Kristina - The Good Mistress - Chapter five

1039 Words
CHAPTER FOUR || KRISTINA - THE GOOD MISTRESS - ~~~~~ RIZAL PARK, MANILA. "OKAY NA BA?" tanong ni Kristina kay Connor. Nagawa niya naman ang lahat ng pinapagawang pose nito bitbit ang ilang librong dala niya. "You look so great. Sabi ko na nga bang kayang-kaya mo, Kristina," puno ng pagtitiwalang saad ni Connor sa dalaga. "Over ka naman. Simple lang naman din pala ang pinapagawa mo sa akin eh. Salamat ha. First time ko 'to and sa totoo lang hindi ko rin naman alam ang gagawin ko," sabi niya rito. "I believed in you, Kristina. Salamat din." Ngiti lang ang naging tugon ni Kristina sa sinabi ng lalaki dito. Mahirap pa rin para sa kaniya ang magtiwala sa pagkakataong 'yon. Sa ngayon ang gusto niya lang ay makauwi na, para masimulan ang bagong nobelang pinagkatiwala sa kaniya ni Martin Salcedo — ayon kasi rito nang mag-usap sila kanina sa opisina ay nasa maayos na ang lahat; ready to go na nga raw. Bagay na pinagpasalamat niya nang lubos dito, kaya nga hinayaan siyang umuwi ng maaga at may tatlong araw na break bago simulan ang nobela at matapos sa takdang oras na binigay nito sa kaniyang nilagdaan niya sa kontrata. Dalawang buwan ang binigay ni Martin para matapos at ma-edit niya ang lahat. Sapat ang panahong iyon para mapaganda niya ang kwento ni Cynthia at Duke na pinamagatang -WHEN THE LOVE IS GONE- "You're in character ba?" tanong ni Connor na nagpabalik ng kamalayan niya. Tumakbo na naman pala ang isip niya sa kung saan. "Sorry." "I understand. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya eh." Napatingin si Katrina sa relong pambisig niya, bente minuto na lang alas-dos na ang oras na naging usapan nila ni Connor kanina. "Kailangan ko na palang mauna. Okay lang ba?" aniya rito. Mabilis ang naging pagtayo ni Connor. "Ihahatid na kita, Kat," anito. "No. Hindi. Huwag na, kaya ko naman ang sarili ko eh. Hindi mo na kailangang gawin iyon." "Pero 'di ba sabi ko sa 'yo kanina?* "Na hindi ko sinang-ayunan," matigas niyang pagtanggi dito. "Okay lang ako, Connor.. Connor right? Hindi mo na kailangan magmagandang loob." "Paano kapag nasimulan na ang project? I mean ang exhibit? How can I contact you?" "Don't matter yourself. Sabi ko nga kanina, hindi man ganoon kalaki kinikita ko bilang manunulat ay kaya ko naman buhayin ang sarili ko... kaya hindi mo na kailangan mag-abala." "No. It's not that! I want to be fair— naabala kita! Nasayang ko ang oras mo. I want to know your place or kahit ang work place mo na lang." "No! You're not. Don't mind me. Masaya ako, it's a great experience for me.. naisabuhay ko kasi ang isa sa mga propesyon ng karakter ko sa kwento, kaya okay lang talaga. It's my pleasure." Nakakunot ang nuong nakatingin sa kaniya si Connor sa mga sinabi niya rito. "Ang gusto ko na lang gawin mo ngayon, ay hayaan mo na lang akong umalis mag-isa and do insist na kailangan mo akong ihatid dahil hindi na talaga kailangan." Sinamantala ni Katrina ang katahimikan nito kaya walang paalam siyang tumalikod para makalayo na kay Connor. "Katrina... Katrina.." Narinig ni Katrina na pagtawag ng binata sa pangalan niya. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya, nagbilang ng isa, dalawa, tatlo para kalmahin ang sarili't mapigilan nyang lingunin ang lalaking nakilala niyang Connor Marasigan. Just like what she said — hindi na nito kailangan malaman kung saan siya nakatira't pinagtatrabahuhan niya. ~~ HINAYAAN na lamang ni Connor ang gusto ni Katrina. Hindi niya na dapat pang ipagpilitan dito ang gusto niyang mangyari. Bigo man siyang makuha ang ilang impormasyon dito ay wala na siyang magawa pa, iyon ang desisyon ni Katrina. Nagkasya na lamang siyang ihatid ng tingin— bakas sa paglalakad nito ang pagmamadali. Hindi niya maitatanggi kung gaano ito nag-iwan ng maraming katanungan sa sarili niya ngayon; kabilang na rito kung saan ito nakatira at ang lugar na pinagtrabahuhan nito. Tumanggi kasi ang dalagang bigyan nya ito ng sweldo sa ginawa nitong pagpayag na maging modelo niya sa ilang oras na kinuhanan niya ito ng ilang anggulo. May ngiti sa labing isa-isang pinagmasdan ni Connor ang mga larawang kuha niya kay Katrina— may likas itong karisma, kaya sa bawat pag-click ng camera niya ay hindi niya maitatago ang paghanga niya sa kagandahang taglay nito. Kahit saang anggulo, maganda ang dalaga... ni hindi na nga nito kailangan ng make-up, 'She have a natural beauty,' bulong niya sa kaniyang sarili para sa dalagang nakilala niyang si Kristina Asuncion. Tama! Iyon ang sumagi sa isip ni Connor, kung wala man itong iniwang ibang pagkilanlan sa kaniya ay hahanapin niya na lamang ang babae sa pamamagitan ng social media— baka may friend space ito hindi malayong mangyari iyon at sabi nga nito kanina isa itong writer. Naniniwala siyang may sariling page or account ang dalaga na pwedi niyang sundan o kamustahin man lang ito— I mean ang ibalita ang resulta ng ginawa nila kanina. Pero bigo si Connor. Ginawa niya na ang lahat para hanapin ang account ni Katrina— gamit ang pangalang binigay nito sa kaniya. "Nagpanggap lang ba siya? Totoo niya bang pangalan iyon? Bakit hindi ko makita? Imposible naman yata!" bulong niya sa kaniyang sarili sa naging resulta sa inaakala niyang sagot sa mga tanong niya kanina. Ring ng sariling cellphone ang nagbabalik sa katinuan niya sa pag-iisip tungkol kay Katrina. -Clariz- ang tumatawag sa kaniya ang asawa niya. "H-hello!" mahinang tugon ni Connor sa kabilang linya. "Wala ka pa yata sa bahay? Ang akala ko ba sandali lang kayo ni Abner sa labas? Ano na naman ba 'to, Connor?" salubong na tanong sa kaniya ni Clariz. He already expect it. "May mga ginawa ako!" "Ginawa? E, nang tawagan ko si Abner nakauwi na ito kanina pa! Ikaw? Saan ka? May iba ka na bang inuuwian, Connor?" "Kung ayaw mong maniwala wala na akong magagawa pa! Dahil wala akong panahon sa mga pagdududa mo, Clariz!" tugon nya kay Clariz na hindi halos maikubli ang inis niyang nararamdaman dito dahil sa mga bwelta nito sa kaniya sa walang katuturang pagdududa nito. "Ikaw ang gumagawa ng dahilan para pagdudahan kita, Connor! Hindi mo ako masisisi!" matigas na saad sa kaniya ni Clariz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD