Chapter 8

1042 Words
Tumatakbo si Marieneth palibot sa mansyon. Hanggang sa matapos na niya ang 20 na ikutan sa mansyon at huminto siya at uminom ng tubig. At tumatakbo padin siya dahil naniniwala siya sa kasabihang push your limit. Sa kwarto naman ng binata nananaginip siya ng masama. Maraming nakapalibot sa kanya sa mansyon patay na kasi ang lahat ng mga guards niya at di niya makita ang mga magulang nito. Nagtago siya at nagulat na ubus na ang bala nito nang may biglang tumabi sa kanya na kinagulat niya. "Hannah!" "Stay here.... i'm going to protect you." Sabi ng dalaga sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi nito at kinasa ang b***l na hawak at tumayo at pinaputukan ang mga kalaban at sumilip ang binata nakita niya na ang magaling na galaw ng dalaga iniilagan nito ang mga bala nang may naramdaman siyang laser sa dibdib niya at napatingin siya bigla itong ngumisi sa kanya at pinaputok nalang ang b***l at pagmulat siya sinangga ng dalaga ang bala kaya siya ang natamaan. Nanlaki ang mata ng binata at binaril ng dalaga ang sniper at natumba ito. "A-ayan... ubos na sila... at naprotektahan kita." Agad itong hinagkan ng binata ang dalaga at di ito alam kung bakit ito umiiyak. "Hannah, gumising ka bakit mo ko niligtas diba P.A kita kaya inuutusan kitang gumising ka!" Di na alam ng binata kung anong gagawin niya parang ayaw niyang nangyayari ngayon sa dalaga. Hanggang sa nagising siya at hinihingal na nakahawak sa dibdib niya. "That nightmare..." Naalala nito ang dalaga kaya tinawagan niya ito sa telepono. Pero walang sumasagot agad lumabas ang binata at hinanap ang dalaga na di niya makita kita. Kinatok niya ito sa kwarto pero walang sumagot kaya bumaba siya at nakita niya ang isang katulong. "Where's Hannah?" Hinihingal na sabi nito. "H-hindi ko po alam, young master." Napatakbo siya kahit saan para mahanap ang dalaga. Sa pwesto naman ng dalaga. Nagpu push up ang dalaga sa sahig dito padin sa labas ng mansyon kahit maginaw pinipilit nitong mag ehersisyo. "298, 299, 300! Phew!" Napatayo siya at nagtatalon talon para magalawa ang katawan. Tumakbo uli siya kasama ang mga aso nang biglang lumabas ang hingal na hingal na binata. At hinawakan siya sa balikat. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap?" Nag aalalang sabi nito. Nakatulala namang tiningnan ng dalaga ang binata. "Nandito lang ako nagja jogging... teka." Napatingin ito sa relo at masyado pang maaga. "Sir Sander, maaga pa po bumalik muna kayo sa pagtulog. May kailangan ho ba kayo?" "W-wala naman... once na aalis ka sa kwarto mo ipapaalam mo saakin." Galit na sabi nito. Napatango naman ang dalaga at tumingin nang kakaiba sa binata. "Sir, okey lang po ba kayo? May nangyari po ba? Bakit ang pawis pawis ninyo?" Napatikhim ang binata at tumalikod. "Ipaghanda mo ko ng kape." Umalis na ito. Napataas nalang ang isang kilay ng babae. Napabalik ang binata sa kinatatayuan ng babae at nakatingin sa tatlong aso nito. "Paanong..." "Hiniram ko muna ang mga aso niyo gusto kasi nilang mag jogging din kaya pinatakbo ko din sila. Kailangan din ng mga aso mag ehersisyo." "Paano mo sila napaamo? Pumipili sila ng kakaibiganin nila." "Uhmm sila lang po ang lumapit saakin. Diba mga babies." Tumahol naman ang tatlong aso. "See." "Ehem... ngayon na ipaghanda mo ko ng kape." Umalis na ito at binalik na nang dalaga ang tatlong aso sa bahay nito at pumunta na sa kwarto niya. Para magbihis... Nakatanggap nanaman ng tawag ang dalaga sa amo nito. "Ano nanamang problema nito?" Kinuha ang cellphone at sinagot ito. "Oh?" "Where are you?" Napakunot ang noo ng dalaga sa pananalita ng lalaki sa kanya. Huminga ito ng malalim at bumuga. "In my room." "Where's my coffee? I need it now." "Makautos oh... di naman ako si Flash para agad pumunta sa kanya." "Ano sabi mo?" "Nothing, Coffee coming up!" At agad itong tumakbo hanggang makaabot ang dalaga sa kusina. Napaisip ito ano ang ititimpla nito sa amo. Nang may nakita siyang maid. "Uhmm ano..." "Hmp!" "Hala ang sungit... di pa nga ako nagtatanong." Pinabayaan nalang ng dalaga ang katulong at nang may naisip itong idea. Siya kasi taga gawa ng kape sa kuya nito noon. Agad lumakad ang dalaga papuntang kwarto ng dalaga at kumatok ito. "Pasok." Sabi nito at pumasok naman si Marieneth at inilagay ang kape sa mesa. Tiningnan nito ang binata na mukhang may problema. Tinabihan niya ito ng umupo. "Kanina ko pa napapansin na may problema ka." "Wag mo kong pansinin..." "Okey...." Tatayo sana ang dalaga ng magsalita ang binata. "Hannah, sasaluin mo ba ang bala para saakin?" Napatingin ang dalaga sa binata at napataas ang isang kilay nito. "At bakit ko naman sasaluin?" Napangiti nalang ang binata iniisip nito bakit naman sasaluin ng dalaga ang bala. "Pwede ka nang umali..." "Hindi ko sasaluin ang bala... iiwas ako at poprotektahan kita laban sa mga kalaban... yan ang bonus job ko sayo." Nakangiting sabi ng dalaga na kinalaki ng mata ng binata sa sinabi nito. Biglang tumibok ang puso nito sa sinabi ni Marieneth. "Sige maligo ka na... may pasok pa tayo baka nakalimutan mo." Lumabas na si Marieneth at nakatulalang nakatingin sa sahig si Sander. Naalala niya ang panaginip nito at biglang napahawak sa ulo. "Teka bakit ako nagkakaganito eh personal assistant ko lamang siya." Tumayo nalamang siya at dumeretso sa cr at naligo habang si Marieneth tiningnan ang binigay ni Agent Bill sa kanya na info about sa anak ng namatay na si Hans na si Sean Hermes. "Hmm... sikat pala ito. Sinong di sisikat mayaman pamilya nito. Ano kayang gagawin ko para maging kaibigan ko siya? Bahala na." Nandito sila ngayon sa sasakyan papunta sa school at ang dalaga ang naging driver ngayon nakita niya sa salamin na tahimik lamang ang kasama nito. Tinoun nalang nito ang pansin sa daan hanggang sa nakarating sila sa school agad hinanap ng dalaga ang hinahanap na si Sean Hermes. "Anong ginagawa mo?" Nagisip ang dalaga kung anong sasabihin nito. "Uhmm... wala." "Anong wala? Meron eh." "Wala talaga." Tiningnan ng binata sa mga mata ang dalaga. Napalunok ang dalaga mukhang kakaiba ang mga mata ng binata. "Anong hinahanap mo." "Yung crush ko." Walang nagawa ang dalaga dahil ito ang lumabas sa baba niya. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD