Labag man sa kalooban ay tuluyan na akong muling nakalapit sa harapan ng table ni Kaiden-- Sir Kaiden. "Pakiusap, huwag mong ipaalam ito kay Theon." Malalim ang boses na hayag ko habang diretsong nakatingin rito. Sa loob-loob ko ay parang sasabog na ako sa kahihiyan pero pinakita ko ang tapang ko rito na wari ay hindi ko pinagsisihan ang mga pinagsasabi ko kanina. "Who are you to tell me what to do?" Malamig ang boses na tugon nito nang umalis ito sa pagkakasandal sa upuan. Muli akong humugot ng hangin. "Leave. You're not fit to be here. Lowlif-- "Ikaw naman kasi ang nauna! Kung hindi mo ako pinagsabihan at inakusahan ng kung ano-ano e 'di sana ay hindi ko nasabi ang mga bagay na 'yon sa'yo?!" *bang* Natigalgal ako nang dalawang palad nito ang pabagsak na inilapat sa mesa habang ang tingin nito ay parang gusto na akong sakmalin dahil sa galit. Napangiwi ako at alam kong masyadong nang kahiya-hiya na nasa harapan pa rin ako nito pero kailangan kong masiguro na ang nangyaring ito ay mananatiling saaming dalawa lang. Sino ba ako para sabihan ito? Pero sana ay madaan ko man lang ito sa pakiusap. "I've never met someone as thick skinned like you-- "Then be honor to meet me. Just tell me that you'll not tell Theon about this, and we will forget that this meeting happened. So we can all live our lives comfortable-- "You still expect that you can live comfortable after you said those things at me?" Napipil ko ang dila ko sa sinabi nito. Nang tumawa ito na tila nang-uuyam at muling sumandal sa kinauupuan. "You're so ignorant. You don't know whom you're talking to... you don't know me, woman." I can hear some threatening. Nahigit ko ang hininga ko at napaiwas ng tingin. I was intmidated, I admit. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko nang muli na itong magsalita. "Leave." Napalunok ako. "Anong kailangan kong gawin?" Mahinahong sambit ko na halos pabuga nalang ng hangin. Lamon na lamon ang dignidad ko at hindi ko inasahan ito. Nainsulto ako sa paraan ng biglang pagtawa nito na may panunuyam. "Leave." Ulit nito, umiling lang ako at muling matapang na sinalubong ang tingin nito. Kita ko ang muling pag-igting ng panga nito. "Tell me what to do. Huwag mo lang sasabihin kay Theon ang lahat ng ito. You can tell him that I failed in work, I got rejected, I got here late. Just... don't tell him about-- "About the things that you have said to me?" Sinamaan ko ito ng tingin. "I wouldn't even say that in the first place if you didn't accuse me first. Nasabing edukado pero nagmamaliit ng t--" Natigil ako sa pagsasalita nang makita kong halos sagpangin na ako nito sa klase ng tingin niya saakin. "All you can do now is leave." Muli akong umiling. "Hindi ko masisigurong hindi mo sasabihin kay Theon ito. Mangako ka lang, at aalis ako." Puno ng determinasyon sambit ko. Nakatingin lang ito ng mataman saakin. "You believe in... promises?" Tila nauuyam na sambit nito, ako ay walang pasubaling tumango lang nang muli ako nitong titigan ng mataman na parang nanliliit ang mga mata. Tumikhim ako. "Tutal ikaw ang nauna, at may kasalanan rin ako. quits lang tayo nito, hindi b-- "Ridiculous. Just leave." Bigla itong tumayo mula sa kinauupuan. Ako naman ay tila nataranta nang abutin na nito ang coat at suotin iyon. Nakatingin lang ako rito. Hindi na ito muling tumingin saakin nang umalis na ito sa mesa at naglakad paalis. Nanlaki ang mata ko nang lagpasan ako nito na parang hangin. Wala sa sariling hinigit ko ang tela ng suit nito dahilan para matigilan ito. Tutal at lamon na lamon na ang kahihiyan ko rito, susulitin ko nalang rin. Hindi rin alam kung bakit ito ang pumasok sa isipan ko pero kusang gumalaw ang katawan ko at natagpuan ko nalang ang sarili kong lumuhod sa harapan nito. Kuyom na kuyom ang kamao ko habang nakatingin ng diretso rito. Kita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa ko. "What the--" Hindi nito naituloy ang gustong sabihin. "Para masiguro kong magiging maayos ang lahat. Can you..." Parang nilamon ang boses ko at napatigil ako sa pagsasalita. Lumunok ako para basain ang lalamunan ko dail sa panunuyo nito. "Can you reconsider on keeping me here? Gagawin ko ang lahat, just let me stay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD