Chapter 16

1017 Words
Kinakalma ng dalaga ang sarili nito. Napagdesisyonan nito na wag mahulog sa binata dahil di pwede. Dalawa ang rason dahil sa trabaho niya at dahil ayaw na niyang masaktan. Nagmamadali siya sa paglalakad nasa school kasi sila at si Zander iniwan niya doon sa sasakyan may katawag kasi at ang palusot lang naman ng dalaga ay magc cr lang ito kaya mauna na ang binata sa room. At ayun nang makaabot na siya sa cr dumiretso siya sa cubicle. At nagbuntong hininga pinakalma ang sarili at buntong huminga. 'Kyaa! Guys nandito sila!' Muntik nang atakehin ang dalaga sa sigaw ng babae sa cr nag echo kaya ang boses nito. 'Sino?' Sabay sabi nung kasama nito. 'Eh sino pa edi ang pinakasikat na oh greek god na si Joseph Doo Sy.' Nanlaki ang mata ni Marieneth sa narinig. 'At sa pagkakaalam ko dito na siya mag aaral at ang sabi sabi nila may hinahanap itong babae.' Konsentrate lang ang dalaga sa pagkikinig sa kanila. 'Ako siguro yun' 'Hindi ako yun!' 'Para matapos ito puntahan natin siya!' At narinig ng dalaga na lumabas ito ng cr. "So.. hinahanap na pala ako ng Mafia Boss na si Joseph. Nahulog na siya sa maganda kong patibong." Sa isip ng dalaga. Napangiti ito ng palihim. At mukhang bumuhay ang bored niyang mga dugo sa katawan. Nakita nito ang binatang may hinahanap. Naglalakad habang nakatingin sa lalaki ang dalaga ng bigla itong nabangga sa pader at pagkakita nito sa harapan nakita nito ang amo na walang emosyon ang mukha. Napatayo ng matuwid ang dalaga at umubo. "H-hello." Nauutal na sabi ng babae. "What are you doing?" Malamig na sabi nito. "Eh? Papunta nako sa classroom ngayon." Sabi ng dalaga kay Sander. Napatsk ang binata at hinawakan nito sa kamay at dumiretso na sa classroom. Pagkarating nila sa classroom nakita ng dalaga si Brian kasama ang isang babae at yung babae yun ay ang sinasabihan niyang B*tch. Umupo na si Sander sa upuan at sumunod naman siya. Naiinis siya dahil sa magkatabi sila ng kanya ex at sa gilid ng kanyang ex ay ang malanding higad. "Hello, Hannah." Nakangiting sabi ni Brian kay Hannah. Sinungitan lang niya ito. "Shut up." At kinuha ang libro sa bag niya. Maya maya biglang pumasok ang isang student na kinagulat ng lahat na nandun. At naghahanap ng upuan at umupo sa likuran ng dalaga. Mukhang naaayon ang lahat sa iniisip ng dalaga. Kapapasok pa naman din ng mabibiktima ni Sy na si Sean. At mukhang wala sa sariling nagbabasa sa cellphone. Kinuha ng dalaga ang cellphone nito at hinack ang cellphone ni Sean at nakita niya ang message nito. 'Ngayon na ang katapusan mo kaya magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay.' Sigurado ang dalaga na may mangyayaring kababalaghan. Lunch time... Agad tumayo ang dalaga at balak sundan si Sean ng biglang may humawak sa kanya. "Where you think your going?" Sabi ni Sander at napalunok ang dalaga. "Cr sama ka?" Sabi ng dalaga. Napabitaw ang binata. "Sa sasakyan lang ako maghihintay. Dalian mo ha." Sabi nito at umalis na. Agad naman tumakbo ang dalaga at hinanap si Sean at nakita niya ito na papunta sa likod ng school mukhang magtatago siya dahil sa takot sa buhay niya na papatayin siya ngayong araw. Nakita sa cellphone ng dalaga na may nag aabang na sniper. Inilagay nito ang wireless headset sa tenga niya naalala kasi nito na may dinikit siya sa earings ni Joseph na tracking device at maririnig din niya ang bosea nito. Agad niyang nilapitan na kinagulat nito. "B-bakit?" Inosente na sabi ng dalaga. Bigla nalang siyang niyakap nito. At humiwalay agad. "Mukhang katapusan na ng buhay ko." Sabi nito. Nanlaki ang mata ng dalaga tinatanong sa sarili na di ba niya kayang lumaban. "Tutulungan kita." Sabi ng dalaga na kinagulat ng binata. Agad hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata at normal na naglalakad. 'Wag muna kayong magpapaputok. May kasama siyang babae.' Narinig ng dalaga ang boses ni Joseph. Lihim siya na napapikit. "Hannah, alam mo na papatayin ako ngayon?" Napatingin si Hannah kay Sean. "Kanina lang may nakita kasi akong sniper dito kanina at narinig ko ang pangalan mo na ikaw ang susunod na papatayin nila." Paliwanag ng dalaga. "Umalis ka na baka madamay ka." Nag aalalang sabi ng binata. "Sean, kaibigan mo ko diba? Ang mag kaibigan laging nagtutulungan. Wag mong maliitin ang katawan ko kaya kong makipaglaban sa black belter." Sabi nito sa binata. Natawa nalang ang binata at nawala ang kaba na nararamdaman nito. Pumasok sila sa loob ng isang room na luma at umupo ang binata sa upuan. "Diyan ka lang. Wag kang magalala mataas pa ang candle life mo sa langit. Pero yung papatay sayo ako na mismo ang magdadala sa kanya sa impyerno." Nakangiting sabi ng dalaga na kinanganga ng binata. Nakita ng dalaga ang emergency g*n ng lalaki. "Pwede pahiram niyan." Tinuro ng dalaga ang b***l sa may bewang nito. Kinuha naman ng binata at binigay sa dalaga. "Hannah, sino ka ba talaga?" Sabi ng binata. "Malalaman mo mamaya." Sabi nito at lumabas nalang bigla at normal na lumabas ng room at itinutok nito sa nakasniper ang b***l. 'Sir lumabas na yung babae pero....' sabi ng sniper 'Tirahin mo na ang room na yun..' agad na sabi ni Joseph. 'Sir...' Di pinatapos ng dalaga ang pag uusap nila at binaril ng dalaga ang sniper na kita hulog nito sa lupa. "Tsk." Lumabas na si Sean sa room at agad tiningnan ang bangkay ng sniper. "Sinong may gustong mamatay ako." Sabi nito sa sarili. "Ang Sy." Sabi ng dalaga. Nanlaki ang mata ng binata. "Sila yung nagpatay sa papa ko. Bakit nila gustong patayin ako." Nanginginig na sabi ng binata. "Dahil kasapi ka ng Hermes Clan." Sabi ng dalaga na kinagulat ng binata. "Hannah, sino ka ba talaga?" Sabi ni Sean sa dalaga. Nakatingin ng seryoso ang dalaga kay Sean. "Ako si Hannah Martin, Sander Blade Schubert's Personal Assistant." Nakangiting sabi ng dalaga sa binata at mukhang di makapaniwala ang binata sa sinabi ng dalaga. "P.A ka ni Sander?" Sabi nito "Yup! s***h his bodyguard." **** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD