Chapter 8

2073 Words
Nararamdaman niya ang sunod-sunod at mabilis na t***k ng kanyang puso! Grabe! Ngayon lang siya kinabahan nang ganito. At dahil iyon kay Jace! Mas lalo pa siyang kinabahan ng makitang tumatawag na si Jace sa kanyang number. Lord! Hindi niya alam kung naiihi ba siya o kumukulo ang kanyang tiyan, basta hindi siya mapakali at hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Panay lang ang ring ng kanyang cellphone at hanggang sa matapos ang tawag ay hindi niya iyon nagawang sagutin. Pero makailang segundo lang ay tumatawag na ulit ito. Huminga siya nang malalim saka dinampot ang kanyang cellphone. Pagkuwan ay sinagot niya ang tawag nito ngunit hindi niya ini-on ang camera. Hindi rin siya umimik at hinayaan niyang ito ang maunang magsalita. "Love," sambit nito. Nahiwatigan niya ang malalim nitong pagbuntung-hininga na tila ba nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "Sori na, please...Pasensya ka na kung hindi kita na-chat o natawagan nitong mga nakaraang linggo. I was just too busy with my work. Saka mahirap ang signal doon. Tinangka ko namang kontakin ka pero hirap talaga lalo na at may mga nasirang linya ng komunikasyon na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik dahil sa nakaraang bagyo na dumaan sa parteng Cagayan. I'm really sorry. Love..." God! Napapikit na lang siya lalo na nang marinig niya kung paano siya nito tawagin gamit ang salitang love. Batid niyang hindi na lang basta simpleng paghanga ang nararamdaman niya para dito. At hindi niya maiwasang matakot dahil doon. "Kailangan mo ba talagang patayin ang katawan mo sa pagtratrabaho?" tanong niya nang maalala ang sinabi ni Jona na pilit itong pinagsasabay-sabay ang mga kontrata nito ngayon. Hindi agad ito nakasagot sa kanyang tanong. "Paano kung magkasakit ka? Baka kulang pa 'yang kinikita mo sa pampa-ospital mo sakaling magkasakit ka dahil sa sobra mong pagtratrabaho?" Natural nang lumabas mula sa kanyang bibig ang pag-aalala niya rito. Huli na para bawiin niya ang kanyang mga sinabi. "Did you miss me, too?" pabulong nitong tanong sa kanya imbes na sagutin ang kanyang mga tanong. Hindi rin niya inaasahan ang tanong nito. Nahihiya rin naman siyang aminin dito na sobra niya itong na-miss. May mga pagkakataon pa ngang umiiyak siya dahil sa pangungulila niya rito di ba? "Love?" untag nito nang hindi siya umimik. "Magpahinga ka na." Iyon lang ang tangi niyang nasabi. Masyado siyang nao-overwhelm sa kanyang nararamdaman ngayon na hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Nalilito siya. "Gusto pa kitang makausap, please?” pahabol pa nitong sambit bago niya mapatay ang tawag. Nahihiwatigan din niya ang pagkahapo sa boses nito kaya hindi niya ito mapagpatayan ng tawag. Narinig pa niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntunghiniga sa kabilang linya. “God, sobra kong na-miss ang boses mo!” anas nito. Mariin siyang napapikit ng marinig niya ang sinabi nito. Heto na naman siya, mabilis na nadadala sa malamig at malambing nitong boses. Kahit gaano mang kumbinse niya sa kanyang sarili na huwag mahulog rito, batid niyang huli na. Ang puso niyang matagal na nakahimlay ay unti-unting nabigyan ng kulay magmula ng makilala niya si Jace. Sino ba naman ang mag-aakala na sa ibayong lugar pa niya makikilala ang lalakeng bubuhay sa natutulog niyang puso? Marami din naman mga kalalakihan sa kanilang lugar na gusting manligaw sa kanya pero kahit isa man sa kanila walang pumukaw ng kanyang interes. Narinig niya ang paghinga nang malalim ni Jace sa kabilang linya. Hinihintay niyang magsalita ito ngunit katulad niya, nanatili rin itong walang imik. “Magpahinga ka na,” sambit niya ulit. “Bukas na lang ulit tayo mag-usap kapag nakapagpahinga ka na.” Narinig niya ang pag-ungol nito nilang protesta. “Mamaya na. Gusto lang kitang makausap saglit. Na-miss kasi kita nang sobra, eh! Ikaw ba, hindi mo ba ako na-miss?” “Siyempre, na-miss din,” sagot niya. No need to deny her feelings anymore. “Tagal mo din kasing hindi nagparamdam, eh! Akala ko nga hindi ka na tatawag ulit.” “Maaari ba naming hindi kita tawagan?” Lihim na napangiti si Jace ng maalala kung paanong ang litrato ng dalaga ang naging kanlungan niya sa tuwing nami-miss niya ito noon sa site. Kung alam lang talaga nito kung gaano niya na-miss ang boses nito! Napanguso na lang si Arabella. “Malay ko ba? Baka mamaya, may iba ka na pa lang chicks doon kaya naging busy ka na!” Hindi na niya naiwasang sambitin ang tunay niyang nadarama ng mga oras na iyon. Kaakibat kasi ng pag-aalala at sama ng loob na meron siya para kay Jace ay ang katotohanang naninibugho siya sa isiping baka may ibang babae ng pumukaw sa interes nan ito. Na hindi na ito interesado sa kanya kaya humanap na ito ng iba na mas nakahihigit. Mariing napapikit si Jace dahil sa narinig na sinambit ng dalaga. Nahiwatigan niya kasi ang paninibugho sa mga salita nito. Nagbigay iyon ng kiliti at saya sa kanyang puso. Mahigpit niyang naikuyom ang kamaong nasa ibabaw ng kanyang tuhod, waring sa paraang iyon ay maitatago ang mga ngiting nasa kanyang mga labi. Batid niya kasing para siyang timang na nakatingala sa kisame ng kanyang kwarto habang abot-tainga ang kanyang mga ngiti. Arabella has that effect on him. May mga pagkakataon na bigla na lamang siyang napapangiti mag-isa kapag naaalala ito. Thank God that he got the chance of meeting her. And knowing her and hopefully mapahintulutan ng Panginoon na mapasakanya ang dalaga. Kating-kating rin siyang sabihin na kaya niya pinagsasabay-sabay ang mga kontrata niya ngayon dahil may hinahabol siyang deadline. A month from now, kailangan na niyang lumuwas ng Manila dahil natanggap siya bilang isang maintenance electrician sa isang condominium. Luckily, nagkataon pang sa Pasig din siya nai-assign kung saan naroon ang dalaga. Tila ba dininig ng Panginoon ang kanyang mga panalagin dahil sa mga magagandang nangyayari sa kanya. “Hoy!” Bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang boses ng dalaga. Kung saan-saan na pala napapunta ang kanyang imahinasyon. “Kung maka-hoy naman ‘to,” kunwa’y nagtatampo niyang sambit. “Sobra kitang na-miss pero hino-hoy mo lang ako. Hindi pa pwedeng love na rin ang itawag mo sa akin, hmm?” “Hoy!” Doon na siya tuluyang napatawa. Nai-imagine niya kasi ang hitsura nito ngayon. Malamang nanlalaki na naman ang bilugan nitong mga mata at nagkakandahaba ang nguso. Kung kaharap lang siya siguro nito, malamang ay nakutusan siya. “Hindi naman tayo magkarelasyon, so bakit love ang itatawag ko sa’yo?” singhal nito sa kanya. “Marami ka pang pagdadaanan bago mo makuha ang matamis kong oo! Ano ka, sinuswerte?” “Sagutin mo na kasi ako para naman masabi mong may relasyon na tayo! Para love na ang itawag mo sa akin,” aniya. “Pero kahit hindi pa naman tayo mag-boyfriend, okey lang sa akin na tawagin mo na akong love.” Nangingiti siya habang sinasabi ang mga salitang iyon. “I love you,” tukso niya rito. “Oh my God! Buwisit ka talaga!” tili nito. “Nakakainis ka talaga!” Hinayaan niya itong magsalita ng kung ano-ano. He just love hearing her voice. At habang pinakikinggan niya ito ngayon, napagtanto niya kung gaano niya talaga ito na-miss. And he’s just too excited about meeting her soon. Ano kaya ang magiging reaction nito kapag nagkita sila? Is she going to be happy seeing him? Magustuhan kaya siya nito in person? Kasabay ng excitement niya na makita ito ay ang kaba at takot nab aka hindi siya nito magustuhan? They may be of the same interest when it comes to some things but still it’s different when you’re together. Sana lang ay hindi magbago ang kung anuman ang meron sa kanila ngayon kapag nagkita na sila. “God,I miss you so much!” sambit niya sa mababa at malamig na boses. Mahina lang ang kanyang boses kaya hindi siya sigurado kung narinig ba siya ng dalaga. Subalit nang marinig niya ang pagtigil nito sa pagsasalita, mukhang narinig naman nito lahat ng kanyang mga sinabi. Hinintay niyang mag-react ito ngunit lumipas ang ilang minute na wala siyang narinig galing dito. Nahiya na naman siguro. “Love,” tawag niya rito. “Natahimik ka na diyan? Okey ka lang ba?” Narinig niya ang pagprotesta nito sa kabilang linya. And God! Iba ang epektong dala ng boses nito. Parang may kung anong init ang ang dumaloy sa buo niyang katawan. Mariin siyang napapikit upang kalmahin ang sarili. May ganoon epekto ang dalaga sa kanya. Kung alam lang nito ang epektong dulot sa kanya ng boses pa lang nito, what more kapag nagkasama na silang dalawa? God forbid him pero mukhang ang dalaga ang maging sanhi ng pagdurusa ng kanyang sistema. Isang pagdurusa na excited siyang pagdaan for as long as makasama niya ito.God! Bigla na lang tumaas ang kanyang temperature! “Kahit kailan talaga, napakabolero mo! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo, eh!” Pilit pinagtatakpan ni Arabella ang kabang nadarama. Dahil ng mga oras na iyon hindi naman totoong kinikilabutan siya sa mga sinasabi nito bagkus ay kilig ang kanyang nadarama. Bakit ba naman kasi ang bilis niyang mahulog sa mga salita ng binata sa kanya? Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na magdahan-dahan at huwag magpadala sa excitement pero heto siya, kaunting lambing at tukso ni Jace ay nadadala na siya. “Pagdating sa nararamdaman ko sa’yo, kahit kailan ay hindi ako nagbiro, Bella. Sa simula pa lang ay naging totoo at bukas na ako sa kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa’yo at hanggang ngayon, ganoon pa rin ang laman ng puso ko.” Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita ulit. Kung alam lang din naman kasi ni Arabella na butil-butil na rin ang kanyang pawis ng mga oras na iyon. “Hindi ako sanay na magbukas ng nadarama ko sa ibang tao unless malaki na ang parte niya sa puso ko. Isa ka doon sa madaling nakapasok kaya kahit nahihiya ako pilit kung nilalakasan ang loob ko dahil baka dumating ang araw na pagsisihan kong hindi ko nagawang ipagtapat sa’yo ang tunay kong nararamdaman. Thirty-two na ako at wala na ako doon sa puntong gusto lang na may masabi akong girlfriend ko. I want someone who’e willing to grow old with me. Someone who could share may pain and happiness but most specially, I want someone who could love me and could accept me for who I am. And right now, ipinagdarasal kong ikaw ‘yon.” Lalong hindi nakapagsalita si Arabella nang marinig ang mga sinabi ni Jace. She was caught off guard and she don’t know how to react with that! Sapo niya ang dibdib dahil sa mabilis na t***k nito. Siraulo naman kasi ‘tong si Jace, eh! Palagi na lang siyang binibigla ng mga paandar nito! Lord! “Diyos ko naman, Jace! Huwag mo nga akong binibigla diyan!” Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas nang loob para magsalita. Dahil sa totoo lang, windang siya sa ipinagtapat nito ngayon. Kahit papaano, alam naman niya kung ano ang nadarama ni Jace para sa kanya dahil madalas nitong sabihin sa kanya ang nadarama nito ngunit sa tuwina ay ginagawa niyang biro ang lahat. Nahihiya siya ngunit sa loob-loob niya, naroon ang excitement at kilig. Mas nananaig pa kasi ang utak niya ngayon kaya hindi siya agad maka-oo sa idinudulog nito sa kanya. At isa pa, gusto muna niyang makilala ito ng personal bago pa man mapapunta sa kung saan ang relasyon na meron sila ngayon. “Hangga’t hindi kita nakikita at nakikilala ng personal, wala kang mahihitang sagot mula sa akin. Sa cellphone nga lang tayo nagkakausap pero sa pag-aasawa na agad ang punta mo! Nagmamadali ka ba?” “Hindi ako nagmamadali, okey? Takot lang akong maagaw ka ng iba sa akin,” sagot niya sa dalaga. “Hindi mo pa kasi ako sinasagot kaya takot ko lamang na makuha ka pa ng iba.” Totoo naman. Hangga’t walang label na namamagitan sa kanilang dalawa ni Arabella, wala siyang karapatan na magselos at angkinin nito. Kaya anytime soon kapag naisipan nitong balewalain siya at hindi na kausapin, wala siyang magagawa. “J-jace,” tanging nasambit ng dalaga. Lula na siya sa mga pinagsasasabi ni Jace ngayon. Ang pagtambol ng kanyang dibdib at panginginig ng buo niyang katawan, sapat na upang manghina ang buo niyang sistema. “Sana tayo na. Sana girlfriend na kita, para naman masabi kong akin ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD