"I'm sorry Selena, I need to go" nag mamadali itong bumangon.
"Pero tek--"
Pinatay kaagad ang tawag. Nanghina ako. Napapikit ako, parang dinudurog ang puso ko. Tumulo kaagad ang luha ko at nahulog nalang ito sa unan.
Nanatili ako sa kama habang patuloy umaagos ang luha ko. Siguro dala lang ito sa pag bubuntis kaya naging masyado akong emotional. Pinunasan ko ang luha ko, may ibang pagkakataon pa naman para masabe kay Lucas ang tungkol sa kalagayan ko.
Tumingin ako sa orasan na nasa tabi ko lang nakapatong sa cabinet. Napapikit ako ng mariin ng ilang minuto nalang ma lelate na ako sa trabaho. Kahit nanghihina ay tumayo ako. Tinabi ko ang phone ko pagkatapos ng tawag ni Lucas.
Dumiretso kaagad ako sa banyo, naligo ako saka nagbihis na din bago ako nag punta sa kusina para makapag baon. Nakakalungkot. Bawat sulok dito sa bahay ay naalala ko si Lucas. Nakakapangungulila.
Pagkatapos kong nag baon ng sandwich lumabas na ako. Pumara kaagad ako ng taxi ng makababa ako. Naka soot ako ng simple tshirt saka jeans with snickers. Nakalugay ang brown kong buhok, at lumilipad ito sa dahil sa simoy ng hangin.
My name Is SELENA ANN DELA CRUZ. Ulila na at parehonh patay na ang magulang, nag tatrabaho ako bilang waitress sa isang cofee shop at kasintahan ni LUCAS RILEY V. REVAMONTE
Pumasok kaagad ako sa taxi ng huminto ito sa harapa ko. Tiningnan ko ang phone ko at nag babakasakaling merong message si Lucas pero wala akong natanggap. Bumagsak ang balikat ko at ako nalang mismo nag message sa kanya.
Nasa labas lang ng bintana ang paningin ko. Wala akong ibang nasa isip kundi si Lucas, kong anong ginagawa niya doon sa loob nh hospital. Narating din namin ang coffee shop. Lumabas kaagad ako pagkatapos kong nag bayad at dumiretso na sa loob.
"Goodmorning Selena" unang bumati sa akin si Ella, ang kasamahan ko dito or kaibigan na din. Dumiretso kaagad ak opisina ni Maam fey para makapag paalam na mag half day lang ako dahil kailangan kong mag patingin sa o.b
"Kumusta po si Olivia?" Tanong ko pagkatapos niya akong payagan sa gusto ko. Kumunot ang noo ni maam na napatingin sa akin.
"Why? What about my olivia?" Taka ring tanong ni Maam. Ako naman ngaun ang naka kunot noo. NAtigilan si Maam pagkatapos sabihin un na parang natauhan sa sinabe niya.
"Ahhh....Uhm.... s-she's c-critical" nauutal na sabe nito. Huminga ako ng malalim at nakaramdam din ng pag aalala. Umiwas ng tingin sa akin si Maam.
"Sana gumaling na!"
SELENA POV.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Maam Fey ay umalis kaagad ako sa opisina nito para makapag trabaho. Sinabe niya pa sa akin na pumunta lang ito dito sa para e check ang coffee shop na ito pero mamaya babalik sa america. Nakaramdam kaagad ko ng awa kay maam dahil sa kalagayan ni Olivia.
Nag simula akong trabaho. Sana gumaling kaagad si Olivia para maayos na ang lahat. panay ang ngiti ko sa mga costumer na dumadarating. Bumaling naman ako sa lalaking naka itim na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nilapitan ko ito saka ako ngumiti.
"What Can I do for u Sir?" Ngiti ko. Umupo ng maayos ang lalaki saka niya ako tiningala. Unti unting sumilay ang ngiti nito.
"Can I hold your hand for awhile? May titingnan lang ako." nagulat ako sa hiling nito, pero kalaunan unto unti ko ding binigay ang kamay ko sa kanya. Hinawakan niya ito at tiningnan, pilit kong ngumiti sa lalaking nakatingin parin sa kamay ko.
Weird?
Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang ilaw na parang galing sa isang camera o baka guni guni ko lang. Kaagad binitawan nong lalake ang kamay ko saka niya ngumiti sa akin ng matamis. Tumingin ako sa paligid, baka merong kumukuha ng picture dito sa loob pero wala naman. Guni guni ko lang talaga, dala ba ito sa pag bubuntis.
"I'd like some tea." Ngumiti ako saka ko iniwan ang lalake. Nag punta ako sa counter para sabihin ang order ng lalaki. Pinunsan ko ang pawis na namumuo sa noo ko saka ko kinuha ang phone ko at tumambad sa akin ang message ni Lucas.
Lucas:
I miss you.
Napangiti kaagad ako at kaagad ko itong nireplayan. Dinala ko kaagad ang tea sa lalaki. Pagud na ako kahit kalahati pang oras pa.
Tulad ng sabe ko ng half day nga ako. Nag paalam ako sa mga kasama ko bago ako lumabas. Ngayon ang check ko O.B gyn para naman alam ko kong iiwasan ko para hindi makasama sa anak ko.
Sumakay ako sa taxi habang nakangiti parin. Hindi na ako makapag hintay na masabe kay Lucas na mag kakaanak na kami, baka this time aayain na akong magpakasal.
Ako:
Ipagdadasal ko si Olivia na gumaling para makabalik kana kaagad dito. IMISSYOU and ILOVEYOU.
sinend ko kaagad ito sa kanya pagkatapos kong tanungin ang kalagayan ni Olivia. Mas lumala ito kaya hindi ko mapigilang hindi mag alala.
SELENA POV.
Narating ko kaagad ang clinic ni Dr. Ramos. Lumabas ako ng taxi pagkatapos kong nag bayad. Tinago ko ang phone ko sa bag ko pagtapos namin mag usap ni Lucas sa pamamagitan ng text. Kahit text lang, ok lang sa akin, masaya na ako.
Pumasok kaagad ako clinic at tumambad sa akin ang isang buntis na malaki na ang tiyan katabe nito ang asawa nito. Napangiti ako ng malungkot, sana andito din si Lucas sa tabe ko at sasamahan ako papunta dito. Pinilig ko ang ulo ko ng nakaramdam akong kirot sa puso ko. Umupo kaagad ako saka huminga ng malalim.
Kinakabahan ako at the same na eexcite. Hindi ko mapigilang hindi mag isip na sana andito si Lucas, ang saya siguro non. Mag kakaanak na kami. Hindi ko sinabe sa kanya sa text na buntis ako, gusto ko bibig sa bibig. Napangiti ako ng maimagine ko ang itsura niyang masaya dahil mag kakaanak na kami.
"Ms. Dela Cruz?" Bumalik ako ng sa ulirat ng narinig ko ang apelyedo ko. Sumulong doon ang ulo ng nurse sa hamba ng pintuan. Tumingin siya sa likuran ko, siguro nag babakasaling may kasama ako.
Umiling ako saka napangiti ng malungkot. Mag isa. Wala akong kasama. Pumasok kaagad ako sa loob at tumambad sa akin si Dr. Ramos. umupo ako sa harapan nito saka ko ngumiti.
"So Your 20 years old?" Tumango kaagad ako.
"Opo kaka 20 lang po nitong buwan." Ngumiti sa akin si Dr. Ramos saka tumango. Umupo ako ng maayos, sobrang excited ko.
"I would like you to perform urine test, tsaka natin e ta-transvaginal, so we'll know kung ilang weeks kana." Tumango kaagad ako aa doctor.
"How are u feelings? May craving kaba?" Umiling kaagad ako dahil wala pa naman e.
"What else do you notice?" Si Dr. Ramos
"Madalas po akong mbilis mapagod saka naduduwal po" tumango ang doctor bago niya ito sinulat.
"Avoid stress. Bibigyan kita ng magazine para makita mo anong mga sintomas na maari mong maramdamam, then change into this robe" tinuro ni Doc ang isang manilis na roba, tumango kaagad ako.
"Removed everything, at humiga ka nalng don pagkatapos. I'II ba back" tinuro din ni Dr. Ramos ang isang kwarto na merong nakasalut sa pinto na "Intersectal room" tumango ako sa doctor saka tumango.
Sinunud ko ang sinabe ni Dr. Ramos. Sinoot ko ang isang manipis na roba tulad ng sinabe nito at agad pumasok sa intrasectal room saka humiga doon. Huminga ako ng malalim, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galak.
Pumasok si Dr. Ramos ng ilang sandali kasama ang isang nurse. Napapikit ako, hindi ko rin mapigilang hindi kabahan. Tumabi sa akin ang nurse at nakita ko kaagad ang isang bagay na nilagay nito sa kamay niya.
Nilagyan kaagad ang tiyan ko ng isang malamig na cream, hindi ko alam kong anong tawag. Ilang sandali meron silang pinasok sa akin na isanh stick, gumalaw kaagad ako dahil sa sakit pero ilang sandali din nakikiliti na ako.
"You are"
Napatingin ko sa parang tv na nasa uluhan ko lang. Nangingilid ang luha ko habang nakatingin doon. Nakrinig pa ako ng tambol sa kong saan, ang akala ko galing lang un sa machine pero napagtanto kong heartbeat un ng anak ko.
"1 weeks pregnant, maaga pa naman" nakangiti ang doctor habang ako naman ay nangingilid ang luha ko habang nakatingin doon.
"Yan ba ang baby doc?" Turo ko sa isang maliit na bilog. Tumango ang doctor. Hindi ko matanggal ang paningin ko doon. Ang saya saya ko, sa sobrang saya napaiyak ako.
Mas lalong hindi ako makapag hintay na sabihin kay Lucas ang pag bubuntis ko. sigurado matutuwa un. Excited akong lumabas sa clinic habang dala dala ang magazine na binigay ng doctor.
Kaagad kong kinuha ang phone ko para ibalita kay Lucas na buntis ako. Hindi ko mapigilang ma excite sa reaction nito. Nilagay ko ang phone ko sa tenga ko, ring ng ring ang phone ko ngunit kaagad itong pinatay. Kumunot ang noo ko ngunit bago pa ako makahabkang at bumangga kaagad ako sa isang tao dahilan para mahulog anh mga dala ko saka phone.
"I'm sorry miss." narinig kong sinabe nito saka tinulungang kunin ang mga gamit ko sa lupa. Pinagpag ko ang magazine na dala ko dahil nadumihan ito ng kaunti.
"Ok la--- ohhh ikaw ulit?" Gulat akong napatingin sa lalaking nasa coffee shop kanina. Ngumiti ito sa akin saka niya inabot sa akin ang phone ko. Bahagya niya na munang hinawakan ang kamay ko bago niya ito binitawan.
"What are u doing here?" takang tanong nito umiling ako bilang sagot. Ngumiti muna ako bago ako nagpaalam dito. I need to call Lucas.
SELENA POV.
Nilagpasan ko ang lalaki bago ako pumunta sa tabi ng highway para maka abang ng taxi. Kasalukuyan kong tinatawagan ang numero ni Lucas. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Matagala itong nag ring at matagal din bago sinagot. Napangiti kaagad ng sinagot ang tawag. Pumasok kaagad ako sa taxi na nasa harapan ko na.
"Lucas?" Masaya at nakangiti kong bungad sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galak. Sinabe ko kay manong ang adress ng condo ni Lucas. Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang buntong hininga sa kabilang linyan
"Hija?" Mas lalong kumunot ang noo ko ng hindi si Lucas ang sumagot sa phone. Kong hindi ako nag kakamali ay boses ito ni Sir jhon, ang ama ni Olivia. Natahimik ako.
"Pasensiya kana kong kailangan kong hiramin ang boyfriend mo. Kailangan siya ng anak ko ngayong merong malubhang sakit.." nakaramdam kaagad ako ng pag aalala sa kalagayan ni Olivia. Naawa ako sa kanila dahil sa kalagayan ng pinakamamahal nilang anak.
"Si Lucas po?" Tanong ko kaagad. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ulit ni Sir.
"Naiwan niya ang phone niyo dito sa bahay, tumakbo kaagad papunta sa hospital sa sobrang pag aalala sa anak ko" bumagsak ang balikat ko.
"A-ahh p-pakisabe nalang po na tumawag ako" pilit kong ginawang normal ang boses ko at nag tagumpay naman ako. Binaba ko kaagad ang phone at sumandal kaagadsa backrest dahil sa panghihina. Napapikit ako dahil literal na parang tinusok ang puso ko sa sakit.
Kong pwede lang ipag damot si Lucas, kong pwede lang hilingin na umuwi nalang dito pero wala akong magawa dahil alam kong kahit papaano mahala si Olivia sa buhay ni Lucas dahil minsan na niya itong minahal. Alam ko ring malaki ang respeto ni Lucas sa magulang ni Olivia kaya wala itong utos na hindi sinusunod ni Lucas.
Pero?
Paano naman ako? Paano naman ang anak ko? Paano naman kami? Kailangan ko din si Lucas. Kailangan na kailangan ko siya.
Tumulo ang isang butil kong luha dahil kahit anong gawin ko mas uunahin non ang kalagayan ni Olivia. Parang nadudurog ang puso ko. Yumuko ako at tiningnan ang kamay kong pinaglalaruan ko habang patuloy umagos ang luha ko at nahulog na lamang ito sa kamay ko
Kahit anong pigil ko na wag maiyak pero hindi ko mapigilan lalo nat hindi ko na kaya pang pigilan. Tumingala ako para pigilan ulit ang nagbabadyang luha. Hindi dapat ako ma stress para sa anak ko. Meron pa namang mamayang gabe, bukas at susunod na araw na masabe kay Lucas na buntis ako.
Nanghihina akong umuwi sa condo pagkatapos akong hinatid ng taxi. Panay ang sulyap ko sa phone ko baka kasakaling merong text man lang si Lucas pero wala akong natanggap. Bumagsak ang balikat ko, kahit sana update lang para sana hindi na ako mag isip dito ng kong ano ano.
Tumulo agad ang isang butil kong luha habang papasok ako sa condo ni Lucas. Sinalo ko nalang kaagad ito ng palad ko. Nanghihina ako pero kailangan kong maging malakas. Hindi pwede akong ma stress, yan ang bilin sa akin ni Dr. Ramos.
Pumasok kaagad ako sa condo ng marating ko ang tamang palapag. Dumiretso ako sa kwarto para makapag bihis. Kailangan kong unahin muna ang sarili ko ang anak ko. Wala pa akong kain ng lunch at natatakot akong makaka apekto to sa anak ko.
Inalis ko pansamntala si Lucas sa isip ko. Kahit ngaun lang gusto kong manahimik at mag relax muna para sa anak ko. Kahit ngayong gabe lang. Tinali ko ang buhok ko bago ako lumabas at dumiretso sa kusina para makapag luto na ng lunch ko.
Pilit kong hindi pinasok si Lucas sa isip ko pero bigo ako, siya parin talaga laman ng isip ko kahit anong libang ko sa sarili ko.
Napapikit ako ng mariin at pinilig ang ulo para tanggalin ulit ito sa isipan ko. Nag concentrate ako sa pagluluto ngunit napatalon ako ng marinig kong tumunog ang phone ko.
Binitawan ko ang kutsilyo at inis na kinuha ang phone ko sa malaking soffa. Kinuha ko kaagad ito at tiningnan kong sinong tumawag ngunit halos lumundag sa saya ang puso ko ng makita ko ang pangalan ni Lucas dito. Kaagad ko itong sinagot.
Vedio call tumawag si Lucas kaya ko nakikita ang mukha nito. Nakangiti ito sa akin ng malungkot. Nakaramdam kaagad ako ng kirot. Umupo ako sa.soffa para maka usap ko siya ng maayos.
"I miss you" parang dinudurog ang puso ko ng marinig ko un dahil sa sayang naramdaman ko. Napangiti kaagad ako habang nangingilid ang luha ko
"I miss you too" nakangiti kong sagot.
"I'm sorry.." hindi ko alam kong para saan ang sorry na un pero tumango nalang ako. Tinakpan ko sandali ang camera ng phone para punasan ang luha kong tumulo.
"hmm? Last time we talk meron kang sasabihin sa akin. What is it?" Biglaang nitong tanong. Muntik ko ng makalimutan. Napa upo ako ng maayos. Bahagya pa akong tumingin sa tiyan ko bago ako tumingin ulit sa kanya.
"I'm preg--"