Ang Kaharian ng Inspra ang ikalawang Palasyo na nilalakbay ni Io, nakasunod lang sa kanya si Amihan at Lorsan.
Sa pagkakaalam ni Io, nag iisang Anak lang si Urduja ng Reyna Ashana at Haring Piyo. Ang mababait na mga Magulang ni Prinsesa Urduja.
Ang Diwatang Urduja na pasaway, maloko at madaldal na kanyang nakilala sa kagubatan, akalain mo yun!, isa palang Prinsesa ng Kahariang Inspra ang pasaway na yun? Hindi man lang nya yun naisip at nahulaan ng una silang magkita. Panu masyado syang naaliw dito, napakasaya kasing kasama nitong si Urduja.
Nakangiting napabalik tanaw tuloy sya sa nakaraan, kung saan una silang nagtagpo ni Prinsesa Urduja.
Simula ng magtayo sya ng kanyang bahay na bato at mag isang nanirahan dun, nagkaroon ng kalayaan si Io... Araw araw syang naglalakbay at kung saan saan na lang nakakarating.
Karagatan, kabundukan, kalupaan, maging ang kalawakan ay halos nalibot na nya.. At sa bawat Kaharian na kanyang madaanan ay palihim nya itong pinag aaralan.. Kinikilala nya kung sino ang Hari at Reyna.. kung mabubuti o masasama ba ang mga ito. Kung maayos ba sa mga nasasakupan o hindi.
Tumutulong din sya sa mga nangangailangan, pero yun ay palihim lamang, walang nakakakilala't nakakaalam na Anak sya ng isang Bataluman na si Golden Mother Fairy, kapag nasa labas na sya ng Fairyland.
Isang gabing nakaramdam sya ng pagod mula sa kanyang paglalakbay, napagpasyahan nyang pasukin ang kagubatan. Sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong makopa, may naulinigang ingay ang kanyang matalas na tenga.
♪ ♪
Sasabihin ko sa mundo, kakanta ako ng kanta
Ito ay isang mas magandang lugar mula nang ikaw ay sumama
Simula nung sumama ka...♪ ♪
'Huh! Kaylamyos ng kanyang tinig! Saan ba nanggagaling ang boses na yun?'
Napatayo si Io at lumingap sa kanyang paligid. Sa kadiliman ng hatinggabi, may naaninagan syang liwanag pa Silangang bahagi.. Mabilis syang naglaho, nais nyang makita kung sino ang nagmamay ari ng magandang boses babae na kanyang naririnig na umaawit.
♪ ♪
Ang iyong hawakan ay sinag ng araw sa pamamagitan ng mga puno
Ang iyong mga halik ay ang simoy ng karagatan
Okay lang ang lahat kapag kasama kita
At ah, ikaw ang paborito kong bagay
Ah, lahat ng pagmamahal na dinadala mo
Ayun, parang namulat na naman ako
At ang mga kulay ay ginintuang muli at maliwanag
May kanta sa puso ko, pakiramdam ko nabibilang ako sa'yong mundo
Ito ay isang mas magandang lugar mula nang ikaw ay sumama...♪ ♪
♪ ♪
Kaagad na kumubli si Io sa malaking puno ng makita ang isang magandang Diwata na mabagal na naglalakad. Nakangiti itong umaawit, ang isang kamay nito ay tumataas taas pa na tila may inaabot sa mga sangang kanyang nadadaanan. Ang isang kamay naman nito ay may hawak na kulay asul na bato, na syang nagbibigay liwanag sa dinadaanan nito. Nadadagdagan pang liwanag dahil sa mga kulisap na nagkukumpulan, sumasabay sa mabagal na paglalakad ng Diwata. Dun nanggagaling ang liwanag na nakita ni Io kanina.
'Napakaganda naman ng Diwatang yan! Ano kaya ang kanyang pangalan?'
♪ ♪
Nakikita ko ang buong mundo sa iyong mga mata
Parang kilala na kita buong buhay ko
Tama lang ang pakiramdam
Kaya ibinuhos ko ang aking puso sa iyong mga kamay
Parang naiintindihan mo talaga
Mahal mo ang paraan ko
At ah, ikaw ang paborito kong bagay
Ah, lahat ng kaligayahang hatid mo
Hmm.., parang naimulat ko na naman ang mga mata ko
At ang mga kulay ay ginintuang muli at maliwanag
At ang araw ay nagpinta sa kalangitan at ang hangin ay umaawit ng kanyang kanta
Ito ay isang mas magandang lugar mula nang ikaw ay sumama♪ ♪
♪ ♪
'Umiibig ang Diwatang ito! Ramdam na ramdam ng aking puso, ang nag uumapaw na pagmamahal nito, kung sinuman ang napupusoan nitong Engkantado, napakapalad nito!'
♪ ♪
Ngayon okay na ako, ngayon okay na ako, okay na ang lahat
Kasi parang namulat na naman ako
At ang mga kulay ay ginintuang muli at maliwanag
May kanta sa puso ko, naramdaman ko kabilang ako
Ito ay isang mas magandang lugar mula nang ikaw ay sumama
Ito ay isang mas mahusay na lugar mula noong dumating ka ...♪ ♪
♪ ♪
Di sinasadyang namali ang pag apak ng paa ni Io sa lupa, isang namamahingang kuneho ang kanyang naapakan, na ng masaktan ay pumalahaw ng iyak, sa lakas ng boses nitong nilikha, napahinto sa paglalakad ang umaawit na Diwata. Napabaling ito ng tingin sa kanya.
"Sino ka?" Agad nitong tanong.
"Ako si Io! Isang Diwata na labis humahanga sa malamyos mong boses!"
Hindi tuminag, nakatitig lang kay Io ang Diwata, walang nababakas na takot sa mukha nito, wala ring maramdamang pag aalinlangan si Io mula dito. Ikinagulat pa nga ni Io ang pag ngiti nito sa kanya.
"Ako naman si Urduja, nakatira sa Kaharian ng Inspra."
Mula sa pagkakangiti, unti unting naging seryoso ang mukha nito.
"Ikaw! Tagasaan ka? Alam kong hindi ka tagarito, kilala kong mga nasasakupan ng Haring Piyo at Reyna Ashana, natitiyak kong hindi ka taga Inspra!"
Walang silbi kung ililihim pa ni Io ang kanyang pinanggalingan, halatang halata naman kasi sa kanyang kasoutan na hindi sya nabibilang sa Kaharian ng Inspra, kaya nararapat lang na maging matapat sya sa mabait na Diwatang kanyang kaharap, kung nais nyang makuha ang loob nito o mas makakabuti kung makuha nyang pagtitiwala nito sa kanya. Baka sakaling maging magkaibigan pa silang dalawa.
"Mula ako sa malayong lugar, naglalakbay ako kapag ako'y naiinip sa'king bahay na bato. Nagpapahinga lang ako sa kakahuyang ito ng marinig kong pag awit mo, dala ng aking pagka humaling sa malamyos mong boses kaya sinundan ko ito.. Nais ko lang naman makita kung sino ang nagmamay ari ng mala mahikang boses na aking naririnig, di'ko sinasadyang abalahin ka! Diwatang Urduja! Ako sanay patawarin mo, sa aking paggambala sa'yo!" Mahabang paliwanag ni Io.
"Hahaha... Wag kang mataranta! Binibiro lang naman kita! Ikinagagalak kong makilala ka Io! Mula ngayon, magkaibigan na tayo!"
Inabot pa nitong kamay ni Io at pinisil pisil..
"Magkaibigan!.. na tayo?" Tinuro pa ni Io ang sarili bago sunod na tinuro si Urduja na ngiting ngiti naman sa kanya.
"Oo! Magkaibigan na tayo! Kaya bilang magkaibigan.. Hinihiling ko sa'yong.. Isama mo ako ngayon sa sinasabi mong bahay na bato, na tirahan mo! Maaari ba yun?"
"Ha! Ngayon na ba?"
"Oo! Now na! Bilisan mo na!"
"N- Now! Anu yun? Anong salita ba yun?"
Nalilitong tanong ni Io kay Urduja na hindi nawawala ang pagkakangiti sa mukha nitong masayang masaya tingnan.
"Salita ng mga Tao!"
"T- Tao?"
"Hay!.. Tagalupa! yun ang ibig kong sabihin! Lentek! kasing Ayana na yun! Pati ako nahawa na sa mga pananalita nito!"
Mas lalo pang naguluhan si Io, sa mga sinasabi ni Urduja. Kaya nag usisa pa sya dito.
"Sino namang Ayana yun?"
"Kaibigan ko! Nakatira sya sa Kaharian ng Umbra, pero lumaki sya sa mundo ng mga Tao! Hay.. mahabang kwento, ipapakilala ko na lang sya sa'yo kapag isinama mo ako sa iyong bahay na bato! Halika na excited na akong makita ang tirahan mo!"
Wala ng nagawa pa si Io, ng kaladkarin sya ni Urduja palabas ng kagubatang 'yun.
Si Urduja na di nya inakalang isa pa lang Prinsesa ng Kahariang Inspra!
Panu ba naman! Sa pananalita, sa kilos at gawa.. Malayong malayo ito sa mga Maharlikang Prinsesa na kanyang nakilala..
Di katulad nila Mayumi, Amihan at Ayana.. Na unang kita pa lang nya, alam na kaagad nyang mga Prinsesa ang tatlong Diwata.
At sa mga panahong nakasama nya ang apat na Prinsesa sa kanyang bahay na bato. Lubos nyang nakilala ang katauhan, pag uugali ng bawat isa.. Sya ang humubog sa mga nakatagong lakas at kapangyarihan ng mga ito..
Kahit na matagal na panahon na silang nagkahiwa hiwalay, nanatili pa rin ang kanilang matibay na pagkakaibigan.
At ngayong nabigyan sya ng pagkakataon para makasama nya ulit ang apat na mga Prinsesang Diwata.. susulitin nya ang bawat oras, araw at buwan nilang magkakasama sa pagbuo ng mga bagong alaala, na ibabaon nya hindi lang sa kanyang isipan, pero mas higit sa kanyang puso't kaibuturan.
"Io! Hoy! Io!.. "
Tinapik ni Lorsan si Io ng kanyang maabutan. Ilang beses na kasi nya itong tinatawag, pero tila naman wala itong naririnig. Kahit nga si Amihan tumatawag din dito, pero tuloy lang ito sa paglalakad.
"Ha! Anu yun? May sinasabi kaba?"
"Kaylalim naman ng iniisip mo!" Napapalatak na lang si Lorsan sa nakikitang pagkagulat ng kanyang kaibigan.
"Naalala ko lang si Prinsesa Urduja. Nasasabik na akong makita sya."
Napangiti si Io ng maisip na naman nya si Prinsesa Urduja. Kapag talaga naaalala nya ito, malayo ang nilalakbay ng kanyang isipan.
"Yun naman pala! Eh, bakit dito tayo sa kakahuyan dumaan, dapat sa himpapawid na lang, para mabilis nating marating ang Lagusan ng Kahariang Inspra."
"Syanga naman! Fairy Io! Mas mapapabilis itong paglalakbay natin kung walang sagabal sa'ting daraanan."
Reklamo ng kanyang dalawang kasama. Nagpatuloy ulit sya sa kanyang paglalalad, malapit na kasi dun ang lugar na alam nyang tinatambayan ni Urduja, kaya bumaba sila sa kabundukan mula sa paglalakbay nila sa himpapawid.
"Basta! Sumunod na lang kayong dalawa sa'kin, dahil malapit na tayo sa paboritong lugar ng Prinsesa Urduja!"
"Ano na kayang balita kay Urduja? Nagkatuluyan kaya sila ng Shokoy nyang syota?"
Natitigilang napabaling ng tingin si Lorsan kay Amihan na napahinto pa sa paglalakad at tumingala sa langit.
"Anong sabi mo, Prinsesa Amihan? May kasintahan na Shokoy si Prinsesa Urduja?"
"Yun ang sabi samin ni Urduja, bago kami naghiwa hiwalay sa bahay na bato ni Fairy Io, nais nga sana namin nila Ayana at Mayumi na makilala yung syota nya, kaso ayaw naman nya!"
Napaisip si Lorsan sa huling sinabi ni Amihan. Sinulyapan nya si Io na nasa kanilang unahan, bigla itong napahinto sa paglalakad. Nagpalinga linga sa paligid, maya maya napapailing na humarap sa kanilang dalawa ni Amihan.
"Wala dito si Prinsesa Urduja, malamang nasa Palasyo sya!"
"Hindi! Baka nasa dalampasigan sya, Io!" Mungkahi ni Lorsan.
"Panu mo naman nasabi yun?"
"Hula ko lang! Kwento kasi nitong Prinsesa na kasama natin, isang Shokoy daw ang katipan ni Prinsesa Urduja, kaya malamang nasa tabing dagat yun ngayon!"
"Oo, nga! Fairy Io, dumaan kaya muna tayo sa tabing dagat, baka sakaling nandun si Urduja!"
Napaisip si Io sa mga sinabi ng dalawang kasama. Tumingala sya sa langit, binasa ang mabagal na pag usad ng mga ulap.
"Magtatanghali pa lang! Sige, sa dagat tayo patutungo.. Tayo na!"
Nagkatinginan sina Amihan at Lorsan, sabay na napangiti ang dalawa ng maglaho si Io sa kanilang harapan.
"Oh! Tayo na daw! Prinsesa Amihan, nasasabik na akong makilala kung sino ang kasintahan ni Prinsesa Urduja!"
"Ako din! Sabik na sabik ng makita ang kaibigan ko! Tara na!"
Ilang minuto ng naglaho si Amihan, pero si Lorsan ay nanatili pa rin sa kakahuyan... May pag aalinlangan kasi syang nararamdaman kung sino ang Shokoy na kasintahan ni Urduja. Pero, sana.. hindi lang ang Shokoy na naiisip nya.
'Sana hindi si Eihran, wag lang talaga si Eihran! Dahil pag nagkataon na sya ngang kasintahan ni Prinsesa Urduja.. lagot ako nito!'
💃MahikaNiAyana