Nakaupo ito sa upuan ang dalaga at nabobored na tumingin sa teacher nila. Habang ang dalawa sa gilid niya seryosong nakikinig sa guro.
"Ms. Hannah..."
"Ms. Hannah!"
Napamulat ang dalaga at tumayo.
"Po maam?"
"Answer my 3 question! Kung di mo masagot get out."
Napaisip ang dalaga kung anong subject ito at naalala niya na English pala nila ngayon.
"This is the type of listening where we listen simply to enjoy the activity. What kind of Listening is this?"
"Appreciative Listening maam."
Agad nakasagot ang dalaga sa tanong ng guro nito. Napatango ang maam sa sagot nito.
"Who write the poem The Garden of Love?"
"William Blake."
Nanlaki ang mata ng mga kaklase nila dahil nakaanswer agad ito. Nang walang pangdalawang isip.
"Tingnan natin kung masagutan mo toh.. ano ang kasabihan ang sinabi ni Mattie Stepanek sa activity 4 sa libro na ang pamagat ay Memories?"
Napaisip ang dalaga at naalala na niya kung ano yun.
"Keep all special thoughts and memories for lifetimes to come. Share these keepsakes with others to inspire hope and build from the past, which can bridge to the future. Yun po maam."
Nganga lang ang kanyang mga kaklase at ang guro nila nakanganga din. Inaamin ng guro nila na di nga nito memorize ang nasa libro ito pa kayang dalaga na natutulog lang sa klase nito namemorize niya na walang tingin tingin sa libro.
"Maam, kung matutulala po kayo jan tutunog na ang bell."
Sabi ng dalaga nang biglang tumunog ang bell na kinagulat nila.
"See."
"Ah eh... class dismiss." Nagsitayuan ang mga student at tiningnan ni Sander ang P.A nito na hindi makapaniwala.
"Ang galing mo, Hannah."
Napatingin si Marieneth sa gilid at sinamaan nito ng tingin si Brian.
"Oh, easy init naman ulo mo."
"Tsk."
Lumakad na si Sander kaya sumunod si Marieneth sa binata hanggang makarating sila sa parking lot. Napatingin ang dalaga sa appointment nito.
* 3:30- Car Racing
"Sir. Sander, sa Car Racing tayo ngayon pupunta."
"Okey."
Sumakay na ito sa sasakyan at napabuntong hininga nalang ang dalaga kasi di naman nito pinangarap na maging P.A ang gusto nito barilan, aksyon yun ba puro trilling pero hindi ganito.
Nakarating na kami sa isang malaking lugar at nandun din ang mga sports car na ang gaganda.
"As in Wow!"
"Hey, bro kumusta.... wait who is that girl?"
Tanong ng binatang si Edward. Napatingin si Sander kay Marieneth na nanlaki ang mata habang nakatingin sa mga sasakyan.
"She's my P.A "
Lalapit sana siya nang...
"Where are you going?"
"Uhmm.. pwede makitingin sa mga sasakyan doon? Please!"
Tumango nalang si Sander kaya napatakbo siya papunta sa mga sports car.
"Wow!"
Hinawakan niya ang mga sasakyan nang...
"Hey, how dare you to touch my car."
Napatingin ang dalaga sa nagsalita. Isang lalaki napatingin siya dito.
"Ang damot."
"Walang kahit sino ang humahawak sa sasakyan ko. Kuha mo?"
Napangiti ang dalaga.
"Paano kung magracing tayo. Kung manalo ako akin na toh.... kung mananalo ka sayo na yung dala naming sasakyan."
Nakangiting sabi ni Marieneth mukhang narinig naman yun ni Sander na kinagulat niya.
"Are you crazy woman!"
"Hindi. Deal?"
"Oh... deal!."
Napatingin ang dalaga sa binata na masamang nakatingin ito sa kanya.
"Promise mananalo ako. Kapalit nun ang sasakyan niya na Ferrari 275 GTB/4 CPE alam mo $1,800,000 yan. Promise di ako matatalo kung matatalo ako patayin mo ko."
Napatingin ang binata sa kanya. At nakipagtitigan naman ito sa kanya.
"Magpaalam ka na sa pinakamamahal mong Ferrari."
Nakakalokong ngiti ang binigay ng dalaga sa binatang kalaban nito.
Nakatingin sila sa taas at biglang tumunog yung b***l kaya agad pinatakbo ng dalawang panig ang mga sasakyan nila ang ginamit kasi ni Marieneth ay ang McLaren ni Sander. Ika sampung ikot na nila nang biglang pinalakas ni Marieneth ang takbo hanggang siya ang nauna na nakarating.
Tulala ang lahat at pinark ni Marieneth ang kotse nakita nito na napaluhod ang lalaki sa harapan ng sasakyan nito..
"So... akin na ang susi."
Binigay naman nito ang susi sa dalaga at tiningnan nito si Sander na nakanganga padin. Lumapit ang dalaga kay Sander at binigay nito ang susi ng sasakyan ng binata.
"Wow! Ang galing ng P.A. mo bro!"
"Oo nga. Anong pangalan mo miss ako nga pala si Edward Jackson."
"Christofer Thomas ang pinakagwapo sa aming apat."
"Charles Madden nga pala wag kang maniwala kay Thomas joker yan."
"Lance Gibson nga pala pwede ka bang ligawan."
Nakangiti lang ang dalaga sa kanila habang ang isa sa gilid mukhang loading padin.
"Ako nga pala si Hannah Martin."
"Wow nice name. Ang galing mo kanina. Saan ka natutung mag race?"
Nagtitigan naman ang apat sa tanong ni Christofer sa dalaga.
"Nanonood lang ako sa mga movies."
Nagulat sila sa sinabi ng dalaga. Mukhang di sila naniniwala sa sinabi nito.
"Weee!"
"Hey, bro.. ang galing namang pumili ang dad mo saan siya na organization pumili ng P.A? Kukuha ako ng isa."
Sabi ng kaibigan ni Sander na si Lance. Tiningnan ni Sander ang dalaga tinatanong kung saan.
"Uhmm... nag apply lang ho ako nakikita ko po kasi yung karatula na naghahanap sila ng P.A. kaya nagapply ako."
Paliwanag ng dalaga. Napatango naman ang apat.
"Sana may P.A ako na kasing astig ni Hannah."
Nangangarap na sabi ni Charles. Napatingin si Hannah sa kanyang relo at naalala nito ang susunod na gagawin ng binata.
"Uhmm sir... may appointment ho kayo sa kompanya niyo kay Mr. Philip."
"Okey... i need to go. Nakalimutan ko may trabaho pa pala ako sa company."
Lumakad na sila at binigay ng dalaga ang susi ng bago nitong sasakyan sa driver nito.
"Ako nalang ang magda drive ngayon kay sir pakidala ito sa parking lot sa mansyon, please."
Nadala naman sa pagpapacute ng dalaga ang driver at sinabi nito na siya na ang bahala sa amo.
Habang naglalakad di rin maiiwasang isipin ng binata kung ano pa ang ibang makakaya ng dalaga ng hindi niya nalalaman. Parang feeling niya na kakaiba siya sa mga ordinaryong mga babae.
"Let's see.."
Makahulugang sabi ng binata habang nakatingin sa dalagang naghihintay sa kanya.
"Tayo na po."
Sabi ng dalaga at pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Ng mapansin ng binata na wala ang driver nito.
"Where's the driver?"
"Pinauwi ko."
"What?! Paano kung may sumugod saaki... i mean paano kung may kailangan akong ipapautos?"
"Leave it to me."
Di makapaniwala ang binata sa ginawa ng dalaga. Pinabayaan nalang niya ito.
******
LMCD