Hindi niya nakayanan ang excitement at kabang nadarama kaya mabilis niyang napatay ang tawag. Dumagdag pa ang mga titig ni Jace...para bang inaarok ng matitiim nitong mga tingin ang buo niyang pagkatao. At hindi niya makayanan 'yon! Sobrang intense kung makatingin!
Dali-dali siyang nagbalik sa kwarto nila ni Jona. Double deck ang kanyang higaan at ito ang nasa itaas. Nang silipin niya ito, mukhang tulog na, napagod siguro pagkatapos kasi ng duty nila sa bakeshop ay nagbihis lang ito pagkatapos ay umalis na at namasyal. Ang sabi nito ay nakipagkita ito sa pinsan nito na dito rin nagtratrabaho sa Maynila bilang isang crew sa isang fast food chain. Sana nga lang ay totoong pinsan nito ang kinita nito at hindi lang kung sinong lalake na nanliligaw dito. Sa loob kasi ng halos anim na buwan nilang pagiging magkaibigan, naging close na sila nito kaya ayaw naman niya dumating ang panahon na maloko at masaktan lang ito. Batid niya rin ang mga sakripisyo nito para sa pamilya nito kaya hangg'at maaari, gusto niyang maabot nito ang mga pangarap nito sa pamilya.
Dahil na rin siguro sa haba nang itinulog niya kanina kaya nahihirapan siyang makatulog ngayon. Nang tingnan niya ang oras, alas onse na.
Tinangka niya ipikit ang mga mata ngunit talagang hindi siya makatulog. Maya-maya ay kinapa niya ang cellphone sa may tagiliran niya pagkatapos ay basta na lang nag-scroll sa Tikbook. Napatigil ang kanyang daliri nang mag-notify sa Tikbookniya nang may bagong post si Jace. Alanganin pa siyang tingnan 'iyon, akala mo naman nakikita ang kanyang ginagawa ngayon.
Nakita niya ang post nito.
"Galit ka ba, binibini?" Pagkatapos ay may sad emoticon sa dulo noon.
Ang lakas nang kabog ng kanyang dibdib! Binibini ang tawag nito sa kanya ngunit ayaw naman niyang mag-assume na para sa kanyang ang post nito. Malay ba niya kung binibini rin ang tawag nito sa ibang babae!
Nang tingnan niya ang react sa post nito, umabot agad iyon nang mahigit isang daan sa loob lamang ng limang minuto. At ang mga comments, lampas singkwenta na!
"Sana all, binibini ang tawag!"
"Ako ba 'yan, Papa Jace?"
"Mapapa-sana all ka na lang, eh!"
"Uy, Jace! Sino 'yang binibini na 'yan, ha?"
Sa dami ng mga comments sa post nito, isa lang ang naging comment nito.
"Binibini, sori na, please...."
Lalo tuloy naging maingay ang comment section ng post nito.
Ang dibdib niyang puro kaba, ngayon lumala pa. Ang puso niya, halos lumbas na dahil sa lakas nang kaba nito! Lalo pa siyang hindi mapakali nang makitang tumatawag ito.
Mabilis niya iyong sinagot dahil alam niyang maaabala ang tulog ni Jona. Bukod doon, aasarin lang siya nito kapag nakita nitong si Jace ang tumatawag.
"Bakit?" agad niyang tanong. "Gabi na..."
"Galit ka ba?" tanong din niito.
Hindi niya ito sinagot. Nanatili lang siya nakatingin dito, pilit pinaglalabanan ang hiya. Bakit ba kasi ganoon ito kung makatingin?
"Binibini..." Hindi niya alam kung nagkamali lang siya ng dinig pero nahiwatigan niya ang lambig at pag-aalala sa boses nito. Hindi naman siguro...bagong magkakilala pa lang naman sila, eh.
"Wala ka bang trabaho?" Pag-iiba niya ng usapan. "Alas onse na, oh!"
Nakita niyang humiga ito, may pilit inaabot. Maya-maya ay ikinabit nito ang headphone sa cellphone nito. Rinig na rinig niya ang hininga nito dahil tumama sa headphone ang bawat hinga nito.
"I'm sorry, hindi ko kasi gaanong marinig ang tanong mo kanina, eh? Ano nga ulit 'yon?"
"Ang sabi ko, bakit gising ka pa? Wala ka bang trabaho bukas?"
Humiga na rin siya saka isinandal niya ang kanyang cellphone sa gilid ng kanyang kutson.
"Meron. Kaya lang hindi naman ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa rin? Di ba maaga ang pasok niyo ni Jona?"
"Oo...alas kwatro. Pero hindi rin ako makatulog, eh. Natulog kasi ako kanina pagka-out ko sa trabaho."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Okey lang ba kung tawagan kita palagi?" pagkuwan ay tanong nito. "Gusto pa kitang makilala...okey lang ba?"
"H-huh?"
"Gusto pa kitang makilala nang lubos, Arabella," anito, pabulong.
"Bakit?
Nakita niya ang pagngiti nito.
"Nariyan na naman ang mahiwagang bakit mo?" natatawa nitong sambit. Pero maya-maya ay nakita niya nag biglang pagseryoso ng mukha nito. Nawala na ang mga ngiti nito sa labi at nakatitig na naman ito sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, okey? Fine...nagustuhan agad kita noong unang kita ko sa'yo."
"Bakit ako?" bulong niya. Bahagya niyang ini-angat ang kumot sa kalahati ng kanyang mukha, tanging ang mga mata niya lang ang nakalabas.
"Gusto nga kita."
"Gusto agad? Kakikilala nga lang natin, eh!" Pilit niyang pinagtatakpan ang kabang nadarama. Bakit parang easy lang dito na sabihin na gusto siya nito? Dahil siya, ayon, hindi mapakali at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Kailangan ba matagal mo nang kilala ang isang tao para magustuhan mo siya? Hindi naman di ba? Kasi ang atraksyon kadalasan mararamdaman mo sa unang kita mo pa lang sa isang tao. Parang 'yong nangyari sa akin. Unang kita ko pa lang sa'yo, nakuha mo na agad ako."
"A-ano?" Bahagya pa siyang nabulol. Grabe naman kasi ang mga salita nito! Anong nakuha agad niya ito?
Napangiti ito. "Ang ibig kong sabihin, nakuha mo na agad ang interes ko. Kinulit ko talaga si Jona para kunin 'yong number mo!"
"Magkaibigan nga kayo, pareho kayong makulit, eh!"
"No! Sa'yo lang naman ako nagiging makulit, eh" tugon nito. Seryoso ang mukha nito ngunit hindi niya alam kung seryoso nga ba ito sa mga sinasabi nito. Pagkuwan ay nagsalita ulit ito, pabulong, "Okey lang ba na tawagan kita kapag free time mo, hmm?"
Napangiti ito nang tumango siya.
"Pero hindi ko ipinangangakong masasagot ko palagi ang tawag mo," aniya. "May mga personal na gawain pa kasi ako pagkatapos ng duty ko."
"I guess kailangan ko talagang paghirapan ang oo mo-"
Napakunot-noo siya, naging putol-putol kasi ang mga salita nito. "Wait lang. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"
Imbes na sagutin nito ang kanyang tanong, ngumiti lang ito nang nakakaloko.
"May sinabi ka, eh," pamimilit niya. "Hindi ko lang masyadong maunawaan!"
"Ang sabi ko, ang ganda mo kaya hindi ako makatulog!"
Binilatan niya lang ito pagkatapos ay inayos niya ang kanyang pagkakahiga, nakakaramdam na ulit kasi siya ng antok. Nang tingnan niya ang oras, lampas alas dose na pala.
Nang mag-angat siya ng paningin, tahimik na nakatitig si Jace sa kanya. Wala man lang itong kakurap-kurap tapos hindi niya pa maarok kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Tulog na 'ko," sambit niya nang hind pa rin ito nagsalita. Hindi niya kasi makayanan ang mga tingin nito sa kanya, eh. "Matulog ka na rin," panghuli niyang sabi.
Siya na ang unang nagpatay ng tawag dahil mukhang wala naman itong balak na gumalaw. Nanatili lang kasi itong nakakatitig sa kanya kaya hindi siya mapakali. Nahihiya siya!
Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog dahil sa halo-halong nadarama niya. Masaya siya na kinakabahan pero naroon din ang excitement dahil sa panibagong nararanasan niyang ito.
Samantala, ala-una na pero gising na gising pa rin ang diwa ni Jace. Kahit anong baling niya sa kanyang higaan, nananatiling mulat ang kanyang mga mata. At isa lang ang dahilan, iyon ay si Arabella. Aaminin niya, sa umpisa pa lamang nang makita niya ito sa post ng kaibigang si Jona, agad na nakuha nito ang kanyang interes. Para kasing ang saya nitong kasama base doon sa mga pictures na nakita niyang kasama nito si Jona. Hindi ito gaanong katangkaran pero ang cute nitong tingnan. Siguro nasa mga limang talampakan lang ang tangkad nito, ang medyo kulot-kulot nitong buhok ay hanggang balikat nito pero ang totoong nakakuha ng atensyon niya ay ang labi nito na parang ang sarap halikan. Medyo matangos ang ilong nito na bumagay sa bilugan nitong mukha. Ewan ba niya kung anong nakita niya rito gayong kung tutuusin ay hindi naman ito ang tipo niyang mga babae. Pero wala naman siyang magagawa dahil ngayon pa lamang, nakuha na nito ang kanyang interes. At siya pa naman ang tipo ng tao na once nagkagusto siya sa isang bagay o tao, 'yon na 'yon. Wala nang explanation because the fact that he liked her the first time he saw her was magical already. Imagine, unang kita pa lang niya rito, nagustuhan na niya agad ito? And besides, hindi na siya bumabata. Kung saan man siya dalhin ng nararamdaman niyang ito, let the Lord be his guidance.
Pero ngayon pa lang siguro kailangan na niya ng guidance kung paano ito saglit na tatanggalin sa kanyang isipan. Nakakapraning lang kasi na hindi siya makatulog sa kaiisip dito. Ano siya, teenager? Samantalang ito yata ay kanina pang naghihilik.
"T*ng ina naman, Jace!" sambit niya. Pagkuwan ay padarag siyang bumangon upang kumuha ng tubig sa kusina.
Nagsalin siya ng tubig sa baso pagkatapos ay mabilis na nilagok iyon. Ang lamig na dulot noon, kahit paano ay nagpakalma sa nagririgidon niyang puso. Ngunit sa huli, hindi rin naman niya natiis na hindi i-stalk ang Tikbook profile nito na iilan lamang ang naka-post na pictures. Mas madami pa nga yata itong pictures sa Tikbook account ni Jona. Pero may isang picture sa account nito na ini-screenshot niya. Iyon ay ang kuha nito habang nakapikit at nakapangalumbaba ito sa isang lamesa.
Ewan ba niya pero umaasa siyang siya ang naiisip nito habang nakapikit ito. Hindi nga rin niya alam kung bakit nakapag-post siya kanina tungkol dito. Ang dami tuloy curious kung sino ang babaeng tinutukoy niya.
Tipid siyang ngumiti. Sa ngayon, kailangan muna niyang sarilinin si Arabella at kung anuman itong nadarama niya para dito. And for the second time, after Reema, ito na naman siya napupuyat ng dahil sa isang babae. But hopefully, hindi maging katulad nang una niyang relasyon ang maging kahantunan nila ni Ara sakali mang mauwi sa isang seryosong relasyon ang kung anumang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa totoo lang, he's already hoping and praying for someone who could share her life with him.
Nang hindi pa rin siya makatulog, lumabas siya ng kanyang kwarto saka nagtungo sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig. Hindi naman niya inaasahan na naroon pala ang kanyang Nanay Medy.
"Bakit gising pa kayo?" tanong niya rito.
"Hidni ako makatulog, 'nak."
"Lalo kayong hindi makakatulog dahil sa kape." Inginuso niya ang tasa nitong nangangalahati na ang lama na kape.
Inirapan siya nito. "Kahit anong inom ko ng kape, nakaktulog pa rin ako. Sadya lamang na hindi ako dalawin ng antok ngayon. Saka ikaw dapat ang tanungin ko kung bakit gising ka pa? May trabaho ka pa bukas 'di ba?"
"Hindi rin ho ako dalawin ng antok, eh."
"O, baka naman hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutan ang Reemang 'yon?" asik nito sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi nito nagustuhan si Reema para sa kanya. Reema was his first of everything na kaulanan ay iniwan siya at ipinagpalit sa mayaman.
"Oh my God, Nanay! Ang tagal na no'n! Mukhang kayo ang hindi maka-move on kay Reema, eh!"
"Aba'y bakit hindi ko masasani 'yon? Eh, totoong baliw na baliw ka doon noong araw! Kaya siguro hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend kasi hinihintay mo pa ang babaeng 'yon? Naku, Jace, ha? Masasapok talaga kita kapag pinatulan mo pa ang babaeng 'yon!"
"May iba na po akong gusto, okey?" sagot niya. Para naman matigil na ang pagtatalak nito sa kanya. Kapag ganitong girlfriend at asawa na ang pinag-uusapan, hindi siya nito tatantanan.
Napatigil ito sa paghigop ng kape nito saka tumitig sa kanya. "Mabuti naman. Akala ko, tatanda ka ng binata, eh. Sayang naman ang gandang lalake mo kung hindi pakikinabangan ng ibang babae, ano?"
Hindi niya napigilan ang kanyang tawa dahil sa sinabi nito.
"Kaya ipanalangin niyong sagutin ako. Lahing tigresa kasi ang babaeng gusto ko," sambit niya.
"Sasagutin ka noon. Pakipot lang 'yon. Saka, ano pa ba nag hahanapin niya sa'yo? Gwapo, mabait, masipag at responsable pa!"
"Nanay ko nga kayo-"
"Sinabi ko 'yon dahil iyon ang totoo, hindi dahil ako ang nanay mo," anito. "But seriously 'nak, wish ko na makatagpo ka ng babae na mamahalin ka nang buong-buo. 'Yong uunawain at tatanggapin ka pa rin kahit minsan hindi na katanggap-tanggap ang mga ginagawa mo. Sana makatagpo ka ng babaeng gano'n. 'Yong mamahalin unconditionally like how I love you as my son."
Nilapita niya ang kanyang nanay saka mahigpit itong niyakap.
"Salamat 'nay," sambit. Kasabay noon ay ang pipi niyang bulong na sana matupad lahat ng sinabi nito.