Chapter 9

1014 Words
Pantay ngayon ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng dalaga. Ang dalaga naman sising sisi sa sinabi niya. "Ang talino mo talaga, Marieneth." "Nasa trabaho ka ngayon kaya wag mong isipin ang mga crush crush na yan." Tumango lang ang dalaga at tiningnan ang kapapasok lang na lalaki at yun yung hinihintay niya kanina pa lang. "Sean Hermes.." Sinundan ng tingin ng dalaga ang binata papunta sa upuan nito at umupo ito sa harapan niya. Napansin ng binata na sinundan ng tingin ng dalaga ang kakarating lang na binata. "Hannah.." Ang nasa isip ng dalaga kung paano niya magiging kaibigan ang lalaki. "Hannah." Naiinis na ang binata dahil sa katatawag nito sa dalaga na nakatingin sa harapan. "HANNAH!" Napatingin silang lahat kay Sander at si Marieneth naman ay gulat din. "B-bakit?" Lumabas ito ng classroom na kinataas ng dalaga ng kilay. "Ano kayang ginawa ko?" Kahit wala pa ang guro nila sinundan niya ito at hinanap kung nasaan ang binata ng bigla itong nakaramdam ng kakaiba parang may mangyayaring masama. Kaya tumakbo siya at hinanap ang amo nito. Hanggang sa nakita niya itong nakikipag halikan sa isang babae. Yan ang ayaw ng dalaga yung may gf na nga pero nangangaliwa padin. "Sander!" Napahinto sa paghahalikan ang binata at tumingin sa dalaga. Nakita ng binata ang mga nakakatakot na tingin nito kaya binitawan ng binata ang babae. "Hey, babe bakit tayo huminto?" Lumapit ang dalaga kay Sander at hinawakan ang kamay nito palayo sa babae. Bigla nalang lumapit ang malanding babae sa kanila at binawi ang binata. "Ano ka ba! Estorbo kang pangit ka ha." Lumapit ito sa babae at tiningnan ni Marieneth ang mata nito at napalunok naman ang babae sa ginawa nito at tumakbo. At humarap siya sa binata at lumapit at ilang inch nalang ang lapit ng mukha nito sa mukha sa dalaga. Napalunok naman ang binata sa ginawa ng dalaga ngayon. "Alam mo ba ang ginawa mo?" Seryosong sabi ng dalaga sa binata. "Ano bang mali sa ginawa ko?" "Alam mo ba na mas masakit sa isang babae ang nililihiman ng bf nito na nakikipaglandian ito sa ibang babae. Alam mo kaibigan ko si Beatriz at ang pangit tingnan na mula sa kaibigan niya nakita ang lahat nang nangyayaring pangangaliwa ng bf nito." "Anong pake mo sa relasyon namin? At ano naman ang pake mo ha isa ka lang ALALAY ko. At ang ayaw ko ay yung mga pakilamera." Nagulat naman si Marieneth sa sinabi ni Sander. Napalayo ang dalaga at tiningnan ang binata. "Wag mo ngang pakilaman ang buhay ko. Just be a f*cking P.A!" "Yan ba gusto mo?" Nagulat ang binata sa sinabi nito. "Yan ba ang gusto mo na di ko pakikilaman ang buhay mo. At ang gagawin ko lang ay maging P.A mo?" "Oo." Napaatras ang dalaga at tumalikod. "Kung yan ang gusto mo." Umalis ang dalaga pabalik ng klasrom nito nang nakita niya si Sean na umalis ng room kaya sinundan niya ito gagawa siya ng paraan para magkalapit sila. Sa katatakbo niya nag act siyang nadapa sa hallway. Napatingin sa kanya si Sean at agad naman lumapit si Sean sa kanya. "Okey ka lang miss?" "Ah... oo okey lang ako. Salamat." "Sa susunod mag iingat ka... oh ang tuhod mo dumudugo. Dalhin kita sa clinic." "S-sige." Inakay ni Sean si Marieneth papuntang clinic at nang magamot ang sugat nito. "Okey ka na?" "Oo salamat ha. Ako nga pala si Hannah. Transferee ako dito." "Ah, kaya pala bago ka lang sa paningin ko. Ako nga pala si Sean. Nice to meet you." "Nice to meet you din. Mabuti ka pa mabait ka." "Bakit naman may umaway ba sayo sa room?" Napayuko ang dalaga at mukhang nagets naman ng binata at pinat ang ulo nito. "Wag kang mag alala simula ngayon kaibigan mo na ako. Friends?" Nagulat ang dalaga dahil sa kabaitan ni Sean mukhang di siya mahihirapan sa pagbantay nito. *1 message* Napatingin si Marieneth sa cellphone at ang nakasulat doon kung nasaan na daw siya nasa classroom kasi si Sander. Napatingin ang dalaga sa binata. "Dito ka muna. Wag kang aalis bibilhan kita ng makakain. Jan ka lang!" Napatango nalang ang dalaga. Napatingin siya sa cellphone nito kasi lowbat at nanlaki ang mata niya nasa bag kasi nito ang charger nito at wala naman siyang nakikitang charger sa paligid. Naalala nito si Agent Bill kailangan pala niyang mag report may pinindot siya sa wireless earphone niya. 'Oh, may balita Agent Ace?' "Kaibigan ko na siya." 'That's good. Bantayan mo siya kasi mukhang tama ang hula mo na siya ang susunod na target ng kalaban.' "Oo nga eh... sana maprotektahan ko siya... wait about sa pagiging P.A ko sa isa?" 'Oo nga noh? Heto nalang...' Sinabi ni Agent Bill lahat ng dapat niyang gawin napatango nalang ang dalaga. "Great idea, Agent Bill. Sige bye. Salamat sa idea." 'Your welcome. Everytime nandito lang ako.' "Okey." Binaba na nito ang cellphone at tamang tama kadadating lang ng binata at may dalang pagkain. "Salamat. Uhmmm.. ang bait mo talaga. Sigurado akong mabait ang mga parents mo." "My parents... yes ang bait ng parents ko pero kakamatay lang ng papa ko... binaril siya." "Nakikiramay ako." Napangiti ang binata at nagsalita. "Salamat, alam mo ang gaan ng loob ko sayo." "Ganun? Same tayo hehehe... pasensya ka na naka absent ka ng dahil saakin." "Ano ka ba... okey lang noh." Nakangiting sabi nito. Lumapit ang dalaga at niyakap ang binata parang comfort narin niya ito dahil sa pagkawala ng ama nito sa kanila. "Kung may problema ka nandito lang ako. Kahit pangit ako sa paningin ninyo may utak din akong maiisip kung paano masusulutionan ang isang maliit na problema." "Salamat, Hannah." Uwian na... pinauwi na ni Marieneth si Sean at inayos niya ang lakad niya para makapunta sa parking lot kahit mahapdi ang sugat nito. Nang makarating siya sa parking lot nakita niya si Sander na seryosong nakatingin sa kanya. "Saan ka ba galing ha." "Sa clin..." "Tsk... pumunta tayo sa club." Pumasok na ito sa sasakyan napayuko nalang si Marieneth at di pinapahalata na may iniinda itong sakit. ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD