Selena's POV "I hate you! I hate you! Dale Jackson! Wala kang kasing sama!" sigaw ko. Isang malakas na yugyug sa balikat ko ang naramdaman ko kaya napamulat ang mga mata ko. Tumambad sa aking harapan si Dale. Isang malakas na hampas sa kaniyang dibdib ang ginawa ko. "Selena! You're dreaming!" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Mahigpit na hawak sa aking pulsuhan. Napatingin ako sa paligid. Nasa silid ako at nasa kama nakaupo na. "I hate you! Pinatay mo ang mga kaibigan ko! How dare you! Dale Jackson! I hate you!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa kaniya. Nanggigigil ako sa kaniya. Sarap niyang sampalin ng mag-asawang sampal. 'Yong babaliktad ang kaniyang mukha dahil sa sampal ko. Nang makawala ang mga kamay ko sa hawak niya. Sinigurado kong mag-asawang samp