Chapter 10

2002 Words
“J-jace,” pabulong niyang sambit. Ramdam niya ang panlalamig ng magbila niyang kamay pati na rin ang biglang paglakas ng t***k ng kanyang puso na para bang anumang sandali ay pwede itong lumabas mula sa kanyang dibdib. Hindi niya napaghandaan ang nakitang reaksyon ng mukha nito, pero mas lalo na ang mata mga nitong nawala ang kislap na parati niyang nakikita. Ngayon ay wala iyong emosyon at tila ba walang buhay. “May gagawin pa pala ako,” sambit nito. Nakita niyang inililigpit nito ang mga gamit nitong nasa harapan nito pagkatapos ay inilagay sa back pack nito. Ni hindi na siya nito tiningnan ulit. Nanatili itong nakayuko kahit nang magsalita ulit, “Tatawag na lang ulit ako mamaya. Sige…bye.” Hindi na niya nagawang sagutin pa ito dahil tuluyan na nitong pinatay ang tawag. Tinangka niya ulit itong tawagan dahil wala pa naman silang gaanong customer ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Panay lang ang ring. Maya-maya, nakatanggap siya ng mensahe galing ditto. “Busy ako.” Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit siya nasasaktan at naiiyak na gano’n lang ang chat nito sa kanya? O, nasanay lang siya kung gaano ito ka-sweet kahit sa mga messages nito sa kanya? At ngayong nahihiwatigan niya ang panlalamig sa dalawang salitang natanggap niya galing dito. Hindi niya alam na magiging gano’n kasakit ang dating ng dalawang salitang ‘yon sa kanya. Tinangka niyang tawagan ulit ito ngunit sa puntong iyon ay tuluyan nitong kina-cancel ang kanyang tawag. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi upang pigilan ang kanyang emosyon. Pati ang hawak niyang cellphone, anumang sandali ay maaaring mawasak dahil sa higpit ng kapit niya roon. Nanginginig din siya. Hindi niya alam kung dahil sa inis o sakit…basta! Hindi niya maintindihan! “Okey ka lang ba?” Napalingon siya nang marinig ang boses ng kaibigan. Marahan siyang umiling. Sa kanyang labi ay naroon ang mapait na mga ngiti. “Hindi pa nga official ang relasyon niyo, may LQ agad?” Batid naman nitong si Jace lang ang nakakausap at ini-entertain niya kaya alam nitong ang binata lang ang dahilan ng kalungkutan niya ngayon. “Ano ba kasi ang nangyari?” Ikinuwento niya rito ang nangyari subalit sa huli ay tawa lang ito nang tawa. Inis na pinalo niya ito sa braso. “Pinagtawanan pa nga ako!” asar niyang sambit saka niya ito sinamaan ng tingin. “Kasi naman, friend, nagseselos ‘yang admirer mo! Sino bang lalake sa tingin mo ang matutuwa kapag nakita niya ang babae niyang gusto na may ibang lalakeng kasama? Ang mas malala, hinayaan mo pang maglagay ng towel sa likod mo?” Panay ang palatak ni Jona habang nagsasalita. “Kahit sinong lalake, magseselos talaga kung makikita ang sitwasyon niyo kanina. Saka alam mo namang noon pa may gusto sa’yo si Dave ‘di ba?” “Nabigla rin naman ako sa ginawa niya kanina. Saka hindi na ako makatanggi,” paliwanag niya. Alam niyang hindi magandang tingnan ang kanina pero anong magagawa niya? Nangyari na ang mga nangyari, eh! Kaya nga sinusubukan niyang kausapin si Jace para ipaliwanag dito ang side niya pero hindi na naman nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Batid din naman niyang iniiwasan siya nito ngayon kung hindi malamang kausap pa niya itong hanggang ngayon lalo na at mamaya pa namang alas siyete ang alis nito. “Hayaan mo at kakausapin ko mamaya. Sa ngayon, ayusin mo muna ang sarili mo ‘no! Ang aga-aga, mukhang Biyernes Santo ang mukha mo!” Pinilit niyang kalmahin ang sarili dahil batid niya ang responsibilidad niya. Kailangan niyang ayusin ang kanyang trabaho. Inayos niya ang pagkakatali ng kanyang buhok pagkatapos ay isinuot na niya ang hairnet pati na rin ang apron nila. Saka inisa-isa nilang inayos ang mga tinapay at cakes sa bawat istante. May dalawang malaking istante ang bakeshop na pinagtratrabahuhan nila. Ang nasa gawing kaliwa ay mas malaking istante dahil nahahati iyon sa dalawang bahagi. Sa unang bahagi naroon ang iba’t ibang uri ng mga tinapay na karaniwan mong mabibili sa mga bakery at mga pangalawang bahagi naman ay cookies and pastries pati na rin iba’t ibang klase ng flavored bread na gawa ng amo nilang si Ma’am Susan. Balita niya ay natutunan daw nito ang pagbi-bake noong nagtratrabaho pa ito sa broad bilang isang OFW. And hopefully nangangarap siyang pagdating ng araw ay makapagpatayo rin siya ng ganito. Dahil sa bawat araw na ginawa ng Diyos, habang naaamoy niya ang nilulutong tinapay ang palagi niyang naiisip ay pamilya. Para kasing napaka-intimate nang dating sa kanyang ng isang tinapay. Noon kasi, madalang silang makabili ng tinapay at kapag may pagkakataon na nakakabili noon ang kanyang tatay, sinisigurado ng nanay niya sa sabay-sabay silang kakain at magkakaroon ng parte ang bawat isa. Hindi niya maiwasang mapangiti kapag naaalala ang tuwa nila sa tuwing darating ang tatay nila na may dalang tinapay. Isa iyong bagay noon na labis nilang ipinagpapasalamat. “Arabella, ipinatatawag ka ni Ma’am Susan.” Nalingunan niya si Ronald na may bitbit na tray ng tinapay. “Bakit kaya?” Nagkibit-balikat lang ito. “Saan ko ‘to ilalagay?” “Doon sa nasa kaliwang istante, sa pinakadulo.” “Sige…sige. Basta, puntahan mo na si Ma’am Susan. ASAP daw.” Lalo naman siyang nagtaka nang sabihin nitong ASAP daw. Napaisip siya kung may nagawa ba siyang mali pero wala naman siyang maalalang nagawa niya na maaaring ikagalit nito. Nilapitan muna niya si Jona upang mamaalam. “Akyat lang ako. Pinatatawag ako ni Ma’am Susan.” Tumango lang ito. Kasalukuyan kasi itong abala sa pag-aayos ng mga naka-display na tinapay. Siya naman ay nagmamadali nang umakyat patungo sa opisina ng kanilang amo. Naka-ilang katok muna siya bago niya narinig na pinapapasok na siya nito. Napasukan niya itong kasalukuyang gumagawa ng tinapay. Bagong recipe na naman siguro. Ang opisina naman nito ay hindi talaga maituturing na opisina dahil isang iyong malawak na kitchen space kung saan naroon ang mga gamit nito sa pagbi-bake. “Good morning, Ma’am! Ipinatawag niyo raw po ako.” Naglakad pa siya palapit rito upang makita ang ginagawa nito. Curious kasi siya. “Good morning,” sambit nito bagamat nanatiling abala sa pagmamasa. “Sa tingin mo, ano pa ang magandang marketing strategy para mapataas pa natin ang sales ng bakeshop?” “A-ano po?” Parang bigla siyang nabingi sa tanong nito. “Marami na kasing naglalabasang mga bakeshop na malapit sa atin kaya nag-aalala ako na baka sooner or later ay hindi na tangkilikin ang produkto natin.” Tumigil ito sa ginagawa pagkatapos ay tiningnan siya, waring hinihinaty ang kanyang sagot. “Ma’am kasi…” Nag-aatubili siyang sagutin ito. Baka kasi hindi nito magustuhan ang kanyang sasabihin saka wala naman kasi siyang alam tungkol sa mga marketing-marketing na ‘yan, eh! Ang kanya lamang ay base sa obserbasyon at feedback na natatanggap niya galing sa mga customer nila. “It’s okay. You can be honest with me.” “Wala naman po akong alam sa marketing strategy na sinasabi niyo,” pauna niyang sambit. Tinatantiya rin niya ang ekspresyon nito kung magpapatuloy ba siya sa pagsasalita o hindi pero nang makitang hinihintay nito ang kanyang sasabihin, ipinagpatuloy niya ang sinasabi, “pero base na rin po sa mga nakakausap ko, magaganda po ang feedback sa lasa at quality ng ating mga tinapay. Malinis din daw po at maaliwalas ang pwesto natin. Kung gusto po nating mas mapalawak ang scope ng bakeshop, mas maganda po siguro na mag-market din po tayo thru social medias. Nang sa gano’n po, hindi lamang mga walk in customers ang maki-cater natin kundi pati na rin po ang nasa malalayong lugar na walang oras para magpunta pa rito. We could do deliveries po.” Tumango-tango ang ginang. “Maaasahan ko ba ang kooperasyon mo once na dumami pa ang ating mga customers?” Mabilis siyang tumango. “Opo naman, Ma’am. Matik na po ‘yon.” “Then, good. I expect more lalo na mula sa’yo at umaasa akong mananatili pa rin ang dedikasyon mo sa trabaho.” “Yes, Ma’am! Makakaasa po kayo.” “Huwag kang mag-alala, I’ll give you ang increase for having a job well done.” “Po?” gulat niyang sambit. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito ngunit kung mangyayari man iyon, lubos siyang magiging masaya. “Narinig mo ang sinabi ko, Arabella,” anito habang hindi nakatingin sa kanya. Bumalik na ulit kasi ito sa ginagawa nito. “Sa ngayon, makakabalik ka na sa trabaho mo.” “S-sige po. Salamat po.” Habang pababa siya, hindi pa rin nagsi-sink sa kanyang isipan ang sinabi ng amo nilang babae. “Anong balita? Anong sinabi sa’yo ni Ma’am Susan?” tanong ni Jona sa kanya. Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan. “Wala naman. Itinanong lang kung ano ang mga feedback na natatanggap natin mula sa mga customer. Saka kung paano mapapalawak pa ang range ng mga customer.” Nilapitan niya ang isang customer na bagong dating pagkatapos ay tinanong ito kung ano ang bibilhin nito. Agad siyang naglagay sa supot ng halagang kwarenta pesos na pandesal ng sabihin nito kung magkano ang bibilhin. “Miss, pwede ko bang makuha ang number mo?” Ini-abot niya rito ang binili nitong pandesal saka mahinahong nagsalita, “Bakit? Wala ka bang number para ang akin pa ang pag-interesan mo?” “Ang ganda mo kasi, Miss-“ “Naku! Gutom lang ‘yan boy!” aniya. “Ang maganda mong gawin ngayon, umuwi ka na sa inyo. Mag-aral nang mabuti saka palaging sumunod sa mga magulang mo.” Kakamot-kamot itong tumalikod at naglakad palayo. Nalingunan naman niya si Jona na nailing at napapangiti. “Bakit?” tanong niya rito. “Wala naman. Ang swabe mo lang mang basted!” “Kita mo namang ke bata-bata pa, kung maka-diskarte na nag wagas! Ayaw munang mag-aral nang mabuti! Pasalamat nga sila na may kakayanan ang mga magulang nila para pag-aralin sila samantalang tayo, kahit magkandakuba ang mga magulang natin sa pagtratrabaho sa bukid, hindi pa rin sapat para mapapag-aral tayo. Maski nga sa pang-araw araw na pangangailangan, hirap pang matugunan! “Hey, relax! High blood ka na naman,” saway ni Jona. Lumapit ito sa kanya saka bumulong, “Nag-chat na ba sa’yo si Jace?” “Bahala siya sa buhay niya!” Kung kanina ay nalulungkot siya dahil sa inakto ni Jace sa kanya, ngayon ay hindi na. Batid naman niya sa kanyang sarili na wala siyang ginawang masama kaya hindi siya dapat nagi-guilty. Kung ayaw siya nitong kausapin, ‘di wag! Hindi na ito teenager para magselos sa mga ganoong bagay! Napapailing na lang si Jona. Mukhang siya ang mahihirapan at maiipit sa dalawa niyang kaibigan. Pero maya-maya lamang ay napangiti siya nang maalalang kinuhanan pala niya ng picture si Arabella kanina habang kausap ang customer nila na bumibili. Dahil natural na palakaibigan, kita niya ang mga ngiti nito habang kausap ang lalakeng iyon. Sigurado siyang uusok na naman ang pwet ni Jcae dahil sa selos! Tingnan lang niya kung hindi ito ang magkumahog na kontakin si Arabella. Samantala, kanina pang hindi mapakali si Jace. Pilit niyang inaabala ng sarili sa electrical plans na kanyang ginagawa pero sa tuwina ay napapatigil siya dahil hindi mawala sa kanyang isipan ang eksenang nakita kanina. “Bwisit!” Hindi na niya napigilang sambit! Lalo pa siyang nanggalaiti sa inis nang makita ang ipinadalang litrato ni Jona. Litrato iyon ni Arabella na masayang nakikipag-usap sa ibang lalake. Mukhang kailangan na niya talagang lumuwas ng Maynila. Hindi siya makakapayag na sa iba mapunta ang dalagang sa unang kita pa lamang ay nagustuhan agad niya. Kung kailan naman sumuko siya at ibinababa na niya ang kanyang pride, saka naman hindi sinasagot ang kanyang tawag. Maya-maya ay nakatanggap siya ng voice message galing kay Jona. “Bahala siya sa buhay niya!” Boses na galing kay Arabella. May kung anong pumitik na kaba at sakit sa kanyang dibdib nang marinig niya ang mga salitang iyon. Lalo tuloy siyang hindi mapakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD