Chapter 17

1073 Words
Sa bahay ng Hermes Family... Sabado... Nakatulala padin si Hermes sa nangyayari. Di niya aakalain na si Hannah ay isang Personal Assistant ni Sander. "Sana ako nalang ang unang nakita niya." Sabi ng binata habang nakahawak sa buhok. "Siya ang guardian angel ko... gagawin ko lahat para saakin siya mag apply." Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang mama niya. 'Oh, anak bakit ka napatawag.' 'Mom, i need a bodyguard.' 'Why? May nagtangka bang pumatay sayo.. anak magsalita ka!' 'Yes, may nakita na akong bodyguard at yun ang bodyguard ni Sander. I want her!' 'Ha? Kailan pa nagkabodyguard si Sander anak? Personal Assistant lang naman ang meron siya.' 'Mom, siya ang mean ko. Yung P.A niya. I want her to be my guard.' 'Anak... di pwede nagtatrabaho na ito kay Sander. Maghanap tayo ng iba....' 'No! Kung ayaw niyo ako na lang ang pupunta sa bahay nila at kukunin ko si Hannah doon.' Sabi ng binata at binaba na ang tawag. Di lang naman bodyguard ang gusto niya sa dalaga. Sigurado din siya na nahuhulog na siya sa dalaga dahil napakabait nito at matulungin. Sa mansyon ni Sander... Nasa mini gym si Marieneth at naka gym outfit siya at ngayon ay nagpu push up siya sa gilid kahit madaling araw palang dapat kasi malakas ang katawan niya. "397, 398, 399, 400!" Hinihingal niyang bilang nang matapos na tumayo siya at kinuha ang tuwalya at pinunasan ang pawis niya. Dideretso sana sa may punching bag nang makita niya na kapapasok na si Sander at nakaoutfit ito ng pang gym din. "Araw araw ka pala sa gym ko." Sabi ng binata sa dalaga habang nagstre stretch sa katawan. "Oo... ito kasi ang free time ko para mag ehersisyo." Sabi ni Marieneth at nagsimula sa pagsuntok sa punching bag. Naghahanap ng topic ang lalaki para hindi sila awkward tingnan mukhang naiilang kasi siya sa babae dahil sa nararamdaman nito. May gusto din siyang malaman sa babae kung may pagtingin ito sa kanya. "Uhmm... mamaya samahan mo ko sa mall. May date ako." Sabi ng binata habang di nakatingin sa dalaga. Di sumasagot ang dalaga at nagpatuloy sa pagsuntok sa punching bag. "Hey, nakikinig ka ba?" Nakatingin na ang lalaki sa dalaga. "Ah? Ako pala ang kinakausap mo? Akala ko yung bintana eh." Sabi ng dalaga. "Tsk... malamang tayo lamang ang nandito." Sabi naman ng binata at nagpatuloy sa ginagawa. Napabuntong hininga ang dalaga at nagsalita. "Okey." Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. "Talaga!" Agad napatayo ang binata at tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga. "Over acting ka masyado? Ikaw ang may date nakasunod lang ako sayo anong naiba dun?" Sabi ng dalaga sabay hinto sa pagsuntok. Napatikhim naman ang binata dahil sa kasayahan nadala siguro sa emosyon. "Hindi ha.... mamaya 5:30pm text ko lang kung saan. Ngayong araw day off mo kaya okey lang kahit saan ka pupunta. Every Saturday and Sunday ang day off mo. Okey?" Sabi ng binata at lumabas na. Napataas ang isang kilay ng dalaga. "Teka paanong naging day off yun? Eh nagtatrabaho padin ako nun ha." Sabi ng dalaga sa isip niya. "Pumunta ka." Biglang lumabas ang ulo ng binata sa may pinto at umalis ulit. "Eh? Ano nakain nun?" Pinunasan nito ang pawis at ng marealize niya ang sinabi ng lalaki nanlaki ang mata niya. "Totoo! May day off ako!" Masayang sabi niya at nagtatalon talon. Inisip niya kung saan siya pupunta. "Ah tama!" Agad siyang nagmamadaling pumunta sa kwarto niya. Nasa headquarters siya ngayon. At naka disguys siya para di makita ang mukha niya. Diretso lang lumakad ang dalaga ng... "Hep hep! Saan ka pupunta?" Sabi ng isang lalaki sa kanya. Tiningnan niya ito at nasa mababang ranggo lang ito sa kanya. Napangiti siya at tinalikuran yung lalaki at lalakad sana siya ng humarang ang lalaki sa kanya. "Saan ka pupunta miss." Sabi nito. "Sa loob." Kalmadong sabi ng dalaga. "Di pwede opisina ng Chief namin." Sabi nito at sa isang iglap nasa likuran na niya ang binata at binuksan ang pintuan. "Paanong... miss!" Di makapaniwalang sabi ng binata. At pipigilan sana niya nang huli na ang lahat. "Hello! CHIEF!" masayang sabi ng dalaga sabay yakap sa Chief. "T-teka... wait... Agent Ace?!" Di makapabiwalang sabi ng Chief nito. "Eh?" Nagulat na sabi ng binata. "Chief! Siya po si Agent Ace!" Di makapaniwalang sabi ng binata habang may star star ang mata. Idol kasi ng binata si Agent Ace at ngayon nasa harapan na niya ito at nakausap kanina. "Yup! Nice to meet you!" Nakangiting sabi ng dalaga sabay tanggal ng disguise nito at ngumiti. "Ikaw nga! Idol!" Nagulat ang dalaga dahil sa sigaw ng binata. "I...dol mo ko?" "Oo matagal na! Dahil ikaw ang Agent na walang nabigo na misyon. Sa wakas nakita din kita sa personal ang ganda mo talaga! At ikaw din ang inspirasyon ko simula nung nag aaral pa akong maging agent. Pasensya sa ginawa ko kanina." Sabi nito sabay bow. Napangiti ang dalaga at lumapit sa lalaki at pinat ang ulo. "Salamat dahil ako ang ginawa mong inspirasyon." Nakangiting sabi ng dalaga sabay pat sa ulo nito. *Open Door* "Chie..." "Whaaaa i miss you Agent Bill!" Niyakap ng dalaga ang binata na kinagulat ni Bill. Pero niyakap din niya ito pabalik. "I miss you too Agent Ace." Sabi nito at humiwalay na ito sa binata. "Bakit ka nandito?" Sabi agad ng Chief nila. "Bumisita lang binigyan ako ng pahinga day ng napakabait kong amo. At malapit ko na ding pala makuha ang loob ng Sy na yun." Nakangiting sabi ng dalaga. "Very Good, Agent Ace. Ang galing mo talaga." Sabi ng Chief nito at may kinuha na folders at binigay sa dalaga. "Ano toh?" Sabi nito. "Yan ang info kung sino talaga si Joseph Doo Sy." Sabi nito tinanggap naman ng dalaga at napagpasyahan na babasahin lang ito sa mansyon pagdating niya. Halos mga ilang oras ang kwentuhan nila ng biglang tumunog ang cellphone nito. From: Zander Sa may **** Restaurant. Pumunta ka. Nanlaki ang mata ng dalaga. "Nako! 4:30 na pala natagalan ang kwentuhan natin. Sige alis nako!" Umalis na siya hanggang makarating sa kung saan sila magkikita ni Sander. Nakangiting nakatingin si Sander sa dalaga papalapit sana ang dalaga ng... "Babe!" Napahinto ito sa paglalakad at napatingin kay Beatriz na yakap yakap ang boyfriend at hinalikan pa nito sa labi. Nakaramdam ang babae ng tusok sa kanyang puso at napayuko siya. Simula doon di na siya aasa pa. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD