CHAPTER 1

1376 Words
Katatapos lang ng sahuran, itatabi ko ang iba para sa dream kong makapaglibot sa iba’t-ibang parte ng mundo. Nakapamili naman na ako ng ilang mga kailangan ko at stocks na makakain sa ilang araw at natitiyak kong sapat na lahat para sa kabuuan bago muli dumating ang susunod na sahuran. Ako pala si Apple Grace Marcial. Isang ulila ng lubos ng dahil sa aksidente namatay ang aking mga magulang. Nasunog sila sa isang warehouse kung saan sila kapwa namamasukan. Masakit nga at kapwa pa silang sabay namaalam. Naiwan ako mag-isa ng walang gabay at suporta nila Mama at Papa. Tanging mga naiwan lang nila na pera galing sa insurance, burial sa sss at mga ilan pang pera na bigay-bigay ng kumpanya at katrabaho sa pinapasukan nila ang naiwan sa akin na ginamit ko para masuportahan ang sarili ko sa maagang pagkawala nila Mama at Papa. Awa naman ni God, nairaos at naitaguyod ko ng maayos ang aking sarili sa tulong ng mga pera ng aking magulang. Nakapagtapos ako ng aking pag-aaral sa kursong may kinalaman sa Hotel and Restaurants. Kaya, ngayon nagtatrabaho ako sa isa sa pinakamalaking hotel. Gwapo nga yung may-ari, mayaman, matangkad pero mailap. Minsan nakakausap ko, kasi isa ako sa ilang manager rito sa kanyang hotel. “Good morning, Sir.” “Good morning! Bakit tila kay lalim na naman ng iniisip mo Miss Apple?” anito ni Sir Arthur. Pangalawa siya sa limang magkakapatid na Heussaff. “Hindi naman Sir, medyo slightly lang naman. Maaga po ata kayo ngayon?” naitanong ko. Kasi sa ganitong oras madalas hindi pa siya pumapasok. Or madalas nasa isang business meeting or nasa kabilang hotel sa kanyang Kuya Thomas. Si Thomas Heussaff ang siyang pinakamayaman sa kanila. Ilang naglalakihang hotel ang pagmamay-ari nito at siya rin ang tumulong sa kanyang mga kapatid para magkaroon ng mga sariling negosyo. Gaya nitong hotel na pinagtatrabahuhan ko, bigay ito ni Sir Thomas kay Sir Arthur. Pero sa totoo lang, hindi ko pa siya nakita kahit minsan. Kasi sa sobrang dami ng negosyo nun. Hindi pa yun naparito kahit minsan sa isang haba ng pagtatrabaho ko rito. “Mamaya kasi may meeting ako. Kaya kinailangan kong pumasok ng maaga.” Sagot niya sa itinanong ko. “Ganon po ba, kaya pala nakapapanibago at maaga kayo ngayon pumasok. Good luck, Sir. Laban!” Pabiro ay sinabi ko sa boss ko. “Ikaw, kahit kelan nadadaan mo sa biro kahit anong klaseng awra ang meron ang araw mo. Hindi nawawala sa mukha mo ang masayahin at laging nakangiti. Kahit, minsan nilalamon ka na ng problema, nakukuha mo pa ring tumawa.” Anito nitong nginitian ako. Tinapik pa ako sa balikat at saka nagpaalam. Medyo close, pero hindi ko masasabing close kami. Mahirap na maraming tsismosa ang nagkalat sa paligid at maaaring manuwag oras na makarating na binati ako ni Sir Arthur. Mga inggitera kasi sila! “Dapat po kasi, happy lang. Tingnan niyo po, mas masaya araw niyo oras na nakangiti kayo, ang gaan rin sa pakiramdam. Higit sa lahat… Ang pogi niyo!” Pabiro na aking ibinulong yung last word na sinabi ko. “Sige na Sir, balik na ako sa trabaho at kumakalat na mga tsismosa. Mahirap na, maissue ka pa sa akin. Sige ka!” Pabiro kong muli sinabi sa kanya. Umalis na rin si Sir Arthur sa wakas. Bukas party ng kumpanya. Nakakakaba at may paraffle si Sir, para sa mananalo. Free two way tickets papuntang Paris. OMG! Sana ako mabunot. Dasal ko sabay naibulong. ************* “Gaga, anong swerte ba ang bitbit mo at ikaw ang nakabingwit ng first prize? Two way tickets sa Paris yon.” Tuwang-tuwa na aniya ni Carla. Maging ako hindi makapaniwalang ako ang siyang mabunot at nakakuha ng tickets na yon. Grabe, destiny ba matatawag ito? “Baliw, destiny ka diyan?” narinig niya pala yung inusal ko. “Sabihin mo, wala ka lang pang Paris. Kaya’t si Company na gumawa ng paraan para matupad yung ambisyon mong makarating ruon. Basta, huwag kang makalimot ahh. Pasalubong, yon lang masaya na ako para na rin akong nakarating duon. Kasama mo.” Nakangiti at niyakap ako habang sinabi muli. “Nag-aalala ka na naman na sa mga tsismosa mong kaibigan.” Pabiro nitong inusal. Nakatingin si Carla mula sa groupo na magkakaibigan na madalas na pumuna at hinahanapan ako ng butas upang matanggal rito sa hotel “Huwag mo nalang silang pansinin okay.” Muli ay nakangiti na sinabi ni Carla. Makaraan ang ilang araw. Araw ng linggo, papaalis na ako patungo sa Paris. Super very excited ako dahil matutupad na ang isa sa mga ambition ko. Paris is my dream place. Ngayon mapupuntahan ko na rin sa wakas, habang bitbit ko lahat ng bagahe ko. Tinutulay ko ngayon ang daan papuntang counter para makapag check in. This is it! Heto na tagalag ito. Papasakay na ako sa eroplano. My Gosh! Totoo na talaga ito, naririto na ako at nakasakay sa eroplano papalipad ng Paris. Sambit ko na bulong habang kumukuha ng pictures. ************** “Kuya, ilan linggo ka ba mawawala?” “Apat” sagot ko. “What?” “Apat? Isang buwan iyon ah?” Sabay-sabay nilang usal na patanong. Nagulat pa sila, ngayon nga lang ako aalis ng medyo matagal. Parang sa itsura ng mga ito, mapupurnada pa. ”Kuya, bakit ang tagal?” Ang bunso sa apat kong kapatid sinabi niya. “Kuya, masyado atang matagal yung bakasyon mo ruon. Hindi ba dapat mga one week or two weeks ayos na? Bakit antagal naman?” muli ay kanyang nakasimangot na tanong. “Sa itsura mo, para naman hindi ako babalik rito. Negosyo ang ipupunta ko ruon. Hindi magbabakasyon.! Isinagot ko. “Alam namin Kuya, pero grabe sa tagal mong mawawala.” Si Clarrise, umarte na para bang asawa ko. “Hoy, Clarisse. Asawa ko ba kayo ni Amanda? Kung umarte kayo, daig pang asawa ko.” Sabi ko sa dalawang nakababatang kapatid namin. “Kuya, parang di ka pa nasanay diyan sa dalawa. Kaya nga sa akin walang nalapit na babae, dahil sa dalawa na yan. Mukhang tatanda na tayo sa kababantay ni Clarrise at Amanda.” Anito na nakatawa na sambit ni Arthur habang nakaakbay sa dalawang kapatid naming babae. “Nagsalita si Kuya Arthur, sabihin mo nalang kasi. Ikaw yung imiiwas, hindi ikaw ang iniiwasan. At isisi pa sa amin ni Amanda. Nagpapatawa ka talaga.” Sagot ni Clarisse na nakataas ang kilay na nilingon si Arthur na nakaakbay sa kanya. “Ako ba umiiwas at hindi sila?” Sabay tumawa sa sinagot niya. “Oo, Kuya. Allergy ka di ba? Sa’min lang ata ni Amanda, hindi ka naaallergies sa tuwing didikit ka.” Sagot muli nito. Nakatingin lang ako sa kanila na panay pagtatalo kung sino ang mas may katwiran sa mga pinagsasabi nila. Si Edward na tahimik biglang nagreact sa pag-iinarte nila Clarisse at Amanda. “Basta, ako subukan lang ninyo.” Pabiro na wika ni Edward ng biglang sumabat. ”Kaya naman pala, iniwanan ka ni Sophia ng makitang sweet ka dian sa dalawa.” Tudyo ni Arthur sa sumunod sa kanya ng balingan ito. Si Edward, nagulat sa isiniwalat ni Arthur. “Hindi mo alam? Kasi sa akin nagsabi si Sophia. Nakita ka raw na may kasamang dalawang babae at sweet na sweet sayo.” Panunukso pa rin ni Arthur. “Tumigil na nga kayo at malate na ako sa flight ko. Saka niyo na ipagpatuloy yan oras makaalis na ako. Bahala na kayo sa negosyo ko rito. Kundi, babawiin ko lahat ng ibinigay ko sa inyo.” Pananakot ko sa kanilang apat ng magpaalam na rin ako. “Kuya talaga, may pananakot pa mamamaalam nalang. Bahala na diyan si Kuya Arthur.” Panunuro ni Amanda. “Bakit si Kuya Arthur mo lang? Anong gagawin niyong tatlo?” “Bakit ako nadamay Kuya? Tutulong ako kay Kuya Arthur promise.” Si Edward sagot nito. Habang yung dalawang babae na bunso namin nagsisitawa lang habang akin pa silang sinermunan. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanilang apat at pumasok na sa airport para magcheck-in. Binilinan ko lang silang apat ng hindi makalimutan lahat ng responsibility na iiwanan ko sa kanila. Alam ko naman na hindi nila pababayaan lahat ng maiiwan ko habang ako ay wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD