Chapter 7

1520 Words
Nang umagang ‘yon, nanibago siya ng hindi makatanggap ng mensahe mula kay Jace. Nakaligo na siya lahat-lahat at ngayon ay paalis na papuntang trabaho ngunit wala pa rin talagang paramdam mula rito. Ilang beses na rin siyang nag-chat rito pero wala ding reply galing ditto. Sinubukan niyang tawagan ang numero nito ngunit hindi rin iyon nagri-ring. Lakas-loob niyang tinanong si Jona. “Jona, may balita ka ba kay Jace? Hindi ko kasi siya makontak, eh.” Umiling lang ito. “Kayo ang madalas mag-usap di ba? Wala man lang bang nababanggit sa’yo?” “Wala, eh.” Tiningnan niya ulit ang hawak na cellphone kung may chat na mula rito ngunit wala pa rin talaga. Pagkuwan ay inabot niya ang paper bag sa ibabaw ng mesa kung saan naroon ang baon nila ni Jona. “Hayaan mo na nga. Busy siguro.” Ang huli niyang mga salita ay pabulong na lamang. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa binata. Naroon din ang lungkot at paninibugho sa isiping baka may ibang babae nang kausap si Jace. Na baka nawalan na ito ng interes sa kanya. Na baka nakakita na ito nang mas higit sa kanya. “Hayaan mo na. Baka busy lang sa trabaho,” ani ni Jona. “Pero ipagtatanong ko rin sa mga kaibigan naming kung may balita sila kay Jace mo.” Mabilis na dumapo ang palad niya sa braso ng kaibigan. “Aray naman!” reklamo ni Jona sabay himas sa braso nitong hinampas niya. “Alam mo naman sigurong mabigat ang kamay mo ‘di ba? Sakit ah!” “Hindi lang ‘yan ang aabutin mo kapag hindi mo itinikom ‘yang bibig mo!” sikmat niya sabay irap ditto. “Ang bunganga mo, ha?” “Masyado ka naming defensive, friend. Napaghahalata ka na, ha? Ano ba talaga ang namamagitan na sa inyo ni Jace? Kayo na ba?” “Diyos ko naman, Jona! Hindi pa nga kami nagkikita no’ng tao tapos iniisip mong may namamagitan na sa amin?” Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. “Bakit? Uso naman ngayon ang pakikipagrelasyon kahit hindi pa kayo nagkikita ng personal ah!” Hindi rin talaga patatalo si Jona sa mga pangangatwiran nitong baluktot. “Pwes, ibahin mo ako!” sagot niya rito. “Kung sinsero siya sa akin, gagawa siya ng paraan para makita at makilala niya ako ng personal. At kung hindi naman, pwede naman na maging magkaibigan na lang kami ‘di ba?” Pero may parte ng sistema niya ang kumukontra sa isiping magiging magkaibigan lang sila ni Jace. Sa nangyari ngayong araw, mukhang katulad lang din pala ito ng mga lalakeng paasa at pa-fall. At siya naming si tanga, mukhang tuluyan ng nahulog sa karisma nito. “Ang moody naman nito,” ungot ni Jona sa kanyang tabi. Naging kapansin-pansin ang pagiging matamlay niya nang araw na iyon. Maski si Ma’am Susan na amo nila, hindi nakatiis na hindi siya lapitan at tanungin kung masama ba ang kanyang pakiramdam. Halata raw kasi na matamlay siya. “Okey ka lang ba, Ara?” tanong ni Ma’am Susan sa kanya. “You can take a rest now if you want to.” Panay ang iling niya. “Naku, Ma’am, okey lang po ako. Ilang oras na lang din naman po at matatapos na ang duty ko. Pasensya na po kung hindi maganda ang performance ko ngayong araw.” Nahiya siya bigla sa amo nila. Malaki pa naman ang expectation nito sa kanya kaya nahihiya siyang makita nito ang perforamance niya ngayong araw. “Magsabi ka lang kung masama ang pakiramdam mo, ha? Huwag pilitin ang katawan kung hindi kayang magtrabaho, ha?” Bilin pa nito sa kanya. “Maraming salamat po, Ma’am Susan.” Ngumiti lang ito sa kanya saka marahan tinapik ang balikat niya. Pagkatapos ay nagtungo na ito sa opisina nito. “Kung ako na lang kasi ang pinili mo, hindi ka na mag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa akin dahil palagi akong nasa tabi mo.” Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Ricky sa kanyang likuran. Isa ito sa mga panadero sa bakeshop na kanilang pinagtratrabahuan. “Siraulo! Hindi ka nga niya iisipin pero magiging problema naman niya ang baho ng hininga mo!” singhal ditto ni Jona. “Matuto ka munang mag-toothbrush bago ka manligaw, ha?” “Grabe ka talagang babae, ka! Lokohin ka sana ng boyfriend mo!” ganti naman dito ni Ricky. “Huwag kang mag-alala, Ricky boy. Kahit lokohin pa ako ng paulit-ulit, hinding-hindi ako papatol sa’yo no!” singhal ditto ni Jona. Pilit din nitong itinutulak pabalik sa working station nito sa Ricky. “Ang lakas nang loob na dumiga, baho nga ng hininga, hindi magawan ng paraan, eh! Mabuti na lamang at palagi itong naka-mask kaya hindi masyadong umaalingasaw!” “Jona naman!” saway niya rito. Alam naman nila na hindi totoo ang sinasabi nito. Nakasanayan na lang nila na ganoon ang bangayan ng dalawa sa tuwing mag-aasaran ang mga ito. Mabuti na nga lang at hanggang ngayon ay hindi nagkakapikunan ang dalawa. “Siraulo kasi, eh! Kahit kailan ang galing umepal!” “Bahala ka nga diyan!” Iniwan na niya ito dahil panay pa rin ang daldal nito lalo na at paminsan-minsan ay sumasagot si Ricky sa pang-aasar nito. Inabala niya ang sarili sa pag-iistima sa mga customer nila nang araw na iyon. Pilit niyang inalis si Jace sa kanyang isipan kahit pa hindi siya mapakali at panay ang silip sa kanyang cellphone kung may isa man lang chat galing dito. Subalit inabot na siya ng hapon sa kahihintay sa chat nito ngunit wala talaga. She tried calling for his number but it’s still unavailable. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan upang pawiin ang sakit at lungkot na nadarama. Ito na nga ang sinasabi nga, eh! Madali siyang ma-attach at magtiwala sa isang tao kaya ganoon din siya kabilis na masaktan. Ilang buwan pa lang silang nagkakakilala ni Jace through social media and yet, he manage to get into her heart that easy. Malamang kung kasama niya ito ng personal, hindi lang ganito ang kanyang mararamdaman. Siya naman ‘tong matigas ang ulo, eh. Batid naman niyang walang kasiguraduhan ang kung anumang idinudulog nito sa kanya pero an sutil niyang puso, hindi maiwasang mahulog ditto. And right now, kailangan niyang tanggapin na mukhang isa lang si Jace sa mga taong daraan sa kanyang buhay upang pagtibayin pa siya lalo. Sana nga panaginip lang ang lahat. Dahil wala pa mang label sa pagitan nilang dalawa, sobra na siyang nasaktan sa mga nangyari. And hopefully, the pain would just go away at that moment. Pero nagpapasalamat pa rin siya na nangyari iyon nang maaga pa, atleast hindi pa siya tuluyang hulog na hulog dito. Sana lang ay masaya ito sa kung nasaan man ito ngayon. Mahigit isang linggong hindi nagparamdam si Jace sa kanya kaya lagay na ang loob niyang hindi na ito magpaparamdam sa kanya. Subalit nagulat na lang siya nang araw na iyon ng makitang tumatawag ito sa kanyang numero. Pero maski isa ay wala siyang sinagot sa mga tawag nito. Kahit pa ang mga mensahe nito, hindi rin niya binabasa. Tama na siguro. Hininaan niya ang ringtone ng kanyang cellphone para hindi niya marinig ang paulit-ulit na pagtunog nito saka niya iyon itinaob sa kanyang tabi. Hindi na ulit. Hindi na siya padadala sa mga salita nito. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, pilit inaalis ang namumuong imahe ni Jace sa kanyang isipan. Ngunit tila ba sinusubok talaga siya dahil kahit anong pilit niyang huwag itong isipin, tila may kusa ang kanyang isipan dahil palagi itong naroon, nakangiti at nanunukso sa kanya. Dumagdag pa itong kaibigan niya. “Ara, kanina pa raw tumatawag si Jace sa’yo.” Narinig niyang sabi nito ngunit imbes na kausapin ito, kinuha niya ang isang unan sa kanyang tabi saka iyon itinaklob sa kanyang mukha. Mukhang nakuha naman nito na ayaw niyang kausapin ang kaibigan nito kaya makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang pag-akyat nito sa higaan nito. Pagkuwan ay narinig niyang parang kausap nito si Jace. Curious siya sa kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit tinikis niya ang sarili at pinilit na matulog na lang. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod niya nang araw na iyon, hindi niya namalayang nakatulog na pala siy. Nang magising siya, madilim na sa labas. Kinapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi upang silipin kung anong oras na, lampas na pa lang alas siyete ng gabi. May tatlong oras din pala siyang nakatulog. Mapait siyang napangiti nang masulyapan ang bagong pasok na mensahe mula kay Jace. “Love, please, sagutin mo naman ang tawag ko.” Lintik na love ‘yan! Paasa, eh! Hinding-hindi niya talaga ito kakausapin! Pero may isang parte ng kanyang utak ang biglang kumontra agad saying that she should give Jace the chance to explain himself. Pero para saan pa ‘di ba? Pero sa tuwing tatanggihan ng kanyang isip ang kanyang gagawin, naririnig naman niya ang kanyang puso na nagsasabing pakinggan niya si Jace. Ano ba kasi talaga? Isip o puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD