Chapter 21

1064 Words
Sa bahay ng Schubert bago nangyari ang laban sa gangster world. Nagmamadaling pumunta si Mari sa opisina ng ama ni Sander. Dahil di dapat magpatuloy ang pagtatrabaho nito sa puder ng mga Schubert dahil sa nararamdaman ng lalaki sa kanya at mismo sa nararamdaman din nito sa binata. Ayaw niyang mahulog mismo sa binata. Tamang tama din na tinawagan siya ng kanyang Chief na lumisan na sa puder ng mga Schubert. Dahil ayaw na din niyang mas lalo na mahulog sa binata ayaw na niyang masaktan pa. Nang makarating siya sa opisina nakatingin siya sa lalaking nakaupo doon. Mabuti nandito ang ama ni Sander parate kasi itong busy. "May kailangan ka, Ms. Hannah?"sabi nito. Lumapit ito sa ama ni Sander at binigay ang resign paper sa lalaki. "May ginawa ba ang anak ko na di mo nagustuhan?" Sabi nito. Napatingin ito sa lalaki at nagsalita. "Uhmm... ayoko pong magustuhan ako ng anak niyo. Kaya ako na po ang lumalayo. At ayoko pong masaktan siya sa huli pag nalaman niya kung sino ako." Sabi ng dalaga. Naging seryoso ang mukha ng lalaki. "Sige po kailangan ko na pong umalis baka maabutan ako ni Sander." Sabi ng dalaga at umalis na ito. Agad may tinawagan si Mr. Schubert na isang spy at gusto niyang alamin kung sino talaga ang dalaga sa likod ng pangalang Hannah. Hanggang sa sinabi ng kanyang spy na hindi isang ordinaryong tao ang dalaga dahil isa itong special agent. Nalilitong nakatingin si Sander sa ama. Di siya makapaniwala sa sinabi nito. "D-di ba kayo nagbibiro, Dad?" Sabi nito. Umiling ang lalaki at tiningnan ang anak. "Bakit naman siya pumasok sa puder natin at nagpanggap na isang P.A ko? May plano ba siya laban saakin?" Sunod sunod na tanong ng binata at napaupo siya sa upuan at hinilot ang sintinido nito. "I don't know. Di ko alam kung kalaban ba siya o kakampi pero isang kalaban ang tingin natin sa kanya dahil isa siyang tagasunod ng batas. Napakabait ng batang yun akala ko siya na ang para talaga sayo na P.A pero mali pala ako." Sabi ng ama nito. Napayuko ang binata. "D-dad.... ano talaga ang totoo niyang pangalan?" Sabi nito habang nakayuko padin. "She's Marieneth Francesca Meyers. Kapatid niya ang pinakasikat na doc na si Martin France Meyer." Nagulat ang binata at napatingin sa ama. Naalala kasi nito nung nagdinner sila sa isang restau kasama ang ina nito. Sinabi ng doc na patient niya si Hannah noon at magkaibigan sila. Hindi masyadong nakaramdam ng galit ang binata di niya alam kung bakit dahil siguro sa mahal na niya ang dalaga. Ngayon lang niya ito naramdaman ang pagmamahal niya kay Beatriz ay pampaiwas oras lamang at ang nararamdaman naman niya kay Mari ay ibang iba. Lumabas ang binata sa opisina ng ama at pumunta sa kwarto nito. Tinawagan ang kanyang kaibigan na si Christofer mahilig kasi yung maghanap ng mga files ng tao. "Oh, napatawag ka Big boss?" Sabi nito sa kabilang linya. "May ipapagawa ako sayo." Sa bahay naman ng mga Sy... Maagang nagising ang dalaga at tumayo siya at tiningnan ang labas ng bintana. Nakikita niya ang gate mula sa kinatatayuan niya kaya tamang tama lang ito para sa pag iimbestiga niya. Bigla siyang napatingin sa gate dahil may isang sasakyan na papasok doon at nang makalapit ito sa entrance door nakita niya ang isang matanda. Tiningnan niya ang matanda at nasa mga 70+ na ang edad nito at seryosong naglalakad papasok ng mansyon. Isinara niya ang binatana at biglang pumasok si Joseph na kinabigla ng dalaga. "Ace, magtago ka." Nagpapanik na sabi ni Joseph di maintindihan ng dalaga kung bakit siya magtatago. "Bakit naman?" Sabi nito. "Nanjan ang lolo ko. Di mo siya kilala ayokong madamay ka sa mga bibiktimahin niya. Kainis bakit ba kasi umuwi siya." Sabi nito. Napaisip ang dalaga naging clue niya ang bibiktimahin kaya naalerto siya. Nagulat ang dalaga dahil biglang may bumukas sa may dingding isang sekretong pintuan. "Diyan ka muna, Babe. Babalik ako." Sabi nito at tumango ako at hinalikan niya ako sa noo." Sabi nito at sinira ang pintuan. Tiningnan ng dalaga ang paligid at nagulat siya sa nakita doon... ang daming armas kahit madilim makikita padin niya na armas yun dahil sa anino at sa naamoy niyang pulbura. Naalala niya na may recorder pala siya sa earing ni Joseph. May pinindot siya sa may tenga niya na maliit na device maririnig niya ang paguusapan nila. 'Lo, anong ginagawa niyo dito?' Sabi ni Joseph sa lolo nito. 'Gusto ko lang makita ang nagiisang apo ko na magmamana ng lahat ng ariarian ko. Bakit may mali bang bisitahin kita?' Nakangiting sabi nito. 'I know you have a reason why your are here.' Seryosong sabi ng binata. Narinig nito ang tawa ng matanda at nagsalita. 'Apo nga kita... ang sasabihin ko sayo ay para sa future ng Sy Clan... kaya may pakakasalan ka at yun ang anak ni Mr. Michael na si Beatriz.' Nagulat ang dalaga sa sinabi ng matanda alam nito na si Beatriz na girlfriend ni Sander ang ibig sabihin nun. 'What?! Lo! girlfriend yun ni Sander! Nagpapatawa ka ba?" Sabi nito sa lolo. 'I'm not joking at about sa kanila ni Sander spy lang siya....' Muntik nang matumba si Mari sa kinatatayuan niya. '... kagaya ng ginawa ko sa pamilyang Hermes papatayin ko din siya.' Sabi ng matanda na kinalaki ng mata ni Mari. Ibig sabihin nun di talaga si Joseph ang pumatay sa mga kasapi ng Hermes Clan. 'Tama nga ako ikaw nga ang pumatay sa kanila. Why you do that?!.' Seryosong sabi ni Joseph sa lolo. 'Dahil.... sagabal sila sa mga plano natin. Dahil sila ang isa sa kaibigan mg Schubert Clan. Kailangan tayo ang mangunguna sa Mafia World at mayaman sa boung mundo.' Sabi nito. Naningkit ang mata ng dalaga naintindihan na niya. Tinext niya si Agent Bill at sinabi ang mga dapat gawin. Habang sa bahay Schubert... Nakaupo sa higaan ang binata. "Ayokong isipin na tayo rin pala ang maglalaban sa huli. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka. Kahit makalaban ko man ang lahat ng tao sa boung mundo. Kahit di mo ko mahal gagawin ko ang lahat para mahulog ka saakin at mahalin mo ko pabalik." Sabi nito sabay tayo. "Gagawin ko ang lahat para mahanap kita. Marieneth Francesca Meyer. Mapapasaakin ka rin." Sabay tingin sa picture ni Hannah yung naka disguise pa ito. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD