Selena's POV "Absent ka na naman ng dalawang araw Selena, ano na naman ba nangyari sa iyo at absent ka na naman?" Bungad kaagad sa akin ni Aryan nang makapasok ako sa room namin. Iyon kaagad ang tanong sa akin. Napahilot ako sa aking sentido. "May sakit ka?" dagdag pa ni Shy. "Walang sakit 'yan, nagsasakit-sakitan 'yan panigurado." si Aryan naman. Wala naman talaga akong sakit. Absent lang talaga ako dahil wala lang, gusto ko lang. Mamaya maya lang ay lumapit pa sila sa akin. Parang mga tsismosang mga kapitbahay na sunod-sunod ang mga tanong. "May nangyari ba? I mean...pumasok ka ba sa loob or umuwi ka na rin nung umuwi na kami or ni romansa ka ni prince charming?" Kinikilig na bulong ni Shy sa akin. Grabe yung kanilang mga katanungan. Anong ni romansa? Sabay silang napaha