Chapter 19

1094 Words
Nanigas sa kinatatayuan ang dalaga at parang ang init ng pakiramdam niya lalo na sa mukha. Ang daming nakatingin may kinikilig at may nasasayangan marami kasing tao dito sa labas ng restau. Tiningnan niya ang lalaki at nakatingin ito sa kanya. "A-anong sabi mo?" Sabi ng dalaga habang nakatingin kay Sander. "I said.... Mahal kita Hannah." Sabi ng binata. Biglang kumunot ang noo ng dalaga at nagsalita. "Pinaglalaruan mo ba ako?" Seryosong sabi ng dalaga. Napailing ang binata. "Nope, totoo ang sinasabi ko. Maniwala ka." Sabi nito sa babae. "Sander, di mo ba iniisip na may girlfriend ka na. Tapos sasabihan mo ang personal assistant mo na mahal mo ito. Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Sabi ng dalaga. Nakatingin lang nang seryoso ang binata. "Oo malapit na akong masiraan ng ulo kakaisip sayo. Nung sumama ka sa lalaking yun para nang guguho ang mundo ko. Hannah... mahal na mahal kita." Sabi nito. Umiling ang dalaga. "Once malaman mo ang lahat di mo na ako mamahalin pa." Sabi ng dalaga. Parang walang naintindihan ang lalaki. "Anong kailangan kong malaman?" Naguguluhang sabi nito. Tumalikod ang dalaga at nagsalita. "Sana mapatawad mo ko." Sabi ng dalaga sabay takbo. Naiwan lang ang lalaki habang nakatulala habang nakatingin sa dalagang tumatakbo. Natapos na ang paghahanap nila sa suspect kaya di na niya kailangan ang binata kaya siya na mismo ang aalis sa puder nito para di na siya iisipin nito. Yun kasi ang nakaplano na once alam na kung ano ang paraan para makita ang suspect pupunta ka nanaman sa ibang lugar para mabantayan mo ng maayos ang galaw ng kalaban. Tumatakbo ang dalaga at iniisip palang niya na iiwan na niya ang binata ngayon para na siyang mamamatay. Ngayon lang niya ito na experience sa lahat ng kasong nahawakan niya. Aaminin niya na mahal na din niya ang binata pero di pwede nangako siya sa sarili na di muna iibig pa. Nasa opisina si Marieneth nakasandal ang ulo nito sa upuan niya at malalim na nag iisip. Di niya sinasagot ang tawag ng lalaki na parateng tawag ng tawag sa kanya. Napabuntong hininga siya. "Agent Ace, nasa tutuluyan mong bahay na ang mga gamit mo. Wag kang mag alala walang nakasunod saamin." Sabi ni Jerry. Siya yung lalaking kakilala ko lang yung ina idolize daw ako. "Salamat, Jerry." Malumanay na sabi ng dalaga. Sa itsura ng dalaga ngayon wala na ang disguise nito at siya na talaga si Marieneth o tinatawag nilang Agent Ace. "May problema po ba, Agent Ace?" Sabi ng binata. Umiling ito at ngumiti. Umupo sa isang upuan ang binata sa harapan ng mesa nito. "Kung handa mo nang sabihin ang problema mo sabihin mo lang saakin ha." Sabi nito. Natutuwa ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. "Salamat, Jerry." "Agent Ace." Napatingin sila sa kakarating na Chief nila. Tumayo ang dalaga at tumango mukhang alam na niya kung ano ang gustong ipaparating ng Chief nila. Tumayo siya at nag unat unat. "Agent Ace... kaya niyo po yan!" Pagche cheer sa kanya ni Jerry. Napangiti ang dalaga at nag approve sign. Nagbuntong hininga at umalis doon. Paglabas niya nakita niya yung napalanunan niyang racing car. Dinala kasi si Jerry dito ayon sa utos ng dalaga. Idinala niya yun sa mansyon nila at pinark doon. At walang tao sa mansyon nila at doon na siya nagbihis na pang laban gaya ng sinout niya noon nung pumunta siya sa may Gangster world at doon sila nagkita ni Joseph, natapos na siyang magbihis at naglagay ng make up dumiretso siya sa parking lot niya kinuha niya yung isang pulang Ferrari at yun ang ginamit niya at nagpaharurut papuntang Gangster World. Napangiti siya ng makita ang target sa labas at nakaharap sa cellphone nito may mga babaeng nakaharap sa kanya pero di niya pinapansin. Kaya lumabas ang dalaga at parang model na naglalakad papunta kay Joseph. Bigla niya itong hinawakan sa dibdib. "Stay away from my boyfriend." Sabi nito sa mga babae. Nagulat naman si Joseph na makita uli ang matagal na niyang hinahanap na babae. "And who are you?" Sabi ng mga babae. Hahawakan sana si Marieneth ng mga babae ng biglang inilayo ni Joseph si Marieneth sa mga b*tch na babae. "Don't you ever touch my girl." Galit na sabi nito napaalis ang mga babae at napangiti ng palihim ang dalaga dahil mukhang nakuha na nga niya ang tiwala nito. Inilagay ng dalaga ang dalawang kamay niya sa leeg nito at tiningnan sa mata. "Hello, babe." Nakangiting sabi ng babae. "Babe, i miss you so much!" Sabi ni Joseph at bigla nalang hinalikan ito sa labi na kinagulat ng babae. Di agad na ka react ang babae sa halik hanggang sa humiwalay na ito sa kanya. "What's wrong?" Sabi nito. Agad napailing ang babae at ngumiti. "Tara na magsisimula na ang laban." Sabi ni Marieneth sabay hila sa binata papasok sa Underground. Nang makarating na sila at umupo na ito sa isang mahabang sofa na silang dalawa lang tapos napatingin ang dalaga sa kabilang pwesto nakita niya ang walang buhay na aura ni Sander. "Sino ang unang maglalaban?!" Napatingin sila sa announcement kasi nagsisimula na pala ito. Agad may lumapit na babae at nagulat ang dalaga kung sino ito. Ito yung kasintahan ni Sander. Mukhang iba ang nakikita niya sa babae. May naisip ang dalaga. "Sinong lalaban sa kanya?" Sabi nung host. Napatingin si Marieneth sa katabi. "Gusto mo ng deal?" Sabi ng dalaga kay Joseph. Napatingin si Joseph sa dalaga. "And what is it babe?" Nakangiting sabi nito. "Kung mananalo ako sa labang ito... pwede bang tumira sa inyo? Eh sa pinalayas ako ng mama ko dahil ayoko kasing lumipat ng lugar gusto ko dito. Lilipat kasi kami sa America." Sabi ng dalaga. Agad naman hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. "Kahit di ka na lalaban pwede kang tumira sa bahay ko." Sabi nito. "Gusto ko ipakita na ako ang gf mo at ako ang pinakamalas dito sa mundo mo."sabi ng dalaga. Tiningnan nito ang dalaga at nagbuntong hininga. "Okey... pero wag kang magpasugat please." Sabi nito at tumango naman ang dalaga at hinalikan niya ito sa pisnge. "Pisnge lang?" Sabi nito. "Mamaya na." Sabi nito at tumayo na at pumunta sa gitna ang dalaga. "Mukhang may lalaban... ano pangalan mo?" Sabi ng host. Napasmirk ang dalaga at napatingin sa makakalaban niya na ang kampante sa sarili na matatalo siya. At napatingin siya sa likod. Nakita niya si Sander na titig na titig sa kanya. Kinindatan niya ang binata na kinagulat nito at tumingin sa host. "Ace. Yan ang itawag niyo saakin." ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD