“Anong ginagawa mo?" takang tanong ko habang nahawakan ko siya ng hindi sinasadya sa kanyang braso.
“Trespassing talaga itong ginagawa mo nang bigla ka nalang pumasok dito ng walang pahintulot ko. Hindi pa naman kita pinapasok di ba?" angil kong sabi sa kanya habang ibinitaw ko na ang aking kamay sa kanya. Sa pagkakahawak ko sa braso nito.
Sa itsura nito mukhang hindi pa rin ito naka kabalik sa hotel kung saan ito naka check in. Iyon pa rin kasi ang suot niyang damit mula ng maghiwalay kami kangina.
WAIT! Nang maisip ko.
“Sinusundan mo ba ako?" directly asked him. Hindi ko na naisip na nakakailang pala ang ginawa kong pagtatanong. After ko hawakan ito sa braso.
Naisip ko na tila may mali ata sa ginawa kong pagtatanong.
Para na din kasi ako nambitang nang walang evidence na talagang sinundan niya ako hanggang dito. Tanga na naman! Hindi ako nag-iisip na itanong yon at pagbintangan agad siya. Nang sana dinahan-dahan ko lang. Baka mabigla. Naisip ko lang.
Pero.. I took another deep breath. Naisip ko lang ulit. Mali nga bang pag-isipan ko siyang sinusubukan niya akong sundan at alamin saan ako tumutuloy?
Pwede din di 'ba?
Mas okay nga na dinerekta ko nang tinanong? Para alam ko ang kanyang isasagot. I took another deep deep deep breath. Kinakabahan ako.
Poker face halos di ko maipinta ang mukha ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Sobrang lalim at layo na rin nang itinakbo ng isipan ko.
Tila pakiramdam ko rin ay nag-init ang mukha ko sa hiya.
Yung itsura ko. Pinagtatawanan niya lang.
Grabe! Talaga bang tumatawa lang siya sa sinabi ko?
Sa tinanong ko sa kanya. At pambibintang na rin kaya yon. Pero siya nakangiti at tinatawanan niya lang ako. I swallowed. Napatikhim din ako nang lumakad ng bahagya. Gumalaw ang katawan ko sa kangina na pagkakatayo lang sa harapan nito.
Halata ba masyado?
Yung pamumula ko.
Napahawak ako sa pisngi at parang gusto ko tumungo sa may salamin para tingnan ang itsura ko. Nahiya na tuloy ako na tumalikod sa kanya.
Grabe naman yung bilis ng puso ko. Yung t***k? Yun nga ata tawag don. Nagpapalpitate. Na may halo na mabigat parang masakit. Nope! Parang kumirot pa. Sa loob ng dibdib ko.
Inis! Hiyang-hiya ako.
Ano ba ito…
Apple, mansanas ka talaga…
Pulang-pula ka.
Ayan tuloy, buti nga sayo.
Tomato ka naman. Nangangamatis ka ngayon at naiwan ng kadaldalan mo.
Wala ka na tuloy masabi at nakakahiya nang hawakan niya yung braso ko. Para iharap sa kanya. Nagulat ako, napapitlag ng dumampi ang malambot na palad niya. Mali! Mainit pala.
I took another deep breath. At isang hugot pa at saka siya hinarap. “Yes, tama ako?" sabi ko, nausal na lumabas sa bibig ko. Pigil na pigil yung hininga ko and I slowly gasped for breath. Dahan-dahan din na pinakawalan ang buntong hininga ko habang ngumiti na naman siya nang walang salita.
Bakit ba panay ngiti niya lang? Nakaka bilis ng t***k ng puso ang ginagawa niya.
“What are you doing? Are you attracted to me?" lakas loob kong naitanong.
Tanga, Apple.. Ano ba ang pinagsasabi mo?
You're too kidding na talaga sa mga binibitawan mong accusations sa kanya. Ano ba ang akala mo? Isang gwapo na tulad niya na mukhang suplado. Mukhang mayaman... Magkakagusto sayo?
Malabo!
Malabo pa sa mga puti mong buhok.
Huh?
Puting buhok?
Ano ba ang mga pinagsasabi mo Apple? Wala ka naman puting buhok. You're too young para magkaroon ng puting buhok. Kahit stress ka pa sa work. Sa mga katrabaho mo. Never ka naman naaapektuhan don di ba?
Malayo, kahit madalas…
Pero mali! Dahil I was always affected.
Apektado talaga ako.
Hey, self! Focus on him.
Sita ko sa utak ko. Na walang ayos na sa mga iniisip.
Kasi naman… Kangina! May mga time na seryoso lang siya habang magkasama kaming dalawa. But ayun nga… Most of the time ay ako ang siyang talagang maingay. Kaya lang ngayon parang nalunok ko na yung dila ko at maging ang mga letra ng mga sasabihin ko pa sana sa kanya.
Ako yung sobrang daldal na tanong ng tanong sa kanya. Habang naglilibot.
Bihira lang kasi siya magsalita. Ako talaga ang madaldal.
Ano yon?
Ano tawag don?
Anong pagkain ba yung kinakain non?
Nasaan na ba tayo?
Anong lugar ito? At napakarami ko pang daldal na tanong para sa kanya. Sa dami nga. Iilan lang ang mga natatandaan ko sa lahat ng mga itinuro at sagot niya sa mga tanong ko.
Masipag naman siyang sumagot.
Kaya sa buong araw na magkasama kaming dalawa. Ako na ata ang mas napagod ang bibig.
Sa aming dalawa. Mukhang ako pa nga ang mas nag-enjoy lalo na sa mga food na binili nito para sa aming dalawa.
Haist! Nakakahiya talaga.
Gusto ko untog ang ulo ko.
Yung ginawa kong way ng pagtatanong dito. At pagkumpronta sa kanya. Masyado na ata ako lumagpas sa aking linya.
“Hindi!"
Sumagot?
“H-hindi?" Tumango, may kasamang ngiti. Ipinaling pa ang ulo saka tinaasan ako nang kanyang kilay. Saka tiningnan.
“Kung hindi nga…"
“Eh bakit andito ka?"
“Bakit mo pa ako sinundan?"
“Bakit hindi ka pa umuwi sa hotel na tinutuluyan mo?" medyo iniunat ko ang katawan tumayo ng maayos na tanong ko.
“Umuwi na ako."
“Huh? Kalokohan!" bulalas ko.
“Nakauwi na nga ako." pamimilit niyang tugon.
“Bakit iyan pa rin suot mo?"
“Ito?" tila nag-isip pa.
“Ahh, may nakaligtaan kasi ako..."
“Ano naman?" gilalas ko.
“Lumibot na naman ang mata niya. Saka inalis niya sa pagkaka titig sa mukha ko.
Nagtataka talaga ako. Kung nakauwi na siya sa unit niya. Paano niya nalaman at narating kung saan ako naka check in?
Bukas pa usapan namin na magkikita. After ko maka check out. But kung bakit sa tingin ko ay nagsisinungaling ito na tila nasundan nga ako nito after namin namaalam sa isa't-isa kangina.
Hindi pa talaga siya tiyak na nakauwi sa unit niya. Sa hotel na tinutuluyan niya.
Hindi nga kaya? Sinundan talaga niya ako? murmur kong sabi nang nginitian ako ulit nang pumaling ang mukha n'ya sa akin.
Sininghalan ko siya, poker face.
Ngumiti ulit siya.
So the meaning is…
Tama nga!
Tama talaga ako. He followed me kung saan ako naka check in. Hindi nga ako nagkamali. He really follow me. Pero ang sabi niya ay hindi.
Kita ko, nababasa ko sa mga mata niya at hindi siya maaari na magsinungaling. Dahil sa pagtawa niya sa akin. Kita naman! He lied.
“Wag mo nang pag-aksayahan na pag-isipan."
“Gumayak ka na."
“Mag-empake ka na at tara na." utos nito.
“Huh?" Bulalas ko ulit. Nagtataka.
“Anong huh?"
“Talaga bang ayos ka lang sa ganitong makipot at maliit na hotel tumutuloy?" tanong niya sa akin.
“What are you saying?" taas kilay ko na tanong, I took a breathe.
Ano ba ang pinagsasabi nitong lalaking ito?
Ngayon naman yung unit ko ang pinuna.
Pumunta ba siya dito. To check me? Or, to check where I stayed? Kung ano ang itsura ng tinutuluyan ko dito sa Paris.
O, baka naman talaga he came here para lang punahin at tingnan ang hotel na tinutuluyan ko? Ang gulo ko diba? Hindi matanggap na mali ako. Charrr lang!
Pero bakit kailangan pa niya mag inspection sa lugar ko? Bakit hindi nalang siya umuwi at bukas naman magkikita kami para sa paglipat ko sa unit niya. Sa hotel where he stayed.
“Alam mo, ang pangit nitong hotel na tinutuluyan mo. When I came outside. Sa labas pa lang I saw it is so cheap." ngumuso, ang pasaway.
“And nang makapasok na ako. I saw it was too small. Para ka lang nasa isang maliit na rental studio apartment na may maliit na kwarto. Am I supposed to be right?" dagdag niya sa kayabangan n'yang pahayag.
“So, nagpunta ka lang pala dito to inspect?" diretso ang pagkakatayo ko habang tinanong siya.
Inis talaga!
Sino ba ang mayaman sa amin?
Syempre, siya yung mukhang may pera.
Ako na walang pera.
Ninakawan pa kangina.
Tapos, punahin pa itong hotel na tinutuluyan ko?
Gosh!
May kayabangan din pala.
Gosh!
Yayamanin.
Siya!
Hindi ako.
“I am sorry."
“Sorry mo mukha mo." poker face.
Batukan ko kaya siya?
'Pa sorry sorry pa ito.
Kung punahin naman ang lugar ko. Kaloka. I can't imagine na ganito palang tao ang siyang sasamahan ko for one month.
Ganito pala siya manuri ng taong makakasama niya.
THIRTY DAYS IN PARIS!
Isang buwan ko siya sasamahan. Pero pakiramdam ko, parang di ako tatagal.
May pa screening pa talaga siya. Akala niya siguro nagsisinungaling ako sa kanya kangina. Nang sabihin ko na ninakawan ako. And I need to earn a money na kasya sa loob ng dalawang linggo kung… mamama lagi dito.
Kaya nga lang mag extend pa nga ako, dahil sa pakiusap niya. And hindi pa pala ako nakapag sabi sa office. Nalimutan ko din sabihin kay Carla.
“Ti-tinag ka ba, o hindi?" nagulat na naman ako.
Ang hilig niya talaga mang gulat. Inis!
Nawala na naman ang pagkakahanay ko sa mga iniisip ko. Kung bakit ay ginulat na naman niya ako. At ako naman nawala na sa…
Saan nga ba ako kangina?
Saan na ba ako sa iniisip ko?
Ahh, naaalala ko na. I need to call Carla. Para pakisuyo, ipasabi na mag extend ako nang vacation ko. Na hindi ko masusunod ang dalawang linggo na nafile ko na leave. Dahil…
Paano kung tanungin pala ako ni Carla? Dapat ko ba sabihin, i-kwento na may lalaki akong na kilala dito na kailangan ko na samahan for one month as favor sa hinihingi kong pabor sa kanya? Parang ang gulo. Baka magtanong ng magtanong yon at hindi ako tigilan.
Malamang na naman! Baka mag gisa na ako nang bagoong na alamang nito, dahil sa asim ng mukha nitong lalaking nasa harapan ko.