"I'm fine too, you look good on ur uniform.." napatingin din ako sa soot ko, simple lang naman ito, hindi naman sobrang sexy para sa isang waitress. Ngumiti ako dito at ganun din siya.
"Selena!!!!" sabay kaming napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Lucas, kaagad bumili ang t***k ng puso ko, ang lakas talaga ng epekto ng lalaking to sa akin. Madilim ang paningin nito habang nakatingin sa amin ni Adam, palipat lipat ang paningin ito sa akin at kay adam.
"what are u doing?" mariing sabe nito, bahagya akong kinabahan. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.
"Ahhh..." nangapa ako ng salita pero walang lumabas sa bibig ko. Tumingin ako kay adam at ngumiti ng pilit.
"kailangan ko ng mag trabaho.." bulong ko dito pero alam kong naririnig un ni Lucas. Narinig ko kaagad ang malakas na buntong hininga ni Lucas na parang nawala ang mabigat na pasan.
"oras ng trabaho ngaun selena, you should know that..." tumango ako kay Lucas saka ako nag paalam kay Adam, tama naman si Lucas. Oras ng trabaho ngaun. Humarap ako kay Lucas at hindi ko mapigilang hindi mkaramdam kirot.
Please comeback!
Sana bumalik na ang ala ala mo. Umiwas ng tingin sa akin si Lucas at iniwan ako ditong bigo. Lumingon ulit ako kay adam at binigyan ng pilit na ngiti. Nag simula ulit akong mag trabaho.
I miss him.
Yeah I really do. Hindi na ako makapag hintay na bumlik ang alaala niya. Alam kong wala pa akong ginagawa ngaun kase naka buntot palage si Olivia dito, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nag simula ulit mag trabaho.
Bago pa lumaki ang tiyan ko, dapat alam na ni Lucas, dapat naalala na ako ni Lucas, alam kong mahirap ang gagawin ko pero dibale na worth it naman e kase mahal ko naman.
Binigay ko na kay adam ang order nito. Ngitian ko nalang ito saka ako iniwan dahil bukod sa oras ng trabaho ayokong mag selos si Lucas pag bumalik ang ala ala nito.
SELENA POV.
Pagud na pagud ako sa araw na un. Buong hapon akong nag trabaho. Sempre hindi ko rin nakalimutan kumain para sa anak ko. Hindi madali sa akin mag trabaho lalo nat nasa counter si Olivia at Lucas, halos hindi ko na gustong bumalik sa counter e pero wala akong magawa, tiniis ko nalang ang sakit.
Umuwi din ako ng sobrang pagud. Naunang umalis si Lucas dahil meron pa itong aasikasuhin at naiwan si olivia. Kasalukuyan akong nasa building na ng samanego ngaun, naka upo sa soffa dahil sa naramdamang pagud. Tahimik ang buildinh, mukhang hindi pa umuwi ang mga tao. Hindi ko nakita si Lucas pag uwi ko at ganun din si Olivia, hindi ko alam kong saan nagpunta.
Napaahon kaagad ako ng maramdaman kong maduduwal ako. Kaagad lumipad ang palad ko sa bibig ko saka hindi ako nag dalawang isip sa kusina para sumuka.
Napikit ako habang sumusuka, ganun parin ang pakiramdam, walang pinagbago. Naluluha ako habang dumuduwal, parang pati laman loob mo, masasali.
"Selena? Are You Okay?" narinig ko kaagad ang yapak ni Lucas at ang boses nito ng pag alala o bak guni guni ko lang. Nilisan ko ang bibig ko saka ko siy nilingon at tumambad sa akin si Lucas na naka pambahay na, kinagat ko ang png ibabang labi ko, ang akala ko meron silang lakad ni Olivia.
Lumapit ito sa akin habang kumukuha ng tubig sa fridge, napapikit ako habang nangingilid ang luha ko. Imissyou Lucas, kaagad akong umiwas ng tingin, yumuko ako ng marmdaman ko ang mainit na luhang dumaloy sa pisngi ko.
Nilapag niya ang basong merong tubig sa harap ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, parang dinudurog ang puso ko. Napatingin ako kay Lucas at tumambad sa akin ang mukha nitong walang emosyon. Nasasaktan ako. Kinuha ko ang tubig saka ako uminom.
"Naalala mo ba no--"
"Stop it!! Stop it will you? Tigilan muna ang pag papaalala sa akin sa mga ala alang ayoko ng maalala." Malamig na sabe nito, mas lalo akong nadurog.
"Pero Lu--"
"How many times do I have to tell you, I don't know who u are, I can't remeber you at hindi ako interesado maalala ka." Parang pinupunit ang puso ko habang sinasabe niya ito. Tumulo ang isang butil kong luha habang patuloy ako sa pag iling dito.
"girlfriend mo ako Lucas at hindi si olivia, ako si selena dela cruz, ang girlfriend mo, naalala mo ako?" Pagmamakaawa ko. Baka sakaling maalala niya ako pag sinabe ko ang buo kong pangalan
"ENOUGH! STOP IT, PINAPASAKIT MO LANG ANG ULO KO." mariing sabe ko nito habang nakahawak sa ulo nito, bahagya akong nataranta at nakaramdam ng pag aalala. Kaagad ko itong nilapitan pero kaagad din itong lumayo sa akin.
Please lucas!
Nangingilid ang luha ko habang nakatingin dito na walang emosyon. Buntis ako, gustong gusto kong sabihin na buntis ako pero natatakot akong hindi niya matanggap dahil wala itong maalala.
"WHAT' HAPPENING HERE?" bumaling kmi sa nagsalita at tumambad sa amin si Olivia, lumapit ito kay Lucas na nakahawak parin sa ulo nito, napunta naman ang galit na mukha sa akin ni olivia.
"I TOLD YOU SELENA, WAG MONG PILITIN IPAALALA SA KANYA ANG LAHAT, LOOK WHAT YOU'VE DONE? SUMASAKIT ANG ULO NIYA DAHIL SAU"
Susugod sana dito si Olvia sa akin pero pinigilan ito ni Lucas sa pamamagitan ng paghawak ng bewang nito.
"please calm down baby.." bulong un ni lucas sa tenga ni olivia dahilan para mas lalong ikadurog ng puso ko.
Tuluyan ng hinili ni Lucas si olivia palabas sa kusina at naiwan ako ditong bigo, luhaan, nasasaktan at durog na durog. Mahigpit kong hinawakan ang basong kanina ko pa hawak. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Halos hindi ako makahinga dahil sa sakit. Ang sakit sakit na makita ang lalaking mahal mo sa piling ng iba. Ako ang girlfriend pero hindi ako kilala. Sa lahat lahat ng pwedeng kalimutan bakit ako pa. Sa lahat lahat ng pwedeng hindi maalala bakit yong ala ala pa namin.
Napapikit ako sa sobrang sakit at natatakot akong naapektuhan ang anak ko. Sa sobrang desperado kong makaalala si Lucas, sumakit ang ulo nito dahil sa akin. Mas lalong umagos ang luha ko, sunod sunod ito na parang ulan.
Ang sakit sakit sa dibdib, ang sikip sikip, na parang gusto mo nalang mawala, yong parang gusto mo nalang itulog, kase sa pamamagitan niyan nakakalimutan mo ang sakit. Bakit nga ba nagkaganito? Bakit ganito ang nararanasan ko?
Do i deserve this?
Umiling ako at mas lalong umagos ang luha ko. Nanatili akong nakatayo sa kusina hindi makagalaw, nasasaktan at durog na durog. Tumingin ako sa pintuan kong saan lumabas si olivia at lucas kanina. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Kahit nanghihina ako ay pilit kong pinapalakas ang katawan ko para makahakbang lang paalis sa kusina para makapunt na sa kwarto. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha, paulit ulit ko itong pinunasan pero patuloy sa pag agos ang luha ko.
Kailangan kong tumigil sa pag iyak, baka makakasama sa anak ko. Kailangan kong iwasan ang stress para sa anak ko. sinubukan kong kinamla ang sarili ko saka ko dahan dahan nagpalit ng damit.
pagud na pagud ako ngayong araw dagdagan pa ng sakit sa puso ko, hindi ko alam kong bakit sa akin pa nangyare ito, hindi ko alam kong nararanasan ko ito.
Lumabas kaagad ako ng kwarto ng kasambahay at dumiretso sa kusina para makapagluto ng hapunan, kailangan ko ring tumulong dito dahil nakikituloy lang ako.
Pinunasan ko ang luha ko kahit alam kong walang silbi dahil tutulo parin ito. Nag linis muna ako ng kusina habang umaagos parin ang luha.
Pumukit ako ng mariin para pigilan ang damdamin ko. Tama na, baka nakakasama sa baby ang sobrang pag iyak. Ok lang sana kong meron akong pamilyang pag sasabihan ng mga nararamdamam ko, kahit kaibigan lang sana ok na ako.
Pero...
wala e, ulila na akong lubos, wala akong pag sasabian, si lucas nalang ang meron ako pero...
HINDI AKO MAALALA.
D*MN!