Selena's POV Naalimpungatan ako, nagising akong may nararamdamang dumadampi na malamig sa aking leeg. Nakatagilid ako sa paghiga, ramdam kong may kung anong bagay ang dumadampi sa leeg ko. Napamulat ako nang tuluyan. Pero hindi ko pinahalatang nagising ako. Si monster dinadampian ng halik ang leeg ko. Anong ginagawa niya? "Selena, alam kong gising ka," sambit niya sa aking tainga. Bakit naman kasi nakakapanindig balahibo yung boses niya, parang nang-aakit sa pandinig. Naramdaman niya pala na gising ako. Napaharap kaagad ako sa kaniya. Tumambad sa aking harapan ang walang suot na pang itaas at tanging shorts lamang ang suot nito. May balak ba itong mag fashion show sa harapan ko. Wala sa sariling napakagat labi ako. Namumutok kasi yung abs. Halos maduling ako dahil nasa aking