CHAPTER 10

2039 Words
Tahimik na sa pagitan ng dalawa na kangina ay panay palitan ng mga salita. Isang nang aasar at isang naaasar. Subalit sa huli. Kapwa nawalan ng mga dila. Natahimik. Matapos mapikon ng isa at sumimangot. Humugot ng malalim. Sabay sila. Hawak ng isa ang balakang na tumama sa sahig. Habang ang isa. Ibinaba at ibinalik sa pinag kuhanan, ang underwear na hawak na pinag kakagalitan nila kangina. Napalunok ang babae. Habang ang lalaki marahan na huminga at napailing. Dahil sila lang dalawa sa kwarto. Ang pintig ng dibdib ng dalaga lumalakas pa sa kangina. Lalo ng makita niya na hawakan ng lalaki ang ilan sa kanyang gamit. Lalo na ang pula niyang underwear at ang bra niyang traples. Ilang beses pa nagpakawala ng hininga ang babae. Buntong hininga siya. She's looking at the guy. Lumakad kasi ang mga paa ng lalaki patungo sa kabilang side. Kung saan maluwang ang space ng kama. Nang walang nakakalat na gamit ng babae. Na pasulyap siya sa ilang gamit. Lipstick, make up, alahas. Na sa tingin pa lang ng mata ng lalaki. It's fake. Sa kinang at sa pagkaka-sulyap niya ng bahagya na pag-aralan gamit lang ang matitinik niyang mata na marunong tumingin ng original, imitation or fake na nabibili sa mga nagkalat na bangketa sa mga ma-tatao na lugar. Inaangat ng lalaki ang isa. Nang gumalaw muli ang isang kamay nito. Napalunok. Sinipat mabuti. Nagkulay faded na yung kulay. Maitim ang ilang bahagi ng iniangat niyang kwintas. At malayo na sa dating kulay. Tumikhim siya. Napabuga. “Hindi lang pala sa mumurahin at cheap na hotel ikaw mahilig. Maging pala sa mga accessories." lumingon ito sa babae. Tumaas ang kilay. Ang nguso. Tuma-bingi at mas sumimangot. Inis ang itsura nito. Tila na naman siya nainsulto sa tanong at sinabi nito. “Saan mo nabili ito? Sa recto? Sa Divisoria? O kaya sa Quiapo? O baka naman pala sa Baclaran. Marami din kasi don." mapang insulto na pagbibiro ng lalaki sa babae. “Ikaw ba pumunta lang dito to check me? Para maliitin at sipatin kung anong mga bagay ang meron ako at kinahihiligan ko? If yes, makakaalis ka na." sagot ng babae. Mariin na sagot. Pikon, nauubos na ang pasensya niya. Lalo ng magsalita pa ang lalaki. Sabi nito. “Look at your underwear. What's the color? Eww! Bulaklakin? Bata? Kulay pink. And that one? Why kulay dilaw? And those two. Red na nga ang kulay. Sana, namili ka man lang nang design. And your things as I look at one by one. Incredible. Ang galing mo palang mamili." he says habang may kasamang ngisi. “Sa totoo lang. If ganyan ang ugali mo. Cancel na natin ang pinagkasunduan nating dalawa. Wala akong balak makisama sa kagaya mong…" napapikit ang babae. Pinipigilan ang pagsabog at tuluyan na pagkaubos ng kanyang pasensya para sa lalaki. Huminto siya sa pagsasalita. Upang huminga muna. “Oo, tama ka. Mumurahin lang lahat ng gamit ko. At oo, mahilig ako sa mga iba't-ibang kulay na may kakaibang designs. Like what you see on my things. And yung mga accessories ko. Tama ka, it's fake. Faded na nga. Kasi sa tagal ko na sila mga ginagamit. At least dahil sa tagal. Gamit na gamit ko talaga. Hindi pa itsurang nanakawin. Hindi pa ako natatakot na ipangalandakan sa daan lahat ng mga nakikita mo sa gamit ko. Hindi ako natatakot na manakawan. Madukutan. Kasi imbis lumapit ang mga magnanakaw. Lalayuan pa nila ako. Kasi. Lahat imitation lang." sagot ng babae. Gigil na siya. Ang labi. Kinagat na nga. Makahinga lang. Tila kasi naninikip ang dibdib niya sa inis sa lalaki. Para na rin tumutulo ang luha niya sa mga mata. Sa labis na pag-kainis nito. Mula sa pagkakainsulto. Lumakad siya. Mabigat ang bawat hakbang ng paa niya. “Please, lumabas ka na!" sabi niya. Ng agawin ang hawak ng kamay ng lalaki. “Hindi ko na kailangan ng tulong mo." muli ay sinabi ng babae dito sa lalaking tumaas ang kilay, animo'y sa utak. Drama lang ang ginagawa ng babae. Joke lang! At umaarte. “Are you mad from what I say? I'm just kidding. Binibiro lang kita. Don't be mad for what…" kinamot ang ulo. Tila nangati pa. At pinigilan na matawa. “Mukha bang nagbibiro ako? Tulad mo? Hindi ako nakikipag biruan sa mga gaya mong walang…" “Hey, ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ng lalaki. Nagkakagulo na sa pagitan nila. Hindi na biro ang naka pagitan sa kanilang dalawa. Galit na talaga yung babae. “Akin na yan." inagaw ng babae ang hawak ng lalaki. Hawak kasi ng lalaki ang isang necklace na pinabili pa niya sa isang kaibigan. Sinusuot niya yon. Dahil ayaw niya masayang ang perang pinambili niya non. Naloko kasi siya. Nascam. Nang araw na bilhin niya yon. Ang sabi sa kanya ay original. Not fake. Hindi nagfafaded ang kulay at higit sa lahat mataas ang appraisal if isasanla niya sa mga sanglaan. Ngunit naloko sila. Sabay sila non ng kanyang kaibigan bumili. Ito nalang ang pinapunta niya sa kausap nila. Gawa na may pasok siya sa trabaho at ayaw niya lumiban. Upang hindi mabawasan ang sasahurin niya. Malaki din kasi ang halaga ng alahas na yon. Ang necklace na isa sa mga tinutukoy ng lalaki. Lahat ng ipon niya ay duon niya binuhos. Dahil sa nangangarap na magkaroon man lang nang original. Nang hindi puro fake ang lahat ng mga kanyang accessories. Naisipan niya ng maconvince sila nang seller. Nang nagbebenta. Nang maengganyo sila. Mula sa ganda at kulay. Sa disenyo ng alahas na binebenta ng seller. Wala na pag-iisip. Naglabas agad siya ng pera. Mula sa mga naipon. Agad niya winithdraw. At saka inabot sa kaibigan na siyang kasabay niya bibili. Ngunit nang makuha na nila. At makita. Laking pagkadismaya ang naramdaman nila. Gawa ng ang nabili nila. Fake. At hindi totoo. Not original buhat sa sinabi ng seller na nagbebenta sa kanilang dalawa. Sinungaling. Nabudol sila. Naloko. Nascam ang sabi ng nagtutubog, o maging sa sanglaan na pinuntahan nila nang patingnan nila ang necklace na kapwang binili nila. Halos nawalan ng lakas ang tuhod n'ya. Gusto nga bumigay. Buti nalang nakahawak pa siya sa hawakan sa store na pinuntahan nila. Sinabihan sila na next time wag sila mga magtitiwala. Lalo na sa panahon ngayon. Uso talaga ang mga manloloko. Talamak ang mga scammer. Napatingin ang babae sa mga underwear na isa pang pinipintasan ng lalaki sa mga gamit niya. Suminghap siya. Napalunok. Napahawak sa ilong at saka napindot. May patulo kasing liquid. Inunahan lang niya ng pisil. Huminga siya. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. Napasinghap. At napasinghot. Mahina lang at marahan. Tumingin ang lalaki sa kanya. Hindi niya pinansin kahit anong paliwanag na sabihin sa kanya. Sa mga undies niya. Iba't-ibang kulay yon. Iba't-ibang design. At sa iba't-ibang tindahan niya nabili. Ang ilan. Regalo rin sa kanya ng ilang mga pili niyang kaibigan. Hindi nga niya malaman. Kung bakit ang hilig ng mga kaibigan niya na ang iregalo sa kanya ay undies. O kaya naman ay bra na walang strap. Yung strapless at kung minsan colored at may designs. Bulaklakin nga. Tama ang lalaki. Kasi nga ay alam ng mga kaibigan niya kung gaano siya kahilig sa mga iba't-ibang kulay at klase ng mga bulaklak. Maging ang mga amoy at halimuyak ng mga fresh flowers na nakikita niya sa mall. Lalo ng makapunta sila sa Baguio. Super saya niya. Andami nga niya pictures. Kuha ng mga kaibigan niya sa kanya na halos gusto na niya humiga sa gitna ng mga naggagandahang bulaklak. Bawat gamit niya. Na pinipintasan ng lalaki na nasa kanyang harapan. May mga kwento kung saan ito mga nagmula. Ang ilan nabili niya. Ang ilan niregalo sa kanya. Mas marami nung birthday niya nito lang lumipas na buwan. Ang dami niyang nakuha na regalo. Kahit hindi naman bongga. Naghanda lang siya ng bahagya. Pasasalamat sa taon-taon niyang kaarawan at panibago niyang buhay. “Paupo!" sabi ng lalaki. “Ilang oras pa ako maghihintay?" bulalas na pahayag maya-maya ng lalaki. After niya manahimik. At saka hindi makapagsalita. Napabuga siya. She smirks. “Don't look at me the way you look at me. Siguro nasa isip mo din na talagang baka nga bayaran ako. At inaalok ko sa mga lalaki ang katawan ko at bago yon. Dadaanin ko sa drama. Gaya ng ginawa ko kangina." pahayag ng babae. Napahinto sa pagsasalita. Pero napalunok lang muna siya. Saka nagpatuloy. “Tama ako di ba? Kaya ka naririto? To check kung tama ang andiyan sa utak mo. Kung ano man naglalaro diyan sa isip mo. Tama ako? Takot ka? Natatakot ka na baka mabiktima rin kita tulad ng sinabi ko sayo na ninakawan ako. Kaya need ko gawin yon. Para lang may panggastos ako for my whole stayed here." Kangina naiilang pa siya. Magsalita. Pero ngayon. Dire-diretso na ang bawat bigkas. Bawat buka ng bibig niya. Bawat sinasabi niya. Hindi na niya pinag-iisipan. Kung ano na lang lumabas sa bibig niya. Siyang sinasabi niya. Gumilid ang babae. “Excuse." sabi niya, binunggo ang isang braso ng lalaki na kanyang nadaanan ng tumungo sa gawi ng nakakalat niyang damit. “Wala ka na ba sasabihin? You may go." sabi ng babae. Itinuro ang pinto. “Ayoko na makipagtalo sayo. So pwede ka na umalis. Leave." “Hindi ba pwede na ayusin na lang natin ito? As I told you. Nagpunta ako rito para sunduin ka. I'm not intended na makapagsalita ng hindi mo nagustuhan. Ikaw din naman may kasalanan. Sino bang may sabi sayo. Kababae mong tao. Look at your things. Nakakalat. Tingnan mo nangyari. Hindi mo inaasahan na may darating. But hindi mo man lang inayos ang mga gamit mo. Ang nangyari. Nakita ko. Hindi naman siguro masaya na makapag react ako?" “Oo na, mayaman ka kasi." sagot niya sa lalaki. Umikot pa ang kanyang mata. “Hindi ko naman ipinangangalandakan na mayaman ako. I'm not like what you think. Hindi ako ganun tao. I am sorry for what happened. To what I said. As I say. Hindi ko intensyon. So nag sorry naman ako." ngumiti. After nito magsalita. Naupo. Kangina pa pala nakaupo. Umayos lang ng upo ang lalaki. Itinaas ang isang hita sa isang hita pa. Umupo ng naka de kwatro. “Alam mo gumayak ka nalang kesa tinatarayan mo lang ako. Maaga pa ako bukas sa meetings ko. So please. Paki bilisan mo lang. Kasi may oras pa ako hinahabol. Gusto ko makatulog before dumating yung oras ng meeting ko." “Bakit di ka umalis na? Kangina pa kita pinapaalis di ba? Kasalanan ko pa ba kung hindi ka makatulog bago sumapit ang sinasabi mong meeting?" sagot n'ya sa lalaki. Nag-iisip siya. Kung sasama ba siya o hindi? Kailangan niya ng pera. Nang mapaisip siya. Sa isang banda naisip niya na may tama naman ang lalaki. Kung hindi sa pahalang-halang niya na mga gamit. Hindi sana nakikita nito ng dumating at magawa makapasok sa unit niya sa hotel. Lalo na ang kanyang mga damit na nakakalat sa ibabaw ng kanyang kama. At especially sa mga underwear at bra na siyang pinag hahagis pa niya. Matapos na makaligio kangina. Bago dumating ang lalaki. Kasalanan talaga n'ya. Siya ang may pinakamalaking kasalanan. Dahil don. Nakita at na puna ng lalaki ang mga nakita. Batay sa kanyang observation. Ganun nga ang lumabas. Mag-usap sila. Tulad ng nangyayari ngayon. Nag-usap sila. Inayos ang mga gamit niya. Sasama na siya dito. No choice din naman siya saka kung icancel nga niya ang napagkasunduan nila ng lalaki. Baka sa kung saan na siya makikita, at pupulutin. Pumayag na siya, ngumiti ang lalaki. “Buti naman. Finally after what happened. Your decision makes me so happy. May makakasama na rin ako." bigkas na nakahawak ang lalaki sa malambot na kama. Maging ang kama. Tinitingnan at pinagmasdan. Has he checked the kutson? Yung bed. Yung foam. Umiiksi na naman ang leeg ng lalaki. Humahaba pala. Tahimik na lang ito. Hindi nagsalita pa matapos nila. Mag-usap at magkasundo. Hinihintay na lang niya na matapos sa pag-eemakpake ang babae. Saka sila aalis. Jusko naman. Ang haba ng naging usapan. Papayag din pala na sumama. Dinaan pa sa mga sagutan at awayan. Dinaig pa nila ang may mga relasyon sa ginawa nilang salitaan. Pero ngayon okay na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD