Chapter 15

1152 Words
Ang bilis ng t***k ng puso ng dalaga dahil mukhang seryoso talaga itong nakatingin sa kanilang dalawa. "Uhmmm..." "She's my patient before." Sabi ng binatang doctor. Napatingin silang tatlo sa doctor. "Ayaw niya kasing pumunta sa hospital kaya ako ba mismo ang pumupunta sa bahay nila. Kaibigan ko naman siya kaya ako ang nagrepresinta na doctor niya." Paliwanag nito. Walang choice ang dalaga kundi ang sumakay sa idea ng kapatid. "Ah... so magkakilala kayo ni Baby Hannah?" Sabi naman ng ginang. Tumango lang ang dalaga. "Kaibigan lang talaga?" Pagsisigurado ng binata. Tumango lang sila. Kaya nakahinga ng maluwag si Sander at lumapit ng upo sa dalaga at tumikhim. "So... doc, pwede ka bang makisabay saaming kumain?" Nakangiting sabi ng ina ni Sander. Tumango naman ang doctor at ngumiti. "So, doc nabalitaan kong may kapatid ka. Gusto ko siyang makita, nasaan ba siya?." Biglang nabilaukan ang dalaga sa tinanong ng ginang. Agad binigyan ni Sander ng tubig ang dalaga. "Are you okey?" Nag aalalang tanong ng binata sa dalaga. Tumango lang ang dalaga at ngumiti. "My sister, busy siya ngayon eh... di nga kami masyadong nagkikita nun." Sabi ng doc sa ginang. "Sayang gusto ko siyang makita... ang gaganda pa naman ng lahi niyo." Malungkot na sabi ng ginang. Tiningnan ng dalaga ang ginang. "Sigurado po ako na magkikita kayo balang araw." Nakangiting sabi ng dalaga. "Sana nga. Uhmm iho single ka pa?" Bigla nalang naubo ang binatang doctor at muntik nang tumawa ang dalaga sa tanong ng ginang. "Teka may mali ba sa tanong ko?" Sabi ng ginang. Wala na talagang naintindihan ang binata sa mga nangyayari. "Uhmm... simula po nung nakilala ko po siya wala po siyang girlfriend. NBSB po siya kasi ayaw niya manhid kasi." Natatawang sabi ni Marieneth. Napatikhim naman ang binatang doctor at sinamaan ng tingin ang dalaga. "Tsk... ayokong mapareha sayo na niloko ng syota mo. Marunong akong maghintay ng tamang panahon." Sabi ng kuya nito sa dalaga. Napangiti ng mapait ang dalaga. "Your right. Nagpadala kasi ako sa nararamdaman ko eh." Nakayukong sabi ng dalaga. "Aish... don't worry kung ayaw ng anak ko sayo maghahanap tayo ng tamang lalaki para sayo." Sabi agad ng ginang na kinalaki ng mata ni Sander. "Ma, anong pinagsasabi mo? Kita mo namang magmo move on pa ang tao tapos pinapahanap mo naman ng iba. Ayoko noh ayokong nahati ang oras niya saakin dahil sa boyfriend na yan. P.A ko siya kaya ako ang masusunod." Galit na sabi ng binata. Nagulat naman sila sa reaction nito. Biglang napangisi ang ginang kasi alam kasi nito na may lihim na pagtingin ang anak sa dalaga. Anak niya ito kaya alam niya kung ano ang nararamdaman nito. "Selos ka naman anak. Okey di na. Sayo na siya. Wag kang magalit saakin okey!" Nakangiting sabi ng ginang. Napa tsk nalang ang binata at nagcross arms. Napatingin ang kuya ng dalaga kay Sander. Siningkitan nito ng tingin ang binata at nakikita nito na nagseselos ito ayon sa kanyang nakikita. "Mukhang kailangan ko nang umalis. Busy kasi ako eh." Sabi ng binatang doctor at tumayo na. "Salamat uli doc. Ang saya ng paguusap natin." Sabi ng ginang. Ngumiti lamang ang binata at nagwave na ito at umalis na. "Di mo naman sinabi Hannah na kilala mo ang pinakagwapong si Dr. Meyer." Sabi nito sa dalaga. "Ah... di po kayo nagtanong eh." Sabi nalang ng dalaga. Biglang tumunog ang cellphone ng ginang kaya agad nitong sinagot at ng sinagot niya nalungkot siya bigla. At binaba na nito ang cellphone. "Anak, una na ako kasi may meeting pala ngayon sa italy kailangan ako doon." Sabi nito. Tumango lang ang dalawa at nagbeso beso na ito sa kanila at umalis na. Tahimik lang na nakaupo ang dalawa at una nang nagsalita ang dalaga. "U-uwi na tayo." Sabi ng dalaga sa binata. Biglang tumayo ang binata at lumakad at sumunod siya dito nang napahinto ito kasi pumasok ang isang tao na ayaw niyang makita. At ang masaklap pa ay kasama nito ang babaeng nakita niya noong nasa ibang bansa ito. "Brian..." mahinang sabi ng dalaga habang nakatingin ito sa lalaking kasama ang bruha na ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Gusto niya sugurin ang dating nobyo at ang bruhang babae pero pinipigilan siya ng kanyang sarili baka dahil dito masira ang misyon niya. "Hannah." Natauhan siya at tumingin sa binatang tumawag sa kanya. "Pasensya na kung pinaghintay kita." Pilit siyang ngumingiti at lumakad na. Nasa sasakyan silang dalawa at nakatingin lang ang lalaki sa dalaga kasi iniisip nito ang nakita kanina. Nakita ng binata ang mga galit na mata nito kay Brian kanina. "Hannah, pumunta tayo sa may park." Normal na pagkasabi ni Sander sa dalaga at tumango ito kahit nalilito kung anong gagawin nito sa parke. Nang makarating na sila sa parke naglakad lakad lang ang binata habang nasa tabi nito ang dalaga. "Anong ginagawa natin dito?" Sabi ng dalaga. "Uhmmm... gusto ko kumain ng street food. Diba gusto mo nun?" Agad na sabi ng lalaki. Nagulat ang babae sa sinabi ni Sander. "Eh? Anong nakain mo? Mukhang ayaw mo ngang kumain ng mga ganyan eh." Sabi ng dalaga. "Hindi kaya ako ganun... promise mukhang masarap naman. Turo mo saakin kung ano ang mga yan." Parang bata na sabi ng binata natawa nalang si Marieneth sa ginagawa nito. "Oo na... ito ang una nating kainin. Ang pangalan niyan Kwek kwek. Manang dalawa nga po." Sabi ng dalaga habang tinuturo ang kwekkwek. Hanggang sa sinerve na ang dalawang kwek kwek. "Uhmm ano tong orange na toh?" Sabi nito sabay turo sa orange. "Uhmm harina yan. Kainin mo na ito oh suka at asin." At nilagyan na nito ng suka at asin at ginamitan ng kutsara at nadadalawang isip na kinain. "Kainin mo na. 100 persent na oks oks sa panlasa mo." Sabi ng dalaga at kinain na nga ng binata ng maya maya sumusubo na ito hanggang nagorder nanaman ito. Natawa nalang ang dalaga. Nang matapos nilang kainin ang lahat nilang gustong kainin. Nakatingin parate ang binata sa relo niya mukhang may hinihintay at tumakbo sila sa may parang fountain at pumunta sila sa gitna nun at nakatingin padin ito sa relo. "Eh? Bakit tayo nandito sa gitna?" Sabi nito sabay tingin sa paligid. "Just watch... 5, 4, 3, 2, 1." Bigla nalang lumabas ang tubig sa sahig at napapalibutan sila ng tubig di naman sila nababasa dahil nasa gitna sila. "Ang ganda." Sabi ng dalaga. Natuwa ang binata sa reaksyon ng dalaga at nakatingin siya dito at hinawakan ang dalaga sa mukha at nagsalita. "I think I'm falling love with you." Sabi ng binata at hinalikan niya ito sa labi. Nanlaki ang mata ng babae dahil sa gulat hanggang naramdaman nanaman niya ang mabilis na t***k ng puso nito at di niya alam na napapikit na siya at ginantihan ng halik ang lalaki. Naramdaman niya ulit ang ganitong feeling di niya alam kung magpaparaya nanaman siya o hindi. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD