SELENA POV.
Natapos ko ang paglilinis ng buong kusina. Kumalma ako kahit papaano pero ramdam ko parin ang mugto ng mga mata ko. Kinalma ko ang sarili ko, kahit ngayong araw lang gusto kong mag magpahinga sa sakit. Kahit ngaun lang gusto kong maramdaman ng ginhawa.
Gabi na ng natapos ako, sa pag lilinis saka sa pag luluto, kailangan ko ring mag trabaho dito kase tulad ng sabe ko naninirahan lang ako dito para tulungan si Lucas maka alala. Hinanda ko ang lahat ng pagkain ng marinig ko sina Maam na kakauwi lang at pagkain kaagad ang hiningi.
Kasama ko na ngaun ang dalawang kasambahay para tulungan ako sa pag lagay ng pagkain sa dining area. Alam kong mugto parin ang mata ko galing sa pag iyak pero dibale na, hindi naman siguro un mapapansin.
Sumunod ako sa dalawang katulong palabas ng kusina para pumunta sa dining area at naabutan ko kaagad si maam at sir na kakaupo lang, siguro pagud na pagud sila sa trabaho.
"Ohhh hija? Ikaw ang nag luto?" tumango ako sa tanong ni maam saka ngumiti ng pilit, wala ako sa condition ngaun maging masaya, wala ako sa condition ngaun ngumiti ng totoo.
"Buti naman, ang sarap mo pa naman mag luto, " ngumiti ulit ako ng isang beses ko, buti nalang hindi napansin ni maam ang mata kong mugto mugto. Bumalik ulit ako sa kusina para kunin pa ang ibang pagkain.
Narinig ko kaagad ang boses ni Olivia na paniguradong pababa na, napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Hinintay kong makabalik ang dalawang katulong para sila nalang ang lagay doon, pero bumagsak ang balikat ko ng makitang abala na. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga bago ko napag disisyonang lumabas na.
"thanks tita.." naabutan kong sabe ni Lucas, bumilis ang t***k ng puso ko habang dahan dahan palapit ako sa kanila.
"Your welcome hijo but I wonder? Para saan ang party?" tanong ni maam, napakunot noo din ako. Party? Hmm mag paparty si Lucas? Para saan? Napatingin ako sa kanila at tumambad sa akin si maam na naguguluhan at si olivia habang si lucas, malaki ang ngiti.
"It's a surprise party tita.." nakangiting sabe nito habang nakatingin sa olivia na naguguluhan. Bumuntong hininga ako. unti unting nawala ang ngiti ni Lucas ng nakita akong palapit.
"Well, hindi na ako makapag hintay.." nakangiting sabe ni maam. Nag patuloy ako sa paglapit para ilapag ang natitirang pagkain.
"What is it babe?" naguguluhan tanong ni olivia kay Lucas. Ngumiti lang si Lucas at hindi na sumagot. Nilapag ko ang pagkain dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.
"Sit down selena, sumabay kana sa amin.."ngumiti ako saka umiling,
"Hindi na po, sasabay nalang po ako sa mga kasambahay" nakangiti kong sabe, ayoko munang sumabay sa kanila, kahit ngaun lang gusto kong maramdaman ang payapa, kahit ngaun lang gusto kong makatulog ng tahimik, kahit ngaun lang ayoko munang masaktan, kahit ngaun lang ayoko munang ma stress.
para sa anak ko.
Ngumiti ulit ako kay maam saka ako tumalikod sa dining area, hindi ko na nilingon ang banda nina Lucas dahil tulad ng sabe ko, gusto ko munang magpahinga.
SELENA POV.
Nakatulog ako ng payapa sa gabing un, kumain ako ng marami tulad ng plano ko. Nakipag tawanan ako sa kasama kong kasambahay kahit ang sikip sikip sa dibdib. Masaya naman silang kausap. Parehong pabagbiro.
Nagising din ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kaagad lumipad ang mata ko sa orasan na nasa ding ding ng kwartong ito at nanlaki ang mata kong 9am na. Kaagad akong bumangon, siguro ang sarap ng tulog ko.
Hindi muna ako nag bihis. Hindi rin muna ako ng banyo, mamaya nalang siguro. Lumabas kaagad ako ng kwarto at tumambad sa akin ang dalawa kong kasamang katulong na naglilinis na.
"Ohh gising kana pala Selena" dumiretso ako sa ref para uminom ng tubig.
"kumain kana pala, tapos na kami e. Ang tagal mong nagising.." umiinom ako ng tubig habang nag sasalita sila habang nag huhugas ng pinggan. Masarap nga ba? Siguro nga. Meron palang ganun? Kahit na ninikip ang dibdib mo masarap parin ang tulog, sana nga ganun nalang e.
"Umalis naba sila?" tanong ko, hindi ko pinansin ang mga sinasabe nila kanina. Lumapit ako dito para hugasan ang basong ginamit ko.
"Oo... naku magiging abala yan sila mamaya, narinig kase namin merong parting magaganap dito, diyan lang sa bakuran" kumunot ang noo ko sa sinabe ng isang katulong. Party para saan? Wala naman sinabe sa akin si maam pero natawa ako sa naisip ko. Bakit naman sasabihin ni maam sa akin kong anong magaganap? Eh isa lang akong katulong, isa lang akong impleyado sa kanila.
"Ang dami ngang tao diyan sa bakuran e, nag aayos para mamayang gabe.." usisa pa ng pangalawang katulong. Napabuntong hininga ako. Nilapag ko ang basong kanina ko pa pala hinuhugasan saka ako lalapit sa pintuan para sana lalabas ngunit napahinto din.
"Pupunta ba ang magulang mo dito mamaya hijo?" narinig kong tanong ni maam, napahinto ako sa pintuan ng kusina saka ako sumilip at tumambad sa akin si maam na kakababa lang sa hagdan habang si Lucas naman nakaharap kay Olivia habang inaayos ang kwelyo nito.
"Oo naman Tita, hindi pwedeng wala dito ang mga magulang ko, " ramdam ko ang saya sa boses ng lalaking mahal ko. Anong nangyare? Tungkol ba trabaho? Successful ba siya? Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, siguro ako ang pinaka uunang tao na magiging proud dito.
Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa lalaking naka ngiti habang nakatingin kay Olivia na nakangiti din. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko saka ako umiwas ng tingin. He's the only person who can hurt me so bad.
Ok lang!
Mahal ko e. Pinunasan ko kaagad ang luha kong tumulo bago ako huminga ng malalim, kailangan kong mag handa para sa trabaho.
SELENA POV.
Dumiretso ako sa kwarto para makapag ayos na para makapunta na sa trabaho. Kong ano man ang magaganap mamayang gabi, hindi ko alam, tungkol sa trabaho? O sa pagiging successful ni Lucas. Nag bihis ang ako ng damit saka nag soot na din ako ng jacket na makapal kase alam kong malamig sa labas. Lumabas ako pagkatapos at sinalubong kaagad ako ng dalawang katulong.
"Kasali pala tau sa pag hahanda ng pagkain mamaya." nagulat ako sa sinabe ng isang kasambahay. Napahinto ako. Ngumiti ako, buti narin siguro un para alam ko kong tungkol saan ang party. para alam ko kong saan naging successful si Lucas.
"Aalis kana ba? Uwi ka ng maaga ah, Closed naman ng maaga ang coffee shop e narinig ko sa sinabe nila" umiling ako sa pagiging chismosa ng dalawang katulong na ito. Ngumiti ako saka tumango. Nilapagsan ko na sila pero bago un..
"Para saan ang party?" Tanong ko dito, baka sakaling meron silang alam. Nagkatinginan ang dalawa bago sila sabay na umiling.
"Surprise daw e, excited na nga ko e, kong ano un.." dahan dahan akong tumango, ngumiti ulit ako ng pilit saka ako tuluyang lumabas sa kusina. Nasa tabe kase ng kusina ang kwarto ng mga kasambahay. Wala na akong taong nadatnan sa sala paglabas ko. Nakarinig ako ng mga taong nag sasalita sa bakuran
Tama nga sila, maraming tao doon para mag ayos. Kong ano man ang tungkol sa party na un, sana nga maganda un para kay Lucas, pagiging proud ako. Ako ang pinak uunang taong maging proud dito kahit na hindi na kailangan.
Lumabas na ako ng building at sinalubong kaagad ako ng malamig na simoy ng hangin. Parang uulan, nag aambon e. Napangiti ako ng malungkot, parang nakikidalamhati din ang panahon sa akin ah. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko saka ako tuluyang lumabas.
Hindi ko alam kong ipagpatuloy ko pa ang pilit ipaalala kay lucas, natatakot akong sasakit ang ulo nito. Tama si Olivia baka sasakit lang ang ulo ni lucas pag pinilit ko ang lahat. Sa sobrang desperado ko, sumakit ang ulo nito dahil sa akin.
Sumakay ako ng taxi, pagkatapos kong pumara, kaagad kong sinabe ang adress ng olivia's coffee shop. Nanatili ang paningin ko sa labas ng bintana habang nakayakap sa sarili ko. Ang lamig ng panahon.
Napatingin ako sa tiyan ko. Unti unti ko ng nakikita ang umbok ng tiyan ko kapag nag soot ako ng masikip, pero kapag tshirt at medjo maluwag sa akin, hindi pa naman makikita.
Napangiti ako. Hindi na ako makapag hintay na makita ka, masilayan ka, marinig ang tawa mo saka sa pag iyak mo. Pasensiya kana sa mga nag daang araw na palagi akong stress, ang daddy mo kase.
Hindi ko natuloy ang sinasabe ko sa isip ng makita ko ang isang butil kong luhang tumulo sa jacket ko. Agad akong tumingala para punasan ito. Kakasabe ko lang sa anak ko na wag mag paka stress.
SELENA POV.
Pinunasan ko ang luha ko bago ako lumabas ng taxi. Nakakapagud din pala umiyak. Nakakasawa din pala. Pumasok kaagad ako aa.coffee shop saka ako dumiretso sa locker para makapag bihis. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong ano ano ito pero isa lang ang sigurado ako.
Masakit.
Yan ang emosyong nangingibabaw sa akin ngaun. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nag babadya na naman. Kahit anong pilit ko sa sarili kong maging ok pero wala e. I failed, hahantong parin talaga sa sakit.
"oyyy sasabay ako sau mamaya ah papuntang samanego building," si mea na kakapasok lang. Tumango ako saka ngumiti. Invited pala talaga lahat ng impleyado dito. Bumabagabag talaga sa isip ko kong saan tungkol ang party. Succesful si Lucas? Kase pupunta sina Mr. Mrs Revemonte e.
"Tara, ang dami ng costumer.." nabalik ako sa ulirat sa sinabe ni mea. Tumango lang ako saka ako sumunod dito palabas ng locker para makapag trabaho. Sa trabaho muna ang focus ko ngaun. Hindi ko alam kong ano ang mas maganda.
Mag isa o merong kasama?
Sometimes it's better to be alone,no can hurt you. Kase nong araw na hindi ko pa nakilala si lucas ni minsan hindi ako umiyak. Lagi akong nakangiti, tumatawa pero nagbago lahat nong minahal ko ang isang lucas, don ko rin napatunayan na mas masarap pala pag may kasama ka, mas masarap pala kapag meron kang isang taong nag mamahal sau pero at the same time may kapalit na sakit ang lahat
Nag simula akong mag trabaho. Nilibang ko ang sarili ko sa pag tatrabaho at pakikipag usap sa mga costumer. Nakangiti ako paminsan minsan tuwing nag bibiro ang mga costumer na nakatira lang din dito sa america.
Pansamantala kong nakalimutan ang lahat, yong sakit at pag hihirap ko. Nilaan ko sa trabaho ang oras ko kaysa sa mag isip.
"Ang daming costumer, pahinga muna tayo." Tumango ako sa sinabe ni mea dahil un talaga ang gagawin ko saka kakain na din ako. Hindi ko alam kong ilang oras kaming nakatayo habang nag seserve ng mga order.
Masyado akong pagud pagkatapos. Uminom ako ng tubig sa kusina. Kailangan ko munang kumain para sa anak ko. Ang daming costumer kaya hindi pa kami nakapag pahinga.
Wala dito sina Lucas at Olivia, nag hahnda siguro sa party mamaya. Nag kibit balikat lang ako at hindi na masyadong nag isip pa, masasaktan lang ako.
Sa araw na un pagud na pagud ako sa trabaho dahil ang daming costumer. Halos wala ng bakanting upuan sa sobrang dami. Pinunasan ko ang pawis ko ng sa wakas nawala din lahat ng costumer dahil closed na. Ngaun ko lang talaga naramdaman ang pagud pagkatapos. Pumunta ako sa locker tumambad sa akin si mea na naka bihis na. Napatingin ito sa akin habang nag lalagay ng lips stick sa labi nito.
"ano na? bilisan muna. Nag sisimula na un.." 8 pm na natapos kami sa trabaho, kailangan ko nga palang umuwi ng maaga kase mag seserve kami ng pagkain. Hinubad ko ang uniform ko saka ko binalik sa locker, inayos ko muna ang buhok kong masyadong magulo na dahil sa pag tatrabaho.
Madali lang pala mag trabaho pag walang iniisip e. Yan ang napatunayan ko ngayong araw. Mas magaan sa loob pag wala kang iniisip at makakabuti pa sa anak mo.
"busog na busog tau ah, ang laki ng tiyan ko, buti hindi ka tumataba, ang ganda parin ng katawan, nakaka insecure.."kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa sinabe nito. Nag hubad kase ako ng damit para makapag bihis ng bagong tshirt, amoy pawis na ako e. Tumawa ako ng mahina sa sinabe nito, ginawa kong biro un.
Kong alam mo lang Mea, ngumiti ako ng pilit pagkatapos kong mag soot ng bagong tshirt. Lumabas na si Mea at iniwan ako dito. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako sumunod dito.
Nakapa excited nito kase ang sabe niya sa akin, hindi pa ito nakakapunta sa engranding selebrasyon. Unang bses niya itong dumalo, kaya hindi ko ito masisisi kng bakit ito sabik na sabik.
"Kakain ako ng maraming masasarap na pagkain doon mamaya.." masaya nitong sabe habang palabas kami ng coffee shop. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti dito saka tumawa ng mahina.
"at ikaw? wag kana kumain. Ang laki ng tiyan mo HAHAHA hindi na kakasya diyan.."nasa utak niya parin ang tiyan ko. Hindi niya parin ito tinantanan na maganda daw ang katawan ko. Hindi ko parin masabe na buntis ako. Natatakot ako. Ngumiti lang ako ng pilit kay Mea habang pinupuri ang katawan ko.
Pumara kami ng taxi. Ang ginaw ginaw, tumingala ako dahilan para makita ko ang mga bituing nag niningning. Wala sa sariling gumihit ang ngiti sa labe ko habang natingala sa langit.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Huminto ang taxi sa harap namin. Kaagad akong hinila ni Mea papasok. Napaka excited talaga nito habang ako.
Hindi ako mapakali. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan, kinakabahan din ako dahil alam kong makikita ko ang magulang ni lucas na paniguradong alam na kong ano kami ni lucas. Yumuko ako ng bigo at hiniling na sana panaginip lang ang lahat ng to.