Selena's POV Continuation Pagkatapos ng 18th roses ko. Dinala na ako ni Dale sa mga friends niya. Ipinakilala niya ako na para bang girlfriend niya ako. Isa-isang nakipagkamay ito sa akin. Tama nga ako. Iisa sa kanila na lumapit sa akin ay friend ni Dale. Panay ngiti lang ako sa kanila. Sabay kaming napalingon sa likuran nang may magsalita. Babae at lalaki pa ang dumating. "Sorry, we're late," dumapo ang paningin ko sa babaeng may medyo malaki na ang tiyan. Napakaganda niya rin sa suot niya. Napaka-sexy kahit na may umbok na ang tiyan nito. "He's my business partner, Arwel Sebastian...and his wife," pakilala ni monster sa bagong dating na bisita. Ngumiti ako at nag hello sa kanila. Napakabait ng ngiti ng babaeng kasama ng business partner ni monster. "She's my wife, Layla