“Wow! Ang ganda talaga." Napapangiti ako sa ganda ng aking nakikita. “Sa wakas naririto na rin ako." Muli ay naiusal ko habang inililibot ang mga mata ko sa ganda pa lang na naaabot nito sobrang nasisiyahan ako.
Dream come true na nga talaga! tuwang-tuwa ako at nagsasalita mag-isa habang naglilibot.
“Hi!"
Napalingon ako. Isang guy na nakatayo ngayon sa aking harapan. “Pinay ka?" Tumango ako. Obvious naman sa itsura ko pa lang mahahalata na pinay ako. Kung siya nga halata ko agad na pinoy. Nagtatagalog eh! Edi pinoy nga siya.
“Siguro bakasyonista ka rin dito at sa itsura mo pa lang mukhang kararating mo pa lang. Hindi ka pa nakakalibot ano?" Tumango ako. “Hindi ka ba nakakapagsalita?" Itinanong nito.
“Marunong naman." Sagot ko. Tumawa ito.
“Yon naman pala. So, gusto mo bang sumama?" Tanong muli nito. “Maglilibot-libot ako baka gusto mong sumabay." Nakangiti ito at nag-aantay ng isasagot ko.
Mukha naman siyang mabait pero may kaba pa rin ako. Nag-isip muna ako pero nagsalita ito. “Natatakot ka bang sumabay? Don't worry wala naman akong gagawin sayo." Tumawa pa siya.
Tinawanan ako ng dahil sa itsura kong nag-iisip habang siya nag-iintay sa aking isasagot. “Sorry, sige kung okay ang sayo makikisabay na ako."
Akin ng naisagot sa kanya habang ito lumiwanag ang kanyang pagkakangiti. “Okay! Halika na umalis na tayo at mag-umpisa ng mag-ikot." Masigla na wika ng inakay pa ako.
Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong akbayan habang kami naglalakad mula sa mga eskinita na kanyang binabaklas at hila ako. “Ilang weeks ka rito?" Tanong nito habang naglalakad.
“Two weeks. Ikaw?" Ako naman ang siyang nagtanong. Okay naman siyang kausap at sumagot.
“Actually lagpas na nga ako sa pamamalagi ko rito. Masyado maganda ang Paris at nais kong libutin mabuti. Saka nakahanap ako ng mapapasukan na trabaho rito kaya hindi rin ako nakaalis. Dito muna siguro ako para makaipon. Mahirap sa Pinas kung wala kang stable na trabaho. Dito, natutunan ko rito na hindi porke kababayan mo rito iisnabin mo. Rito ang mga pinoy nagtutulungan at nagdadamayan, base sa mga nakikita at nakilala ko." mahabang paliwanag nito at seryoso.
“Teka, bibili ako ng maiinom at makakain. Palagay ko ikaw rin nakararamdam na rin ng gutom sa haba ng nilakad nating dalawa." Sabi pa niya. Ngumiti habang ako tumango at nginitian rin ito. “Maiwan muna kita. Bibili lang ako ruon banda." Pamamaalam nito at tuluyan na siyang nawala sa aking mata.
Maganda talaga rito at natutuwa ako at meron akong nakasama sa paglilibot. Pero, teka! Bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik mula sa pagbili ng maiinom at makakain? Twenty minutes na ang lumipas at until now ay wala pang Ace ang bumabalik.
Kinabahan na ako. Inilibot ang aking mga mata at baka isa na siya sa mga taong dumadaan. Pero, wala pa rin siya. Hindi ko siya matanawan sa mga taong naglalakad at ilan ay tumatakbo nagmamadali na siguro.
Napabuntong hininga ako. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib ko. Nang maisip kong hanapin ang cellphone ko. Yung wallet ko? kinabahan na akong naibulong at nag-isip kung paano nawala sa bag ko.
Nawawala kasama lahat ng cards at ID ko. Maging ang lahat ng pera ko nawawala ng dahil nanduon lahat sa wallet ko iniipit kangina. Hindi kaya si Ace? Sanabi ko at naisip ng maalala ko ang hindi na nito pagbalik.
Tuluyan ng nangilid ang mga luha ko at sabay-sabay na bumagsak. Yung wallet ko, papaano na gagawin ko ngayon?
“Miss, okay ka lang?" isang boses na naman ang naririnig ko na nagtatanong.
Mas kinabahan na ako ngayon na baka tulad ni Ace ay isang mandarambong. Hindi ko sukat akalain sa lugar na gaya nito ay para lang din sa Pinas na maraming mapang-abuso.
“Miss, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Nag-aalala ba siya? Sino ba siya? Namumublema na nga ako kung paano ang gagawin ko ngayon na wala yung wallet ko. Pati lahat ng ipon ko natangay ng walang pusong Ace na yon.
“Miss!"
Hindi pa rin siya umaalis? Napabuga ako ng hininga at iniangat ang aking mukha. “Okay lang ako." Sagot ko. Nagulat.
Lalake na naman? Pero, sa pandinig ko kala ko babae. Baka malabo na pandinig ko or hindi ko lang din narinig mabuti ng dahil sa pag-iyak ko rito sa harap niya. Nakakahiya!
“Bakit ka umiiyak? Tiningnan ka na ng iba." Sabi pa nito sa akin habang inilinga ang mata sa paligid.
“Nanakawan kasi ako, kinuha wallet ko at naruon lahat ng pera ko na naipon para sa bakasyon ko rito. Hindi ko akalain na magnanakaw pala yung lalakeng lumapit sa akin kangina. Inisip ko, Pinoy, kababayan tiyak na may mabuting hangarin sa paglapit sa akin. Hindi pala! Kabaligtaran pala ang naisip ko at nabasa sa kanya. Magnanakaw pala ang hudas at dinugas ang lahat ng pera ko." Napahigit ako at saka naibuga ang hinugot kong malalim na hininga.
“Bakit naman kasi nagtiwala ka? Sa kahit saan lugar, bibihira at nabibilang lang ang may mabuti na puso na tutulong sa kapwa niya lalo at kababayan nito. Maybe next time. Uriin mo muna bago ka magtiwala. Dahil baka sa susunod mas malala pa ang mangyari sayo."
Sinermunan pa ako! Talaga naman. Nanakawan na, nasermunan naman ngayon. “Salamat sa pagpapaalaala." Sinagot ko sa kanya.
“Walang anuman. Heto, konting halaga pero kahit papaano siguro makakatulong sayo." Sabi nito ng iabot ang dalawang daang euro.
“Hindi, salamat. Hindi naman ako nanlilimos." Sagot ko ng maisip n daig ko pang nanghihingi ng tulong at nanlilimos sa itsura ko, kung kukunin ko ang ibinibigay nito.
“Ano ka ba? Hindi limos ang tawag rito. Tulong!" Nakangiti siya.
“Parang ganoon rin iyon." Sagot ko. Tapos napaisip ako.
Habang nag-iisip ako. Hindi ko rin alam kung tama ba ang pumasok sa utak ko. Kailangan ko ngayon ng pera. Kung tatanggapin ko ang sinasabi niyang tulong na iniaabot niya. Kulang pa yon sa dalawang linggo na pamamalagi ko rito. Hindi kakasya yon para sa mga panggastos ko sa araw-araw ko na mananatili rito sa Paris.
Nag-iisip pa muli ako. Ito nalang ba talaga pinakamagandang maiisip ko at paraan para masolusyunan ang aking problema?
“Sir!" sabi ko. “Mali, Kuya pala." Muli ay aniya kong sinabi ng matapos siya sa kanyang ginawa at humarap muli sa akin ito.
“Bakit?" Tanong nito, habang ako kabang-kaba sa naiisip kong paraan para lang malagpasan ang problema na kinahaharap ko ngayon.
“Kuya, tatanggapin ko yung tulong na binibigay mo. Pero sa isang kundisyon." kabado kong naiusal sa harap nito.
Kinakabahan ako na sabihin at umpisahan ang naisip kong favor na hihingiin sa kanya. Kailangan kong makakuha ng sapat na pera para may panggastos ako sa pamamalagi ko rito. Muli ay Napabuntong hininga ako. Nang mapansin ko ang pagkabakas ng pagkabigla sa kanyang mukha. Lalo ng sinabi ko na ang aking pabor na nais kong hingin sa kanya.
Sobrang lakas ng aking kaba at takot maging sa pagkapahiya na baka hindi nito tanggapin ang hinihingi kong pabor.
Oo, kababae kong tao, hindi tama na nakipagnegosasyon ako sa paraan na naisip ko lalo at hindi ko siya kilala. Pero yun nalang ang paraan ko para hindi ako magmukhang namamalimos ng tulong rito sa hinihingi kong pera sa kanya.
Bahala na! Naiiwas ko yung tingin ko rito at nakagat ang pang-ibabang labi ko.