CHAPTER 20

1722 Words
“Kuya, kamusta ka na ulit diyan? Naku ahh! Hindi ka talaga nakakaalala na tumawag sa amin dito. But, don't worry wala ka naman dapat ipag-alala dahil sa lahat ayos naman dito. Hindi namin pinapabayaan itong hotel mo. Malakas ka sa amin eh! But, if you settle down. Mas okay sa amin yon. Mag-asawa ka na. Mag-uwi ka na nang isang Frances diyan ng may maging hipag na kami." mahabang text message na mula sa kanyang isang kapatid na babae. Asual sa makulit niyang bunso na kapatid ito nagmula. Isang makulit na mensahe ang pinadala nito upang kulit-kulitin na naman siya ukol sa pag-aasawa. He can't promise. Pero, bago siya umalis. Kinukulit siya nito na pakasalan ang kapatid ng isa sa mga kaibigan nito. Kaya lang, hindi niya iyon gusto. Kaya wala magawa itong makulit niyang kapatid kundi ang simangot itong tiningnan siya at nagpaalam ng araw na yon. Nainis ito sa kanya. Dahil sa ayaw niya at hindi pagsang-ayon sa suggestion nito. Ayaw pa nga niya. Mapilit lang ang mga kapatid niya. Nasa kwarto niya siya. Nakaupo. Nagmumuni-muni habang nag-iisip. Late na, gabi na rin. Tapos na rin siya kangina magmiryenda matapos ang meeting niya kangina. Mahaba ang naging araw n'ya. Marami ang mga nangyari maliban sa naabutan niya kangina. May isang Frances kasi ang lumapit sa kanya. She's one of the owners of Sophie Hotel. Isa sa malaking hotel sa Paris. Maganda naman. Sexy. Higit sa lahat cute naman ang itsura. But, hindi niya type. Pero hindi rin naman siya type. My boyfriend. Kasama nito ang boyfriend sa event. Sa naging meeting niya with the shareholders ng hotel na pinaglagyan niya ng kanyang pera. Maliban sa isang hotel niya dito sa Paris. Malapit na pala itong magdalawa. Mali. Dahil sa susunod na papasok na taon. May isa pa siyang bubuksan. Kaya siya tumungo ulit ng Paris to check the land area ng hotel kung saan under construction na rin ito at sa susunod na taon. Ang possible na matapos ang itinatayo niyang hotel. Ito na kasi ang ibinigay na due date sa kanya ng mga contructor na kausap niya. Ang mga gumagawa sa building ng kanyang hotel. At ang mga engineer na kausap niya na siyang namamahala sa buong construction. Maliban sa mga hotel na pag-aari niya. May ilang ibang hotel din siya na hawak na siyang nag-alok at mayroon din siya na nabili mula sa mga nagbebenta sa kanya ng mga stock or shares sa mga hotel na pagmamay-ari ng mga ilang kilala niya. Lahat naman ng nagbebenta rin sa kanya ay pawang mga mayayaman at kilalang negosyante sa Paris. Maliban don. Sa mga hotel na yon. Sa mga shares na pagmamay-ari niya na. Meron din siya na malaking pera na inilabas to invest upang mas lumago pa ang perang hawak n'ya. Masyadong matalino at tuso din siya pagdating sa mga pera niya. Ayaw niya basta maglabas ng wala itong kahihinatnan. Sa madaling salita. Ayaw niya ng waldas lang ng waldas ng walang babalik sa perang inilabas niya. O, di kaya naman sa mga funds niya na ingat na ingat siyang mabawasan. He was totally prepared for his future. Especially to him and to his siblings' future. Nireready niya lang lahat para naman if dumating ang time they are both ready to handle itself. Ready to settle down with each of his siblings. Kasama na siya don. Isinasama na niya ang sarili incase na natutunan niya ulit ang magmahal, or if may babaeng darating sa buhay niya na mamahalin niya at hindi na rin siya lolokohin tulad ng nauna. Lahat yon. Pinaghahandaan niya. Gusto niya. Perfect lahat para sa kanyang mga kapatid. Lalo na dumaan din sila sa hirap non. Kaya, pinagsisikapan niya talaga lahat. Wag lang matapon at masayang lahat. Lalo na malaki ang paniniwala niya ang pera nauubos. Madaling maubos kung pabaya at hindi marunong ang naghahawak. So, he trained each of his siblings. Kung paano maging mahigpit pagdating sa pera. Pero, waldas din minsan. Yung bunso nila. Kaya talagang pinag-iisipan niya muna lahat. Lalo na may pasaway siyang kapatid tulad ng tumatawag na sa kanya ngayon. Nagring na ang phone niya. Tumatawag na ang kapatid niyang nagpadala ng message sa kanya. “Why? It is too late. Bakit tumatawag ka pa?" Engineer ang bunso nila. May dalawa siya na kapatid na 'kasunod sa kanya. Ang isa naman. Doctor. Napaka suplado. Pero mabait naman. Yung isang kasama niya sa pagpapatakbo ng hotel. Chickboy. Gwapo. Pero, matino rin naman ito tulad niya. Si Amanda. Hindi niya malaman don. Naguguluhan siya minsan sa babaeng yon. Sa kapatid niyang yon. Minsan hindi talaga niya mabasa-basa ang nasa isipan nito. Minsan naisip niya baka gulatin nalang sila ng isang yon. Wala naman boyfriend. Pero, tahimik lang ito. Unlike itong bunso nila na madalas kulit-kulitin siya. “Kuya, namiss lang kita." sagot nito. “Kamusta dyan sa bahay? Ayos lang ba kayo lahat?" tanong niya, yung kamay niya, nilaro-laro sa silya. Habang kanyang dahan-dahan niya na pinapalo ang hawakan non. Naiinip siya. Parang gusto niya lumabas. Pakiramdam niya ang init. Kahit nakabukas naman ang aircon sa kwarto. Gusto niya maglakad-lakad. Pero, gabi na. Naisip niya bukas nalang after his meeting pa rin with his investor. May mga investor din siya sa ginawa niyang hotel. At sa hotel na bubuksan. Hindi naman niya magagawa lahat yon nang walang mga tao na tumutulong sa kanya. Mga kaibigan din at kakilala. “Kumain ka na ba?" “Iyan lang ba ang itatanong mo. Kaya ka tumawag?" “Hindi naman. Namiss lang talaga kita. Sila Kuya kasi. Inaasar nila ako. Wala akong kakampi." nagsusumbong na wikang parang bata na naghahanap ng kakampi sa kanya. “Inaaway nila ako. Mali, tinutukso nila ako don. Sa manager mo sa hotel. Gwapo ba yon?" napabuga siya, natawa. May tumulo pa na luha sa kanyang mata ng matawa siya. Pinunasan niya ng daliri. Mabilis niyang inalis. Para na tuloy naman siya nakaramdam ng pagod. Sobrang nakakapagod naman talaga ang maghapon niyang nakaupo. Nakikinig sa speaker. At after noon. Lumipat naman siya ng area to meet his some of his colleagues. Yun nga yung kanina na iniisip niya. Mga katulad niya na negosyante sa Paris. Kaya rin niya nameet yung Frances na babae na siyang nag-alok sa kanya ng isang deal. I-meet pa pala niya ito ulit. But, inis-schedule niya sa araw kung saan bago siya bumalik ng Manila. And that girl. Gusto niya rin ang mag-invest sa mga hotel nya sa Manila. Maliban sa may inalok ito kapalit ng investment nito na ibibigay sa kanya sa pagbalik niya ng Manila. Pero, pinag-iisipan pa niya. Kaya nga niya inilagay ito sa araw kung saan bago ang flight niya pabalik ng Manila. “Kuya, sige na. Baka nakakaistorbo ako sayo. May gagawin pa pala ako. Bye, muna. Tatawag ulit ako sayo. But, for now. Bye muna. Ingat ka. And don't worry okay naman kami dito. Alam ko naman worried ka rin ng iwan mo kami dito. Goodbye." naputol na ang tawag nito. Napabuga siya. Dahil sa totoo ang nabanggit nito bago maputol ang tawag. He was always worried. Sa mga kapatid niya. Sumandal siya sa silya. Habang nakaupo sa tapat ng laptop niya. Nakabukas yon. Habang pinag-aaralan din ang mga report na ibinigay sa kanya ng kanyang kapatid na si Arthur. Paikot-ikot ang silya niya habang pinag-iisipan ang nasa report. Maging paa niya hindi mapakali. Kunot ang noo. Ang bolpen nilalaro sa kanyang daliri. His mouth and lips pointed in a mixed way. Side by side. Because of mixed emotions dahil sa dami ng gulo sa utak niya. Habang busy sa pag-iisip. May katok na narinig siya. “Pasok!" sambit niya, wika. Alam naman na niya kung sino. Dalawa lang naman sila sa unit nya na tumutuloy. “Dinner na! Gusto mong kumain? Nagluto ako, gusto ko sana umorder nalang. Wala na akong cash." sabi pa nito habang nakasilip sa pinto. Kunot ang noo na umikot siya upang makita ito. Masulyapan. “So, anong ibig mong sabihin? You need money to buy for the food?" Tumango ang babae. Napaisip siya. “Oo sana, wala naman kasi laman yung refrigerator mo kundi mga snack. And ready to eat na mga pagkain. Walang kwenta pag yon at yon lang kakainin mo sa maghapon. Sa loob ng isang buwan." nagda-dahilan pang wika habang nagpapaliwanag. “Kasalanan pala ng laman ng refrigerator? Kaya't marami kang reklamo?" “Hindi naman. Gusto ko lang i-pagluto ka. Or, magluto ng pagkain natin. But, wala talaga ako maluto. Kundi noodles." tapat niyang wika. Hindi na siya nagsinungaling. Noodles lang talaga ang naluto niya. Dahil yon lang ang maluluto sa dami ng laman ng refrigirator. Maliban sa mga alak at iba pang mga ready to eat. Wala itong mga vegetables or fresh meat at ibang pwede talaga maluto niya. Kaya nga kahit noodles. Niluto na niya to make their dinner. Gutom na rin siya matapos ang malamnan ang kanyang tiyan ng alak at yung kinuha niyang dried seaweed. Maliban sa sandwich na kinain niya. Wala na ibang nailaman sa tiyan niya na mabigat upang tumagal sa loob ng kanyang katawan. Puro magaan ang kinain nya at liquid. Although may kinain siyang sandwich. Pero anong oras pa yon. Tubig at alak na pinaghalo-halo sa tiyan niya. Ang huli na nailaman niya sa kanyang katawan. Kangina. Naisip niya na tatagal na yon sa tiyan niya. Tutal sanay naman siya malipasan ng gutom. At sanay din siya na tubig lang ang iniinom upang tumagal sa buong araw na pagtatrabaho. Mga panahon pa yon nung nag-aaral at trabaho pinagsasabay niya. Makaipon lang ng pandagdag sa pera niya. Ayaw niya talaga ang nawawalan o nauubusan siya ng budget sa araw-araw. Kaya kahit mahirap. Nagtatrabaho siya habang pumapasok sa eskwela. Syempre! Mahirap. Pero tinitiis niya lahat. She endure all the years na pumapasok siya sa school tapos papasok naman siya sa part-time job niya. Nangangalay na siya sa pagkakatayo niya. Nakahawak siya sa pinto. Sa magkabilang side. Habang tinitiis ang magulo niyang nagugutom na tiyan. Gutom na talaga iyon. Kangina pa gusto kumain. Pero hinihintay niya na bumaba itong lalaking nagkululong sa kwarto. Napalunok siya. Napasinghap. “Gutom na talaga ako!" bulong niya. Nakatayo pa rin. Hindi sinasadya na mabahing siya. “Jusko! Nakakahiya!" nabulong muli niya nang mapansin niya na tumingin ulit ito. Matapos na tumalikod na tila may kukunin at tumayo sa silya at lumakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD