Chapter 3

2046 Words
Mga alas diyes na noon ng gabi nang yayain siya ni Jona na bumili sa kanto, sa may labasan kung saan may nagtitinda na sari-saring klase ng mga street food. Iba't ibang klase ng barbe que magmula sa isaw, paa at betamax. Sabihin mo at siguradong makikita mo ang lahat ng gusto mo. Naroong amoy usok na sila kahit katatapos lang nilang maligo. Sa gawing kaliwa nila, naroon naman ang iba't ibang luto ng itlog magmula sa balut hanggang sa kwek-kwek at tokneneng. Sa kabila naman, naroon ang tindahan ng mga pizza at burger. Nakahilera rin ang iba't ibang palamig doon. Ngunit kanina pa sila paikot-ikot, hindi niya kasi maintindihan kung ano ba ang gustong bilhin ni Jona. "Ano ba kasi ang bibilhin mo?" Hindi na siya nakatiis na hindi ito tanungin. "Teka nga lang! Sa sobrang dami kasi ng mga pagkain, hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang gusto ko." "Sabi mo kanina, isaw ang bibilhin mo?" Hinila niya ito papunta sa pwesto kung saan may nagtitinda ng isaw. "Bumili ka na. Kanina pa tayo rito, eh!" Hinarap siya nito, pinameywangan. "Bakit ka ba nagmamadali? May usapan ba kayo ni Jace?" "Usapan?" "Kuh! Friend, huwag ka ng tumanggi! Ilang beses na kayong nag-uusap ‘di ba?" "Tapos? Anong issue?" Pinandilatan lang siya nito ng mga mata pero naroon ang mga mapanuksong ngiti sa mga labi nito. "Sige...tanggi pa more, Ara!' Pang-aasar nito sa kanya. "Kung nakikita mo lang ang sarili mo habang kausap mo siya kanina, parang mapupunit ang labi mo sa sobrang pagngiti mo, eh!" Bigla siyang napaisip. Gano'n ba siya? Parang hindi naman, ah! Hinampas niya ito sa balikat bago siya nagsalita, "Baliw! Huwag kang gumawa ng issue! Kahapon nga lang kami nagkausap no'ng tao." Pagkuwan ay sinamaan niya ito ng tingin, pilit hinuhuli ang ekspresyon ng mukha nito. "Ikaw ang may issue sa ating dalawa, eh. Sinong kasama mo kaninang mamasyal sa mall? O, baka naman hindi ka sa mall nagpunta?" "Ay! Judgemental siya!" anito pero nakita niya ang bahagyang pag-ilap ng mga tingin nito. "Naku! kapag nalaman ko lang na sumama ka sa Drew na 'yon, mahahampas talaga kita!" Si Drew ang boyfriend nito ngayon na dati din nilang kasamahan sa trabaho ngunit ngayon ay nakabalik na sa pag-aaral at kasalukuyang nasa huling taon sa kolehiyo. Mabait sana ito at masipag ngunit may pagkababaero ito. Ilang beses nang umiyak ang kanyang kaibigan dahil sa mga kalokohan nito. Paulit-ulit na din niyang pinagsasabihan ang kaibigan ngunit sa huli, hindi pa rin nito matiis si Drew. Umingos lang ito sa kanya pagkatapos ay binayaran nito ang biniling isaw at paa ng manok. "Umuwi na nga tayo," yaya niya rito. "Wait lang, picture muna tayo." Kinuha nito sa bulsa ng suot nitong maong na short ang cellphone nito saka ibinigay sa kanya pati ang hawak nitong supot na may lamang isaw at paa ng manok. "Kuhanan mo ako, friend." Napapailing na siya dahil sa pagiging jolly nito. Wala rin itong pakialam kung pinagtitinginan pa ito ng iba habang panay ang pose ng kung ano-ano. Maya-maya ay siya naman ang gusto nitong kuhanan ng picture. "Hala! Ayoko!" tanggi niya. Bukod kasi sa nahihiya siya dahil sa dami ng tao sa paligid nila, hindi rin siya sanay mag-pose. Bilib nga siya sa kaibigan na para bang wala lamang dito ang pag-pose sa harap ng camera. "Grabe naman 'to! Isa lang..." Wala na siyang nagawa nang bigla na lamang nag-flash ang camera nito. Nakakaloko ang mga ngiti nito habang nakatingin sa kuha nito. "Iba na talaga ang maganda...tssk...tssk. Kahit saang anggulo tingnan, ang ganda pa rin," anito. "Patingin nga!" Huminto ito sa paglalakad para makaagapay siya rito. Pagkuwan ay ipinakita nito sa kanya ang kuha nito. "Ganda di ba?" Umingos lang siya rito. "Huwag ko lang makikita na ipini-pose mo 'yan sa Tikbook, ha?" babala niya rito. "Jona, ha..." Ngumiti lang ito sa kanya. "Jona..." "Hindi sa Tikbook, okey?" tugon nito, may nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Pero, pwede ba sa email niya?" "Kanino mo naman isi-send?" "Kay Jace," tugon nito. Saka ito nauna at nagtatakbo na patungo sa tinutuluyan nila. Panay naman ang tawag niya rito. Kahit kailan talaga, pasaway ito! "Jona!” sigaw niya. “ Jona, ha?!” Nadatnan niyang may ka-video call ito, panay ang ngiti nito sa kung sinumang kausap nito. Inambahan niya ito ng suntok ng marinig niyang si Jace ang kausap nito ngunit binilatan lang siya nito. Siya na ang naglagay ng mga binili nito sa isang plato. Busy na naman ito sa cellphone nito. Hinayaan na lang niya ito. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin dito, sa kanya na nakaharap ang camera ng cellphone nito. Iyon naman ang oras niya para bilitan ito. Pagkatapos ay tumalikod na siya upang kumuha ng maiinom nila. Pagbalik niya sa kwarto nila, nilalantakan na ni Jona ang barbe que. "Friend, nag-friend request daw si Jace sa'yo," sambit nito sabay kain ulit ng isaw. "Accept mo na naman." Tiningnan niya ang cellphone niyang naka-charge. May friend request nga galing dito, pati nga message request. Ini-accept na lang. Wala namang masama di ba? Saka kung bagot ito sa buhay at kailangan nito ng kausap, pwede naman siya pero tuwing free time lang niya. Mukhang malabo rin naman na magkita sila nito dahil naka-base ito sa Cagayan samantalang siya, kasalukuyang nasa Manila. "Gwapo di ba?" singit ni Jona. Siya naman ay titig na titig sa profile picture nito. Nakaupo ito sa isang sofa habang nakatukod ang magkabilang siko sa tuhod nito. Ang parteng itaas lang nito ang kita. Naka-cap ito at t-shirt na itim. Ngunit ang nakakuha sa kanyang atensyon ay kung paano ito tumitig. Para bang ini-eksamin nito ang kung sino mang kumukuha rito ng litrato. Nang mga oras na iyon, pakiwari niya sa kanya ito nakatingin. Ewan ba niya pero ramdam niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Pati na rin ang kamay niya parang nagpawis ng malamig. Kinakabahan siya. Pero bakit? Anong rason? Tiningnan niya ang iba pa nitong mga pictures. "Suplado, ah?" puna niya. Ang mga uploaded pictures kasi nito, kadalasan seryoso ang mukha. Kung ngumiti man, parang tipid na tipid. Nilingon niya ang kaibigan. "Ilan taon na 'to, Jona?" "Thirty-two yata?" Napataas ang kilay niya. Kadalasan kasi, sa ganoong edad, kung hindi man may asawa na, nasa isang seryosong relasyon na. Nakapagtataka lang na single ito gayong gwapo naman ito. "Bakit wala pang asawa?" tanong niya. "Ikaw nga, twenty-six na pero never pang nagka-boyfriend, eh!" sikmat nito sa kanya. Pagkuwan ay napapalakpak ito saka tumili. "Oh my God! Baka kayong dalawa ang meant to be!" "Meant to be agad? Hindi ko pa nga nami-meet ng personal, eh!" "Malay mo naman, maisipang lumuwas no'ng tao sa mga susunod na araw." Iningusan niya lang ito. "Kumain ka nga lang diyan! Kung ano-anong pinagsasasabi mo!" asik niya rito. Siya naman ay lihim na ini-stalk ang Tikbook account ni Jace. Maya-maya lamang ay nakatanggap siya ng mensahe galing dito. "Pwede ba kitang tawagan? I mean...video call?" "Bakit?" tanong niya. Paano kung tumawag nga ito? Anong pag-uusapan nila? Saka, nahihiya siya. Sa edad niyang bente sais, hindi pa niya naranasang makipagrelasyon. Nagkaroon naman siya ng mga crushes pero hanggang doon lang. Ang tanging nasa isip niya talaga ay ang pagtulog sa pamilya at kung paano siya makakapagtapos ng pag-aaral. Kaya ang atensyong ibinibigay ni Jace sa kanya ngayon , kung bakit siya kinakabahan at nai-excite ay hindi niya alam kung paano pakikitunguhan. "Gusto ko lang marinig ang boses mo," reply nito. "Saka gusto kitang makita." "Bakit?" Isang sad face emoji ang reply nito sa kanya. Sa pakikipag-text at chat nito sa kanya, para itong bata. Hindi mo iisipin na thirty-two na ito. O, baka naman hindi pa talaga? Balak sana niyang tanungin ito kung bakit gusto siya nitong makita ngunit nahihiya siya. Saka hindi na naman ito nag-reply sa chat niya. Seen lang. Nang lingunin niya ang kaibigan, sa kanya nakaharap ang cellphone nito. Diyos ko! Hindi niya alam ang gagawin nang makita ang pagmumukha ni Jace ang nasa screen ng cellphone nito! Kaya pala tahimik habang may ka-video call...si Jace pala ang kausap nito habang sa kanya nakatutok ang camera nito! Nakita niyang matipid na nakangiti si Jace sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay inambahan niya ito ng suntok, pati na rin si Jona. Kahit kailan talaga! "Jona!" mahina niyang saway dito. Kunwari ay naiinis siya ngunit gusto lang niyang pagtakpan ang kaba at excitement na nararamdaman. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas siya ng kwarto. Para kasing hindi siya makahinga at ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Natagpuan niya ang sarili sa labas ng apartment na tinitirhan nila. Pagmamay-ari din iyon ng amo nila kung saan isang kanto lang ang layo mula sa bakeshop na pinagtratrabahuan nila. Mga lima o sampung minuto sigurong lakarin. Huminga siya nang malalim, pilit pinapayapa ang sarili. May isang set doon ng lamesa at upuan na may tatak ng isang sikat na softdrinks, pulang-pula pa ang kulay noon. Umupo siya sa isang upuan pagkuwan ay nakapangalumbaba siya sa ibabaw ng mesa. Napayakap siya sa kanyang sarili, bigla kasi siyang nakaramdam ng lungkot. Ganito naman talaga, may mga pagkakataon na naho-homesick siya at bigla na lamang napapaiyak. Pero hindi na katulad noong unang mga buwan na dumating siya ng Maynila na halos gabi-gabi siyang umiiyak, malungkot at gusto ng umuwi. Ngayon, kahit paano natutunan na niyang pakibagayan ang kanyang lungkot. Umihip ang may kainitang hangin sa Maynila ngunit hindi noon kayang pawiin ang lamig na nadarama niya. ewan ba niya! Bakit bigla-bigla na naman siyang nalungkot! Dinukot niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa nang tumunog iyon. Nakita niyang pangalan ni Jace ang nakarehistro. Matiim niyang tinitigan ang pangalan nito. Bakit nga ba siya kinakabahan kapag nakikitang tumatawag ito? Ano siya, teenager na nahuli ni crush na nakatingin? Lord! Hindi na siya nag-isip pa, agad niyang pinindot ang answer button ng video call. Agad namang bumalandra ang mukha nito sa screen ng kanyang cellphone. Palihim siyang lumunok, pinalakas ang loob na titigan ito. Kita niyang titig na titig din ito sa kanya. Sa umpisa ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa, mukhang nakuntento nang titigan ang isa't isa. O, baka naman, magkapareho lang sila na hindi alam ang sasabihin? "Binibini," anito. "Bakit binibini ang tawag mo sa 'kin?" tanong niya. Tinaasan niya ito nang kilay nang hindi agad ito sumagot sa kanya. Bagkus ang mga mata nitong kasing dilim ng gabi ang kulay ay matiim na nakatitig sa kanya. "Jace!" Kuha niya ulit sa atensyon nito. Ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Pilit naman niyang iniiwas ang tingin dito, hindi kasi siya komportable sa paraan nang pagtitig nito. "Kapag hindi ka pa nagsalita, swear, hindi na kita kakausapin ulit," banta niya. Pero sa loob-loob niya, naroon ang excitement na nadarama. God! Bakit ba ang lakas ng t***k ng kanyang puso! "At pwede ba? Huwag mo akong titigan nang ganyan!" Nakita niya ang pagkunot nito ng noo pagkatapos ay ang marahang pag-awang ng mga labi nito at ang marahang paglandas ng dila nito roon, At sa bawat galaw nito, ni hindi niya magawang ibaling sa iba ang kanyang mga tingin. "Paano ba kita dapat tingnan?" pabulong tanong nito sa mababa ngunit senswal na boses. "Kung hindi mo gusto ang binibini, pwede bang love na lang ang itawag ko sa'yo?" “My God! Ang bilis ng galawan nito ah!” piping sambit niya sa kanyang sarili. "Mas lalo tuloy akong na-excite na makita ka ng personal. Looking at you now, pakiwari ko, kaharap ko ang isang anghel." Napangiwi siya nang marinig ang sinabi nito. Imbes na kiligin, pangingilabot at hiya ang kanyang nadama. Pagkuwan ay narinig niya itong tumawa. "Nakakakilabot ba?" tatawa-tawa nitong tanong. "Ganyan kasi ang mga nababalitaan kong linyahan ng mga kabataan ngayon." "At sa akala mo, bagay sa'yo ang gano'ng mga linya?" asik niya rito. "Hindi bagay 'uy!" "Alam ko. Maski nga aki, kinilabutan sa sinabi ko." Iiling-iling ito. "Pero hindi man lang ba tumalab sa 'yo?" "Kung katabi lang kita ngayon, nasapok na kita!" tugon niya. "Kung kasama kita ngayon, one voilent move, one kiss policy ang paiiralin ko sa'yo!" Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi nito. "A-ano?" "Payag akong masapok mo saka hampasin." Abot tainga ang ngiti nito. "Pero dapat handa ka sa susunod kong gagawin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD