Chapter 9

2339 Words
“Natulog ka ba?” Nabitin sa ere ang pag-inom niya ng kape nang marinig ang tanong ni Jona sa kanya. “Huh? Bakit?” tanong niya rito. “Huwag ka ngang makunwaring walang alam, friend!” Lumapit ito sa kanya saka siya marahang hinampas sa balikat. “Kitang-kita kaya sa mga mata mo! Saka, kanina ka pa hikab nang hikab ‘no!” Hindi na niya lang ito pinansin bagkus ay ininom ang kape niyang nangangalahati na lang sa tasa. “Sige, iwas pa more! Para namang hindi ko alam na hanggang hatinggabi kayong magkausap ni Jace kagabi.” “Huwag ka na kasing makulit! Alam mo na naman pala, eh.” Abot-tainga ang ngiti nito. Lumapit ito sa kanya at tumabi sa kanyang pagkakaupo saka bumulong, “Sinagot mo na ba? Kayo na ba?” “Hindi ‘no!” mariin niyang tanggi. Panay ang sundot ni Jona sa kanyang tagiliran, inaasar siya. “Sagutin mo na kasi….ayiee, sasagutin na niyan si Jace. Magbo-boyfriend na siya…” Panay ang iling niya. “Hindi. Kailangan ko muna siyang makilala nang personal bago ko siya sagutin. Sa totoo lang Jona, kinakabahan ako. Oo, gusto niya ako ngayon pero paano kung ma-turn off siya sa akin kapag nakita na niya ako in person?” “Eh, ‘di hindi kayo meant to be,” mabilis na sagot ni Jona. Pagkuwan ay humilig ito sa kanyang balikat habang naka-angkla ang braso nito sa kanya. “Gano’n lang naman ka-simple ‘yon, eh. Tayo lang ang nagpapakumplikado sa buhay. Sakali mang magkita kayo at hindi mag-work ang relasyon ninyo, kailangan mong iyong tanggapin dahil mahirap ipilit ang isang bagay na hindi naman para sa’yo. Ikaw ang nagsabi no’n sa akin ‘di ba? If it’s right for you, then it will be given to you. Kaya dapat hindi mo na inaalala ang mga bagay na ‘yan. Si Lord na ang bahala sa’yo.” Nilingon niya ang kaibigan. Kalog ito at palaging masaya kaya aakalain mong walang iniisip na problema ngunit kung makakausap mo ito ng masinsinan, doon mo malalaman na sa kabila ng masayahin nitong awra ay isang babaeng tila pasan din ang mundo ng kanyang pamilya. At alam niyang may dinaramdam ito ngayon, nahihiwatigan niya iyon sa boses nito. “Okey ka lang ba?” Hindi ito sumagot pero lalong humigpit ang kapit nito sa kanyang braso. Maya-maya lamang ay yumuko na ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang umiiyak na ito. Tinangka nitong supilin ang pag-alpas ng mga hikbi nito ngunit tuluyan na itong napaiyak nang yakapin niya ito. Wala rin naman siyang maipayo rito dahil nasa ganoon din siyang sitwasyon na handing ibigay ang lahat para sa kanyang pamilya kahit pa walang matira sa kanila. Mahirap, sobra. May mga pagkakataon ngang naiisip niyang umuwi na lang pero sa huli nari-realize niyang lalo siyang mawawalan kapag tumigil siya sa pagtratrabaho. Bukal sa loob niyang tumulong sa pamilya at sobrang saya niya kapag nakakatulong siya pero nakakapagod din minsan ang paulit-ulit na pangyayari sa buhay mo. Napapagod siya pero hindi naman ibig sabihin no’n na susuko na siya. Tuloy ang laban para sa ekonomiya! “Sori na, friend. Alam kong may mga problema ka rin pero heto ako, dumagdag pa.” Inirapan niya ito. “Inihihingi mo nang paumanhin ang pag-confide mo ng problema mo sa akin pero ang pagkukwento mo ng kaharutan niyo ni Drew sa akin hindi mo inihihingi ng sori? Ibang klase ka rin!” “Naku! Kapag nagkatikiman kayo ni Jace, ewan ko na lang!” sambit nito sabay dakma sa kanyang dibdib. “Ganito hahawakan ni Jace ang-“ “Jona! Bwisit ka talaga!” singhal niya rito. Ngunit ang balak niyang pagtatalak ay hindi na niya nagawa nang magkatinginan sila ni Jona, parehas may takot sa kanilang mga mata. “Oh my God! Lumilindol!” bulalas niya. Mabilis niyang nahila si Jona sa ilalim ng mesa. Ramdam niya ang mahigpit nitong kapit sa kanyang mga kamay habang paulit-ulit nitong sinasambit ang salitang “Diyos ko!” Siya naman ay umusal nang taimtim na panalangin na sana ilayo sila sa kapahamakan. Grabe ang takot sa kanyang dibdib at pakiramdam niya anumang oras ay mahihimatay siya. Mabuti na lang at ilang sandali pa ay tumigil na rin naman ang lindol. May mga mahihinang after shocks pa silang naramdaman kaya hindi pa rin maalis-alis ang takot sa kanilang dibdib. Naghintay pa sila nang kaunting sandali bago tuluyang lumabas mula sa pagkakatago nila sa ilalim ng mesa. Lord! Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagtambol ng kanyang dibdib dahil sa takot. Nanghihinang napaupo siya sa silyang naroon habang si Jona ay nakita niyang nagsalin ng tubig sa dalawang baso. Ibinigay nito sa kanya ang isa. “Grabe ang takot ko doon, ah!” bulalas ni Jona habang sapo ang dibdib. Itinaas pa nito ang magkabilang kamay para titigan ang panginginig noon. “Oh my God! Kahit anong pigil kong huwag manginig, nanginginig pa rin talaga ako sa takot! Diyos ko!” Siya naman ay mahigpit na nakakuyom ang magkabila niyang kamao sa ibabaw ng kanyang mga hita. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil ganoon din ang kanyang nadarama. Nanginginig ang buo niyang katawan kasabay ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang dibdib. “Okey la lang ba?” tanong ni Jona sa kanya. “Okey lang ako.” Huminga siya nang malalim upang kahit paano ay mapawi man lang ang takot sa kanyang dibdib. “Natakot lang talaga ako kanina. Ang lakas naman kasi nang pagyanig kanina.” “Hindi bale sana kung dalawang tao lang ang may sanhi ng pagyanig, eh! Kahit paano ay may makokontrol niyo ang pwersa. Masasarapan ka pa! Sigurado namang dadalhin ka sa langit!” Halos lumuwa ang mga mata ni Arabella nang mapagtanto ang sinasabi ng kaibigan. Dinampot niya ang kanyang tsinelas saka ibinato rito. “Napakabastos talaga ng bunganga mong babae ka!” singhal niya rito. “Kanina lang ay halos mamatay-matay tayo sa takot tapos kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo! Grabe ka…” Mapanukso itong ngumiti sa kanya. “At least, nakalimutan mo na ang takot mo di ba?” Medyo lumuwag nga ang kanyang pakiramdam dahil sa sinabi nito. Pero ang utak naman niya ang windang sa mga sinabi nito. Lalo pa nang makita niyang tumatawag si Jace. Napatingin din si Jona. “Tumatawag na ang lalakeng yayanig sa buo mong pagkatao,” untag nito. Nagpalakad-lakad pa ito sa kanyang harapan habang iwinawasiwas ang magkabilang kamay na akala mo may hinawing kung ano. ”Siya ang lalakeng wawarak sa iyong kinabukasan. Ang lalakeng magdadala sa’yo sa langit ng kaligayahan.” Gigil niyang dinampot ang tinapay sa ibabaw ng lamesa saka isinubo sa bibig nitong walang katigil-tigil. Dinampot naman niya ang kanyang tuwalya at ang lagayan niya ng sabon upang maligo na. Three-thirty na nang madaling araw at mayroon na lang siyang tatlumpong minuto para maghanda bago pumasok sa trabaho. Sabagay, mabilis lang naman siya maligo tapos walking distance lang naman mula sa apartment nila ang bakeshop na pinapasukan nila kaya hindi naman siya nag-aalala. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya suot ang kanilang uniform. Paulit-ulit niyang pinaraanan ng tuwalya ang basa niyang buhok. May pagkakulot kasi iyon, makapal pa at hanggang balikat kaya nahihirapan siyang patuyuin iyon agad. Gusto kasi niyang nakatali na iyon bago siya mag-umpisang magtrabaho kaya pinatutuyo niya ito agad. Mahirap na, baka mamaya nakakalat na pala ang kanyang buhok sa kanilang workplace. “Bakit hindi mo pa kasi ipa-rebond ‘yan?” tanong ni Jona. Tapos na rin itong maligo at kasalukuyang naglalagay ng lipstick. “May alam akong salon na safe at makaka-discount ka nang malaki. Gusto mo?” Ilang beses na rin naman niyang plinano na ipa-rebond ang kanyang buhok ngunit palaging hindi natutuloy dahil nanghihinayang siya sa pera. Pero ngayon parang nati-temp na nga siyang magpa-rebond. “Next month na lang siguro,” nangingiti niyang sambit. “Nariyan na naman tayo sa next month na ‘yan, eh!” reklamo ni Jona. “Nakailang next month ka na ba? Pero hanggang ngayon, ganyan pa rin ang buhok mo.” “Gagawin ko na. Treat ko man lang sa sarili ko.” “Oh my God! Birthday mo na nga pala next month?” tili ni Jona. “Advance happy birthday, friend. Thank you for coming into my life.” Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran saka pabulong na nagsalita, “Hindi ko man madalas na nasasabi sa’yo pero nagpapasalamat ako kasi naging kaibigan kita. Basta palagi mong tatandaan na naa-appreciate ko ang lahat ng mga tulong mo sa akin at kung dumating man ang panahon na kailangan mo ang tulong ko, huwag kang mag-atubiling magsabi, ha?” Talagang ipinagpapasalamat niyang may isang Jona na dumating sa kanyang buhay. Malayo man siya sa kanyang pamilya ngayon, batid niyang may isang taong pwede niyang masandalan. At ipinagdarasal niyang hanggang sa dulo ay maging magkaibigan sila nito. “Ano bang kaartehan ‘yan, Ara?” Panay ang piksi nito, gustong makaalis sa kanyang pagkakayakap. “Nakakainis ‘to!” Napangiti na lang siya ng makita niyang pasimple nitong pinahid ang ilang luhang pumatak sa pisngi nito. “Ano ba namang mascara ‘to? Nakakairita sa mata!” Pilit nitong itinatago ang mga luha at isinisisi pa nito sa mascarang ilang buwan na naman nitong gamit. Ngayon pa ba ito maiirita? “Sinungaling,” pabulong niyang sambit, abot-tainga ang ngiti. “Bilisan mo ng mag-make up diyan nang makaalis na tayo.” Saglit niyang tiningnan ang suot na relo. “Quarter to four na.” “Tayo na,” yaya nito sa kanya pagkatapos nito. Siya naman ay dinampot ang isang paper bag kung saan naroon ang baon nila saka ini-lock niya ang kwarto nila. Pagkalabas nila ng apartment, siya namang tawag ni Jace. Nakasanayan na niyang tumatawag ito ng ganoon oras kung saan naglalakad sila patungong trabaho. Agad niyang sinagot ang tawag nito. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang may mapanuksong ngiti sa labi ng kaibigan. May pagsundot pa itong nalalaman sa kanyang tagiliran kaya panay ang kanyang igtad. Pinandilatan niya rin ito. “Good morning, love,” bati ni Jace sa kanya. “Okey lang ba kayo? Nabalitaan ko kasi na abot sa inyo ang yanig ng lindol. Nag-alala ako.” “Okey lang naman kami. Pero nakakatakot sa totoo lang. Nakadapa na kami ni Jona kanina sa ilalim ng mesa,” sagot niya rito. “Mabuti na lang at nawala rin naman maya-maya. Ikaw, may pasok ka ba ngayon?” “Mamaya pang alas siyete ang alis ko. Video call tayo, okey lang ba?” “Mamaya na lang pagkadating naming sa trabaho.” Nasanay na rin kasi siya na nakabukas ang kanyang camera habang nasa trabaho siya tapos wala pa itong pasok. Noong una, nahihiya pa siya ngunit kalaunan ay nasanay na rin siya. Tuloy ang trabaho niya habang ito naman ay manaka-nakang sinisilip siya. Nakikita niya minsan na nagdro-drawing ito ng mga electrical plans na hindi niya maintindihan. Pagkadating nila sa trabaho, saktong kabubukas lang ng bakeshop. Si Ricky ang talagang nagbubukas ng tindahan dahil alas dos pa lang ay naroon na ito. Pero sa ngayon ay mayroon na itong bagong kasama. Si Ronald na kapwa nitong magaling magluto ng tinapay. “Magandang umaga sa inyo mga binibini,” bati ni Ricky nang makalapit sila. “Walang maganda sa umaga kung pagmumukha mo naman ang mabubungaran namin!” Umaga pa lamang ay nagsisimula na ang bangayan nito at ni Jona. Napapailing na lang siya dahil kahit noong una pa lamang, parang aso’t pusa na ang turingan ng dalawa. Pero hindi naman umaabot sa punto na nagkakaawaya ng dalawa. Mas more on pag-aasaran lang ang nangyayari. “Love,” untag ni Jace sa kabilang linya. Nakalimutan niyang may kausap pala siya. “Wait lang,” tugon. Ipinatong niya ang dalang paper bag sa isang lamesa.Ipinatong niya ang kanyang cellphone stand saka ini-on ang camera ng kanyang cellphone. “Good morning,” bati niya sa binata. “Good talaga ang morning ko kapag ikaw ang una kong nakikita,” sambit naman ni Jace. Pagsulyap niya rito, kita niyang titig na titig ito sa kanya. Parang hindi man lang kumukurap. Inirapan niya ito. Pero sa totoo lang, paraan niya lang iyon upang itago ang hiya at kabang nadarama. “Wait lang, ha?” maya-amaya ay sambit niya. Umagang-umaga pa lang ay naiinitan na siya kaya kinuha niya ang towel niya sa paper bag at sinubukang ilagay iyon sa kanyang likod subalit naiinis siya kasi parang pilipit ang pagkakalagay. Sinubukan niya niyang ayusin ngunit lalo lang yatang napilit. Pilit namang sinusupil ni Jace ang kanyang mga ngiti habang nakatingin sa dalaga. Ang labi nitong nakanguso ngayon dahil sisguro sa inis ay para bang masarap halikan. Gusto rin niyang nasa tabi nito ngayon upang siya ang maglagay ng towel nito sa likod ngunit hindi niya magawa dahil malayo siya rito. Pero sa ngayon, kuntento na siya na masilayan ang dalaga sa ganitong paraan. Pasasaan ba at makakasama niya ito at mahahawakan. “Ako na.” Napatuwid naman ng upo si Arabella ng marinig ang tinig na iyon. Hindi siya makagalaw at hindi na siya nakatanggi nang kusang kunin ni Dave ang towel na hawak niya. Mariin pa siyang napapikit ng dumampi ang mga daliri nito sa kanyang likod habang inilalagaay ang towel sa likod niya. Si Dave ang pamangkin ng amo nilang babae at noon pa mang nag-uumpisa pa lang siyang magtrabaho sa bakeshop ay lantaran nang nagpakita ng interes sa kanya. "S-salamat," nauutal pa niyang sabi. "Napakaliit na bagay para sa dalagang bumubuo ng araw ko," anito. Kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Ilang minuto na itong nakakaalis pero hindi pa rin siya makagalaw sa kanyang pagkakaupo. Hindi niya kasi inaasahan ang mga pangyayari! “Nice…ang sweet.” Ang namamaos at tila malamig na boses na iyon ang tuluyang nagpagising sa kanyang diwa. Nakalimutan niyang kausap pala si Jace at ngayon ay matiim at walang reaksyon ang mukha habang nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD