"I'M DONE!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko un sa kabilang linya. Kumunot agad ang noo ko.
"Sino un?" takang tanong ko. Tumingin si Lucas sa gilid na parang merong sininyas bago ulit binalik sa akin ang paningin.
"I'm sorry, mga kasambahay lang ng mga samanego" nakangiti nitong sabe. Tumango ako at naniwala sa sinabe nito.
"Ahm... by the way I have to go, kailangan ko pang bumalik sa hospital.... I'II call you later, i love you"
"Luc--"
hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinatay kaagad ang tawag. Napapikit ako saka bumagsak ang balikat ko.
SELENA POV.
Natulala ako ng ilang sandali pagkatapos pinatay ni Lucas ang tawag. Pumikit ako ng mariin saka ako dahan dahan tumayo upang tapusin ang pag luluto ko. Kumikirot ang puso ko, wala namang bago.
Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang kalagayan ko pero laging may sabit, laging may mangyayare. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakaling uuwi un at ako naman ang piliin niya.
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang physical na kirot sa puso ko. Tumulo ang isang butil kong luha pero kaagad ko itong pinunasan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Lagi nalng akong umiiyak, natatakot akong baka nakakasama sa anak ko.
Nag simula akong kumain,.pagkatapos kong nag luto. Nagluto lang ako ng gulay para healthy sa katawan ko. Tahimik akong kumain pero hindi ko maiwasang mangulila kay Lucas.
Ano kayang ginagawa non? Kumain na kaya yon? Nag papahinga ba un? Natutulog ba un ng tamang oras?
Ang dami kong tanong pero ni isa hindi masagot. Nakaka overthink at nakaka stress, natatakot akong nakakasama sa anak ko. Kahit pilitin kong wag isipin pero kusang pumapasok sa isip ko. Natapos ako ng kain na hanggang ngaun si Lucas parin ang isip.
SH*T!!
Bakit ba ganito? Ang hirap hirap. Gusto ko siyang ipagdamot pero ayokong maging selfish, kailangan din siya ni Olivia at alam kong talo ako kase kahit anong pigil ko kay Lucas, mas pipiliin parin non si Olivia kase pakiramda niya marami siyang pagkukulang sa ex girlfriend.
Pero...
Bakit kailangan palagi akong mag adjust? Bakit kailangan ako yong mag bigay lang ng mag bigay? Napapikit ako ng tumulo na namang ang luha ko. Physical na kumirot ang puso ko. Ang sakit sa dibdib.
Napahawak ako sa tiyan ko at tinigilan ko ang pag iisip. Nakakasama un sa bata, hindi pwede akong ma stress. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa nangingilid kong luha ng pumasok ako sa kwarto. Kaagad akong dumiretso sa banyo para makapag half bath, at para makapag pahinga.
Abala na naman siguro si Lucas sa pag aasikaso kay Olivia kaya panigurado hindi na naman ito makakatawag. Dumiretso muna ako sa kama pagkatapos. Nilapag ko ang phone ko sa cabinet saka so sinent ring tone nito, baka sakaling tatawag si Lucas, maririnig ko
Nag punta ako sa closet para magbihis. Hinalughug ko ang closet para maka kuha ng damit ni Lucas. Kinuha ko ang puting longsleeves nito saka ko sinoot, hindi na ako nag abalang mag short.
Pero..
Bago ko pa isara ang aparador ng mahagip ng paningin ko ang isang maliit na envelop. Kumunot ang noo ko saka ko ito kinuha at tumambad sa akin ang isang...
Plane ticket?
Papunta sa america. Mukhang naiwan ni Lucas sa sobrang pagmamadali. Siguro bumili pa un bagong ticket. Binalik ko ito ulit kong saan ko ito nakita bago ako pumunta sa kama.
SELENA POV.
Napabalikwas ako sa kama at kaagad dumiretso sa banyo ng maramdaman ko ang pag duduwal ko. Hindi na ako nag abalang mag soot ng tsinelas.
SH*T
Heto na naman. Kaagad akong lumuhod sa paanan ng inidoro para isuka lahat ng kinain ko. Ganun parin ang pakiramdam, parang pati laman loob mo masusuka din. Naluluha akong sumuka. Ang arte naman ang anak ko. Ni flush ko un saka dahan dahan tumayo.
Nag hilamos ako. Mukhang kailangan kong masanay na ganito pag umaga. Sinamantala ko ang pagkakataon na un para maligo. Whole day ako sa trabaho ngaun dahil wala naman akong pupuntahan saka kailangan ko rin ng pera.
Natapos ako sa pagligo, lumabas ako saka nag bihis. Hindi ko pa natingnan ang phone ko. Hindi ko alam kong tumawag ba ito o hindi. Nilapitan ko ito habang sinusuklay ko ang kulay brown kong buhok. Kinuha ko ito at tiningnan.
Nanlaki ang mata ko ng naka 5 missed call si Lucas. OMYGOD. Nilapag ko muna ang suklay saka ako umupo at kaagad tinawagan ang numero nito.
Nilagay ko ito sa tenga ko ngunit iba ang tumunog. Walang sumagot. Patay ang phone ni Lucas kaya hindi ko matawagan. Bumagsak ang balikat ko. Nakaramdam kaagad ako ng pang hihinayang. Sana hindi pa ako natulog kagabe.
Tinext ko nalang si Lucas. Humingi na din ako ng tawad. Nakangiti akong nag suklay ulit sa buhok. Ang lakas talaga ang epekto ng lalaking un sa akin, simpleng text saka tawag masaya na ako.
Hindi matanggal ang ngiti ko ng lumabas ako sa condo pagkatapos kong kumain. Halos hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang sayang naramdaman. Kaagad akong sumakay sa taxi ng huminto ito sa harapan ko.
Tiningnan ko ang phone na wala paring text o tawag si Lucas, siguro na puyat un kakatawag sa akin kagabe. Hindi nawala ang ngiti ko. Hindi nag tagal narating ko ang cofee shop. Nag bayad ako kay manong saka ako lumabas at pumasok sa coffee shop.
"Goodmorning!" Bungad ko kaagad sa mga kasamahan ko. Napatingin sila sa akin.
"Ang saya natin ngaun ah.." si Ella, ang kaibigan ko.
"Wala lang... bakit? Masama ba?" Nagkibit balikat ito saka nag patuloy sa trabaho. Dumiretso naman ako sa locker para makapag bihis ng uniform. Tinali ko ang mahaba kong buhok bago ako lumabas.
Dumiretso kaagad ako sa pinto para salubungin ang isang costumer. Nakangiti ako ngunit ngunit unti unti itong napawi kong sino ang nasa harapan ko ngaun.
"G-goodmorning po M-maam?" Mahina ang boses ko. Tumango ako saka ako nilagpasan, nakahinga ako ng maluwag.
"Hija?" Si Maam Celine Revemonte, kaagad akong humarap
"Po?" Sa maliit kong boses nag salita ako. Tiningnan ako ni Maam, mula ulo hanggang paa. Kinabahan kaagad ako. Hindi ko alam kong anong klasing tingin un.
"Hindi na ako mag paligoy ligoy pa. Do me a favor. Leave my son alone, I dont want you for him. Your nothing a waitress, hindi ka nababagay sa anak ko."
SELENA POV.
Natulala ako pagkatapos sabihin un ni Mrs. Revamonte. Ilang beses kong pinoseso sa utak ko ang sinabe niya. Isang malaking sampal un sa akin. Nanigas ako at hindi ako makagalaw. Kilala ako ni Mrs Revemonte? Paano? Oo nagkikita kami dahil kaibigan ito ni Maam Fey pero ni minsan hindi namam ako pinakilala ni Lucas.
Isang malaking katanungan sa isip ko kong paano nalaman ni Mrs. Revamonte ang relasyon namin ni Lucas. Bumagsak ang balikat ko ng muli kong naisip ang sinabe nito. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi pa ako napakilala ni Lucas pero hindi na ako gusto ng magulang nito.
Bumagsak ang balikat ko. Para akong nawalan ng lakas. I am nothing but a waitress? Hindi ako nababagay kay Lucas? Hindi naman basehan ang katulad kong walang pinag aralan at isang waitress lamang sa pag ibig. Mahal ko si Lucas.
"Hoyy... natulala ka?" Napatalon ako sa gulat ng biglang nag salita si Ella.
"H-huh?" Yan lang ang nasabe ko. Nagbara ang lalamunan ko. Nasasaktan ako sa sinabe ni Mrs. Revamonte.
"Kanina kapa tinatawag ni Maam." Nakangiwing sabe nito. Kaagad akong nag punta sa counter para kunin ang meryenda nila maam.
Sino nga ba ang mag kakagusto sa akin? Hindi ako nababagay sa isang katulad ni Lucas dahil isa lamang akong hamak na waitress. Para akong nanghihina dahil sa sinabe ni Mrs. Revamonte pero mag kakaanak na kami? Natatakot akong pati anak ko hindi matanggap ng pamilya niya.
Di bale, ang importante mahal ako ni Lucas at mahal ko rin siya. Ipaglalaban ko ang pag ibig ko. Dumiretso kaagad ako sa opisina ni Maam fey. Bahagyang nakabukas ito dahilan para marinig ko ang sinabe nila sa loob.
"Magkasama sila ngaun?" Dinig kong tanong ni Mrs. Revamonte. Kumunot ang noo ko. Sino ang pinag usapan nila.
"Yes..." dinig kong sagot ni Maam. Pinilig ko ang ulo ko ng napagtanto kong nakikinig ako sa usapan ng iba. Masama un, dapat hindi ko ginawa. Kaagad akong pumasok
Nakita ko pa kong paano pinisil ni Maam fey ang kamay ni Mrs. Revamonte. Nakangiti sa akin ang amo ko habang si Mrs. Revamonte naman ay walang emosyong nakatingin sa akin.
Naalala ko kaagad ang sinabe nito kanina at wala akong ibang naramdaman kundi ang pagka dismaya. Hindi niya ako gusto para kay Lucas dahil isa lamang akong waitres.
Anong mali sa pagiging waitress? Wala namang mali. Mahal ko ang trabaho kong ito kaya bakit ko ito ikakahiya. Dahil sa pagiging waitress nagkapera ako. Tumayo ako ng sarili kong paa.
Ngitian ko sila bago ako umalis. Sinara ko ang pinuan at don ko lang pala namalayan na kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko.
Pinilig ko ang ulo at dapat hindi na ako nag pa apekto sa sinabe ng mama ni Lucas, as long as lucas love me wala akong problema. Huminga ako ng malalim saka ako nagpatuloy sa pag tatrabaho.
Nag patuloy ako sa trabaho, hindi ako nag pa apekto sa sinabe ni Mrs. Revamonte, kahit ang bigat bigat sa dibdib, kahit paulit ulit itong pumapasok sa isip ko, pinilit kong wag damdamin.
Pumikit ako ng mariin ng nag karoon ako ng break. Napasandal ako sa locker. Ang bigat bigat sa dibdib.
"Oh bat parang namumutla ka? Ang saya saya mo kanina ah" napadilat ako ng marinig kong nag salita si Ella. Napa ahon ako. Umayos ako ng tayo.
"Masaya parin naman ako ah" sabe ko. Pilit na ngiti ang ibinigay ko dito. Tumango nalang si Ella, mukhang naniniwala naman sa sinabe ko. Bumabagabag parin sa akin ang salitang binitawan ni Mrs Revemonte, hindi matanggal sa isip ko.
Sampal un para sa akin. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang tinitingnan ang phone ko. Bagsak ang balikat ko ng wala man lang akong nakitang message o call ni Lucas. Mas lalong bumigat ang dibdib ko.
Nahihilo ako at natatakot akong hindi un maganda sa anak ko. Bigo kong tinago ang phone ko. Nangingilid ang luha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobra sobra akong naapektuhan sa sinabe ng mama ni Lucas.
"OK KA LANG?" sigaw un ni Ella mula sa pinto. Medjo malayo ako sa kanya. Napatingin ako doon.
"H-huh?" parang wala akong narinig. Nabibingi ako.