Kristina - The Good Mistress - Chapter four

1088 Words
CHAPTER FOUR • KRISTINA - THE GOOD MISTRESS ~~~~ RIZAL PARK, LUNETA. LUNETA, MANILA. "HINDI ko alam ang ibig mong sabihin." Nagpasyang tumayo si Kristina. Nakaramdam siya ng takot sa lalaking nasa harap niya ngayong nagpakilalang Connor Marasigan na ayon pa rito ay isa itong photographer. "Wait. Saglit lang, miss. Mabait ako. Totoong photographer talaga ako at naghahanap lang ako ng model and I saw you." Natigilan siya nang marinig ang mga salitang iyon mula rito. "I'm sorry, mister. Pero marami akong gagawin atsaka malayo pa ang bahay ko rito. Kailangan ko nang umalis." "Wait." Humarang ito sa daraanan niya na naging dahilan kung bakit nahulog ang mga librong dala-dala niya. Naging mabilis naman ang pagkilos ng lalaki at isa-isang pinulot ang mga bagay na dala-dala niya. Gusto niyang magalit sa ginagawang abala nito sa kaniya ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi niya magawang pagtaasan ito ng boses; siguro dahil natatakot siya at baka iba nga ang pakay nito sa kaniya. Writer si Kristina at likas na sa kanila ang pagiging observant. "I'm sorry. Here. Huwag ka naman matakot hindi ako masamang tao. Here is my Id." Kinuha niya ang ilang libro niya rito at tiningnan ang driver license na nilahad nito sa harapan niya. "My SSS and my passport I.D is on my car. Gusto mo rin bang makita para masigurado ko sa iyong hindi ako masamang tao." Connor Marasigan— iyon ang nabasa niyang pangalan nito gaya na lamang ng pagpapakilala nito sa kaniya kanina. "I'm a photographer. Actually, isa talaga akong chief in a fine dining restaurant but this is my first love— photography is my passion," nakangiting saad nito sa kaniya. Iniwas ni Kristina ang tingin sa mga mata nito. Magpapatuloy sana siya sa paglalakad niya nang muli itong humarang sa dadaanan niya. Wala naman kasi siyang pakialam kahit sino pa ito. Hindi siya interesado, iyon ang malakas na bulong ng isipan niya. "Miss Asuncion, I admire you lang for being a writer. Hindi ko alam pero parang may bumulong na lang sa tainga ko na ikaw ang perfect na subject ko para mangyari ang exhibit namin ng mga kaibigan ko." "B-bakit ako?" "Bakit hindi ikaw?" "Hindi ko alam!" "You're a perfect person to be part of our exhibit. Hindi ito free. May kikitain ka.. let's just call it talent fee. What do you think?" "Hindi ako after sa pera, Mr. Marasigan. I can have my own. Hindi ganoon kalaki ang sinasahod ng manunulat na kagaya ko kumpara sa isang chef na kagaya mo sa isang fine dining restaurant— but I can finance myself needs." Nagtangka pa sana syang aalis nang muli itong humarang sa daan niya, para na tuloy silang nagpapatintirong dalawa. "Excuse me!" "Miss. Miss, sandali. Wala naman akong ibig sabihin eh. I know you can. Hindi kita minamaliit, pero hindi ka ba magiging proud sa sarili mo kung makikita mo ang magandang kalalabasan ng lahat ng 'to?" "I'm not interested, Mr. May mga kailangan akong gawin at mahalaga sa akin iyon." "Hindi nito uubusin oras mo. Pangako. Sandali lang 'to. Mag-po-pose ka lang, kukuhanan lang kita ng ilang anggulo. Then. You can go. Promise, sandali lang 'to." Ngumiti ito sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa ilang librong hawak niya. Naalala niya ang last novel niya na isang photographer ang bida at isang sikat na modelo. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya? Pero fit nga ba siya sa sinasabi nito? Writer siya at hindi modelo. "Please—" parang may pagsusumamo sa boses nito. "Ilang minuto ba?" "Grabe naman! Less than two hours." "What? No." "Ihahatid kita. Huwag kang mag-alala kahit sa Cebu ka pa uuwi ngayong araw na 'to ihahatid kita." Hindi naiwasan ni Kristina ang mapangiti sa alam niyang biro ng lalaki sa kaniya. "Sa Sampaloc lang ako," pagbibigay-alam niya rito. "Great?" "Alas tres kailangan ko nang makauwi. Pero hindi ako magpapahatid and no buts—" madiing pagkakasabi ni Kristina sa kaharap. AYAW man sana pumayag ni Connor sa kondisyon ng nakilala niyang si Kristina wala na siyang magawa pa. He need to respect her decision, malaking bagay na rin naman kasi ang pagpayag nito na maging modelo niya ito. "Shall we start?" magalang niyang tanong dito. "Saan ba tayo? A-at ano ba ang gagawin?" "Ako bahala sa 'yo. I'm sure, na simple lang sayo to." "Bahala ka! Hindi ko na kasalanan kong hindi ako magiging fit sa hinahanap mo." "You are. Sure ako." Pilit na ngiti ang ginanti ni Kristina sa kaniya. Nilahad niya ang kamay niya sa daraanan nito at hinayaang mauna ang babae. Gusto niyang sa gawing unahan ng Monumento ni Rizal gawin ang pagkunan ng larawan ni Kristina. May kaugnayan ito sa sining at literatura ang trabahong pinagkakaabalahan nito, kaya magagawa niyang i-enhance pa ang gusto nyang ipakitang tema para kay Kristina. "Here. Since, kanina ko pa napapansin kung gaano mo pagmasdan si Rizal." Natawa ito sa sinabi niya. "Baka sabihin mo stalker mo ako ha, kaya ko nalalaman. Napansin ko lang kanina." "Wala naman akong sinabing ganoon, kaya huwag kang mag-alala and you don't have nothing to explain naman. Alam ko rin naman kasi na nakatuon kay Rizal ang mga mata ko. Idolo kasi siya ni Cynthia." "Cynthia?" "Nang babaeng karakter sa ginagawa kong novel. Idolo niya si Rizal, kaya ko nilalagay ang sarili ko kanina." "Abala pala talaga ako sa 'yo 'no? Sorry ha. Hindi ko sinasadya." "Tapos na iyon, naabala mo na pagmuni-muni ko." Sabay kaming natawa nang magkatinginan kaming dalawa. Magaan kasama si Kristina, iyon agad ang napansin ko sa ilang minuto pa lang na pag-uusap naming dalawa. Malakas ang loob kong hindi ito mahirap hawakan bilang modelo. She really looks professional. Idagdag pa sa points ang pagiging manunulat nitong bihira mo lang makakasalamuha sa tanang buhay mo— ang alam niya kasi sa mga taong may ganitong propesyon o hilig ay madalas nasa bahay lang ito o 'di kaya hindi mo talaga mapapansin kung hindi nito sadyang sasabihin. Katulad na lamang ni Kristina, ang buong akala niya ay estudyante ito. Sa tantiya niya nasa bente sais pa lang ang edad ng dalaga, hindi nagkakalayo sa kaniya. "So! Ano na gagawin? Titingnan na lamang ba natin si Rizal?" untag sa kaniya ni Kristina. "Walang problema sa akin kung nakatitig lang tayo kay Rizal — kung ikaw lang din naman ang kasama ko, kahit pa siguro maghapon o magdamag babalewalain ko," wika niya kay Kristina. Nagsalubong ang mga mata nila nang magtaas ito ng tingin at sa twina sabay din ang ngiting sumilay sa labi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD