CHAPTER 3

1370 Words
THOMAS POV'S Kasalukuyang naglalakad ako sa kahabaan ng eskinita habang naglilibot ako may napansin akong isang babae na nakayuko at sa tingin ko ay umiiyak. Nilapitan ko agad ito at inusisa. Hindi ko alam pero sa paglapit ko tila ba hinihila ako ng aking mga paa na lapitan ito at tanungin. “Miss, okay ka lang?" Tanong ko pero hindi siya sumasagot. Muli ko siyang tinanong at sa huli sumagot rin ito. Ikinukwento niyang nanakawan siya ng isang pinoy na lalake na nakilala niya kangina at inalok siyang sumabay sa paglilibot. Kahit talaga saan, marami pa ring mga masasamang pinoy na abusado at mahilig manlamang sa kapwa nila. Sa awa ko dumukot ako ng dalawang daang euro at iniabot rito. Subalit tumanggi ito. Hindi raw siya nanlilimos. Habang nag-iisip siya may kinausap lang ako at sa pagtatapos ng pakikipag-usap ko ay bigla naman tinawag ako ng babae at napalingon ako muli rito. “Bakit?" Tanong ko at nabakas kong kinakabahan ito. “May pabor sana ako." muli ay naiusal sa kaba at nangingibabaw ang panginginig ng kanyang mga panga. Kinakabahan siguro siya. Kaya sinabi ko rito. “Ano ba yon? Sige sabihin mo kung anong klaseng favor." Nagdire-diretso siya sa kanyang pagsasalita at sa huli duon ako nabigla. “What?" naiusal ko ng may pagkabigla. “Sorry, nabigla ka siguro. Pero kasi sa totoo lang wala na akong maisip na ibang paraan para makakuha ng pera na ipapalit ko sa nanakaw sa akin ng hudas na nakilala ko kangina. Ayoko talaga tanggapin ng walang kapalit yung pera na ibinibigay mo. Kung tatanggapin ko naman. Naisip ko na kulang pa yan para sa dalawang linggo ko rito. Wala na akong ibang maisip kundi iyon." Napabuntong hininga ito at saglit na tumigil sa kanyang pagsasalita. “Kailangan ko ng sapat na halaga para matustusan ang pamamalagi ko rito. So, kung papayag ka. Limang libo kapalit ng sarili ko." Naghahalo ang emosyon sa mukha nito at nababakas kong mabigat rin sa kalooban nito ang desisyon na napili nito. Pero, wala pa nga akong karanasan about sa nais nitong gawin. Gusto ko pagtawanan ang sarili ko na para bang sampal sa pagkatao ko ang kanyang inilalatag na kondisyon. “Tatlong libo kung natataasan ka sa hinihingi kong halaga." Muli ay sinabi niya ng hindi ako nasagot sa unang iniusal niyang proposal. “Sige na, pumayag ka na. Wala nalang talaga ako maisip na paraan kundi ang ibenta ang sarili ko. Don't worry after nito. Hindi naman kita guguluhin. Malagpasan ko lang itong kinahaharap kong problema kesa magnakaw ako." Napaisip ako muli sa sinabi niya. Sa ilang girlfriend ko ni minsan wala pang umabot sa punto na may nangyari sa amin ng mga nakakasama ko. Kahit, maging mga ilang babae na lumalapit ng pilit sa akin. Iniiwasan ko, kaya nga madalas napapagkakamalan na akong bakla ng dahil sa madalas kong pag-iwas sa usapang s*x na yon. Ano ba itong napasok ko. Kung bakit nilapitan ko pa ito. naibulong ko habang nag-iintay ito ng sagot. Paano ba ang gagawin ko? muli ay nag-isip ako. “Okay!" Sabi ko. Magulo at hindi pa masyado nagiging malinaw sa utak ko ang papasukin kong ito. Nag-angat ito ng kanyang mukha habang nag-iisip muli ako. Alam ko na abuso kung sa bagay na yon na ibinibigay niyang kapalit sa pera na ibibigay ko sa kanya. Hindi ata tama kung kakagatin ko ang pagkakataon na siyang inilatag na nito. “Sige, payag ako pero ako ang gagawa ng kondisyon mula sa pagitan nating dalawa." nagulat rin yung babaeng kaharap ko sa aking sinabi. “Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?" tanong nito. “Sa loob ng isang buwan sasamahan mo ako rito sa pamamalagi ko at paglilibot rito sa Paris. Habang naririto ka sasagutin ko lahat ng gatos mo. Wala kang kahit anong poproblemahin maliban sa lagi kang nakasunod sa tuwing maiisip kong maglibot." “Pero, dalawang linggo lang ako rito? Papaano yon?" may pag-aalala na naitanong nito. “Di ba, sinabi ko na ako na bahala sa gastos mo hanggang naririto ka. Wala kang iisipin dahil ako na ang aasikaso sa lahat." Sinabi ko muli rito. “Pag-isipan mo." Anito ko. Habang nag-iisip siya, muli'y may kinausap ako. Habang nag-aantay sa kanyang sagot minabuti kong bigyan siya ng konting oras at lumakad muna papunta sa isang booth upang bumili ng makakain at maiinom. *************** APPLE'S POV'S “Sa loob ng isang buwan sasamahan mo ako rito sa pamamalagi ko at paglilibot rito sa Paris. Habang naririto ka sasagutin ko lahat ng gatos mo. Wala kang kahit anong poproblemahin maliban sa lagi kang nakasunod sa tuwing maiisip kong maglibot." Hindi mawala sa isip ko ang ipinalit niyang kundisyon sa inilahad ko kapalit ng perang gagastusin ko sa pamamalagi rito. Pero sa isang banda, mas maganda ang kundisyon na sinabi niya. Pero ang inaalala ko lang. Dalawang linggo lang ang kabuuang bakasyon ko na meroon ako dahil sa two way tickets na hawak ko na napanalunan ko sa company party. Paano naman gagawin ko? Pero sinabi niyang siya na bahala sa lahat. Nang bigla pumasok sa isip ko at maalala ang huling binigkas niya. Pero may isa pa akong problema. Yung pinapasukan kong trabaho hanggang dalawang linggo lang ang siyang pinasa kong leave ruon. Malaking problema talaga itong napasok ko. “Ano tapos ka ng mag-isip?" nagulat ako at nakabalik na pala ito at nakita ang pagkakagulo ng utak ko. Masisiraan na yata ako sa laki ng problema na dinulot ng pagkagusto kong makarating rito sa Paris. “Ano na desisyon mo?" Tanong pa muli at iniabot sa aking ang isang inumin. Pineapple Juice? Napa napangiwi yung mukha ko ng makita at maamoy ang iniabot nito. “Bakit? Ayaw mo?" “Hindi sa ayaw. Hindi lang ako umiinom ng pineapple juice." Sagot ko at natawa ito. “Sorry hindi ko alam." Sabi ng may pagkadismaya. “Gusto mo palit nalang tayo. Kaya lang nainuman ko na ito." Alok at sinabi ng iabot yung hawak niyang orange juice. “Okay lang hindi naman ako maarte." Sabi ko at kinuha yung iniabot niya at ipinalit ko yung hawak kong Juice. Tapos iniabot niya sa'kin yung sang croissant. “Sorry iyan lang nabili ko ruon. Kumain nalang tayo mamaya sa madadaanan nating dalawa." Sabi pa muli nito. Kahit hindi pa ako napapayag sa alok nitong samahan ko siya. Masarap yung binili niyang croissant malamblot at may katamtamang tamis ang lasa. Meron na rin ito sa pinas pero iba pa rin ang lasa ng pagkakagawa nito rito. “Masarap ba?" tanong nito. Tumango ako at bahagyang napangiti. “Oo, masarap. Iba yung lasa niya sa nakain ko sa pinas. Mahilig rin ako sa croissant pero hindi ganito kalambot at kasarap. Itong nabili mo ang sarap." Nakakangiti na ako at nang matikman yung croissant na kanyang ibinigay parang nalimot ko na ang mga alalahanin ko sa pagdating ko rito sa Paris. “Isa kasi yan sa mga kilala at produkto na maipagmamalaki rito sa Paris France. Kung di mo matitikman yan rito parang baliwala ang pagpunta mo rito. Marami pa sa mga sikat na pagkain rito at kilalang pagkain sa Paris ang di ko pa gaano natitikman. Kahit sa mga lugar hindi ko pa nalilibot lahat." Kwento niya habang nakatingala sa langit. “Nakarating ka na pala rito nuon?" naitanong ko at tumango siya. “Oo, pero hindi masyado kasi matagal ang pinamalagi ko rito. Araw lang siguro tapos bumabalik rin ako agad sa pinas." Wow, nagulat ako ruon sa kanyang sinabi. “Buti ka pa. Ako, ngayon lang at itong Paris ang siyang isa sa mga pangarap kong mapuntahan. Pero, kamalasan pala ang dala ng pangarap ko na yon." Sabi rin sa kanya habang tumingala rin sa langit. Napatingin pala siya sa mukha ko ng masabi ko yon. Nang mapabaling rin ako rito nagtama ang aming mga mata. “Sige, pumapayag na ako na samahan ka. Pero sa isang kundisyon. Basta ikaw ang bahala sa lahat ng gastos ko rito habang naririto ako." Sabi ko at napangiti ito. Muli siyang tumingin sa langit at ganon rin ako habang sinabi niya na siya na bahala sa lahat. Basta samahan ko lang siya habang naririto. Tumango nalang ako sa kanya ng mapalingon siya muli at tingnan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD