“Nica, tama na! Tama na! Sinabing tama na!" sigaw niya habang natutulog. Na katulog pala si Apple habang katatapos niya lang ang kumain at uminom ng isang can ng beer. Hindi n'ya maiwasan. Pero nang makita niya ang beer. Kumuha agad siya ng isa. Agad din niya iyon tinungga ng walang pag-iingat. Tumapon tuloy ang mga ilang patak sa kanyang katawan. Sa dibdib niya, tumulo. Nabasa din ang suot niya dahil sa pumatak na beer.
Para siyang uhaw sa beer. Nang maubos kumuha pa ulit siya. At ganun din sa mga sumunod ng maubos na niya ang mga nakuha. Nakakita kasi siya ng mga nuts. Mixed nuts na ikina-sarap ng pag-inom niya. May nakita din siyang dried seaweed. Ayy, ang Lola Apple. Siyang siya. Hindi makapaniwala na mayroon ang lalaking yon sa unit nito.
Singhot-singhot pa siya na parang bata kangina nung makaramdam na siya ng pagkahilo at umiikot ang paningin niya. Nagsasayaw-sayaw pa nga siya! Hip-hop dance. Enjoy na enjoy pa sya ng samahan niya ng tugtog mula sa binuksan niyang cellphone.
Kulang na lang mag-tatambling na siya eh! Gayahin ang mga napapanood niya sa TV! Kaya ng mahilo. Umikot ang paningin nito. Bumagsak ang Lola Apple.
Naisip pa naman niya bago siya tuluyan makatulog. Balak niyang sabihin sa lalaki pag-uwi nito ang ginawa niyang pangingialam sa ibang gamit nito. Gaya ng laman ng laman ng refrigerator nito.
Madami din siya nakuha sa mga laman non. Yung refrigerator. Halos kunin at ubusin niya yung chocolate at ang nakita niyang mga chips na cookies. Si Apple! Tulog, nanaginip pa ito.
“Sabi ng tama na!" sigaw-sigaw nito. Umiiyak.
“Nasasaktan na ako, ano ba. Sabi na tama na." pagulong-gulong siya sa sofa. Malaglag na siya. Konti nalang babagsak na siya sa sahig. Pero umiiyak si Apple. Habang nananaginip at nakikiusap sa kung sino man ang nasa panaginip nito.
Wala na magulang si Apple. Pero sino kaya ang taong sinasabi at binabanggit niya sa kanyang panaginip. Sigaw-sigaw niya ang pangalan. Pero, sino kaya ito sa buhay niya?
Wala din siya kapatid. Dahil sa nag-iisa lang naman siya.
Sino nga kaya ito?
Ka-trabaho niya ba?
Sabagay ay marami rin sa mga katrabaho niya ang hindi niya makasundo dahil sa mga ito. Hindi marunong maging masaya sa mga nakukuha ng iba. Sa madaling salita. Mga inggitera.
Napakaliit na lang na distance mahuhulog na siya. ohhhhhhh ayan na nga! Nahulog na siya pero hindi sa sahig. Sa malapad na braso ng lalaki.
Dumating na pala si Thomas at kangina pa sya nakamasid at pinagmasdan si Apple habang natutulog. Napansin niya ang Makalat niyang unit. Nagkalat ang mga pinagkainan, ni Apple. Ang pinag balatan ng candy, ang beer can, ang plastic na lalagyan ng chocolate chip, at iba pang pinag kainan nito isa-isa na pinulot ni Thomas saka inilagay sa trash can. Pailing-iling ang ulo nito subalit wala naman magawa dahil siya din naman ang may kasalanan kung bakit nasa bahay niya ang babae.
“Andyan ka na pala." inat-inat pa ang katawan nito na tinanong niya si Thomas. Nagulat pa siya dahil nasa may paanan niya ito. Namumulot ng mga kalat niya.
Nakita din niya ang hawak nito at ang nakatabi dito na trash can na halos mapuno ang laman mula sa mga kalat niyang pinagkainan. Nahiya tuloy siya. “Kararating mo pa lang ba?" tanong niya ulit.
“Hindi! Kangi-kangina pa. Nakita mo naman. Mapupuno ko na rin itong basurahan sa kakapulot ng mga kalat mo. Ano bang nangyari? Why are you so drunk? bakit nag pakalasing ka ng ganyan?" tanong niya na nagtataka. Nagulat siya, hindi niya rin akalain na iinom ng ganito ang babae sa unit niya.
“Sorry, nadala ako sa alak na nakita ko sa refrigerator mo. Pasensya na pinakialaman ko." hinging paumanhin niya kay Thomas. Buntong napahinga ito dahil sa wala talaga siya magagawa. Iyon din ang naisip niya. Kangina pa habang tulog na kanyang tinitingnan ang babae. Habang tulog ito, sumisigaw habang nananaginip.
Hindi na nga niya ginising ito. Kusa na lang itong nagising. Nagulat pa siya. Dahil hindi naman din niya inaasahan na magigising ito. Napapitlag pa nga siya ng gumalaw ang paa nito ng andun siya namumulot ng basura.
Kangina habang namumulot siya ng basura. He was thinking. Kung ano ang nasa panaginip ni Apple. Nang babaeng pinatuloy niya sa bahay niya. Nang magising ito he wants to asked her. Pero kung bakit tila nahiya siya bigla na magtanong dito.
Nahiya siya na maibuka ang bibig niya at tanungin ito.
Kung ano ba ang nasa panaginip nito.
Kung sino ang taong tinatawag nito.
Kung sino yon. At bakit umiiyak ito habang natutulog at nakikiusap na tigilan na siya ng babaeng tinutukoy at sinasambit sa panaginip.
Hindi siya mapakali. Gusto niya talaga tanungin. Kaya lang, talagang tila umurong maging dila niya kaya ayun. He stopped. Napahinto siya sa ginagawa niya. Tinitingnan nalang si Apple na walang salita pero tulala.