C4

1980 Words
"Ok kalang kako" tumango ako bilang sagot kahit na hindi ako sigurado. Kinalma ko ang sarili ko. Kahit anong pilit kong wag pa apekto, naaapektuhan parin ako. Tumulo ang isang butil kong luha. Lagi nalang akong umiiyak. Ganito nalang ba araw araw? Tapos wala bang tawag o text man lang si Lucas. Kahit goodmorning man lang, wala akong natanggap. Gaano ba kahirap e update ako? Gaano ba kahirap e text ako saka tawagan ako? D*mn it nakaka overthink. Sumandal ako sa locker ko habang nakatinga. Bahagya akong hinihingal. Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka ko pinunasan ang tuyo kong luha. Lumabas kaagad ako. "I have to go, I have many thing to do" rinig kong pag papaalam ni Mrs. Revamonte ng tuluyan na akong nakalabas. Tumango si Maam fey saka sila nag halikan sa pisngi. Tumingin sa akin si Mrs. Revamonte ng walang emosyong bago ito tumalikod at parang reynang papalabas. Nanlamig ang mukha ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Ang bigat bigat. Napatingin ako sa tiyan ko. Nangingilid ang luha kong nakatingin doon. Natapos ko ang trabaho ko buong araw. Pagud na pagud ako. Tiningnan ko ulit ang phone ko pero wala parin. Bumagsak ulit ang balikat ko. Ano bang ginagawa ni Lucas at hindi man naisipang tawagan ako. Sinubukan ko itong tawagan ngunit patay parin hanggang ngaun ang phone nito. Nakaramdam na ako ng pag aalala. Ang bilis bilis na ng t***k ng puso ko. Buong araw patay ang phone ni Lucas. Napapikit ako ng mariin. Sobra sobra na ang pag aalala ko. Hindi parin tunatawag si Lucas hanggang ngaun, patay parin ang phone nito kahit anong tawag ko. Naka ilang message na din ako pero wala akong replies na natanggap. Hanggang sa naka uwi nalang ako pero wala parin akong natanggap na tawag. Hindi ko makapag focus, halos hindi ko na bitawan ang phone ko. Sa pag luluto,nasa phone parin ang mata ko. Muntik ko ng masali ang kamay kong ma slice. Kahit kumain ako halos mawalan ako ng gana. Si Lucas parin ang nasa isip ko. Dumating ang isang araw, wala paring tawag. Patay parin ang phone nito. Impossible naman. Hindi naman siguro ako nakakalimutan ni Lucas. D*MN IT Kahit sa trabaho, hindi ako makapag focus. Sinubukan ko rin sanang tanungin si Maam fey pero nasa america ito, at hindi nila alam kong kailan ito babalik. Hindi ako makapag concentrate, laging tulala at si Lucas parin ang nasa isip ko. Halos hindi na ako maka kain ng maayos. Halos hindi na ako maka tulog ng maayos. Dumating ang isang linggo. Isang linggo hindi kami mag kausap. Isang linggo, walang tawag na naganap sa amin. Halos araw araw siya lang nag lalaman ng isip ko, walang araw na hindi ko siya iniisip. walang araw na hindi ako nag alala Hindi parin umuuwi si maam sa pilipinas, nag aalala ko na baka merong mangyaring masama sa america. ang dami kong tanong sa isipan ko pero ni isa walang nasagot. Nag mamadali kong inimapake ang gamit ko papasok sa isang maliit na maleta. Lilipad ako papuntang america, susunod ako kay Lucas dahil hindi ako mapapakali hanggat wala akong balita sa boyfriend ako. nag aalala ako para sa boyfriend kong isang linggong hindi ko naka usap. Ginamit ko ang plane ticket na nasa kabinet, nag mamadali kong inimpake ang damit ko. kunti lang ang dadalhin ko. Alam ko naman kong saan sila nakatira doon dahil isang nakapunta na ako doon dahil sa trabaho. Kaagad akong lumabas ng kwarto. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko, hindi pa ito naging isang buwan. Hindi ako mapakali dito habang naghihintay kong kailan makatawag sa akin si Lucas. Lumabas kaagad ako sa condo saka ako pumasok sa taxi na kanina pa nag hihintay sa akin. Ang bigat bigat sa dibdib. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Sunod sunod ang agos ng luha ko habang papunta kaming airport. Isang linggo at isang araw wala akong narinig tungkol kay Lucas. Sinubukan ko ring tawagan si Maam fey pero wala akong natanggap na sagot. Nakaka stress at natatakot akong ikakasama un ng anak ko. Meron pa naman akong pera dito naipon e. Para sana sa anak ko pero mas kailangan ko si Lucas ngaun. Narating namin ang airport ng ilang sandali. Kaagad akong nag bayad kay manong saka ako lumabas dala ang maliit na maleta. Pumasok kaagad ako. Pinakita ko ang plane ticket ko saka passport. Pinasok ko ang bagahe ko sa xray. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid bago ko kinuha ang bagahe ko saka nag simulang mag lakad ulit. Ginawa ko ang lahat na dapat kong gawin bago ako napunta sa waiting area. Napahawak ako sa tiyan ko. Makikita na natin ang daddy mo, kunting tiis nalang. Hindi ko alam kong anong nangyare sa america, wala akong balita ng isang linggo. Gustuhin ko mang tanungin si Mrs. Revamonte alam kong wala akong makukuhang sagot, baka nga insulto lang makukuha ko. Narinig ko ang intercomm sa buong airport na aalis na ang eroplano papuntang america. Sumunod kaagad ako. Mula sa kinatayuan ko kitang kita ko ang malaking aiplane. Nag simula akong lumakad papunta doon. Sa sobrang pag mamahal ko kay Lucas, kayang kayang kong gawin ang lahat. Mahirap man o madali ang isang bagay kayang kaya kong gawin sa kanya. Tumulo ang isang butil kong luha habang papasok ako. Ganun din kaya siya? Gagawin niya ba ang lahat para sa akin? Tumulo pa ulit ang luha ko dahil nasasaktan ako, pakiramdam ko hindi sapat ang pagmamahal niya para sa akin. Pinunasan ko din ito ng nakaupo na ako. Pangalawa parin ako. Pangalawa ako sa lahat ng bagay pagdating kay Lucas. Mahal niya ba talaga ako? Pumikit ako kase alam ko sa puso ko He love me. Naramdaman ko ang pag mamahal nito sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman. I know he love me, at nagtitiwala ako sa pag mamahal ni Lucas para sa akin. Mahal ako ni Lucas at yan ang paniniwalaan ko. Naramdaman ko e. Ramdam na ramdam ko. Sunod sunod umagos ang luha ko ng hindi ko namalayan. Halos gusto ko nalang lumipad papunta sa america. Sobra sobra ang pag aalala ko para sa kasintahan ko dahil hindi ito nag paramdam ng isang linggo. Patay ang phone nito, at hindi ko alam kong anong nangyare. Pumikit ako ng mariin at pinunsan ang luha. Hindi ko minulat ang mata ko kahit naramdaman kong lumilipad na kami. At dahil doon naka idlip ako ng hindi ko alam. Sa kalagitnaan ng tulog ko, nagising ako dahil sa galaw ng kong sino sa tabe ko. Dahan dahan kongi minulat ang mata ko at napagtanto kong nasa ere parin kami. Tiningnan ko ang relo ko, isang oras akong nakatulog. "nagising ba kita?" napatingin ako sa katabe ko ng nag salita ito at tumambad sa akin ang isang lalaki na hindi ko kilala. Umiling ako bilang sagot saka ako umayos ng upo. Hindi pa ako makapag salita dahil kakagising ko lang. Inayos ko ang mukha ko. Nakakahiya kong meron man akong dumi sa mulkha. Umayos ako ng upo. Napatingin ako sa bintana. Nasa ere parin kami. "hindi naman" mahinahong sagot ko. Kailan ba kami makkakarating? Hindi na ako makapag hintay. Huminga ako ng malalim. Pati pag gising ko lucas parin iniisip ko.. "Do u want to eat?" napatingin ulit ako sa lalaking katabe kong nag salita ito. Napatingin ako sa nilahad nito at tumambad sa akin ang burger. Umiling ako dahil wala akong gana saka hindi ko type kainin "Thank You".nagpasalamatako saka ngumiti. Bumaling ulit ako sa bintana. Gabe na pala, "Are u sure? Well baka mahiya ka lang?" umiling talaga ako dahil wala talaga akong gana. Kumain naman ako kanina e bago ako umalis sa pilipinas. "anong gagawin mo sa america?" Biglaang tanong nito. Kumunot ang noo ko. Pati ba yan sasagutin ko? "meron lang akong pupuntahan." Ngiti ko dito ng pilit. Tumango naman ito saka kumain ulit. Pinagmasdan ko ang lalaki at hindi ko maipagkailang meron itong itsura, matangkad din ito pero mas matangkad siguro si Lucas. hindi na ako mapakali dito, gustp ko ng makarating at makita si Lucas. Kong alam ko lang na ganito ang mangyayare, noon pa ako sumunod doon. I need lucas so bad dahil bukod sa mahal ko siya, buntis din ako sa anak niya. "I'm sorry. Maingay naba ako? By the way..I'm Adan " naglahat ito ng kamay sa akin hbang palakaibigang nkngiti. Tumingin ako sa kamay nito saka ko kinuha "Selena!" Nakangiti kong sabe. Ito na ata ang pinagkabagal na byahe para sa akin. Hindi na ako makpag hintay. "what a nice name" ngumiti ako saka tumngo. Maganda talaga kase mama ko ang pumili e. nag kwemtuhan kami, masarap naman siyang kausap e saka ang gaan gaan ng loob ko. Nalibang ako sa kwentuhan namin saka tawanan kaya hindi ko namalayan na nag landing na kami. Pansamantala ko ring nakalimutan si Lucas. Sabay kaming tumayo, tinulungan niya pa akong kunin ang maleta ko. Sabay din kaming lumabas at sabay din kaming lumakad. Alam ko kong saan naninirahan ang mga samanego dahil tulad ng sabe ko nakapunta na ako dito isang beses. SELENA POV. Kaagad kaming nag hiwalay ni Adan ng landas ng napagtanto kong iba ang daanan namin. Kumaway ako sa kanya at ganun din siya. Kahit papaano gumaan ang loob ko sa presensiya niya. Kahit paano nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Sinalubong kaagad ako ng malamig na simoy ng hangin buti nalang nakapag handa ako ng makapal na jacket. Napangiti ako. Andito na ako Lucas. Sa wakas makikita na kita. Pumara kaagad ako ng taxi dito. Medyo malau ang building ng mga samanego dito. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakatingin sa mga naglalakihang mga gusali. Hindi na ako makapag hintay na makita at makasama ko siya. Gusto ko rin malaman ang kalagayan ni Olivia. Baby makikita na natin ang daddy mo. Kunting tiis nalang. Nakangiti ko itong binulong habanh nakatingin sa tiyan ko. Malapit kana maging isang buwan. Hindi na ako makapag hintay na masilayan ka, marinig ang tawa saka iyak mo, halos na imagine ko na ang lahat lahat. "thank you Sir" nakangiti kong sabe pagkatapos kong mag bayad. Narating namin ang samanego building. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan. Hindi ko alam kong bakit ang lakas lakas ng t***k ng puso. Kinuha ko ang maleta ko saka ako humarap sa malaking building ng samanego. Kinalma ko ang sarili ko kahit na parang hinahabul ang puso ko ng aso sa sobrang bilis. Pinindot ko ang doorbell ng pangalswang beses. Nasa harapan ako ngaun ng isang itim na gate. Mataas ito. Bumuga ako hangin para pakalmahin ang sarili ko. Halos nasasaktan na ako sa bilis ng t***k ng puso ko. Bumukas ang dobble door sa building ng samanego. Tumambad sa akin si maam na naka dress. Lumapit ito sa gate, hindi pa niya ako masyadong nakikita dahil madilim. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Dahan dahan binuksan ni Maam ang gate saka ako nag pakita. Ngumiti ako ng makita ako ni maam. Nanlaki ang mata nito habang kumurap kurap na para bang hindi namamalikmata lang na makita ako. "Maam.." napa atras ito ng isang beses ng marinig niya ang boses ko na parang gulat na gulat. Namumutla si maam. Kahit madilim alam ko ang itsura ni maam. "S-selena?" Gulantang na sabe nito. Nanlaki talaga ang mata. Alam ko naman talagang nakakagulat e pero kailangan ko talagang pumunta dito ng biglaan dahil sobra sobra ang pag aalala ko kay Lucas. "Is that you? Or namamalikmata lang ako" natawa ako ng mahina sa sinabe ni Maam kahit na ang bilis bilis na ng t***k ng puso ko. "pasensiya na po maam kong biglaan ang pagpunta ko dito, I need to see lucas," sinabe ko ang. Mas lalong nawindang si maam sa sinabe ko na ikakunot ng noo ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD