Chapter 23

1212 Words
Nandito sa kwarto si Mari at inaasikaso kung ano ang mga gagawin ni Joseph ngayong araw. Hinack kasi niya ang mga files ng secretary nito. Nang matapos ipinasa niya ito sa cellphone niya at inilagay ito sa bulsa niya. At umalis na pala ang lolo nito kaya free na siyang maglakad lakad dito. Papunta siya sa kusina dahil nauuhaw siya ng di pa siya nakakarating ng marinig niya ang mga tsismis ng mga maid. "Sino kaya yung babaeng yun? Alam mo first time may dinala si Master Joseph dito sa bahay tapos parang ang care niya sa babaeng yun." "Baka ginayuma niya si Master?" "Naniniwala pa ba kayo jan? Baka nahulog talaga si Master sa kanya." "Pero parang di ko pinagkakatiwalaan ang babaeng yun." "Bakit naman? Mukhang mabait naman ha." "Anong mabait? Sa mukha lang yun pero di sa loob. Tingnan natin ang ugali ng babaeng yun." "Sige." Napabuntong hininga ang dalaga sa mga narinig niya. Lumakad na siya ng walang narinig. "H-hello po." Nahihiyang sabi nito sa mga maid. Pero snob lang siya ng mga yun. Lumapit siya sa lalagyan ng baso at lalapit sana sa ref ng napahinto siya at tiningnan ang mga maid. "Pwede ho bang kumuha ng tubig?" Sabi ng dalaga sa mga maid. Tumango naman sila. "Salamat po." Sabi nito sabay kuha ng tubig sa ref. At inilagay niya yun sa baso at uminom. Dumiretso siya sa lababo at hinugasan ang baso at binalik sa lalagyan nito. Aalis sana ng napahinto uli siya at tumingin sa mga maid. "Uhmm... di pa po ako nakapagpapakilala. Ako nga po pala si Ace kinagagala ko po kayong makilala." Sabi ng dalaga sabay bow. Nagulat ang mga maid sa kabaitan nito at tumalikod na siya at bumalik sa pwesto kanina at nakinig uli sa usapan nila. "See... mabait naman." Sabi nung isa. "Di pa tayo sure sa simula pa yun. Tingnan pa natin sa susunod." Lumakad nalang siya at nakayuko iniisip niya. Kailangan ba talagang maghinala kung masama ba o mabait ang isang tao kahit di mo pa siya gaano nakikilala? Kagaya ni Joseph akala niya sa simula siya ang kalaban nila pero ang lolo lang pala nito ang pumapatay at siya walang kamalay sa ginagawa ng lolo niya nababalitaan nalang niya na patay na ang isa sa mga pamilya ng biktima nila. Napabuntong hininga ang dalaga ng bigla siyang nabangga sa isang poste at pagtingin nito nakatayo si Joseph sa kanya. "May problema ba?" Sabi nito. Di napansin ng dalaga ang presensya ng binata dahil sa kakaisip nito. "W-wala." Sabi nito. "I think meron... naiinip ka ba dito?" Napayuko siya at hinawaka ng binata ang mukha nito at tiningnan nito sa mukha. "Gusto mong sumama sa office?" Sabi nito. Nanlaki ang mata ng dalaga at bilis na tumango habang nakangiti. "Yan, ngumiti ka na. Ikaw talaga di mo man sinabi na naiinip ka. Magbihis ka na." Sabi nito at tumango ang dalaga at tumakbo. Nandito na sila sa sasakyan at seryosong nakatingin si Mari sa paligid tiningnan niya kung saan ang daan papuntang opisina ng binata para di niya ito nakakalimutan. Nakarating na sila sa kompanya ng binata at pagbaba nila nakita nila ang mga empleyado na nagpagilid lahat ganun ba ka respetado ang mga tao sa Sy Clan? Yan ang nasa isipan ni Mari. Naglakad sila at hawak ni Joseph ang kamay ng dalaga. Kaya naiilang ang dalaga sa ginawa ng binata pero di niya ito pinapahalata. 'Ang ganda ng kasama ni Sir.' 'Girlfriend ba niya yan?' 'Bagay sila.' Tinitingnan sila ng mga tao hanggang sa makapunta sila sa 20 floor ng building doon ang opisina ni Joseph. Pagbukas ng pinto isang di inaasahang bisita ang nakita nila. Nagulat din ito habang nakatingin saamin. "What are you doing here?" Seryosong sabi ni Joseph. Nakatingin siya kay Mari mula ulo hanggang paa inalala niya kung saan niya ito nakita. "Nice to meet you, Beatriz." Sabi ni Mari sabay ngiti ng nakakaloko. Nagulat si Bea sa dalaga. "Ikaw yung sa restau! What are doing here!" Gulat na sabi ni Beatriz. Nakangiti naman si Mari. "Magkakilala kayo?" Sabi ni Joseph. "Hindi, pero narinig ko lang pangalan niya at mukhang sinisigawan ako ng babaeng toh. Kaano ano mo siya?" Inosenteng sabi ni Mari. Tiningnan niya si Bea. "She's nothing. Beatriz, get out of my office." Sabi ni Joseph. "Ano nothing? Do you not remember? Pinagkasundo tayo ng lolo mo. So by the way b*tch... I'm her FIANCÈ. Short of future wife niya." Sabi nito. Tiningnan naman ni Mari ang dalaga. "Hindi ko siya mahal, Ace. Pinagkasundo lamang kami ng lolo ko. Kaya wag mo kong iwan." Sabi nito sa dalaga. Ngumiti naman ang dalaga at hinawakan ang niyakap nito ang braso ng binata. "So ano ngayon kung Fiancè mo siya? Fiancè ka lang sa papel pero sa puso niya ako ang laman." Mukhang nasaktan naman si Bea sa sinabi ni Mari. "I'm sure lolo will know this." Sabi nito at tumakbo paalis ng opisina. "Ace... magpapaliwanag ako." "No.. naintindihan ko. Normal sa isang mayaman na katulad mo ang arrange marriage sa di mo mahal." Sabi ng dalaga niyakap nalang siya ng binata. Biglang tumunog ang cellphone ng binata at nagexcuse siya at pumunta sa isang room ng opisina niya maririnig pa rin naman niya ang usapan nito. Agad niyang hinanap ang files na dapat niyang hanapin ng makita na niya inilagay niya ito sa bag. At nakakita din siya ng usb kaya isinali na din niya yun. 'Bakit ka napatawag?' Napahinto siya sa ginagawa ng marinig ang boses ni Joseph sa wireless headset niya. 'May pinatay nanaman ang lolo mo at yun ang asawa ni Hans Hermes na si Lusil Hermes at isusunod niya ang anak nito.' Napaupo ang dalaga sa upuan dahil nanghihina ang tuhod nito sa narinig 'Mamayang gabi magkikita si Sean Hermes at si Sander Blade Schubert sa **** resto dahil may paguusapan sila. Doon gagawa ang lolo mo ng plano para patayin agad ang dalawa. Anong gagawin mo?' Nanlaki ang mata ng dalaga. 'Ayokong makita na may pinapatay si Lolo... kaya di ako pupunta. Kayo na ang bahala kay lolo please stop him. Ayokong madagdagan ang mga kasalanan niya.' 'I'll try.' Tulala si Mari habang nakatingin sa baba. "No way..." naalala niya yung ginang na nakilala niya sa funeral ng asawa nito at umiiyak ito at ngayon siya na ang sumunod tapos ang susunod na biktima ay si Sean at si Sander. Di niyang pababayaang patayin nila ang lalaking lihim niyang minamahal. Tinawagan niya si Agent Bill at kinuwento niya lahat at wala na silang oras kailangan nilang maligtas sila Sean bago mahuli ang lahat si Sean din kasi ang susunod na mamamahala sa Hermes Clan kaya siya na ang susunod. Lumabas na si Joseph sa room at agad lumapit ang dalaga sa kanya. "Uhmm... Joseph, pupunta ako ng mall pwede ba?" Sabi ng dalaga. "May pera ka ba? Kung wala eto oh. Credit card." Sabi nito. Napailing ang dalaga. "May pera pa ako dito may bibilhin lang ako. Okey?" Napatango ang binata at hinalikan sa noo ang dalaga. At nagpaalam na ang dalaga at nagmamadaling bumaba ng elevator at lumabas nakita niya ang sasakyan ni Agent Bill kaya agad siyang sumakay doon. "Let's go." Sabi nito tumango lang si Agent Bill at pinaharurut nito ang pagpapatakbo. ****** LMCD

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD