Chapter 22

1045 Words
Nandito siya sa opisina habang nakataklob ang mukha sa mesa. "Agent Ace... okey lang po ba kayo." Tanong ni Jerry. Umiling ang dalaga at nakataklob padin ang mukha sa mesa. Di din siya makikilalang kasapi siya dito sa opisina dahil sa damit niya na isang dress na hanggang legs at naka dollshoes pa siya. "Dahil ba yan sa damit mo? Maganda naman ha. Bagay nga po sa inyo." Sabi ni Jerry. Tiningnan siya ng dalaga ng masama. "Wag mong pansinin ang damit ko. At hindi dahil doon ang problema ko. Wala kasi akong tulog kaya ganito dahil sa pagkababad kagabi sa computer para magplano kung paano maililigtas ang buhay ni Sander na sunod na target ng mga Sy at tsaka di lang kay Sander pati nadin sa mga Hermes haist! Nakakapagod ang daming babantayan." Sabi ng dalaga sabay taklob uli sa mesa. "Sana natulog ka nalang sa tinitirhan mo doon." Sabi nito sa dalaga. Napabuntong hininga ang dalaga. "May kukunin kasi ako dito kaya pumunta ako dito mamaya nako matutulog... teka anong balita kay Sander? Hinahanap ba niya ako?" Agad na tanong ng dalaga. Nang marealized niya ang tanong niya napataklob siya uli sa mesa. "Nevermind wag mo nang sagutin." Sabi nito. "Uhmm... tungkol doon hinahana...." "Agent Ace, ito na ang plano." Sabi ni Agent Bill sabay bigay sa folder. "Salamat. Oh punta nako gusto ko ng matulog sa mansyon." Sabi nito. Tumango nalang sila at lumakad na ang dalaga. Papasok siya sa sasakyan niya ng makita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya at yun ang sasakyan ni Sander. "Saan kaya pupunta ito?" Nagising siya ng makita ang lalaki kaya napagpasyahan niya itong sundan. Hanggang makaabot na sila sa isang restau at bumaba ito at bumaba din siya. Di naman siya makikilala dahil sa light make up gamit niya ngayon at di siya nakawig na gaya ng nakikita nito sa underground. Umupo siya malapit sa inuupuan ng lalaki at mukhang may hinihintay ang lalaki. "Siguro may kadate nanaman toh." Mahinang sabi nito. Nang napatingin siya sa may entrance nakita niya si Beatriz. Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa babae. "Tsk... spy pala ha. Pero mas magaling ako sayo." Mahinang sabi ng dalaga at umupo na ito sa tabi ni Sander. Uminom nalang ng tubig ang dalaga may binigay kasi ang waiter sa kanya. "Hello babe. I miss you." Sabi ni Bea. "Bea, gusto kong makipagbreak sayo." Sabi ni Sander. Muntik ng mabuga ni Mari ang tubig dahil sa sinabi ni Sander. "H-ha... why?" Naiiyak na sabi ng dalaga. "I don't love you." Sabi nito. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Sander kaya tumayo siya at lumayo. Nakita ng dalaga na may kinuha si Bea sa bag nito at isang powder na puti at inilagay nito sa baso ni Sander. 'Papatayin mo talaga siya ha. Tsk... mali ang pinili mong biktima.' Bumalik na si Sander at bumalik sa drama mode si Bea. "K-kung yan ang gusto mo. Sige makipagbreak ka saakin... alam mo naman kung gaano kita kamahal. Kung yan ang gusto mo... sana makahanap ka ng para sayo." Sabi nito sa lalaki. "I'm sorry." Sabi nito at kinuha ni Bea ang baso na naglalaman ng lason na nilagay niya. "Here, let's have a cheer." Sabi nito. Naguluhan naman ang lalaki. "Ibig sabihin nito magkaibigan padin tayo kahit di na tayo. Pwede ba yun?" Sabi nito. Napatango nalang si Sander at kinuha ang baso at doon na tumayo si Mari at sinadyang binangga ang hawak na baso ni Sander at nabuhos tuloy kay Bea ang laman ng baso. "Ay! Sorry." Sabi agad ni Mari at nakanganga padin si Bea habang nakatayo na at basang basa siya ngayon. "Anong ginawa mo." Galit na sabi ni Sander. Sabay lapit kay Bea. Nalungkot naman si Mari sa inasal ng lalaki sa kanya. "Are you okey?" Sabi ni Sander. "You b*tch!" Sigaw ni Bea at susugudin sana si Mari ng sampal ng nahawakan ni Mari ang kamay ni Bea at tiningnan niya ito ng masama. "Try to kill him... alam ko lahat ng baho mo isang salita ko lang sira ang kinabukasan mo. Beatriz Arianna Rogers." Nagulat naman si Bea sa sinabi ni Mari. Napatahimik naman si Bea at napalunok. "S-sino ka ba?" Nanginginig na sabi nito. "Hmmm... para akong anino na kahit saan makikita mo. Everybody knows me but not my identity. And you tell me kung sino ako? I'm your worst nightmare. So be a good girl.... i mean good b*tch." Nakangiting sabi ni Mari. Nakatulala lang si Bea habang nakatingin sa dalaga. Tumalikod na si Mari at nagbuntong hininga. "Hey, who are you?!" Sahi ni Sander. 'Kung alam mo lang.' Mahinang sabi ni Mari at lumakad na. Palabas na sana siya ng may humawak sa braso niya at hinarap siya at nanlaki ang mata niya kung sino ang may gawa nun. "Who are you?" Sabi nito. Nang mabawi na sa pagkagulat ang dalaga ngumiti ito at nagsalita. "I'm your pretty guardian angel." Sabi nito na kinataas ng kilay ng binata. Mukhang di naniniwala sa sinabi ng dalaga. "Nagpapatawa ka ba?" Seryosong sabi nito. "Hmmm.... nope. Sige i need to go na. At paalala lang bantayan mo ang mga binibigay ng babaeng yun sayo at bantayan mo ang kinikilos niya baka kasi maaga kang lumisan sa mundong ito. May utang ka na saakin ngayon i save your life. Bye!" Sabi nito sabay sakay sa sasakyan niya at nagpaharurut paalis. "Anong ibig niyang sabihin? Papapatayin ako ni Beatriz?" Agad siyang pumasok at nilapitan niya ang dalaga na diring diri padin sa damit niya na basa. Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang damit nito at inilagay balik sa bulsa niya. "Ihahatid na kita." Sabi ng binata. Tulala na napailing ang dalaga at sinabihan nitong may sasakyan siya kaya na niyang umuwi napatango nalang ang binata at lumakad na. Nang makasakay na ang binata sa sasakyan agad niyang tinawagan si Edward. At ipapatest ang panyo niya kung may lason ito na inilagay kanina sa baso niya. Gusto niyang malaman kung totoo ang sinabi ng babae kanina. Sino ba talaga ang babaeng yun? Parang pamilyar siya saakin. Bakit nakakakilala ako ng mga taong weird ngayon? Di kaya... si Hannah yun. Diba nagdi disguise siya. Baka siya yun! Yan ang mga tanong sa utak ng binata. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD