Selena pov's
"Don't touch me!" pagbabanta ko sa lalaking hahawak sa akin. Matalim na tingin ang ibinigay ko dito. Tila naman natakot ang lalaki sa banta ko.
Pagkatapos ako ipagkatiwala ng aroganteng lalaki sa mga ito ay iniwan lang ako na parang aso na kailangan bantayan.
"Ma'am halika na! Kami po ang malilintikan kapag di pa kayo sumunod sa amin." Tila takot na sabi ng malaki ang katawan. Ang laki-laki ng mga katawan pero mga duwag.
Hindi na sila yung mga lalaking kumidnap sa akin. Kaya naman pala napaka-gentlemen na ng mga ito.
"Hindi ako sasama sa inyo! Uuwi ako ngayon! Kung ano man ang inutos ng baliw na lalaking iyon sa inyo! Huwag niyo sundin!" Inis na sabi ko sa kanila
Ang akala ko ay makakalusot ako pero wala ng salita salita at hinawakan ako sa braso ng isang lalaki at kinaladkad palabas.
"Ano ba?" palag ko.
May kausap siya sa cellphone gamit ang headset.
"Ang sabi ni Boss, kapag hindi ka sumama. Kakaladkarin ka na lang daw namin palabas."
Kinakaladkad nila ako palabas. Halos magsisigaw ako at tadyak ang ginawa ko pero ano ba ang laban ko. Mas malakas sila compare sa akin.
Matagumpay nila akong nailabas sa piste na building na iyon. Hindi ko alam kung bakit wala man lang tumulong sa akin. Lahat ba sila takot sa walang hiya na lalaking iyon.
Hila-hila pa rin nila ako papasok sa magarang kotse.
"Saan niyo ba ako dadalhin?" Habang winawakli ko ang mga kamay nila na nakahawak sa akin.
"Huwag ka na magtanong, Miss. Malalaman mo rin" sagot naman ng isa.
Inirapan ko ang mga ito bago tuluyan nila akong naisakay sa magarang sasakyan.
Hindi pa sila nakontento itinali pa nila ang mga kamay ko sa likod.
"Hoy, tanggalin niyo ang tali sa mga kamay ko!" paninigaw ko. Hindi ako tatahimik hangga't hindi nila ako pinapakawalan.
Kahit anong sigaw at tadyak na ginagawa ko ay tila mga bingi naman sila at hindi naririnig ang mga sigaw ko.
"Kapag ako nakawala dito, humanda kayo!" well pananakot ko lang.
Nagtawanan sila sa harapan. Tawanan na lang ang narinig ko sa kanila.
Tinadyakan ko naman ang likod ng upuan na inuupuan nila sa harapan. Napalingon silang lahat sa akin.
Ngumisi ako bilang pang aasar. Wala silang magawa kundi ang maasar sa akin. Sa ginawa kong pagtadyak sa kanilang inuupuan ay alam kong asar na asar na sila.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking mala palasyo na bahay na tumambad sa aking harapan. Mula sa loob ng kotse ay mangha na mangha ako habang tinatanaw ang bahay na nasa aking harapan. Mala palasyo ang peg.
Pinababa ako ng lalaking humawak sa akin kanina. Naka awang ang labi ko habang bumababa sa kotse. Wala akong masabi but wow!
Hinawakan akong muli ng lalaki at iginiya papasok sa malaking gate. Yung totoo? palasyo ba ito ng Malacanang. Kung malaki ang bahay namin mas malaki naman ito. Kumpara sa mansyon namin.
Sinalubong kaagad kami ng guard sa gate. Nag-uusap sila pero hindi ko maintindihan. Para silang mga bubuyog bulong ng bulong.
"Nasaan na ba kasi ang galunggong na iyon? Pagkatapos niya akong kausapin kanina wala man lang pasintabi kung saan pupunta." kumikibot na sabi ko sa sarili.
Habang busy pa sila sa pag-uusap, kailangan kong makatakas na hindi nila napapansin. Maingat kong inihakbang ang mga paa. Gusto kong makaalis sa lugar na ito na walang pasa sa katawan.
Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mga tao dito. Sa wakas hindi nila ako napansin. Nakaalis ako nang matiwasay. Mukhang malayo layo na rin ang naitakbo ko.
Hinihingal akong nagpahinga sa waiting shed. Hindi ko akalain na matatakasan ko ang mga lalaking iyon.
Magdidilim na at hindi ko alam kung saan ako magpapalipas ng gabi. Dahil sa tingin ko mukhang malayo layo ang lugar na ito na pinagdalhan nila sa akin. Nasa baguio ba ako? Sa sobrang lamig, halos manginig ang buong katawan ko.
Dinaig ko pa pulubi sa ayos ko na ito. Sino ba naman kasi mag aakala na ganito pala ang mangyayari sa akin. Kaawa awang nilalang, walang bahay, walang pera, ibenenta ng ama sa lalaking hindi ko alam kung masama o hindi. Sa tingin ko masama ang lalaking iyon. Pero bunos nalang ang kaguwapuhan niya. Did I say that?
Iniling iling ko ang aking ulo. Gwapo? Saan ba nanggaling ang words na iyon.
Naglatag ako ng karton para makahiga ng maayos sa sahig ng waiting shed.
Magpapalipas ako ng gabi at bukas ay ipagpapatuloy ko ang pagtakas. I can't believe na matutulog ako sa ganitong lugar. "Daddy, this is all your fault." inis na sambit ko sa kawalan. Kapag may rapist o ano man sa waiting shed na ito ay wala akong kalaban laban kapag nagkataon.
"I can't believe this happening to me! it's gross!Lahat na ay naranasan ko. Kumakain ako ng tira-tira. Naglilinis ako ng banyo para lang mabuhay. Which is sa tanang buhay ko ay di ko nagawa. Lahat ng nakasanayan ko ay nawala and it's because of you, Daddy.. I hate you. I f*****g hate you, Dad!" sambit ko sa kawalan. Ano pa nga ba dinadrama ko. Umiyak man ako at maglumpasay sa sakit walang tutulong sa akin kundi sarili ko.
Living like a princess turn into a hell beggar. This is so Unbelievable.
---------------
Napamulat ako sa maingay na naririnig ko. Tama ng sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng mga mata. Feel kong nasa bahay lang ako.
Pero hindi, matigas ang tinutulugan ko. Hindi malambot kaya malabo na nasa bahay ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. Dahil sa pagtakas ko ay napadpad ako sa waiting shed na ito.
Napatingala ako at laking gulat ko ang tumambad sa aking harapan. Diyos ko! Napalunok ako sa nakikita ko sa aking harapan. Ang buong akala ko ay nakatakas na ako. Pero bakit nasa harapan ko ngayon ang lalaking kahapon ko lang nakita.
A man standing in front of me. I don't know if a man lang ba talaga siya. Stiff shoulder, black hair , blue eyes with thin red lips man. Ngayon ko lang na realize na hindi lang siya basta basta gwapo. His absolutely perfect.
"Did you sleep well?" He said with a mixture of teasing. A long baritone voice prevailed.
I don't know what to do, but the only one thing I do is I raised an eyebrow at him.
He smiled. "Do you think you can escape at me?" sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Everything you see here is mine." lumandas ang kanyang paningin sa hita kong nakalantad sa kanyang harapan.
Nakaupo pa rin ako sa karton na kagabi lang ay ginawa kong tulugan at nakalantad ang mga hita ko sa kanyang harapan. Dahil sa suot kong maikli na skirt.
"Even...you!" naglakbay ang tingin niya sa kabuuan ko.
"I'm not yours!" Inis kong sagot sa kanya.
Matalim na tingin ang ibinalik ko sa kanya. Pinasada ko ang tingin sa kabuuan ng paligid. Ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala talaga ako nakatakas. Madilim na ng mapadpad ako dito at ngayon ay mula dito kitang-kita ko ang bahay na pinagdalhan sa akin ng mga utusan niya.
"Tumayo ka na diyan! Bilang pagmamay-ari ko...You will follow everything I wanted!" utos niya na hindi pa rin maalis ang paningin sa hita ko. Tinakpan ko iyon gamit ang aking kamay. Sa uri ng tingin niya ay parang hinuhubaran na niya ako.
"Sino ka para sundin ko? Hindi nga kita kilala! Ang Dad ko lang ang may atraso sa 'yo at hindi ako!" pagtataray ko. Nagamit kong muli ang katarayan ko. Good Selena.
"Nakalimutan mo na bang ibinilin ka na ng Dad mo sa 'kin!"
" Do you have proof that you own me?" matapang at confident ko na sagot sa kanya.
Kailangan kong maging matapang. Noon pa man ay ganito na ugali ko, tumigil lang iyon noong walang wala na kami maipagmamalaki, pero ngayon dapat siguro ibalik ko na ulit ang ugali ko. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.
"I will show you my proof, baby girl." bigla niya na lang akong hinigit mula sa pagkakaupo.
Sa 'di inaasahan ay binuhat niya ako ng walang kahirap hirap. Isinampay niya ako sa kaniyang balikat.
"f**k you! Put me down!" I scream and shouted as I slapped his back.
"One violent move! I will tie you in bed to claim and fvck you hard for a whole week!" he threatened.
Medyo natakot naman ako dun sa banta niya. Binuhat lang naman niya ako na ang nasa aking harapan ay ang kanyang malapad na likod. Even when he walks he is still perfect.
Binuksan niya ang sports car niya na walang kahirap hirap habang buhat pa rin ako. Ibinagsak niya ako doon. Tumama ang likod ko sa malambot na upuan.
"Damn you!" singhal ko sa kanya. Ngumisi ulit siya. What the eff kahit sa pagngisi niya. He still perfect.
"Hate me now, but next time for sure hindi na mura ang isisigaw mo sa akin. Kundi pangalan ko na may kasamang ungol" ngumisi ulit ito. Shocks! Kapag iba ang ngumingisi ngayon sa harapan ko nagmumukhang manyak. But this guy, Kakaiba ang dating ng ngisi niya. He is so hot.
Malakas na kalabog ang ginawa niya na pagsara sa sport scar niya at tuluyan na umupo sa tabi ko.
"Fasten your seatbelt" utos niya.
Hindi ako gumalaw ni hindi ko siya sinunod but the next thing he do. Inilapit niya ang mukha sa akin at pilit na inaabot ang seatbelt sa aking tabi. Nang maabot ay dahan- dahan niya isinusuot 'yon sa akin. Ang hininga niya ay tumatama sa aking mukha. Sa wakas ay natapos niya iyon na isuot sa akin na walang kahirap-hirap.
Itinuon ko ang paningin sa labas. Hindi ako mapakali. Hindi ako titira kasama ang lalaking katabi ko ngayon. Mababaliw ako kapag nagkataon.
"Where you taking me?" may kasamang irap ko na tanong.
"In my place, ofcourse." he said without looking at me.
"Bakit kailangan dalhin mo ako sa bahay mo, at bakit kailangan mo pa bumili ng babae, ganun ka na ba ka pangit para bumili pa ng babae? Wala bang pumapatol sa'yo kaya binili mo ang katulad ko na walang kaalam alam."Inis ko na tanong.
Ngumiti na naman siya. This time napalingon siya sa akin.
"Do you think i'm ugly?" Nabigla ako sa biglang paghinto niya. Nanatili ang paningin niya sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya. His hand traveled over my thigh. Sa bigla ko ay mabilis kong natampal ang kanyang kamay.
Pero hindi lang iyon ang nakakapagpabigla sa akin. Mas nabigla ako sa sunod na ginawa niya. He quickly squeezed my chin na nakapagpabigla sa akin. Mariin at walang ka ingat -ingat na pinisil niya ang aking baba.
"If it weren't for your father's debt. I wouldn't have forced myself to be with a brat like you!" mariin niya na sabi at patapon na binitawan ang mukha ko. Hinaplos ko ang chin ko na mariin niya na pinisil.
Aw! Ang sakit, pasimple kong hinaplos ang baba kong mariin niyang hinawakan. Kusa na lang tumulo ang luha ko.
Muling pinasadahan niya ako ng tingin.
"But now, it's okay to be with you. It's worth it. You are the only one who made my desire come alive. So, if I were you, susundin mo ang gusto ko, either you like it or not." he said emphatically.
Wala akong nagawa kundi ang manahimik hanggang sa pagbaba sa sports car niya ay wala pa rin akong imik.
Nasa harapan na kami ng mala palasyo niya na bahay. Sinalubong na kaagad kami ng mga naka maid uniform na babae. Napapaligiran din ang bahay ng mga naglalakihan na katawan na lalaki habang may mga hawak na mahahabang baril.
Oh! God! Ano ba talaga sila? Hindi kaya mga rebelde sila? Pero malabo maging rebelde ang isang katulad nila. May malaking bahay at maraming maid at higit sa lahat mukhang hindi basta bastang tao ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Daddy. Kung alam niya na kahamak hamak na tao ang pinagbintahan niya sa akin.
"But I still hate you, Dad!" sambit ko sa kawalan.
"Give her everything she needs." Pagkatapos niya sabihin iyon sa maid ay walang paalam na iniwan ako.
"Masusunod po!" sabay sabay na tumango ang mga ito sa kanilang amo.
"Rude!" bulong ko. Nginitian ko ang mga maid na nasa aking harapan.
"This way po , Ma'am." Paanyaya ng isang may edad na babae sa akin. Itinuro niya sa akin kung saan niya ako dadalhin.
Dinala niya ako sa isang silid na may iba't ibang mga display. May malaking closets. Sa kabila ay tanaw ko ang banyo.
Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang lahat.
To be continue....