Chapter 20

1147 Words
Tiningnan ni Marieneth si Sander at kinindatan ito. Nagulat naman si Sander sa ginawa ng dalaga. "Ace, yan ang tawag niyo saakin." Nakangiting sabi ng dalaga. Napansin ni Beatriz na tiningnan ni Ace ang boyfriend. "You b*tch!" Sigaw niya. Susugudin sana niya ang dalaga ng napasmirk ito at umiwas lang ito kaya nadapa siya tatalunan kasi sana niya ang dalaga pero di natuloy. "Galit ka? Tsk tsk... ang hina. Ang dali mong mapikon." Nakasmirk na sabi ng dalaga at tiningnan ang host at sinasabi na simulan na ang laban. Habang seryoso na nakatingin si Sander kay Ace dahil napakapamilyar nito sa kanya parang biglang tumibok ang puso nito ng makita niyang kinindatan nang dalaga. Ganun din ang pakiramdam niya nung unang kita palang niya ito at kagaya din ito ng nararamdaman niya kay Hannah. Wala na siyang maintindihan sa mga nangyayari. "Napaka misteryoso niya." Napatingin si Sander sa kaibigan niya na si Charles. Napatingin naman ito sa kanya. "Kakaibang aura ang nakikita ko sa kanya. Yung hindi mahihigitan ng kahit sino." Sabi ng binata habang seryosong nakatingin sa dalaga. Napatingin naman si Sander sa dalaga at nakasmirk lang ito habang nakatingin sa kalaban para bang paa lang niya itong tinitingnan. "Sisimulan na natin ang laban!" Sigaw ng host at ayun naghiyawan ang lahat kaya naghanda na si Beatriz at sinugod nang biglang nagsign si Marieneth na ihinto muna ang pagsugod. Kaya napahinto din si Beatriz. "Bakit ba!" Sigaw nito. "Chill lang... tinatanong ko lang kung friendly fight o deadly fight toh." Tanong ng dalaga. Siningkitan siya ng mata ni Beatriz. "Deadly Fight at no rules." Sabi ng host. Napataas ang isang kilay ni Marieneth. "I see... I love deadly fight." Sabi ng dalaga at pinaikot ang isang balikat na parang handang handa na. "Sige na sugod na." Sabi nito at tumakbo na nga ang dalaga at sinipa ni Mari si Bea pero nakailag ito kaya napangiti si Mari kaya ginamitan niya ito ng hook (yung sipa sa likod) kaya napaatras si Bea at napahawak sa ulo. "Tsk." Sumugod na uli at sinuntok nito ang tyan ni Mari pero mukhang wala lang ang suntok ng dalaga dahil sa ilang kaso na nadaanan niya mas malala pa ang nangyari sa kanya kaysa ngayon. Napangiti si Mari at sinuntok sa mukha kaya ayun napahiga kaya agad niya itong sinakyan kaya ngayon nakaupo na siya sa nay tyan ni Bea at pinagsusuntok ang dalaga sa mukha ng maramdaman nitong may papalapit sa kanya kaya inihinto nito ang ginagawa. Nakita niya si Bea na wala nang malay. Kaya tumayo siya at pinagpag ang sarili. "Beatriz." Tawag ni Sander sa kasingtahan habang hinawakan sa mukha. "Ang nanalo ay si Ace!" Sigaw ng host. At napalapit si Mari sa kung saan sila Sander at tiningnan niya ito at may kinuha sa bulsa at ibinigay kay Sander. "What's this?" Nagtatakang tanong ng binata. "Gamot, para mawala ang mga pasa sa mukha niya. Sayang maganda pa naman siya. Paki kumusta ako sa kanya pag gising niya sabihin mong magpagaling siya." Sabi ng dalaga na kinagulat ng binata di niya inaasahan ang sinabi nito. Tumalikod ang dalaga at nakita nito ang papalapit na si Joseph at bigla siyang hinawakan sa mukha. "Your so f*cking good, Ace." Sabi ng lalaki at ngumiti naman si Mari at niyakap siya ng binata. At hinawakan siya nito sa kamay at sumabay sa paglabas. Nakarating sila sa labas at sumakay sa sasakyan ng binata. Tinext na ng dalaga kay Jerry na kunin ang sasakyan nito at dalhin sa mansyon nito. Nang makarating sila sa mansyon ng mga Sy. Feeling ng dalaga na parang naka jackpot siya sa mga nangyayari ngayon. Dahil nasa mga kamay na niya ang Mafia Boss ng Sy. Ang kailangan nalang niya ay ang ibedensya maghahanap siya ng ibedensya laban kay Joseph. Naglakad silang dalawa papasok sa mansyon ng binata habang naglalakad napatingin siya sa paligid puro kasambahay lang ang nandito. "Uhm.... nasaan parents mo?" Sabi ng dalaga kay Joseph. "Nasa Singapore may business na ginagawa at di sila dito umuuwi akin ang lahat ng toh. Pinaghirapan ko ang lahat ng ito." Sabi nito. Nanlaki ang mata ng babae at di siya makapaniwala na makakatayo ang isang taong magkaedad lang sila ng ganitong kalaking mansyon. Naisip niya na isa palang Mafia Boss malamang mayaman talaga. "Ihahatid na kita sa kwarto mo." "Bukas kukunin ko ang gamit ko sa boarding house ko...." "No need... may binili na ako sayo kanina habang naglalaban ka pinabili ko na sa butler ko ang mga kakailanganin mong gamit." Sabi nito. Nanlaki ang mata ng dalaga. "H-ha? Seryoso?" Sabi nito. Tumango ang binata at hinatid na nito sa kwarto. Napanganga ang dalaga dahil sa napakamalaking kwarto ang binigay sa kanya. "Uhmm... k-kwarto mo ba ito?" Sabi ng dalaga. Tiningnan siya sa binata. "Hindi ako magkakwarto ng Pink and sky blue ang kulay." Sabi nito. Napapout ang babae. "This is your room from now on." Sabi nito. Nanlaki ang mata ng dalaga. Pumasok sila at inilibot ng dalaga ang boung kwarto. Isang Queen Sized bed, may parang mini sala, may cr at with bath tub pa. "Nasa kabila lang ang kwarto ko if may kailangan ka tawagan mo ko sa telepono." Sabi ni Joseph. Napatango lang anf dalaga nang may naisip siya. "Uhmm... kanino ba tong kwartong ito?" Sabi nito sa binata. Napatingin ang binata sa dalaga at hinawakan sa mukha. "Sa future wife ko ito. At ikaw yun." Nanlaki ang mata ng dalaga. Di niya alam na totoo palang nahulog talaga sa kanya ang binata. "Uhmm... pwede nang matulog? Pagod kasi ako eh. Salamat pala pinatuloy mo ko dito." Sabi ng dalaga sabay ngiti. "Anytime... your welcome here." Sabi nito at lumabas na ng pinto. Napabuntong hininga ang dalaga sabay upo sa higaan nito. Tiningnan ang paligid kung may cctv ba o mga recorder kahit saan. At wala naman siyang nakita kaya napahiga siya sa higaan at dinalaw na siya ng antok hanggang makatulog. Sa bahay naman ng mga Schubert. Paikot ikot si Schubert habang nakatingin sa cellphone niya kinakabahan siya na baka iniwan siya ni Hannah ng ganun na lang. Napatingin siya sa maid na dumaan. "Did you see, Hannah?" Sabi nito sa maid. "Umalis na po siya. Di po niyo alam?" Sabi ng maid na kinalaki ng mata ng binata. Agad siyang napatakbo sa opisina ng kanyang ama. "Dad, where's Hannah?" Sabi ni Sander habang nakatingin sa ama. "Umalis na siya." Sabi nito. "Bakit di niyo sinabi saakin? Kailan pa?" Sabi nito. "Bakit ganyan nalang ang reaction mo nung umalis ang personal maid mo diba okey lang sayo na umalis ang mga P.A mo noon?" Sabi nito. Natigilan ang binata at hinarap ang ama. "Because i love her." "Di kayo pwede sa isat isa." Napatingin ang binata sa ama nito. "What do you mean?" Nagtataka niyang sabi. Parang kinabahan bigla ang binata sa sinabi ng ama. "Because she's a Special Agent." ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD