Chapter 9

1948 Words
Amanda's POV Nakapag-ayos na ako ng mga damit ko na nailagay ko na sa mga cabinet. Ngayon ay kasalukuyan na akong nakahiga at nagpapatulog pero ang mga mata ko ay dilat na dilat habang mataman na nakatingin sa kisame. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Theon bago ito umalis. Si Sir Kaiden ang makakatulong saakin para mahanap ko ang Ama ko? Malalim akong napabuntong-hininga at napapikit nang sumaglit sa isipan ko ang unang tagpo naming sa may ospital, nang makabunggo ko ito at tila isang aroganteng kumausap ito saakin at mas lalo kong napatunayan ang kagaspangan ng ugali nito nang muli koi tong makita at sa kaliitan nga naman ng mundo ay ito pa ang magiging boss ko? Napailing-iling ako. Ubod nga ng gwapo at yaman, kinulang naman sa ugali. Masyadong mapanghusga at mapagmata sa tao, pero ano bang magagawa ko e’ makikipagtrabaho lang ako? Isa lang akong hamak na bagong salta rito sa maynila kaya wala akong karapatang magreklamo. Napapadyak-padya ako at dumapa sa kama. Hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ba ako sa trabaho doon sa Law Firm, bukas ko palang malalaman. Halos ginawa na ni Theon ang lahat para matulungan ako, at inilapit pa niya ako sa taong maaaring maging upang mahanap ang Ama ko, hindi ko ito puwedeng sayangin. Iniisip ko pa naman na maghanap nalang ng ibang trabaho kung sakanila hindi ako matanggap sa Law Firm, pero mukhang kailangan kong gawin ang lahat para manatili roon at matanggap. Sana lang talaga ay kagaya ni Sir Kaiden si Theon na sa una lang masungit at may itinatago ring taglay na kabaitan. Siguro ay doon nalang muna ako mananalig sa ngayon. Kinabukasan… Humikab ako at napainat-inat saka na tumayo mula sa pagkakahiga. Inilihis ko ang kurtina para masinagan ng araw loob ng kwarto. Tumingin ako sa oras at natigilan ako nang makita kong alas-said y medya na. Ang pasok sa opisina ay alas-otso, ayaw kong mahuli dahil kabago-bago ko palang. Sana naman ay magiging sapat ang oras ko sa pag-hahanda ng sarili. Mabilis akong pumasok sa banyo saka na rin naligo. Nakita ko ang mga mensahe ni Seyang at Theon pero hindi ko muna binasa ang mga iyon. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay saka ko lang binuksan ang mga mensahe nina Seyang at Theon. From Seyang: Hoy gaga! Hindi mo ako tinawagan, kumusta kana diyan? Ganoon pa rin ang kalagayan ni Tita Kristina, huwag mo muna siyang alalahanin. Araw-araw ko siyang pinupuntahan. Mag-iingat ka riyan. From Theon: It’s rush hours, you must adjust your time. Mula sa pagkakangiti dahil sa nabasang mensahe ni Seyang ay mabilis akong napatakip ng bibig at nahigit ang hininga dahil sa nabasang mensahe mula kay Theon. Muli akong tumingin sa orasan at kita kong alasyete y medya na. Dali-dali kong kinuha ang bag ko saka na umalis. Hindi ako puwedeng mahuli dahil kung hindi ay baka mas lalo akong paalisin ni Sir Kaiden sa Law Firm. Mabilis ang mga hakbang ko habang pababa ng hagdan, nadatnan ko naman si Aling Josie na nagwawalis sa harapan nang mapatingin ito saakin. Nginitian koi to at kinawayan. “Magandang umaga Aling Josie!” Bati ko rito. Tinanguan lang ako nito at lalagpasan ko na sana ito nang may maalala ako ay muli ko itong nilingon. “Paano nga po pala ang sakayan rito?” Mabilis na tanong ko saka sinabi ang destinasyon ko. “Labas ka lang ng street natin, tapos kumaliwa ka, lipat ka ng daan at makikita mo roon ang mga nagtataxi tapos lakad kapa ulit at makisama ka sa mga nakatayo sa gilid ng kalsada na nag-aabang ng jeep.” Mabilis koi tong pinsalamat saka tinanguan at muli nang nagpaalam. Halos lakad takbo ang ginawa ko habang sinusundan iyong ipinaliwanag saakin ni Aling Josie. Lumlinga-linga ako sa paligid nang tuluyan na akong makalabas sa may kanto at bumungad saakin at tila abalang daan. Ang daming sasakyan! Lumipat ako ng kalsada at medyo pahirapan pa pero nakisabay nalang rin ako sa mga dumadaan. Ngayon lang ako magtataxi dahil nagmamadali ako. Pumara ako ng taxi pero may mga mas nauuna saakin. Halos manlumo ako sa bawat pagpatak ng oras. Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang patuloy sa pagpara ng sasakyan. Mahuhuli na ako sa oras! Halos makahinga ako ng maluwag nang may tumigil nang sasakyan sa harapan ko at bago pa ako maunahan ay mabilis na ako sumakay. Napahinga ako ng malalim at tumingin kay mamang driver. “Ito po ang address.” Ipinakita ko sa driver ang address ng law firm na sinend kahapon saakin ni Theon. Napangiti ako nang tumango na ang driver saka na ito nagmaneho. Napasandal ako sa kinauupuan. Hindi pa ako nakakakain! Bakit kasi napahaba ang tulog ko! Bukas ay aagahan ko na talaga! Sana lang ay huwag mauna si Sir Kaiden saakin. Sinipat ko ang sarili sa salamid. Sinuklay-suklay ko ang buhok ko para mas lalong maayos iyon at sinigurado kong mukha akong presentable. Naka-pencil skirt ako at isang blusa na kulay puti. Sanay naman akong mag-skirt dahil sa uniporme namin dati bilang nag-aaral ng nurse. Ilang saglit akong kumalma at tila nakakahinga ng maluwag habang tiningnan ang paligid at daan na nadadaanan namin. Napakadaming sasakyan. Pero muli akong nakaramdam ng kaba nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Napatingin ako sa harapan at bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong traffic. “Manong, malapit na po ba tayo?” Kabadong tanong ko kay Manong saka sumulyap sa pambisig na orasan. Sampung minuto nalang! Hindi ko naman alam kung mapapanatag ba ako pero hindi nawala ang kaba ko kahit na tumango si Manong, hudyat na malapit na kami sa destinasyon. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng Traffic. Limang minute ang lumipas at tila pakonti-konti lang ang usad namin. Mahina akong nagdarasal na sana ay mapabilis na ang pag-andar ng sasakyan at nahigit ko ang hininga ko sa tuwa nang tuluyan na nga itong makasibad ng mabilis. Muli akong tumingin sa oras at nanlaki ang mata ko at sumikdo ang dibdib ko nang makita kong alas-otso ko. Nanlulumong napahalukipkip ako sa kinauupuan saka nalang hinintay hanggang sa makarating ako sa harapan ng Law Firm. Nagbayad na ako kay Manong at kabadong at mabibigat ang mga hakbang na may pagmamadali akong pumasok ng Law Firm. Ang ingay pa ng mga takong kong tumatakbo paakyat ng hagdan. Halos hingal na hingal ako nang makarating ako sa ikalawang palapag. Tumuloy na ako hanggang sa harapan ng opisina ni Sir Kaiden. Madiin akong napapikit at mabilis na muling inayos ang sarili nang makita kong kinse minutos na akong late. Sana ay wala pa siya, sana ay wala pa siya— “How could you come late at work when you’re still not yet an official employee?” Natigalgal ako at mabilis na napalingon dahil sa gulat. Literal na nahigit ko ang hininga ko nang bumungad sa paningin ko ang pirmeng nakakunot na mukha ni Sir Kaiden pagpihit. Malamig itong nakatingin saakin nang mabilis akong yumuko. Kaagad akong nakaramdam ng kahihiyan nang palihim kong napansin na wala itong hawak na suitcase, ngunit mga papel sa isang kamay nito. Wala rin itong suot na suit. Ibig sabihin ay kanina pa ito sa opisina! Nakayuko lang ako sa harapan nito. Ano nang gagawin ko nito?! Papalayasin na ba niya ako? Ipagtatabuyan? Wala akong maisip na sabihin! “P-Pasensiya na Sir… natraffic lang po— “Move.” Mabilis akong napaangat ng tingin at natigilan nang sumabat ito sa pagsasalita ko. Mamalim ang boses ng pagkakasabi nito. Hindi ko maipaliwanag ang intimidasyong naramdaman ko nang magtama ang paningin naming. Kahapon ay ni hindi naman ako natakot o naintimida ito, pero ngayon ay parang hiyang-hiya ako rito. Kumibot ang noo nito at mas lalong lumalim ang gitla nang mapagtanto ko ang sinabi nito. Parang kidlat na tumabi ako sa daraanan nito at lumihis ng tayo para bigyan ito ng daan sa may pintuan ng opisina nito. Walang imik na naglakad na ito papasok. Habang ako ay napahawak sa dibdib ko at napahinga ng malalim. Palihim akong nagdarasal pero ramdam ko na ang panlulumo dahil halata naman na hindi na ako matatanggap sa trabaho nito. Bigla naman nahagip ng paningin ko si Mikaela na nasa loob ng katabing opisina ni Sir Kaiden. Clear glass wall lang ito kaya makikita ang nasa loob kung hindi ibababa ang mga blinds. Nakita ko itong umiiling-iling habang nakatingin saakin. Napasimangot ako at mas lalong nanlumo bago pumasok sa loob ng opisina ni Sir Kaiden. Kailangan ko pa bang pumasok? Hindi ako sigurado. Muli nanaman bumungad saakin ang napakalinis at napakagarang opisina ni Sir Kaiden. Habang ito naman ay nakaupo na sa may swivel chair at tila abala sa sariling ginagawa. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa harapan ng table nito. “Good morning Sir— “I just read your resume, and the attitude you just showed today…” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla rin itong magsalita at nag-angat ng tingin saakin. Pabagsak nitong inilapag sa harapan ko ang isang folder at kung hindi ako nagkakamali ay ang nilalaman nito ay ang resume ko. Napalunok ako sa klase ng tingin na iginagawad saakin ni Sir Kaiden. Para itong galit na hindi ko mawari. Madiing itong napapikit nang mapahilot ito ng sentido at tila nag-igting ang panga. Galit nga. Ano nang gagawin ko? Alam ko na ang kasunod nito. Hindi ako matatanggap at palalayasin na ako nito. “Theon… damn it, he disappoints me.” Napatulala ako rito nang marinig ko ang ibinulong nito ng may pagkadiin. Parang piniga ang dibdib ko sa narinig at napailing-iling. Puwede siyang madismaya saakin pero ang madismaya kay Theon ng dahil saakin, hindi ko yata matatanggap iyon. “S-Sir… puwede niyo po akong ipagtabuyan pero sana ay huwag kayong madismaya kay Theon— “You’re not in the place to say anything here. I let him do what he wants, to let someone like you in my firm and get a job effortlessly out of trusting him that he knows what he’s doing but looks like he don’t. What the hell the he think in my firm?! A playground?! Letting someone in who doesn’t even know a thing about law, how ridiculous!” Napataas ang boses nito pero ni hindi ako makaramdam ng takot. Nadidismaya ako sa sarili ko dahil parang ipinahiya ko na rin si Theon nito. Hindi ko matatanggpa iyon. Lihim kong naikuyom ang kamao ko dahil sa bugso ng nararamdaman pero wala akong alam sabihin. Tama siya, wala akong lugar rito para magsalita ng kung ano. Walang halaga ang opinion ko rito. “What are you still waiting for?! Leave! You don’t deserve to have any place in this firm. I don’t care how much you think so highly of yourself, being a smartass, getting scholarship in your college. I don’t care, this is not your field, in the first place you shouldn’t have come here. Why would Theon even let you some here? Obviously, looks like you’re someone useful to him, maybe some who warms his bed— *bang* “FIRST of all, SIR Kaiden Salvatore. Hindi ako bed-warmer ni Theon dahil matalik kaming magkaibigan. Ikalawa. Ibinigay ko ang resume ko sainyo, diyan sa mesa niyo para kaagad niyong basahin at malaman ang mga impormasyon tungkol saakin. PANGATLO, wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganiyan, gaya ng pagbababa ng dignidad ko kahit na ikaw pa ang may-ari ng buong maynila. WALA kang karapatan. ANG sinabi ni Theon saakin ay magiging personal assistant mo ako at lingid sa kaalaman ko na kailangan ko palang magtrabaho tungkol sa batas, PERO sa nakikita ko hindi na iyon kasalanan ni Theon. HINDI kasalanan ni THEON na ang pinsan niya ay isang aroganteng, mayabang, at mapanghusga na makitid ang utak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD