“Pasensya na kayo ahh! Mauuna na ako " Sabi ni Apple, binitbit na ang mga gamit niya. “Sige, salamat ulit sa inyo." ngumiti siya.
Nginitian din naman siya ng dalawa kahit may pagtataka pa rin sa mukha ng isa. Huminga si Apple, saka niya hinila nalang ang dala niyang maleta. Nag-umpisa na siyang magmadali sa paglalakad upang mahabol ang nawawalang lalaki sa kanyang mata.
Wala ng gaano na tao sa ngayon ang nakakasalubong niya. Habang naglalakad siya palabas ng hallway ng hotel. Napalingon siya sa mga ilang papasok pa lang ng hotel. Maging sa guard na panay ang daldal mula sa kasama nito na nakaduty din. Napalingon din ito sa kanya. Yung dalawang guard.
Nakakunot ang kanyang noo. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay. “Check out na agad?" wika na tanong ng isa sa mga guard. Pinoy din kasi iyon. Nakatawa ng tanungin siya. Tumango naman siya.
“Oo eh! Emergency. I need to check out kundi mayayari ako sa boss ko." she says jokingly. Sinabi na lang niya boss niya. Imbis na gayahin ang sinabi na dahilan ng lalaking hinahabol niya. Na until now. Hindi pa rin niya makita.
“Saan naman kaya nagpunta yon?" wika n'yang pabulong. Narinig pala siya ng guard.
“Yung lalaking mukhang yayamanin ang porma ba? Ang tinutukoy mo?"
“Oo, nakita niyo?" tanong niya na nakabuka ang bibig. Humikab na siya. Inaantok. Gusto na niya matulog. Pero kailangan pa niya makita ang lalaking yon.
“Oo, kumaliwa siya." sagot nito sa kanya. Itinuro pa ng isang daliri kung saan banda nagtungo at dumaan ang lalaking hinahanap niya.
Medyo marami pa naman street lights sa mga kalsada. Maliwanag ngunit hindi niya matanawan ang hinahanap niya. Kaya kunot ang noo. Nilibot ang mata sa paligid.
“Hindi mo makikita ang hinahanap mo kung dito ka lang. Bakit ka di tumungo don. Mukhang don siya pumasok." turo ulit ng guard. Na pasulyap siya sa guard. Ngumiti ito.
“Salamat!" pahayag niyang tugon. Lumakad na nga siya. Inihakbang niya ang paa. Saka binitbit niya ang kanyang maleta ulit.
Lumakad siya at sinundan ang itinuro sa kanya ng guard.
Nakakainis naman yon! Iniwan talaga ako? After ko mag check out talaga? Bigla nalang nawala. Ano ako manghuhula kung saan siya tumungo? Pinahihirapan pa talaga ako. Kung maghintay na lang sana siya kinabukasan sa mismong araw na aming pagkikita. Sana, nakahiga na ako sa malambot kong kama sa hotel at baka sa mga oras na ito. Mahimbing na rin ang pagkakatulog ko.
Bumubulong siya habang naglalakad. Pero ang mga mata niya. Walang tigil sa nakatingin sa palagid habang lumalakad.
Nasaan ka na ba? Bakit ba nag papaniwala ako sa isang yon. Nakakainis. Nasaan ka na ba? Asar naman!
Bumubulong pa rin siya habang nakaramdam ng kaunting lamig. Nalimutan niya pala ang magsuot ng makapal na damit bago siya lumabas ng hotel. Tanging manipis na shirt at maong na pants ang kanyang suot. Ang jacket niya nasa maleta na. Hindi niya makukuha kung di niya iyon bubuksan. Pero napatingin siya sa kalsada. Naisip n'ya nakakahiya na duon niya bubuksan sa kalsada mismo ang kanyang maleta. Kakalat pa naman ang kanyang mga gamit. Lalo na sa kanyang pagkakaalala ay na pailalim niya kanina sa pagmamadali… Ang kanyang jacket.
“Excuse me!" ilan sa mga nakasalubong niya sabi sa kanya. Napahinto kasi siya bigla.
“Ang bagal mo naman. Kangina pa ako naghihintay sayo." isang pamilyar na boses na kanyang ikinalingon.
Napalunok siya ng maimulat ng maimulat niya ng malaki ang kanyang mata. Ang lalaking nang iwan sa kanya. “Ang tagal mo talaga. Mali, ang bagal mo pala. Bakit hindi ka lumabas agad?"
Daldal ng daldal ang lalaki. Walang kwenta dahil di naman nakikinig si Apple. Nilalamig kasi siya. Napayakap siya sa kanyang sarili. Napansin din naman siya ng lalaki. Kinagat nito ang ibabang labi. Habang nakatingin kay Apple. “Oh, isuot mo." napatingin si Apple sa hawak nito na ibinibigay sa kanya.
Iniabot nito sa kanya ang jacket na suot nito.
“Bingi ka ba?" sabi nito. “Nilalamig ka di ba? Heto, kaya nga ibinibigay ko na sayo. Isuot mo na. Oh, ako pa ang magsusuot nito sayo?" pahayag na sabi nito. Nakasalubong ang kilay ni Apple.
Nagpapatawa ba siya?
“Hoy, ano? Kikilos ka ba? Anong oras na!" malakas na wika nito.
“Okay! Akin na 'yan." kinuha ni Apple ang jacket. Isinuot niya yon.
“Tara na!" sabi niya ulit.
“Bakit di tayo kumain muna." biglang nagbago ang mood ng lalaki. Inaya siya nito. Itinuro ang isang restaurant. May ilang stall mula sa kanilang harapan.
“Dun tayo. Masarap mga pagkain nila don." sabi ulit nito sa kanya. Nag patiuna na ito. Pumasok na rin ito sa pinto. Na kasunod naman si Apple. Sumunod na lang siya. Total nagugutom na rin naman siya. Kaya pumasok na rin siya sa pinto ng restaurant.
Gutom na nga si Apple. Kumukulo na ang tiyan niya. Parang may mga nagraramble sa tiyan niya. Kaya napahawak siya sa kanyang tiyan.
Napatingin sa kanya ang ilang mga tao sa restaurant. Nahiya tuloy siya. “Papasok ka ba o hindi?" nasa may gilid lang pala nang malapit sa pinto ng restaurant nakaupo ang lalaking kanyang sinusundan. Ang hinahanap ng kanyang mata.
“Maupo ka na!" sabi ng lalaki. Inalok siya at itinuro sa kanya ang upuan. Naupo naman siya. Sumunod naman siya sa mga sinabi ng lalaki. Maging ang sabihan siya na mamili ng gusto niya kainin mula sa mga nakasulat sa menu. Namili din siya. Itinuro niya ang mga pagkain na tila masarap sa kanyang mata. “Libre naman ito di ba?" tanong niya muna.
Naalala niya wala na nga pala siya pera. Maliban sa laman ng kanyang bulsa sa manong pants ng kanyang suot. May ten euro pa pala siya. Naalala niya ng dukutin sa kanyang bulsa. Mabigat na napabuga si Apple. “Ano? Libre naman toh diba?" tanong niya ulit. Habang nakatingin pa rin siya sa menu.
“Umorder ka nalang. Wag ka na magtanong at dumaldal. Sabihin mo nalang kung ano ang gusto mo. Kangina pa naghihintay yung waitress sayo." puna ng lalaki. Habang ibinigay na rin nito ang kanyang order. Habang si Apple tuluyan na niya binigay lahat ng kanyang order. Sa gutom niya. Lahat ng masarap kinuha niya. Inorder niya. Hindi na siya namili ng mumurahin. Dun na siya sa mga mamahalin at sa tingin niya ay masarap.
Hindi na rin siya nagpahuli. Maging sa inumin. Umorder siya ng bestseller at yung pinaka mahal. Sumulyap siya sa lalaki. Nakatingin pala sa kanya.
Umiwas siya ng tingin. Tumingin sa cellphone niya. Nag-isa-isa siya nakatingin sa mga contact number. Maiiwas lang talaga ang atensyon niya sa lalaki.