Chapter 6

1963 Words
Nagdaan ang mga araw na naging constant ang palitan nila ni Jace ng mga mensahe through texts. Noong una, nahihiya pa siya at madalas na sini-seen lang niya ang mga texts nito dahil sa tingin niya, wala naman silang pag-uusapan. Ngunit dahil sa halos makailang beses ito kung magpadala ng message sa kanya sa loob ng isang araw, nahihiya naman siyang hindi mag-reply minsan. Hindi niya alam na ang miminsang iyon, doon magsisimula ang mabuting relasyon sa pagitan nilang dalawa. Naging constant companion nila ang isa't isa tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay nila. Naroon abutin sila ng hatinggabi dahil sa pagkukwentuhan ng mga wala namang katuturan pero masaya siyang kausap ito, knowing na naroon lang ito at palaging nakahandang makinig sa kanya. Kaya hindi niya makwestiyon ang kanyang sarili kung bakit sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti ng nahuhulog ang loob niya rito. Hindi rin naman siya tanga para hindi makuha ang mga pahaging nito sa kanya. Hindi lang niya maamin na sa pagitan nilang dalawa, may mutual na landian na nagaganap. Katulad na lang ngayon. Kauuwi lang niya galing sa duty niya sa bakeshop and as always, mga chats mula kay Jace ang agad niyang nakita pagbukas niya ng kanyang texter. Sinasadya niya talaga na hindi mag-online dahil alam niyang matutukso siyang tingnan ang mga mensahe nito. Ayaw naman niyang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil dito. Kahit kating-kati na siyang sagutin ang mga chats nito, inuna muna niyang sagutin ang mga mensahe ng kanyang kapatid na si Marie. Ito ang sumunod sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na imbes na magtapos ito ng pag-aaral, nalaman nilang nabuntis ito ng boyfriend nito. Ilang gabi rin niyang iniyakan iyon dahil maayos ang usapan nilang magkapatid na magtutulungan silang maging maayos ang pamilya nila at sabay nilang aabutin ang kanilang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Batid din niyang dinamdam din iyon ng kanilang mga magulang ngunit sa huli ay tinanggap na lang nilang ang mga pangyayari lalo na at buntis na si Marie. "Ate, baka may pera ka diyan. Pahiram naman muna ng pagdagdag para sa panganganak ko." Minsan, mabasa niya lang ang salitang ate, kinakabahan na siya. Nakakalungkot lang kasing isipin na mas madalas pa siyang maalala ng mga ito kapag may kailangan ito sa kanya kaysa ang kumustahin kung okey lang ba siya o kung humihinga pa ba siya. Hindi naman niya ito matiis kaya nagtipa siya ng mensahe para dito. "Magpapadala ako bukas. Pero pagpasensyahan mo na kasi 2k lang ang maipapahiram ko sa'yo." Pagkatapos ay pinindot niya ang send button. Mukhang kailangan niyang bawasan ang ipon ng isang libo at ang padala sana niyang pitong libo para sa kanyang nanay na pampagawa sana ng bahay nila, magiging anim na libo na lang. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan upang pawiin ang namumuong negatibong pakiramdam. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob ngayon. Ngayon pa ba? Kung kailan unti-unti na niyang nakikita ang pinagpaguran niya sa kanilang bahay? Kung mayroon man siyang dapat ipagpasalamat, iyon ay ang pagiging masinop ng kanyang nanay at tatay. Ilang buwan lang ba siyang narito sa Pasig pero kita na niya ang pagbabago sa bahay nila. Kung dati ay yari lang ito sa pawid at kawayan, ngayon ay kongkreto na ang kalahati noon. Mas inuna niya kasi ang pakabitan ng linya ng kuryente ang bahay nila upang hindi naman mahirapan sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Pasasan ba at sa pakunti-kunti ay matatapos din ang bahay nila. Napapitlag pa siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya, pangalan ni Jace ang nakarehistro. Mabilis niyang pinindot ang answer button. "Hi, love," bati agad nito sa kanya pagkasagot niya ng tawag. "Hoy!" pahiyaw niyang saway dito. Natawa lang ito sa sagot niya. Nakasanayan na rin nitong tawagin siya ng love kahit wala namang namamagitan sa kanila. Hindi lang talaga niya kayang tawagin ito pabalik gamit ang endearment nito sa kanya. Sa totoo lang, kinikilabutan siya. At saka, wala namang silang relasyon so why love di ba? "Ito naman, high blood agad sa akin. Samantalang ako, hindi ko lang marinig ang boses mo sa loob ng ilang oras, miss na agad kita," anito sa mababang boses na para bang nagtatampo sa kanya. Kahit hindi nito nakikita ang kanyang reaksyon, sinimangutan niya ito at inirapan. Unti-unti na kasi niyang nakikita ang ibang side nito ngayong madalas na silang nagkakausap. "Sige...lokohin mo pa ako. Baka sakaling mapaniwala mo ako sa mga kalokohan mo." Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito sa kabilang linya. "Love, totoo nga ang sinasabi ko. Swear to God, lahat ng mga sinasabi ko sa'yo magmula nang magkakilala tayo, lahat 'yon, totoo!" Inilipat niya sa kaliwang kamay ang hawak na cellphone saka iyon idinikit sa kanyang tainga. Pagkatapos ang kanan naman niyang kamay ay nilagyan ng toothpaste ang toothbrush niya. "Naku, Jace, tigilan mo nga ako! Hindi mo pa nga ako nakikita ng personal kaya paano mo nasabing gusto mo na ako?" sambit niya rito saka siya nagsimulang mag-toothbrush. "Hindi ko naman kailangang makita kita ng personal para masabi kong gusto kita! Nararamdaman ko 'yon!" Hindi na siya sumagot. Hinayaan niya itong maglitanya sa kabilang linya dahil ganoon naman halos ang eksena nila sa tuwing mapupunta ag usapan nila sa pagkakagusto diumano nito sa kanya. A part of her believe in him pero naroon ang takot sa puso niya na baka isa lang din ito doon sa mga lalakeng walang alam kundi ang manloko sa mga babae pero once na makuha ang gusto sa kanilang mga babae, mawawala na ito na parang bula. "Kapag ako talaga nakarating diyan sa Maynila, makikita mo!" sambit pa nito. Napangiti na lang siya. Nai-imagine niya kasi ang pagkunot ng noo nito sa kanya, na parang bang gusto siya nitong kutusan dahil sa sobrang inis. "Hindi ko 'yan makikita kasi malayo ka! Sa Pasig ako di ba, tapos ikaw ay nasa Cagayan ngayon? Mabuti pang matulog ka na. Maaga pa pasok mo bukas di ba?" Alas sais daw ang umpisa ng trabaho nito kaya kailangan nitong gumising ng alas kwatro ng madaling araw upang makapaghanda bago pumasok. Nasa isang oras rin daw ang biyahe nito mula sa bahay ng mga ito patungo sa trabaho nito. Isa itong Master Electrician sa isang malaking construction firm sa Cagayan kaya kahit paano ay malaki ang kinikita nito. Sayang nga lang at hindi na nito naipagpatuloy ang kurso nito bilang isang electrical engineer. Di sana mas maganda pa ang trabaho nito ngayon at mas madaming oportunidad ang makikita nito kung sakali. "Malay mo, one of this days, nariyan na pala ako." "Sabi mo, eh," balewala niyang sagot dito. Pero naroon ang excitement at kaba sakali mang magkatotoo ang sinabi nito na pupunta ito ng Manila. "O, siya. Ba-bye na. Kailangan ko ng matulog nang maaga. Ilang araw na akong puyat dahil sa'yo, eh!" "Grabe naman 'to! Gusto ko lang namang marinig ang boses mo. Ayaw mo ba?" May himig ng pagtatampo ang boses ni Jace ng mga sandaling iyon dahil sa totoo lang, parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakakausap si Arabella. Ewan! Naging routine na niya ang tawagan ito pagkagaling niya ng trabaho. Naroon inaabot na sila ng hatinggabi sa pag-uusap pero hindi niya alintana dahil enjoy siyang kausap ito. Gaano na ba katagal silang nag-uusap? May dalawang buwan na siguro. At hanggang ngayon, kahit paulit-ulit lamang ang kanilang pinag-uusapan, hindi pa rin sila nagsasawa habang kausap ang isa't isa. "Jace naman, eh! Kailangan ko ng matulog-" "Wait nga lang, eh! Five more minutes." "Hay naku! Aasarin mo lang naman ako, eh!" reklamo niya. "Pasalamat ka, wala ka rito dahil kung nasa tabi kita ngayon, kanina pa kitang nasabunutan." "Pasalamat ka lang din at wala ka sa tabi ko. Dahil kapag katabi kita ngayon, kanina pa kitang nakalikan!" Mabilis na napatay ni Arabella ang tawag dahil sa narinig na sinabi ni Jace. Kapag kasi ganoon na ang sinasabi nito, kinakabahan siya. Hindi sa takot pero dahil siguro sa excitement. Parang nai-imagine pa niya ang itsura ni Jace habang sinasabi ang mga salitang iyon. At aaminin niyang, mas lamang ang excitement at curiousity na kanyang nadarama kaysa sa kaba at takot. Samantala, abot tainga naman ang ngiti nit Jace ng mapagtanto niyang pinatay ni Arabella ang tawag. Malamang, inis na naman iyon sa kanya. Isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa kanyang mga labi habang nakatitig sa bagong upload nitong profile pic. Nakaupo ito sa isang silya habang nakaumang sa bibig nito ang isang tasa. Side view ang kuha ng litrato at ang kaliwang bahagi lamang ng mukha nito ang kita. Ang lampas balikat nitong buhok na may pagkakulot ay malayang nakaladlad sa likuran nito. Nakasuot ito ng gray na short at pink na t-shirt habang nakaupo at nakataas ang magkabilang paa sa isang silya. Ewan ba niya pero hindi niya maiwasang paulit-ulit na balikan ang litratong iyon. Sa tuwing tititigan niya kasi iyon, hindi niya namamalayang napapangiti na pala siya. Kung hindi pa siya inasar ng kanyang mga katrabaho, hindi niya malalaman na parang tanga na pala siyang nakangiting mag-isa. Mukhang ang pihikan niyang puso ay nakahanap na nang katapat ngayon. Ngunit mapaniwala niya kaya si Arabella na totoo ang intensyon niya rito? Sa pagkakakilala niya kasi rito, mukhang ito ang tipo ng babae na hindi mo basta madadala sa mabubulaklak na salita. Yes, hindi rin naman niya ito masisisi dahil sa panahon ngayon mahirap ang basta na lang magtiwala sa isang tao lalo na sa sitwasyon nila na nagkakilala lamang sa social media. Kahit pa sabihing kakilala siya ng kaibigan nito, mahirap pa ring magtiwala sa taong hindi mo pa nakikita ng personal. But maybe, sooner, he'll find a way to meet her. Mahirap pa lang sa ngayon na pareho silang may mga priorities pa. Much more with Arabella na alam niyang bread winner ng pamilya nito. Kahit naiintindihan niya kung bakit pinagpapatayan siya nito ng tawag kapag kausap niya ito minsan. Kapwa nga naman silang napupuyat sa pag-uusap nila na inaabot ng hatinggabi. Sa kanyang parte naman, bukod sa gustong-gusto niyang naririnig ang boses nito, sumasaya siya kapag nag-uumpisa na siyang talakan nito. Napapailing na lang siya minsan kapag napagtatanto niya ang kanyang mga kalokohan. Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang biglang pagtunog ng kanyang cellphone. Nang tingnan niya, pangalan ni Arabella ang naka-rehistro. Agad niyang sinagot ang tawag. "Huwag mong masyadong pakatitigan ang mga pictures ko, ha!" agad nitong bungad sa kanya. Hindi makahuma si Jace. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso! Manghuhula ba ito upang malaman na tinitingnan niya ang mga litrato nito ng mga oras na iyon? "Hoy!" sambit ulit nito upang kuhanin ang kanyang atensyon. "Grabe ka naman! Ganoon ka ba kaganda para pagnasaan ko ang mga pictures mo?" kunwari ay singhal niya rito. "Sayang naman, love. Kung nagsabi ka lang ng totoo, sasabihin ko na sanang gusto na rin kita." Pagkatapos noon ay pinatay na nito ang tawag. Natulala naman si Jace, hindi malaman ang gagawin. Nabigla siya doon, ah! Bago paman siya makapag-react, nakatanggap siya ng chat mula kay Arabella. "Hoy! Joke lang 'yon! Huwag kang masyadong umasa....love?" Pagkatapos ay may emoji na nakabelat sa dulo ng mensahe nito. Tinangka niyang tawagan ito ngunit hindi na ito online. Kahit ang numero nito, hindi rin niya makontak. Ini-off na naman nito malamang ang cellphone nito. Naiiling siya. Magkahalong excitement at kaba ang kanyang nadarama ng mga oras na iyon. Talagang binabaliw siya ni Arabella! "Sige lang , love. Tingnan natin kung umobra pa 'yang ugali mo once na nasa tabi na kita. Maghintay ka lang. I'll make sure na hindi ka na makakaalis sa mga bisig ko sakali mang magkita na tayo in person." Isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa kanyang labi habang nakatitig sa email ng isang kumpanya sa Maynila na pinagpasahan niya ng kanyang curriculum vitae. "Soon, love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD