Chapter 7

1081 Words
Seryosong nakatingin ang dalaga habang nakatayo sa gilid habang nakikipag usap ang binata sa isang lalaking nag ngangalang Philip mukhang hindi sa trabaho ang pinaguusapan nila. "May pinatay nanaman sa mga kasapi ng Hermes." Nanlaki ang mata ng binata sa sinabi ng lalaki. Mas lalo na ang dalaga biglang nanliit ang mata nito at pinindot ang recorder sa relo nito. "Who?" "Si Hans yung kapatid ng Mafia Boss. Gumagalaw nanaman sila. Tsk." Nanlaki ang mata ng dalaga mukhang nagkamali ito sa impormasyong binigay sa kanya hindi ang pamilyang Schubert ang pumatay sa mga kasapi ng pamilyang Hermes. "Kilala mo kung sino ang pumatay sa kanila?" "Ang Sy Clan... that guy Joseph! Kung kaaway niya ang pamilyang Hermes sana sa salita lang hindi yung pati buhay ng mga innosente nadadamay." "Anong gagawin mo?" "Pumunta tayo sa kung saan dinala ang kabaong ni Hans." Mukhang nabuhayan ng dugo ang dalaga dahil pupuntahan nilang lugar. Habang nagdadrive kanina lang tingin ng tingin ang kasama ng binata sa dalaga. "May bago ka nanamang P.A.?" "Yeah, si Dad ang kumuha sa kanya." "Mukhang..." Napatingin ang dalaga sa salamin kaya nakita niya ang mga mata ng binata na nakatitig sa kanya. "... tama ang pinili ng Tatay mo ngayon di kagaya noon na walang mga silbi." Napataas ang isang kilay ng dalaga sa narinig. "Paano mo nasabi?" "Dahil... sa year palang niya na nagsisimbolo ng Tigre at sa month niya na nagsisimbolo ng Leo. At napakamisteryoso mo..." Biglang prumeno ang dalaga na muntik nang kinatumba ng dalawang binata sa likod. "Paano mo nalaman?" Di makapaniwalang sabi ng dalaga. Napangisi si Philip at nilapitan ang mukha ng dalaga na kinataas ng kilay ni Sander. "Dahil alam kong bumasa ng future." Palapit ng palapit ang mukha ng binata sa dalaga nang biglang tinapakan ng dalaga ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya agad napasandal ang binata sa upuan. "Mukhang di mo mabasa na papaandarin ko ang sasakyan ha." Nakangiting sabi ng dalaga at tumingin ulit sa harap bago lumarga ang sasakyan nagsalita muna siya. "Mag sit belt muna kayo para makarating tayo sa pupuntahan dahil may dinner si Sir Sander sa girlfriend nito." Seryosong sabi ng dalaga agad naman nagsit belt si Sander alam naman niya kung paano magpapatakbo ng sasakyan ang dalaga. Tiningnan nito ang isang binata na nakatulala padin. "Cousin, mag sit belt ka kung mahal mo pa ang buhay mo." Agad namang nagsitbelt si Philip. Napangiti ang dalaga at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. "Waaaaaaaa!" Nang makarating sa paroroonan... Lumabas ang dalawa sa sasakyan at mukhang loading pa sa nangyayari. "Uhmmm... nandito na po tayo kaya.. pakiayos po ng sarili dahil aakalain na malakas ang hangin dito sa labas." Agad naman silang nag ayos ng sarili nila at tiningnan ni Sander ng masama ang P.A. "Tsk." Naglakad na sila at nakangiting sumunod ang dalaga. Natatawa ito sa mga nangyayari ngayong araw. "Huh... Sander." Napatingin ang binata sa tumawag sa kanya. Isang matandang lalaki sa pakakaalam ng dalaga mukhang ito na ang Mafia Boss ng Hermes. "Nakikiramay po ako sa nangyari kay Hans." "Salamat iho." "Gagawin po namin ang lahat para mahanap kung sino ang may gumawa nito sa pamilya niyo." Nakikinig lang ang dalaga sa mga lalaki at tiningnan niya ang paligid puro may bantay at di masyadong marami ang tao. Napatingin ang dalaga sa babaeng nakatulala mukhang ito ang asawa ng biktima. Lumapit ang dalaga sa kabaong ng namatay at tiningnan nito ang patay. "Mukhang binugbog ang biktima bago ito pinatay." "Walang hiya ang mga Sy na yan di ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa asawa ko... di na sila tumitigil nung una yung mga kamag anak namin tapos ang asawa ko." Umiiyak ang babae kaya kinomfort naman nito ang babae at pinaupo. "Uhmmm ano po bang nangyari bakit pamilya niyo po ang tinatarget ng Sy Clan?" "Dahil sa matagal na magkalaban ang pamilya namin sa pamilya nila.... teka anong pamilya ka ba?" "Ah.. di po ako kasapi sa Mafia isa po akong Personal Assistant ni Sir Sander. Ako nga po pala si Hannah Martin." Sabi ng dalaga sabay turo sa binatang nakikipag usap padin sa matanda. "Kinagagalak kitang makilala iha. Ako si Lusil asawa ni Hans. di ko siya napansin na nandito pala ang Mafia Boss ng Schubert Family." "Kararating lang po namin. Matanong ko po may mga anak po ba kayo." "Oo may isa kaming anak at nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo. Ito ay si Sean Hermes. Nagaaral sa same na school na pinapasukan ni Sander." "Ah... parehas po pala kami." "Talaga?" Tumango ang dalaga. Sa isip ng dalaga na baka malaking pursyento na isusunod ang anak nito. "Pwede ho bang makita ang picture ng anak niyo. Baka nakita ko na siya sa school." Inilabas naman ng ginang ang litrato ng kanyang anak. At tiningnan ng maayos ni Marieneth ang litrato. At inayos ayos niya ang eyeglasses niya ng may pinindot siya sa eyeglasses para makuhaan ng litrato ang tinitingnan niya. "Salamat po." Ngumiti naman ang ginang at binigyan ito ng makakain tinanggap naman ito ng dalaga. "Hannah, we need to go." Tumango lang ang dalaga at nagpaalam sa ginang at umalis na sila. Si Philip naman umuna nang umuwi dahil may dinner pa ang binatang si Sander sa gf nito. Nandito sa labas ng restau si Hannah habang nakatingin sa amo nitong nakikipag usap sa kanyang Gf. "Mukhang unti unti ko nang mahuhuli ang mga kasapi ng Sy Family." *Phone Ring* Sinagot naman ito ng dalaga. "Agent Ace, kumusta ang kaso?" "Malapit ko nang maresolba, Agent Bill. Konting konti nalang mahuhuli na ang pumatay sa biktima." "Ibig sabihin hini ang Schubert family ang pumatay sa biktima?" "Yup, at ang Hermes at Schubert family ay magkaibigan at ang isa sa mga kalaban at hinihinalaan nila ay ang Sy Family.... pwede bang bigyan mo ko ng mga files tungkol sa pamilyang yun?" "Oo naman. Bukas na bukas ipapadala ko yun sayo sa Yahoomail." "Salamat. Malaking tulong ka talaga. Sige ibababa ko na toh papunta na sila Sander dito sa kinatatayuan ko." "Sige, good luck ulit." "Salamat." At binaba na nang dalaga ang telepono nito at nakatingin ang babae sa kanya na mula ulo hanggang paa. "Oh, siya ang P.A mo, Baby." "Yeah, she's Hannah Martin. Hannah, this is Beatriz Arianna Rogers." Tiningnan ni Beatriz ang dalaga at ngumiti. "Hello, ako nga pala gf ni Sander. Sana turuan mo ng leksyon ang bf ko ha. So friends?" Napatingin si Marieneth sa kamay nito at tinanggap nito kamay ng babae at ngumiti. "Friends." ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD