CHAPTER 9

1822 Words
Itong lalaking to. Sigawan ba naman ako. Sininghalan ko nga, inis ako. Hindi porke siya ang tumulong at tutulong sa akin. For my whole stay here in Paris. He's not allowed to shout at me. Kainis na siya. I took a deep breath and sighed. RELAX LANG APPLE. Habang pinipigilan ko ang inis ko. Ang mabulyawan siya sa ginagawa nitong pagtawa-tawa. Sumimangot ako, iniikot ang mga mata ko habang tiningnan siya ng masama. “Ang bagal mo kasi. Or maybe may iba ka pang iniisip na mangyari?" “Ano ka? Di ba tumanggi ka nga? So bakit ko pa iisipin ang bagay na tinanggihan, nang gaya mo? And besides ang saya ko nga at hindi ko na pala kailangan ibenta o ialok sa iba. Dahil sa'yo. Thank you." sabi ko, nginisihan ko siya na may kasama na buga. Taasan ko nga ng kilay. At irapan. Nang sumagot pa. “Talaga ba? Eh pano nalang kung nagbago ang isip ko." biglang lumakad ito papalapit. “Hoy, bakit ganyan ka makatingin?" sita ko. Nagulat ako. Lalo na nang lumakad na ulit siya papalapit pa ng palapit sa akin. “Huwag kang lumapit." banta ko sa kanya. Natataranta na ako. Inilingap ko ang mata ko saan ako maaaring tumakbo incase na seryoso nga ito. Kinakabahan na ako sa itsura niya para siyang sigurado sa sinabi niya. Napaatras pa ulit ako at ang mga binti ko tila ultimo na parang nawawalan ng lakas at panimbang. Kamay ko, naitikom ko. Sasampalin ko siya once hinawakan niya ako. O, kung ano man nasa isip niya o gagawin niya. Masasapak ko siya. “Bakit?" nakatawa niyang wika. “Anong bakit ka diyan? Lumayo ka sa akin. Wag kang lalapit." sabi ko na kinakabahan. Namumutla na nga ata ako. Parang gusto ko siya itulak. “Natatakot ka ba?" nakakainsulto na tanong niya. Kung tadyakan ko na kaya? Nang nalaman niya kung natatakot nga ba ako? “Di ba nga ikaw pa ang nag-alok niyang sarili mo kapalit ng pera na kailangan mo? So, bakit ngayon na nagbago isip ko natatakot ka na?" anito niyang pahayag. Tama naman siya. Pero hindi sa ganito. “Kangina lang ang lakas ng loob mong ialok ang bagay na…" kagat nito ang pang-ibabang labi habang may mapang akit na tingin. Ngunit nakangiti siya habang iniangat ang kamay niya at hahawakan sana ako na mabilis akong nakaiwas. Agad ko na iginalaw, ang katawan ko at ibinaling sa kabila na side. Kaya hindi niya ako naabot at nahawakan. Buti na lang nakaiwas ako. Muntik na niya mahawakan ang aking braso at mahablot. Napaatras nga ako agad sa takot at lakas na naman nitong mabibilis na t***k ng puso ko. Tawa siya ng tawa. Pinagtatawanan ako. Halos nanakit na ata ang tiyan niya sa kakatawa. Habang napahawak ang isang kamay niya ron. Habang ako na naiinis sa ginagawa niyang pagtawa. “Tigilan mo nga ako. And please tama na biro at hindi maganda." Sabi ko sa kanya ng muntik na ako mabuwal sa sahig. Mabilis naman niya ako na nasalo, nahawakan ako at napakapit ako sa kanya. Nakahinga ako, grabe. I can't expect na mangyayari yon after I walked my feet nang madupilas pa ako. At mabuwal. Muntik pa lang naman. Hindi natuloy gawa ng pigilan niya. Gawa ng hawakan niya ako at masalo. “Ikaw naman kasi. Super daldal mo eh! Sabi ko mag-impake ka na diba? Pero anong ginagawa mo at panay daldal ka, tingnan mo ang naging results." pabiro na wika na pahayag nito. Nakatawa pa rin. Habang titig sa mata ko. “Bitiwan mo nga ako." Ang Gago! Binitawan niya nga ako at diretso sa sahig ang balakang ko. “Bwisit!" naka ngiwi na sabi ko. “Bakit mo ako binitawan?" tanong ko sa kanya “Sabi mo di ba? Bitiwan ka!" sagot niya, pilosopo pa. Bwisit talaga! Ang sakit ng balakang ko. ARAY! wika ko habang hawak ang kumikirot kong balakang. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Hayop ka! Pinagtatawanan mo pa talaga ako. “Hoy, di kita pinagtatawanan." sagot niya, narinig pala. Pabulong na nga lang narinig pa ng siraulong lalaking to! Tila may nabali sa katawan ko. Masakit. ARAY! Masakit talaga. “Okay ka lang?" he asked. “Mukha ba akong okay? Bakit ba kasi binitawan mo ako? Sinabi ko lang, binitawan mo nga ako." yung isang kamay ko naihaplos ko sa may ulo ko. Habang isang kamay ko di ko maalis sa may balakang ko na kumikirot. “Mas masahol ka pa sa magnanakaw na nagnakaw sa akin kangina." sabi ko. “Mas gwapo naman siguro ako don?" “Sumasagot ka pa talaga? Nasaktan na nga ako. And bakit ngayon sobrang daldal mo? Kangina naman super seryoso mo?" takang tanong ko. Pero totoo yon. Super seryoso talaga niya kanina. Nang magkasama kami namamasyal at nag-iikot. “Kasalanan ko ba?" “Oo, binitawan mo ako di ba? Paulit-ulit talaga?" singhal ko sa kanya. Gigil niya ako. Kaasar na tawa-tawa pa siya talaga habang ako nasasaktan dito habang nakaupo. Iniunat ko pilit ang mga binti ko. Masakit pero aking tiniis. Nangangalay na rin kasi ako sa pagkakaupo ko nang bumagsak ako dito sa sementadong sahig ng kwarto na inuupahan ko. “Ikaw kasi may sabi na bitiwan kita? Sumunod lang ako. Sa kung anong sinabi mo. Ikaw ito na may kasalanan. Hindi ako. Kaya wag kang magbintang kasi fault mo kung bakit ka bumagsak diyan. Hindi ako." sumasagot na naman niyang pahayag habang lumalakad ito. “Saan ka pupunta? Hindi mo man lang ba ako tutulungan na maitayo dito?" tanong ko, habang sinundan siya ng tingin habang inihahakbang niya ang kanyang magkabilang paa. Nagawa na rin nito ang talikuran ako habang ang mata nito paikot-ikot na naman sa kwarto ko. “Iyan lang ba gamit mo?" habang napunta sa may kama ang mata niya. Shit! Yung mga nagkalat kong gamit… pilit ko na ipinatayo ang katawan ko. Ngunit nahihirapan ako. Masakit pa rin talaga at kumikirot ang parte na tumama sa pagkakaupo ko na pabagsak kangina. “Wag mong pakialaman 'yan!" sabi ko, habang hinawakan niya yung ano koooooooo. Oh my goodness! Napaka pakialamero talaga nito. Sukat hawakan at tingnan yung underwear ko. “Hoy!" sigaw ko. Nang may tukod ko na ang magkabila kong binti upang makatayo. Konti na lang naman makaka-tayo na rin ako nang bumagsak na naman ako. “Ouch!" ngiwing-ngiwi ang mukha ko. Napabaling ito ng tingin sa akin habang hawak pa rin at hindi binibitawan yung hawak niyang pink underwear ko. “Anong nangyari sayo?" “Magtatanong ka pa? Ikaw may kasalanan nito eh! Kung bakit ako bumagsak ulit. Bitiwan mo nga iyang underwear ko." utos ko. Habang nakatingin din ako sa kamay niya na may hawak sa gamit ko. “Ito ba?" nang itaas niya pa. “Bwisit ka! Hindi ko akalain na pakialamero ka rin pala. Bitiwan mo na yan. Nakakainis ka naman. Ikaw talaga may kasalanan nito kung bakit minamalas ako." sabi ko. “Nope, bago pa man kita makita. Minalas ka na. Kaya wag kang pala sisi. Dahil sa wala akong kinalaman sa pagiging malas mo. Pumunta ka kasi dito sa Paris ng hindi ka muna nagreresearch. Kaya ayan tuloy. Nasampulan ka agad sa unang araw mo pa lang. Mali ka pa, dapat hindi ka nagdadala ng malaking cash sa tuwing mag-travel ka sa ibang bansa na tulad ng Paris. Dapat you secure your things especially your money. Dahil di reasonable na nanakawan ka kaya ang unang papasok sa isip mo. Yung tulad ng ginawa mo kanina sa akin. Don't do it again. Hindi maganda sa isang babae. Nakakasira ng credibility ng pagiging isang babae mo." pahabang pahayag na panenermon na sabi nito. Sa dami ng sinabi niya. Sana sinabi na lang niya tatanga-tanga ako. Hindi Andami pang sinabi. Simple words lang it's enough to reflect lahat ng pagkakamali ko. Hindi dami niya pang kung ano-ano lumalabas sa bibig niya. Ininsulto lang naman ako. Di man lang haluan ng pagkakaroon ng kahit maliit na concern. Gumalaw ulit ako, pinipilit na maitayo ang nangangalay kong katawan. Masakit pa rin. Pero tinitiis ko nalang. Makatayo lang dito mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. “No choice lang ako that time. Magulo isip ko. Kaya walang choice na mag-isip pa. Kung may lumapit na at nag-alok ng tulong. Hindi ko naman maiisip yon. Kung hindi lang ako ninakawan ng hayop na lalaking yon. Di sana. Hindi tayo nagkita na dalawa. And hindi ka sana nandito sa kwarto ko. Para lang saktan ako at inisin. Kaya pwede ba…" “Ang dami mo pang daldal. Tumayo ka nalang nga diyan." nagulat ako ng inabot niya ang kanyang isang kamay to hold mine. May puso din pala ito. Kala ko ay titingnan na lang niya ako nang ganito at tatawanan. Hindi naman pala. May pusong mabait din naman pala siya habang hinihila at binaltak ako sa isang kamay na nakahawak rin sa kamay niya. Ang init ng palad niya. Subalit ang lambot. Sa lakas ng pwersa ng pagkakahawak niya sa akin. Tumama ako sa kanyang dibdib. Nagkatitigan na naman ang mga mata namin dalawa. Walang nakauna na nakapag salita habang hindi pa rin niya nabibitawan ang isa kong kamay na hawak niya. Maging ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya. Napagkatitigan ko pa nga siya. Sa mukha at maging sa dalawang mata nitong malalaki na mapupungay. Ang pula pala, nang labi niya. Parang ang lambot din at ang sarap halikan. Kissable lips kaya siya? Parang ang tamis sa sobrang pagkapula ng labi niya. Parang ang sarap idampi yung labi ko sa labi niya at halikan siya. Tila may energy na bumabalot at gumigitna sa amin. Na siyang nagtutulak at nagdidikta na halikan ko siya. Napahugot tuloy ako ng malalim na hininga habang naikurap ko ang aking mata. “Sorry, pwede mo na ako bitiwan." sabi ko. Nang putulin ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi rin kasi siya kumikibo. Nawala ata siya sa kanyang sarili habang nakatitig sa maganda kong mukha at sa bilugan kong mata. Kahit ganito ako. Maganda pa din ako. Kung si Melai maganda. Ang sabi nga niya, ang important is iyong kalooban. Hindi ang appearance lang na nakikita sa panlabas. Kung maganda ka nga naman tapos ang kalooban naman ay walang kasing pangit. Wala din silbi at talo ng pangit na may mabuting puso at kalooban ang maganda. Ako, maganda lang talaga ako. Minsan ko na nasabing napaka ganda ko nang mabash ako. Dami umalma at umangal sa lahat ng nagsasabi na andaldal ko lang pero wala akong ganda na tulad ng meron sila. Mga epal! Mga siraulong tao na mga yon. Tapos lagi ko pa nakikita sa hotel. Ang saklap. Umayos ako nang tayo. Nabitawan na rin naman niya ang aking kamay at tumayo ng tuwid at ayos. Huminga ulit ako. At saka napabuga. Napalunok. Salamat konti nalang yung sakit sa balakang ko. Nang haplusin ko ulit ng isa kong kamay ang tumama na parte sa sementadong sahig. Konti nalang. Thanks God.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD