Chapter 18

1046 Words
Nakatingin lang ang dalaga sa magsyota sa loob ng restaurant at nakaramdam siya ng gutom. Humanap siya ng mumurahing pagkainan dahil sa 100 lang ang nadala niyang pera. Pero nabigo siya dahil puro mamahalin ang nakikita niya mukhang sa tubig lang ang pera na yun napayuko siya. At doon din na lugar lumabas si Brian galing sa ibang restau nang makita niya si Hannah na nakatayo sa isang kotse. "Hannah!" Tawag ng binata sa dalaga. Napatingin ito at biglang gumiba ang aura nito. "What are you doing here?!" Galit na sabi nito. Napataas ang kamay ni Brian na ang ibig sabihin ay su-surrender siya. Napasnob nalang ang babae. "Bakit ganun ang galit mo saakin? May nagawa ba ako?" Sabi nito. "Wala." Sabi ng dalaga habang nakatingin sa malayo. "Hay... bakit ka nandito? Baka lalamigin ka dyan." Sabi ng binata. "Di pa ako mamamatay sa lamig. Mamamatay lang ako pag nandyan ka pa." Sabi ng dalaga. Nang biglang tumunog ang tyan ng dalaga mukhang kailangan na talaga nitong kumain. "Mukhang alam ko na. Tara kain tayo libre ko." Sabi ng binata. "Libre?! Sig... i mean no. No thanks."sabi nito sabay iwas. Naiinis ang dalaga once libre kasi di siya nakakatanggi mas lalo na ngayon mamamatay na siya sa gutom. "Hmm.. masarap pa naman kainin ang mga pagkain doon gaya ng salad, spaghetti, leche plan..." "Oo na! Sama na ko!" Sabi ng dalaga at lumakad na nakangiti nalang ang binatang sumunod. Habang sa di kalayuan biglang nakaramdam ng inis si Sander sa nakita dapat siya ang kasama ng dalaga hindi ang lalaking yun. "Babe, are you alright?" Sabi ni Beatriz. Tumango lang ang binata at kumain. Habang sa kabilang restau. Inorder na lahat ni Hannah ang gusto niyang kainin. "M-mauubos mo ba yan?" Nauutal na sabi ng binata. "Oo naman. Bakit akala mo ba sa liit ng katawang ito di ko mauubos ang lahat ng binili ko?" Bulalas ng dalaga. "Oo na. Mauubos mo na... may naalala ako. Katulad mo ang gf ko noon." Sabi ng lalaki. Napayuko ang dalaga at nakikinig sa lalaki. "Ganyan din siya parang ubusin na niya lahat ng pagkain sa restau sa liit ng katawan niya nauubos niya yun at hindi man lang tumataba." Nakangiting sabi niya napatingin ang dalaga sa lalaki. "Nasaan siya ngayon? Bakit kayo naghiwalay? Mahal mo pa ba siya?" Sunod sunod na sabi ng dalaga. Napaisip ang binata at tiningnan sa ito sa mga mata. "Yes, i love her so much! Hinahanap ko siya pero di ko siya mahanap at nagkahiwalay kami ng dahil sa isang misunderstanding." Sabi nito. Napapikit ang dalaga. Kaya na ba niyang pakinggan ang binata. "Bakit mo nasabing misunderstanding lang yun?" Sabi nito sa binata habang nakapikit. "Dahil yung gabing yun... lasing kaming dalawa ni Cherry at di ko na matandaan ang nangyari. Nasa debut kasi kami nun birthday kasi ng kaibigan namin at ayun nag inuman then yun nga di ko alam na sumunod pala ang gf ko at nakita niya kami. Nilibot ko na ang boung mundo pero di ko pa siya nakikita. I miss her so much." Sabi nito. Napayuko na ang dalaga. Di niya alam na ganito pala ang nangyayari pero ang kakaiba lang wala na siyang maramdaman sa lalaki. "Kung ako sayo... maghanap ka nalang ng iba. Sobrang sakit ng ginawa mo noon siguro nakamove on na yun at may bf na." Sabi ng dalaga at tamang tama dumating na ang pagkain. "Sus! Kumain na tayo gutom lang yan." Sabi ng dalaga sabay subo ng kinain. Hanggang sa maubos na ito nakatingin lang ang binata sa kanya habang kumakain. "Magkatulad talaga kayo." Sabi nito. Napayuko ang dalaga. Parang na black out siya at hindi makapagsalita. "Sana nakikinig siya saakin ngayon. I love her so much." Sabi niya sabay ngisi. Napatingin ang dalaga sa kanya. Nalungkot ang dalaga sa lalaki. "Brian!" Napatingin silang dalawa sa tumawag at naningkit ang mga mata ng dalaga sa nakita. Ito yung Cherry na sinasabi ng lalaki. "Bakit kasama mo ang pangit na yan? At date ba toh?" Nakatingin siya sa binata. Mukhang nagulat ang binata sa sinabi ng babae. "Bakit? Bakit ka nangangailam kung date toh? Eh kaibigan lang naman kita." Sabi ni Brian. Tiningnan ni Marieneth ang babae at mukhang alam na niya kung sino ang pinagbuntungan niya ng galit noon pa. Kung B*tch ka talaga pure na B*tch ka na talaga. May pinindot ang dalaga sa eyeglasses niya at lumabas info sa babaeng yun. At binasa niya ang info ng babae. "Ikaw! Akala mo kung sinong maganda." Sumisigaw na siya. Napatingin si Marieneth sa babae at siningkitan niya ito ng paningin. "Ikaw naman?.... ay no comment di ako papatol sa mga batang ugali." Sabi nito susugudin sana ni Cherry si Marieneth ng biglang may humarang. "Try to touch her. Baka makita mo na agad si satanas." Malamig na sabi ni Sander. Nanlaki ang mata ng dalaga at tiningnan ang babae sa labas mukhang iniwan ni Sander si Beatriz sa labas para sa kanya. "A-at sino ka naman!" Sigaw nung babae. "Tama na, Cherry! Umalis na tayo. Pasensya na sa kaguluhan. I'm sorry Hannah." Sabi ni Brian at hinawakan si Cherry. "Salamat sa pagkain." Sabi ni Marieneth at nag evil smile siya sa babae. Napatingin siya kay Sander. At iiwas sana siya dahil sa pagbabaya nito sa kanya sa labas na gutom na gutom siya. Dapat pinapakain din siya tao kaya siya. Bigla siyang hinawakan sa kamay nito at lumabas. "Umuwi ka na." Sabi ni Sander sa syota. Napahinto si Marieneth. "Wala ka talagang pakiramdam noh? Gf mo iiwan mo dito. Ihahatid natin siya." Sabi ng dalaga at bumalik sa kinatatayuan ng dalaga. "Uhmm... Ms. Beatriz, ihahatid ka na namin." Sabi ng dalaga kay Beatriz. "No need na.... may sasakyan naman ako. Sabihin mo sa kanya na una na ako." Sabi nito at umalis na din. Naisip nito na parang galit ang dalaga kaya napapout siyang pumunta at naglakad hindi papunta sa sasakyan. "Hey, where are you going?" Sabi ng binata. Sinungitan lang niya ito. "Bakit anong problema?" "Umuwi ka na." "Anong proble..." "Go Home! Ang kulit." Bulyaw ng dalaga. "Ihahatid na kita." Sabi ng binata. Di lang niya ito pinansin. "Hannah!" No responce padin ang dalaga nagpatuloy sa paglakad. "P.A. ko!" "Day off ko ngayon." "Ayaw mo ha.... MAHAL KITA HANNAH!" ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD